Chapter 25 Hindi ko alam ang nararamdaman ko as of this very moment. I thought this day will just be an ordinary day for me, having dinner with my best friend like the usual. Hindi ko inakala na kasama niya pala si Liberty at hindi ko rin inakala na may ganito pala akong makikita. I am holding now several photos of my girlfriend being with that guy Victor whom she have told me na kababata at kaibigan niya sa province nila. The shots were vivid and says a lot of things. Hindi na kailangan pa ng isang henyo para malaman kung ano ang sinasabi ng mga pictures na hawak-hawak ko ngayon. Karamihan sa mga kuha ay magkatabi sila na magkayakap at naghahalikan. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na si Caroline ang nasa litrato habang kahalikan ang Victor na yun. It made me sick, literal

