I’m bored Nilukot ko ang sinulatan kong isang pirasong papel at binato sa pwesto ni Migz. I would really appreciate it if he would make this day worthwhile or at least less boring. Pero mahirap umasa dahil alam ko namang hindi na siya ‘yung dating Migz na kilala ko na handang magpakabaliw mapasaya lang ako. Simula pa kaninang umaga, nasa couch na siya malapit sa glass wall samantalang nakaupo naman ako sa swivel chair. Nakabukas ang kanyang laptop at may mga folders at documents ding nakalatag sa lamesita. Kanina pa siya seryoso at mukhang may sariling mundo. Ni hindi niya ginalaw ‘yung breakfast na binili ko para sa kanya kaya malamang malamig na ‘yung kape. I’m not even sure if he could still remember that I’m also in the same room as him. Ngayon ko napatunayan na gaya ni Kuya ay na

