Chapter 7

2997 Words
Chapter 7 I am decided on helping Liberty gaya na lang ng inalok ko sa kanya. The following day, I start searching for possible jobs that may fit her na hindi masyadong required ang educational background. I found few establishments who were in need of sales ladies and cashiers, nakakita rin ako ng wanted massage therapist sa isang spa. After jotting down every details ng mga for hire ay tiningnan ko sa internet ang tungkol sa program ng government ng Alternative Learning System. I was engrossed with what I am doing when my friend Francis approached my desk and saw the paper I am writing on. ‘Mukhang seryoso na seryoso ka pare. Ano ba yan?’ He stare at the paper and read it. ‘Bakit ka naghahanap ng job pare? Saka ano ito? ALS? Para saan ang mga yan?’ ‘It’s for a friend na gusto kong tulungan.’ ‘Mmm, sounds interesting. Sinong friend?’ ‘Si Liberty.’ sagot ko without glancing at him. ‘Liberty? Si Liberty ng Sextra Hot Club!’ tinitigan ko siya ng masama before glancing sa paligid namin. ‘Kailangan talagang sumigaw Francis?’ ‘Nagulat lang ako Christian.’ mabilis siyang umupo sa chair in front of my desk. ‘Tell me, friends na kayo ni Liberty? Since when pare?’ ‘Just yesterday.’ ‘Nagkita kayo ulit? Nag-punta ka sa club kahapon? Bakit hindi mo ako sinama?’ ‘Will you calm down Francis?’ I shake my head before saving the ALS details sa docs ko, I’ll have it printed later para maibigay ko kay Liberty soon. ‘Ano nga pare? Huwag ka naman pa-suspense diyan!’ ‘I suggest to her to find another job para makaalis na siya sa club and also mag-aaral siya sa ALS. I told her na hanapan ko siya ng job that will suit her na pwede pa rin siyang makapasok sa school.’ I see him raising an eyebrow with confusion written all over his face. ‘Why?’ ‘Anong why?’ ‘Why do this for her pare? The last person na nakita kong ganito ka ka-determined na tulungan was Caroline. Ngayon naman si Liberty. Anong meron pare? Type mo na si Liberty ano?’ ngumiti siya ng nakakaloko. ‘Your mind is really corrupted Francis. Puro junk ang laman.’ huminga muna ako ng malalim. ‘I am helping her because I want her to have a change life. Gusto kong makatulong ako na mabago ang buhay na nakasanayan niya, away from her recent job.’ ‘Bakit mo nga siya tinutulungan pare? What will you get from this?’ ‘Dapat ba kapag tumulong ka ay may mapapala ka in return? Can’t I just help her because I want to do a good deed sa iba?’ mas kumunot ang noo niya. ‘Honestly, I was at her place yesterday. Dun ako dinala ng mga paa ko when I needed someone to talked to kahapon.’ ‘Kaya ka pala absent kahapon.’ I just nodded. ‘So anong nangyari sayo at sa kanya sa bahay niya?’ He grin widely and judging by his expression ay alam ko na ang iniisip niya. ‘Nothing happened to us Francis. Hindi ako kasing-manyak mo sa babae.’ ‘Anong ginawa mo sa kanila then? Naglaro ng jack en poy!’ He chuckled with disbelief. ‘We’ve talked. A serious one. At dun ko nalaman ang kwento ng buhay niya. If you’ll hear her story pare, for sure maisip mo rin na tulungan siya. She didn’t want the job she is into now, but she has no choice dahil kulang siya sa pinag-aralan at walang magbigay sa kanya ng chance na makapasok sa isang decent na trabaho.’ naalala ko na naman si Liberty, the way her face looks like habang kinukwento niya sa akin ang mga pinagdaanan niya. ‘So that’s the reason why you want to help her?’ ‘Yes.’ ‘So you are playing Superman here, saving a person from danger?’ I shrug my shoulders. ‘Hindi ko lang maatim na narinig ko ang mga pinagdaanan na tapos wala man lang akong maitulong. Although she have declined my offer, but I will still help her. Sooner or later she will come to her senses, lalo na kapag nasa harap na niya ang opportunities. And all she has to do is to grab it.’ ‘I don’t know about you Christian, but I think you are attracted to Liberty. Mukhang nabihag ka na sa alindog at ganda niya.’ It was my turn to stare intently at him. ‘That’s ridiculous Francis. Kilala mo naman ang bukod tanging babae na mahal ko right? I just want to help Liberty, yun lang. Wala akong hidden agenda on her o yan sinasabi mo na attracted to her. Gusto ko lang siyang tulungan dahil deserve niya yun for being a good sister sa mga siblings niya. All she need is a little push.’ ‘Sana nga pare. Pero payo lang, huwag kang magsalita ng tapos dahil malay mo maiba ang destination ng lovelife mo at hindi talaga si Caroline ang para sayo.’ ‘Talagang ayaw mo kay Caroline ano?’ He just grin before standing up. ‘Hindi sa ayaw ko sa girlfriend mo pare, it is just a piece of advise lang. Masamang magsalita ng tapos. Remember that.’ iniwan na niya ako and went to his desk. Kahit na ano pa ang sabihin ni Francis, I know in my heart kung sino ang mahal ko. I am loyal to Caroline because I knew that she is also to me. What I am doing now for Liberty is all because of pity. Naaawa ako sa kalagayan niya kaya gusto ko siyang tulungan, yun lang yun. --- Nakuwento ko kay Liezel ang inalok sa akin ni Christian Grey kahapon pag-uwi niya mula sa school. Nagulat rin siya nang masabi ko sa kanya na siya yung lalaki na tumulong sa akin sa holdaper noong nakaraang linggo. Sabi niya sa akin na i-grab ko daw ang opportunity dahil sayang daw yun. Pagkakataon ko na rin daw na magpatuloy ang nakabinbin kong pag-aaral. Pero kahit pa na pareho sila ng sinabi ni Christian ay nagda-dalawang isip parin ako kung tatanggapin ko nga ba ang alok ng binata. Una kasi ay nag-aalangan ako na baka masayang lang ang tulong ni Christian Grey sa akin. Dahil baka hindi ko rin kakayanin na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Na baka ma-disappoint ko lang siya kalaunan dahil nasayang lang ang effort niya sa akin. Pangalawa ay iniisip ko ang gastos ko sa pag-aaral ko. Kahit pa sinabi niya na maliit lang naman kung sakali ang gagastusin ko, syempre gagastos at gagastos parin ako. May konting naipon naman ako sa mga nakuha ko sa trabaho ko pero nakalaan ang mga yun sa gastusin namin magkakapatid sa araw-araw at sa eskwela nila. Syempre gusto ko rin naman na magtrabaho sa iba, pangarap ko rin naman yun. Ayoko naman na tumanda na lang ako bilang call girl, isa pa ay hindi na ako magiging mabenta sa mga customers nun. At sino ba naman ang ayaw makapag-aral hindi ba? Syempre gusto ko rin yun na may matapos ako na kahit anong kurso na alam kong balang-araw ay mapapakinabangan ko. Kaya lang kasi, hindi rin maalis sa akin na tamaan ng hiya para kay Christian Grey. Hindi ko naman siya kaano-ano, ni hindi ko nga siya lubusan na kilala at hindi naman kami close. Parang hindi kasi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. Although mukha naman siyang hindi nagbibiro nang sabihin niya sa akin yun kahapon, kaya lang ay parang napaka-imposibleng tutulungan niya ako ng walang hinihinging kapalit. Sa pagkakaalam ko kasi sa panahon ngayon ay wala ng tao na ganon. Maganda nga siguro kung totoo, pero ayaw ko pa rin na umaasa. Baka mapahiya lang ako sa sarili ko kung aasahan ko ang sinabi niya pagkatapos ay hindi naman niya tutuparin. Inalis ko na sa isip ko ang tungkol sa bagay na yun. Kung mangyari man yun ay salamat sa Diyos pero kung hindi, ayos lang rin naman. Pumasok at kumayod na lang ako ng mabuti sa club kagaya ng nakagawian ko na. Pagdating ng Lunes ay nagdesisyon ulit ako na huwag ulit pumasok sa club, tutal ay matumal kapag ganitong araw. Naglaba na lang ulit ako ng mga damit namin magkapatid saka naglinis ng bahay. Nang pahapon na ay nagluto na ako ng gabihan namin at nagbasa ng magazine. Nagulat pa ako nang may tumawag sa akin mula sa labas namin. ‘Liberty!’ ilang boses ng kalalakihan ang narinig ko. Dali-dali akong tumayo saka binuksan ang pinto. Nakita ko sila Mang Damian, Mang Bert at Mon na malapad ang ngiti, kasama nila ang taong hindi ko inaasahan na babalik pa rito. ‘Sinamahan na namin itong boyfriend mo Liberty para wala ng mang-harang pa na iba diyan sa labasan natin!’ unang nagsalita si Mang Damian. ‘Kami na ang bahala sa kotse mo Boss! Hindi yun mapa-paano dito!’ turing ni Mon. ‘Salamat.’ tipid na sagot ni Christian Grey sabay abot ng limang daan sa mga ito. Napailing na lang ako. ‘Naku Boss salamat! Ang laki nito! May pang-inom na ulit tayo tropa!’ sabat ni Mang Bert. ‘Eh basta ba matino namin aabutan ang sasakyan nitong boyfriend ko ay palaging may ganyan kapag pupunta siya rito!’ sabi ko rin pagkaraan. ‘OO BA LIBERTY! SIGURADO YAN! WALANG GALOS AT SAFE NA SAFE SA AMIN YAN!’ tuwang-tuwa na sagot ni Mang Damian. Umalis na ang tatlo at naiwan sa harapan ko si Christian Grey. ‘Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ko naman sayo na hindi ka safe sa lugar na ito!’ napailing ulit ako at pumasok na sa loob. ‘Tuloy ka!’ sumunod siya sa akin sa loob. Pinaupo ko muna siya bago binalikan ang niluluto ko. Pinatay ko na ito saka siya hinarap. ‘Anong pinunta mo rito?’ malapad siyang ngumiti sa akin bago inilabas ang isang brown na envelope na hindi ko napansin kanina. ‘I came here to bring you this Liberty. Yung pinangako ko sayo the last time na nag-usap tayo.’ taka akong tumingin sa kanya. ‘Tingnan mo.’ ginawa ko nga ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kumpleto ang laman ng envelope. Detalye ng mga trabahong pwedeng pasukan pati mga forms na kailangan sagutan sa eskwelahan na sinabi niya sa akin noong nakaraan. May bahagi ng puso ko na natuwa sa mga nakita ko. Tinupad nga niya ang sinabi niya na tutulungan niya ako. Pero ang mas nagpaluha sa akin ay nang maglapag siya ng ilang piraso ng tig-isang libo sa ibabaw ng mesa. ‘Yan ay para sa mga gagastusin mo Liberty. Don’t get me wrong, alam ko naman na may ipon ka pero ayaw ko kasi na mabawasan mo pa yun para sa mga aasikasuhin mo. Bukas na bukas ay pwede ka ng mag-apply sa mga work na yan, tumawag na ako sa kanila para mag-inquire.’ mabilis na pumatak ang mga luha ko dahil hindi ko akalain na ganito siya, na ang bait niya talaga. Hindi na nga ako umaasa na tutuparin niya ang mga nasabi niya sa akin pero heto siya ngayon sa harapan ko. ‘Hindi ko alam kung matatanggap ko ang mga ito Christian.’ sabi ko habang pinunasan ko ang mga luha ko. ‘Try mo lang Liberty. Wala naman mawawala kung susubukan mo. Malay mo makapasa ka at matanggap ka sa apply mo. Pero diyan sa school ay sigurado na yan, kinausap ko na ang taong in-charge diyan. Sabi ko ay isasama kita sa office nila kapag nakapag-decide ka na.’ hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nagulat talaga ako at nabigla dahil hindi ko inaakalang tutupad siya, na tutuparin niya ang mga sinabi niya sa akin. ‘Yang pera, bigay ko talaga yan sayo bilang tulong ko sayo. But if ayaw mo ng bigay, then utang na lang. Utang mo na lang sa akin yan then pay me kahit kailan mo gusto.’ sinsero na sabi niya na talagang pumukaw sa damdamin ko. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit habang patuloy na naglalandas ang mga luha sa pisngi ko. Niyakap niya rin ako pabalik habang tumatawa. ‘Salamat Christian, maraming salamat.’ hinaplos niya ang likod para pakalmahin ako dahil humagulgol na ako sa dibdib niya. Sa ganun kaming akto inabutan ng kapatid kong si Liezel. Taka itong tumitig sa akin at tinitigan ng husto si Christian bago tumingin sa mesa kung saan nakalatag ang mga papeles at pera. ‘Ah Liezel, siya nga pala si Christian yung kinukwento ko sayo.’ agad kong pinunasan ang mga luha ko kasabay ng pagkalas sa yakap ni Christian. ‘Hello. Ako si Liezel.’ kinamayan ni Christian ang kapatid ko. ‘Anong meron?’ takang tanong ng kapatid ko. ‘Dumaan lang ako para ibigay ang mga yan sa Ate mo.’ ‘Tinanggap mo na Ate?’ tumingin muna ako kay Christian bago ako tumango sa kapatid ko. ‘Wow!’ tumingin si Liezel sa bisita namin. ‘Salamat Christian! Ang bait mo sa Ate ko.’ malapad siyang ngumiti dito bago yumakap sa akin. ‘I better be going Liberty. Dadaan pa ako sa apartment ni Caroline ngayon. May usapan kasi kami. Dinaan ko lang talaga ito sayo para maasikaso mo na agad.’ ‘Hatid na kita palabas.’ hindi na ako naghintay pa. Mabilis akong naglakad at diretso na sa pinto. Habang nasa daan ay hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko rin maiwasan na sulyapan ang lalaking naglalakad katabi ko na nakangiti rin. Pagdating sa sasakyan nito ay nakatayong parang gwardiya sila Mang Bert pero nagpaalam na rin nang makita na kami. Bago pa niya buksan ang sasakyan ay muli ko siyang niyakap at nagpasalamat. ‘I hope matanggap ka sa apply mo Liberty. Balitaan mo agad ako ha.’ ‘Sana nga matanggap ako.’ ‘Kaya mo yan, ikaw pa.’ nakangiti ako sa sinabi niya. ‘Kapag natanggap ka na ay saka natin puntahan ang ALS para maayos natin ang schedules mo.’ ‘Salamat ulit Christian, pipilitin ko na hindi kita mabigo.’ ‘Don’t think of that Liberty. Happy na ako kung makakatulong ako sayo.’ na-touch ako sa sinabi niya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya pero bago pa siya makapasok ay tinawag ko siya ulit. ‘Christian!’ tumingin siya pabalik sa akin. Mabilis ko siyang ginawaran ng halik sa pisngi. ‘Salamat ulit ng marami sa tulong mo.’ kagaya nang una ko siyang hinalikan sa pisngi ay namula ulit ang magkabilang tenga niya kaya natawa talaga ako. ‘It’s… Nothing really. Ahm, una na ako Liberty.’ dali-dali na siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya at tinanaw ko siya habang paalis. Para akong naglalakad sa ulap pabalik sa bahay. Biglang nabago ang mga plano ko para bukas. Imbes na late na akong gigising para maghanda sa pagpasok ko sa club, maaga akong babangon para puntahan ang trabahong aaplayan ko. At kapag hindi ako natanggap sa unang trabaho na ibinigay ni Christian ay pupuntahan ko naman ang sumunod. Pagpasok sa bahay ay naabutan ko si Liezel na binabasa ang mga papeles sa mesa. ‘Ikaw na ang swerte Ate! May application form ka na para sa school at details ng job application mo, may pondo pa! Ang ganda mo Ate! Ang haba ng buhok mo!’ natawa na lang ako sa sinabi niya. ‘Baka naman type ka ng Christian na yun Ate! Hindi kaya? Kaya ka niya tinutulungan ng ganito ay baka may gusto siya sayo!’ ‘Malabo yan Liezel dahil may girlfriend na siya. At loyal siya sa girlfriend niya!’ ‘Eh? Pero ang bait niya Ate. All out support siya sayo. Sana kapag nagka-boyfriend ka ay kagaya niya, or mas okay siguro kung siya na ang maging boyfriend mo! Mabait na, supportive pa at gwapo! Mukhang palaging mabango kahit pa pinagpapawisan na! Ako kaya kailan ako makakakita ng kagaya ni Christian?’ tinampal ko ang braso niya. ‘Ate naman!’ ‘Anong kailan ka diyan! Mag-aral kang mabuti at saka na yan boyfriend na sinasabi mo!’ ‘Joke lang naman Ate! Hindi ka na mabiro! Pero Ate, sana kung magka-boyfriend ka ay si Christian na lang. Sana maghiwalay na sila ng girlfriend niya para mas may possibility na maging kayo.’ ‘Gaga ka! Ang mga sana mo ay walang patutunguhan yan! Nakita mo naman si Christian ano! Hindi niya gugustuhin ang isang babaeng kagaya ko! Gusto nun disente! Yung babaeng may mataas na pinag-aralan at pwede niyang ipagmalaki sa mga magulang niya! At hindi ako yun Liezel, malabo yang sinasabi mong yan.’ ‘Malay mo naman Ate. Libre lang ang mangarap ano! Kaya lakihan mo na ang pangarap mo!’ Tulog na ang mga kapatid ko, hating-gabi na pero hindi parin ako dalawin ng antok. Hyper pa rin ang nararamdaman ko ngayon, pinaghalong tuwa at pasasalamat hindi lang sa Diyos kung hindi ay para rin kay Christian. Hindi ko lubos maisip na ganun siya kabait na handang tumulong sa mga kagaya ko. Hindi ko akalain talaga na may isang salita siya at tutupad siya. Sa ginawa niyang ito ay mas lalo lamang akong humanga sa kanya, mas lalo niya akong pinahanga sa kanya. Siguro nga ay sinuwerte ako ngayon matapos ang lahat ng mga pinagdaanan ko na hirap sa buhay, pero ang tanging masasabi ko lang ay swerte ako dahil nakilala ko ang isang Christian Grey na may ginintuang puso at kalooban.   -------,--’--{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD