Chapter 22 Kyle's Point of View "Ano, kailangan pa ba naming sabihin? Sooner malalaman din naman ninyo kaya bakit pa namin itatago. Tanggapin man ninyo kami o hindi, ayos lang mga p're. Ang mahalaga sa akin, siya at ako. Kaming dalawa." buong tapang ko iyong inihayag sa kanila. Hanggang sa nagbigay sila ng espasyo at lumabas si Anne doon. May luha sa kaniyang mga nanlilisik na mga mata. "So, pa'no ako? Paano na tayo?" singhal ni Anne sa akin. "Kinausap na kita tungkol dito Drei, hindi ka sumunod sa usapan!" Nakapamaywang siyang humarap sa amin. Nang hilain ni Drei ang hawak kong palad niya ay lalo kong hinigpitan iyon. "Huwag, hindi mo kailangan matakot. Harapin na natin 'to. Ako ang bahalang kakausap sa kaniya." bulong ko kay Drei. Nakita ko ang pagluha ni Andrei. Alam kong tanda i

