Chapter 6

2708 Words
Chapter 6 Halos isang linggo na ang nakalipas mula ng muntik na akong ma-holdap habang nag-aabang ng jeep sa kanto ng mall na pinuntahan ko. Ilang araw na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa isipan ko ang taong nagligtas sa akin. Naging laman siya ng isip ko mula nang gabing yun hanggang sa ngayon. Alam kong nagpasalamat na ako sa kanya ng ilang ulit pero parang hindi sapat ang ginawa ko, parang feeling ko ay kulang pa ang pasasalamat sa kabayanihan na ginawa niya. Marahil siguro ay dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may lalaking nagligtas sa akin sa kapahamakan na hindi ko kilala o kaano-ano.  Lunes ngayon kaya nagpasya akong huwag na lang pumasok mamayang gabi at mag-asikaso na lang ng mga dapat gawin dito sa munting bahay namin. May pasok ang mga kapatid ko kaya ako lamang dito sa bahay. Maaga pa lang pag alis ng dalawa ay nagsimula na akong kumilos, inuna ko ang mga labada namin para matuyo agad. Matapos maglaba ay naglinis ako ng loob ng bahay at nilampaso ito. Dinamay ko narin ang ilan hugasin na ginamit namin sa almusal kanina. Nang maayos ko ang loob ng bahay ay naglinis naman ako sa unahan ng bahay namin saka pinagsama-sama ang mga kalat sa isang sako na dadalhin ko mamaya sa tambakan ng basura. Nagpahinga lamang ako saglit saka naglakad palabas ng kalsada namin bitbit ang sako ng basura namin. Pabalik na ako nang may narinig akong malakas na tawanan ilang metro sa kanto. Hindi ko na sana papansin ang mga ito ang kaso ay hindi nakaligtas sa akin ang sinabi ng isang tambay sa amin.  'Arbor na itong relo mo bossing! Mukhang mamahalin saka mukha naman marami kang ganito sa inyo!' napailing na lamang ako. Lantaran ang pangingikil dito sa lugar namin lalo pa kung alam nilang dayo lamang at hindi taga rito.  Dala ng kuryosidad ay tinatanaw ko ang taong kinikikilan ng mga tambay. At literal na nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko ang taong yun.  'HOY! MGA KUPAL! ANO YAN?' 'Uy Liberty ikaw pala!' nangingiti pang bati sa akin ni Mang Bert na tumanda na lang sa pangingikil sa kapwa.  'INAANO NIYO ANG BOYFRIEND KO!' nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay hinawakan kong bigla ang kamay niya. 'KAYA PALA KANINA KO PA HINIHINTAY SA BAHAY EH HINARANG NIYO PALA!'  'Eh nobyo mo ba ito Liberty? Sus mukhang naka-jackpot ka na ngayon!' sabi naman ni Mon na isa pang ginawang negosyo ang pangingikil. 'Humihingi lang naman kami ng konti dito sa nobyo mo Liberty. Kahit pang-inom lang ba.' segunda naman ni Mang Damian na kasama rin sa kikil boys. Kaagad akong dumukot sa likuran na bulsa ni Christian Grey saka kinuha ang wallet nito, hindi naman siya pumalag. Kumuha ako ng dalawang isang daan.  'O AYAN! AYOS NA SIGURO YAN SA INYONG TATLO?'  'SALAMAT LIBERTY! IBA KA TALAGA! ANG BAIT MO TALAGA! KAMI NG BAHALA SA NOBYO MO SA TUWING MAGPUPUNTA SIYA RITO, WALANG GAGALAW NIYAN DITO SA ATIN!' tinanguan ko pa sila saka hinila ang kamay niya palayo sa mga ito.  'Anong ginagawa mo dito sa amin? Kung hindi pa ako naki-usyoso, uuwi kang hubad sa lugar na ito. Swerte mo kung yun lang ang abutin mo. Bakit ka ba nagpunta kasi rito?' tuloy-tuloy kong sabi habang akay-akay ang kamay niya papunta sa bahay namin.  'Wala kasi akong maisip na puntahan today.' napahinto ako sa sinabi niya.  'Anong akala mo sa lugar namin? Mall? Bakit hindi ka na lang sa mall talaga nagpunta, di hamak na mas malamig pa dun at mas malinis kaysa dito. Hindi ka nababagay sa lugar na ito.' nagpatuloy na ako sa paglalakad. 'Gusto ko kasi na may makausap Liberty.' muli akong napahinto at binalikan siya ng tingin. Halata sa mukha niya na may matindi siyang problema at kailangan niya ng makakausap. Ang pinagtataka ko ay lang ay bakit ako ang pinuntahan niya. 'Tara sa bahay, sumunod ka sa akin.' binitawan ko na ang kamay niya saka dumeretso ng lakad. 'Pagpasensyahan mo ang bahay namin ha, malaki pa siguro ang kusina niyo sa bahay namin.' pumasok na ako sa loob at sumunod din siya. Hindi ko na pinahubad ang sapatos niya dahil baka mabutas ang medyas niya sa mga nakausling pako sa sahig namin. Sa kusina ko siya pinaupo, yun lang naman ang may upuan dito sa loob namin. Umasim ang mukha ko nang siyasatin niya ang kabuuan ng tirahan namin. 'Dito ako nakatira, ito lang ang kaya kong upahan sa ikita ko sa club dahil nag-aaral pa ang mga kapatid ko.' 'Maayos naman ang bahay mo Liberty, although a bit small pero malinis naman.' napangiti ako sa sinabi niya.  'Teka! Ang kotse mo! Saan mo pinarada? Baka kalansay na yun pagbalik mo!'  'Wala akong dala. Nag-taxi lang ako papunta dito.' nahimasmasan naman ako sa narinig.  'Pasensya ka na kung tubig lang ang maiaalok ko. O gusto mo ng softdrinks? Ibibili kita sa labasan.' 'Huwag na Liberty, ayos lang ako.' umupo ako sa kabilang upuan, kaharap niya. Pang-apatan lang kasi ang mesa namin. 'Bakit ka nga pala ulit mapadpad dito? Sabi mo gusto mo ng makakausap. Eh nasaan ang mga kaibigan mo na kasama mo nung gabi sa club? Bakit hindi sila ang pinuntahan mo?'  'Nasa trabaho sila ngayon. Hindi ako pumasok today. Wala ako sa sarili ko lately, halos one week na rin.' saka siya nag pakawala ng malalim na buntong-hininga. 'Mukhang malaki nga ang problema mo ha. Teka ganito ha, maliligo lang muna ako. Hindi pa ako naliligo eh, ang baho ko na. Nakakahiya sayo. Kanina pa ako nag-asikaso dito sa bahay. Pagkaligo ko, iyong-iyo na ako.' nagulat naman siya sa sinabi ko kaya natawa ako ng malakas. 'HAHAHAHA! Ibig kong sabihin ay makikinig na ako sa ano man ang problema mo pagkatapos kong maligo.' nginitian ko siya ng malapad saka iniwan muna siya sandali.  --- Hindi ko alam kung bakit dito ako napadpad kila Liberty, of all places na pwede kong puntahan ay dito ako dinala ng mga paa ko. Honestly, I am so stress right now. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagsimula ito the following night right after ng pumunta ako sa apartment ni Caroline at same day na niligtas ko si Liberty sa taong gustong mang-holdap sa kanya. Hindi ko na kasi nakita si Caroline nang gabi na dapat ay susunduin ko siya sa building where she works until last night. According to her officemates ay nag-file daw ito ng one week emergency leave. Nang puntahan ko ito sa apartment sa pag-aakala na baka may sakit siya ay wala naman ito dun. I tried calling her but she's not answering, nag-iwan rin ako ng ilan messages pero wala rin akong natanggap na reply. I am really worried about her safety and her welfare. Hindi ko alam kung nasaan siya. Araw-araw after work ay dumaan ako sa apartment niya to check on her if she's there already pero wala, she's nowhere to be found. Kaya talagang tuliro ako ngayon at hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko lately. Kinuwento ko kay Liberty ang lahat pagbalik niya. Nakikinig lang siya while munching some snacks. I felt relieved kahit papano nang matapos kong sabihin sa kanya ang problema ko. Tinawanan mo niya ako right after kong masabi ang lahat na pinagtaka ko. 'Ang liit lang ng problema mo Christian Grey kumpara sa araw-araw na pinoproblema ko.' iling na sabi niya. 'Problema mo lang ay ang girlfriend mo, samantalang ako ay maraming bagay. Sa sobrang dami ay hindi ko malaman alin ang uunahin kong harapin.' ngumiti pa siya sa akin na para bang masaya pa siya kahit pa mas marami daw siyang problema sa akin. 'I have other problems also Liberty pero at the moment ay ito ang priority ko that I want to resolve.' 'Baka naman nagpapalamig lang ang girlfriend mo. Kasi nga hindi ba ay na-badtrip siya dahil na-late ka sa usapan nyo dahil sa pagligtas mo sa akin tapos samahan pa na gutom na siguro talaga siya. Kaya siguro sobrang galit niya sa'yo. Pero alam mo sa totoo lang, ang babaw niya ha! Hahahaha! Ang babaw ng dahilan niya para magalit siya sa iyo ng ganyan!'  'Well maybe you are right Liberty. Siguro nga she is just unwinding and removing her stress sa akin. Kaya lang kasi, hindi ko maalis na mag-worry about her.' 'Natural dahil mahal mo siya kaya ka nag-aalala! Pero alam mo Christian Grey kung ako yun at may sapat ka naman na dahilan kung bakit ka late, naiintindihan kita. Saka jusko naman! Eh kung nagugutom na ako kakahintay sayo aba syempre kahit papaano ay kakain ako ng kahit ano sa loob ng ref ko kaysa magtiis na nagutom ako ng sobra. Dapat ganun ang ginawa ng girlfriend mo, hindi yung hinayaan niyang magutom siya kakahintay sayo!' 'You have a point there Liberty, pero ganun kasi talaga si Caroline eh. Saka kapag pinangakuan siya ay dapat matupad nang hindi delayed.' nakatitig siya sa akin habang nakapalumbaba sa table at dahil naiilang ako sa mga titig niya ay nagbaba ako ng tingin. 'Sa totoo lang, ang swerte-swerte ng girlfriend mo sa'yo.' nag-angat ako ng tingin sa kanya. 'Kasi ang bait-bait mo saka ang gwapo mo pa tapos mayaman ka pa pero humble. Tapos disente ka pa saka may magandang trabaho. Kumpletos rekados ka na nga eh! Kung ganyan siguro ang magiging boyfriend ko, hinding-hindi ko na pakakawalan pa. Baka makuha pa ng iba at maagaw sa akin.' 'Mabait rin naman si Caroline, although may pagka-materialistic. But I guess it's natural for women to want glittery things. Malambing rin siya.' 'Pero swerte talaga siya sa'yo. Sana ako din balang-araw ay makatagpo rin ako ng lalaking kagaya mo.' nginitian ko lang siya. 'Alam mo kasi sa totoo lang, never pa akong nagkaka-boyfriend. Maaga kasi akong namulat sa responsibilidad sa mga kapatid ko, maaga kasi kaming nawalan ng mga magulang kaya ako ang tumayo na tatay at nanay nila Lorenzo at Liezel.' at dun na siya nagsimulang magkwento sa akin ng about sa buhay niya. 'You're a good sister Liberty.' sabi ko right after she told me her story. Ngiti lang ang ginanti niya sa akin. 'Saka trials lang ang mga nararanasan niyo ngayon, pagsubok lang ang mga yun. Malay mo naman pati someday, someone will come along para maging kasama mo habang buhay.' 'Malabo siguro yun Christian Grey. Malabo pa siguro sa pag-ulan sa Saudi.' 'Bakit naman?' kumuha narin ako ng isang pack ng chips at binuksan ito. Masarap siyang kakwentuhan, masyado siyang madaldal at may mga sense ang mga sinasabi niya. 'Alam mo naman ang linya ng trabaho ko. Sino naman ang matinong lalaki na papatol sa katulad ko? Sino ang disenteng lalaki ang magkakagusto sa isang pokpok na kagaya ko? Baliw siguro baka pwede pa! Hahahaha!'  Sabagay ay may point rin siya. Nobody nowadays gets serious to a hooker. Meron siguro but one over one hundred ang ratio. Iba talaga ang tingin ng society sa mga kagaya ni Liberty especially if they will be judge from their outside appearance at isa na ako dun before na humusga sa kanya at sa pagkatao niya. Pero ngayon na nagkukwentuhan kami at nalaman ko kahit paano ang kwento ng buhay niya, masasabi kong napasubo lamang siya sa trabaho niya ngayon. Na ayaw niya ng trabaho niya pero wala siyang pagpipilian. Maybe if given a chance na makapag-trabaho siya sa iba ay for sure hindi niya nanaisin na maging isang call girl. Nagkataon lang na ito lang ang alam niyang pwede siyang kumita ng malaki sa mabilis na paraan. I pity her for that. Kahit ayaw niya ay kailangan niyang gawin, hindi lamang para mabuhay siya kung hindi ay para mabuhay ang mga kapatid niya. Kung nakapagtapos lang sana siya ay pwede ko siyang ipasok sa company namin.  'Bakit hindi ka kumuha ng Alternative Learning System Liberty. Para magkaroon ka ng trabaho na gusto mo talaga pagkatapos mong mag-aral.' biglang sumagi sa isip ko ang program ng government para sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral for certain reasons na nalipasan na ng panahon. 'Naku! Gastos lang yun Christian Grey! Hindi ko kaya yun tapos nag-aaral pa ang dalawang kapatid ko. Gusto ko makapagtapos muna sila para matupad nila ang mga pangarap nila, saka na ako.' humanga naman ako sa sinagot niya but at the same time ay malungkot rin ako for her. She is willing to sacrifice herself and what she wants to achieve for the sake of her siblings. Nakakatuwa dahil ganun niya kamahal ang mga kapatid niya na kahit siya ang magdusa, basta maiahon niya ang mga ito. Nakakabilib siya. 'What if hanapan kita ng temporary work na hindi pang-gabi para you will have enough sleep para makapasok ka sa school?' nagulat siya sa suggestion ko. Gusto ko siyang tulungan, gusto ko na may magawa ako sa kapwa ko. 'Bakit mo naman gagawin yun?' 'To help you, I guess. Mabait ka kasing tao Liberty at mabait kang kapatid. Sayang ang panahon mo na tumatanda ka pero hindi mo naranasan ang mga dapat ay naranasan mo. Karapatan mo ang makapag-aral Liberty, kagaya ng karapatan rin ng mga kapatid mo.' nakita kong namasa ang gilid ng mga mata niya. Kaagad kong inabot sa kanya ang panyo ko na tinanggap naman niya. Sayang lang na nasa ibang trabaho ka na alam kong wala kang choice at hindi mo ginusto.' hindi siya sumagot. 'Ganito na lang, kapag may nahanap ako na work that will best suit you ay pag-isipan mo kung gusto mong magtrabaho dun at mag-aral at the same time.' 'Pero kasi...' 'If you are thinking about sa mga gagastusin, hindi naman malaki ang expenses mo sa pag-aaral mo if ever tapos ang kikitain mo sa work mo ay para sa mga kapatid mo. I can also lend you if you want. Pahiramin kita kapag kulang ka, kahit saka mo na ako bayaran.' nginitian ko siya ng genuine kahit pa lumuluha na siya. 'Ayoko Christian Grey. Salamat na lang sa alok mo.'  'Pag-isipan mo muna ng mabuti Liberty bago ka humindi. I am giving you a chance here.' I held her hand and slightly grip it. 'Think about it. Opportunity na ito for you. At sayang kung hahayaan mo itong dumaan lang sa'yo. Isipin mo na tulong ko ito sayo bilang isang kaibigan mo.' 'Kaibigan?' umangat ang isang kilay niya at halatang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. 'Gusto mo akong maging kaibigan mo? Bakit? Ikaw na isang mayaman, kaibiganin ang isang nasa putikan na kagaya ko?' pinahiran niya ang mga luha sa mata niya. 'Why not! You are a nice person and nice person deserves to have a nice life. Kahit hindi na extravagant living o hindi mayaman na buhay, but at least ay maayos na buhay kasama ang mga kapatid mo. At willing akong tumulong Liberty, kung bibigyan mo ako ng chance na tulungan kita. Pag-isipan mo muna, huwag ka munang humindi sa akin. Think about it first ng maraming beses.' I smile widely at her nang ngumiti siya sa akin. Sa totoo lang ay na-touch ako sa kwento ng buhay ni Liberty. Yung mga sacrifices niya for her siblings, yung burdens niya in providing for their needs at sa studied nila. Hindi biro ang mga sacrifices niya at hindi rin biro ang pagiging matapang niya na harapin ang lahat ng hirap sa buhay. Her story have touched my heart and I want to help her sa kahit na maliit na paraan lamang na kaya ko.  Tama nga siya na maliit lang ang problema ko about kay Caroline compare to her problems. Siya na halos pasan ang bigat ng buong mundo habang ako ay wala pa sa katiting ng pasan-pasan niya ang dinadala ko ngayon. I was enlightened by her story at gusto kong maging isang instrumento ako para makaahon siya sa hirap.  She is one hell of a tough woman. Pinatatag siya ng kahirapan na pinagdaanan niya at saludo ako sa tapang na meron siya. Saludo ako sa determination niya at sa paghawak sa mga pangarap niya. She only proves to me that she isn't just a hooker, but she is a person with a big and compassionate heart for her love ones. Na gagawin niya ang lahat para sa mga mahal niya kahit na ano pa man ang mangyari sa kanya.  ------,--'--{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD