RAIN'S POV
"Imagine? Malapit na tayong umalis dito sa Silverwest tapos ngayon lang tayo sumali ng class evaluation?" rinig kong sabi ni Uriel.
"Duh! We were given some life-threatening missions at palagi tayong wala sa academy! Baka nakalimutan mo yon," kontra ni Diana.
"Well, this is going to be embarassing," sabi ni Sean.
I cringed at the thought of us, the whole class of Section Naryena, showing ourselves for the first time at the class evaluations. Ah! Nakakahiya talaga. Mahina na nga ang tingin nila sa amin tapos first time pa namin na sumali ng ganoong klase ng event. Well, we just made ourselves a laughing stock.
"Huwag nalang kaya tayo sumali? Baka mamaya ay pinapahirapan at ipinapahiya lang natin ang mga sarili natin," sabi ni Cally.
"Tama. Pinapahirapan lang talaga natin ang mga sarili natin. Ang hirap kaya ng mga exams!" dagdag ni Nilus.
Tumango si Galia. "I agree—"
"We're not going to embarrass ourselves if we're going focus on the class evaluations and prove to our opponents that we're not what they think we are."
"Miyo…" gulat akong lumingon kay Miyo nang sinabi niya iyon.
"Besides, the class evaluations is just a peice of cake compared to our missions." Tumingin si Miyo sa aming lahat at ngumiti siya. Isang ngiti na nagpapakita na ipinagmamalaki niya ang section na kinabibilangan niya
"We're Section N remember?" sabi ni Miyo and I saw how a smile appeared on everyone's face.
"We're Section N," pag-uulit ni Daryl and he also smiled proudly at us.
Hindi ko na rin napigilan ang ngumiti. Aish! Bakit ba palagi kong nakakalimutan iyon? Of course! We're Section N, I am a student from Section N. The class evaluation is going to be a peice of cake for us.
"We're different from the other classes remember? Magtraining lang tayo! We can do this guys." Kris smiled.
"I bet Jared's going to be giving us some of his motivational speeches if he was here," sabi ni Hiro at tumawa siya ng mahina.
"So? Sino ang bubuo ng team natin?" tanong ni Mary. "We need five to seven members," dagdag niya.
"I would like to volunteer." Nakita ko na itinaas ni Naeri ang kamay niya. She was smiling proudly at wala akong nakikitang pagdududa sa mga mata niya.
Nag-volunteer na si Naeri which means mamaya ay susunod na ang mga kaibigan ko. Mabilis kong itinaas ang kamay ko at nakuha ko kaagad ang atensyon ni Mary. Yes, sa wakas! Masusubukan ko na ang mga bagong spells ko!
"Sasali ako sa team!" malaki ang ngiti ko habang nakatingin kay Mary ngunit nawala ito nang nakita ko kung paano dahan dahan na umiling ang ulo ni Mary.
"I'm sorry Rain but Principal MJ told me that you, Daryl and Sean are not allowed to join the team or be the representatives for our class. She told me not to let you guys use your magic dahil under observation pa kayong tatlo," paliwanag ni Mary na ikinabagsak ng mga balikat ko.
"Bullshit?" hindi makapaniwala si Sean. Nakaawang lang ang bibig niya habang nakatingin kay Mary.
"Now that's f*****g unfair," walang emosyon na sabi ni Daryl.
"Teka! Pwede naman siguro nating pakiusap si Principal MJ—" huminto ako nang muling umiling si Mary.
"I'm sorry Rain, hindi talaga pwede. The order came from Master Fiora at sinusunod lang ni Principal MJ ang sinabi ng master," malungkot na sabi ni Mary.
"An order from Master Fiora huh? Mukhang wala na talaga tayong magagawa." Sumandal si Sean sa couch at bumuntong hinga.
"Don't worry guys, we'll win and get the highest score and we'll dedicate our battles to you," nakangiting sabi ni Neon sa'ming tatlo.
Napangiti ako. "That's so cheesy Neon, thanks."
"Yeah pinsan, pretty cheesy but thanks a lot. It really made me feel better," sabi naman ni Sean.
"I would like to volunteer!" rinig kong sabi ni Diana.
"Ako din!" Kris added.
"Count me in!"
Soon, nabuo na ang team na magre-represent ng section namin sa team exams. Isa isang tumayo ang mga binubuo ng team namin at inilista na sila ni Mary sa notebook niya. I'm so amazed right now dahil ang solid ng team namin.
"Okay, so ang bubuo ng team natin ay sina: Hunter, Kris, Nilus, Galia, Naeri, Celeste at Hiro." Mary closed her notebook at ngumiti siya.
"Look at the view," sabi ni Neon at umiling-iling siya. He looks so amazed right now. Well who wouldn't be amazed at our team?
"Pretty solid, I must say," sabi ko at tumango si Neon sa'kin.
"We're going to prove to them that they're wrong, guys. We're going to prove them na malakas tayo at hindi tayo isang klase ng mga basura at mahihina," seryosong sabi ni Kris.
"I agree." Tumango ako.
"I'm going to be the representative for the individuals," biglang sabi ni Clyde na ikinabigla naming lahat.
"What the?! Really?!" hindi ako makapaniwala.
"Sigurado ka ba dito Clyde? There are three matches na kailangan mong salihan. Are you going to do it?" nag-aalalang tanong ni Galia kay Clyde.
"I'm not going to represent myself kung hindi ko kaya. Trust in me guys, I'm going to win all of my matches at sisiguraduhin ko na ang section natin ang makakakuha ng pinakamataas na marka," determinadong sabi ni Clyde.
"Kung iyan ang desisyon mo Clyde." Inilista na ni Mary si Clyde. "Alright! We're done!" nakangiting sabi ni Mary.
"Ang solid ng team natin!" I heard Cally say.
"Guys, dapat magtraining tayo ah!" sabi ni Galia.
Tumawa ako. "We're going to win first place!—"
"Ah! Before I forget!" biglang sabi ni Mary na ikinatigil naming lahat.
"Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa color codes!" sabi ni Mary.
"Color codes?" naguguluhan kong tanong.
"Ano naman ang connection ng color codes sa class evaluations?" tanong ni Miyo.
"Well, napansin niyo naman siguro na may mga kulay ang mga butones at lines ng bago nating uniform diba?" Mary asked kaya tiningnan ko ang bagong uniform na suot ni Kris at Hunter. Tama nga si Mary, may kulay nga ito at ang kulay ng mga linya ng uniporme namin ay kulay cyan.
"The color codes are essential during the class evaluations dahil through the color codes ay malalaman natin kung saan galing na year and section ang mga kalaban natin," paliwanag ni Mary.
"Okay, Mary. Brake it down!" Kris snapped her fingers.
"Magsimula tayo sa first years or the Initials. Ang color codes ng Initials ay ang primary colors. These are the color codes of the following sections: Yellow for Helton, Blue for Winterbolt and Red for Redwell."
"Sa second years naman or the Halvers, secondary colors ang sakanila. Orange for Dretcher, Violet for Emower and Green for Baristone."
"Sa third years or the Mediants, neutral colors ang sakanila. White for Cromdor, Brown for Bostein and Gray for Oxfrost."
"Lastly, the fourth years or the Paramounts, we have the light colors. Lime for Maydoom, Pink for Verwick and Cyan for Naryena," paliwanag ni Mary and then she looked at us.
"Wow, that was a lot!" komento ni Uriel.
"I agree ngunit kahit marami ay kailangan natin iyong tandaan para makikilala natin ang mga kalaban natin," sabi ko sakanila.
"Dyusko, sumasakit ulo ko," rinig kong sabi ni Sean kaya natawa ako.
"Kanina pa kaya sumasakit ang ulo mo. Naririnig ko ang mga daing mo sa isip mo," sabi ko kay Sean at tinawanan ko siya.
"I'm really going to sleep after dinner," inaantok na sabi ni Sean.
"Speaking of dinner, gabi na guys at wala pa sina Carter, Van at Alia. Shouldn't they be home around this time or earlier?" biglang tanong ni Miyo.
Natigilan ako. "Oo nga." Lumingon ako sa mga kasama ko. Something inside me started to spread inside my body at naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan ng walang dahilan?
"I tried to c***k them ngunit walang sumasagot!" batid ni Nilus sa aming lahat. Walang sumasagot?
"Nasaan na ba sila?" pabalik balik sa paglalakad si Kris. Tuluyan ng binalot ng kaba ang buong sistema ko. Nasaan na ba sina Carter? Nag-aalala na ako. Hindi naman sila ginagabi sa pag-uwi tuwing sila ang maglilinis ng classroom.
"I'm going out. Pupuntahan ko sila sa classroom," sabi ni Hunter at tumayo siya mula sa upuan niya.
"Sasama ako," sabi ko at tumayo na rin ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nag-aalala na talaga ako kay Carter, pati na rin kina Van at Alia.
"No, Rain. You're staying here. Hindi ka pa magaling," may awtoridad na sabi ni Mary.
"But—"
"I'll go," tumayo si Miyo at nilapitan niya ako.
"Don't worry, they're going to be fine. Magpahinga ka nalang dito," malumanay niyang sabi sa'kin. Niyakap ko nalang si Miyo.
"Thanks," sabi ko sakaniya.
"We're going too. Tara na," rinig kong sabi ni Hiro at nakita ko siyang naglalakad papunta sa pinto ng dorm kasama si Naeri.
Heavens, sana nga ayos lang sila.
HUNTER'S POV
"What's taking them so long?" sabi ko habang naglalakad.
"Bilib na ako sa tatlong yon. Ang linis na siguro ng classroom natin," sarkastikong sabi ni Hiro.
"Maybe they're trying to prove to that Ella brat that we don't need some goblins to make our classroom spotless," seryoso kong sabi at nilingon ko ang mga kasama ko. Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay ni Miyo at doon ko naalala na wala pala si Miyo noong araw na lumipat sa section namin yong tatlong estudyante mula sa Verwick.
"Ah Miyo, pasensiya kung hindi namin nasabi sa'yo ang tungkol dito. Ito kasing si Ella ay minamaliit ang section natin kaya nalang siguro nagiging ganito ka sipag maglinis sina Carter at inabutan sila ng gabi," sabi ko kay Miyo.
"Hindi naman nila kailangan na maabutan ng gabi sa paglilinis kung may gusto sila patunayan kay Ella," seryosong sabi ni Miyo. Well, she's right. Kung may gusto sila patunayan sa paglilinis ng silid, hindi naman nila kailangan na abutan ng gabi.
"That b***h had been blabbering about how stronger she was compared to us." Hiro rolled his eyes.
"Kalma lang, Hiro," natatawang sabi ni Miyo sakaniya.
Suddenly the trees around us began to rustle aggressively. Napahinto ako nang naramdaman ko na may ibig na iparating ng mga puno sa'kin. Dinama ko ang pulso ng lupa at pati ito ay may gusto iparating sa akin. I roamed my eyes around the trees that were standing near my spot. The earth is trying to communicate with me and my magic. I can feel it.
"Hunter what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Naeri sa'kin. Huminto sa paglalakad sina Hiro at Miyo at tumingin sila sa'kin.
"What's wrong man?" tanong ni Hiro sa'kin.
I gulped. "The nature is trying to tell me something ngunit hindi ko ito maintindihan. Ang gulo nila." Kumunot ang noo ko. I can't figure it out. Nahihirapan ako na unawain ang mga ipinaparating ng kalikasan sa'kin.
"Concentrate, Hunter. This might be a warning or something else," seryosong sabi ni Naeri sa'kin.
Nilapitan ko ang isang puno at nilagay ko ang isang kamay ko sa katawan ng puno. The nature might not talk like the wind does to Daryl but the nature speaks through their movements at iyon ang ginagawa nila sa'kin ngayon. They're trying to talk to me through their movements.
I closed my eyes and felt the movement of the tree. I saw how the leaves of the trees rustle in a harsh way and so were its branches. Mabilis kong kinuha ang kamay ko mula sa puno at tumakbo na. Damn it! Hindi maganda to! s**t!
"Hunter! Wait up!"
Narinig kong sumunod ang mga kasama ko kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Kailangan naming magmadali bago pa kami mahuli. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa kapag may mangyayaring masama sa mga kaibigan ko. I failed to save Jared when he needed help and I am not going to let it happen again that's why I need to save my friends who needs my help right now.
Nakarating na kami sa entrance ng main building nang bigla may pumigil sa'kin at hinawakan nito ang kamay ko.
"Ano'ng nalaman mo? Sabihin mo sa'min!" Hiro gripped my hand tightly.
"Carter, Alia and Van are not safe and they're in danger right now. That's what the nature told me so we need to hurry now!" I grabbed my hand from Hiro's grip at muli akong tumakbo.
Bigla kong nakaramdam ng hapdi mula sa kaliwang braso ako kaya sinilip ko ang braso ko at napamura ako nang nakita ko na lumabas ang mga marka sa braso ko at unti unti itong kumalat papunta sa balikat ko. s**t! Huwag ngayon! Not now!
"Calm down, Hunter. You need to calm down," bulong ko sa sarili ko ngunit kahit anong bulong at pagpapakalma ko sa sarili ko ay wala itong silbi dahil patuloy pa rin sa pagkalat ang mga marka ko. Inayos ko nalang ang manggas ng uniporme ko para wala ng makakakita sa mga marka ko.
"Hey stop!" biglang sabi ni Naeri at kaagad kaming huminto.
"Narinig niyo ba yon?" Naeri was looking around the whole place kaya pinakinggan ko na rin ang buong paligid.
"It's coming from the back of this building," seryosong sabi ni Miyo at tumakbo na siya. Damn it.
Kaagad akong sumunod kay Miyo at ganon rin sina Naeri. We ran through the empty corridors of the building and then we took a sharp turn hanggang sa nakarating na kami sa likod ng main building. I backed away when Hiro suddenly enveloped himself with his shadow and then he sunk into the ground in his shadow form. Palipad lipad ngayon sa mga pader si Hiro na nag-aanyong anino.
"Stay here until I come back," Hiro c*****d us.
"Be careful, Hiro," Naeri c*****d.
"Alright—"
"ARAY! BITAWAN MO ANG BUHOK KO!"
Nagkatinginan kaming tatlo nina Naeri matapos kaming makarinig ng sigaw. Even Hiro who was in his shadow form stopped when he heard the voice. Kahit isang anino ngayon si Hiro ay naririnig parin niya ang mga nasa paligid niya. I clenched my fists in anger. Kilala ko ang boses na iyon. Kung sino man ang taong nanakit ngayon kay Alia ay humanda sila sa'kin.
"Alia…" Naeri mumbled.
"Tch, I'm done hiding," galit na sabi ni Miyo at lumabas siya mula sa pinagtataguan namin.
"Miyo wait! Don't be reckless!" ngunit huli na ako dahil nakalayo na si Miyo sa amin ni Naeri.
"Aish! Patay tayo kay Principal MJ nito! She's not allowed to use her magic yet!" Naeri pulled her hair in frustration kaya lumabas na ako mula sa likod ng pader at hinawakan ko ang kamay ni Naeri.
"Tara na, bago pa tayo mahuli. We can't let Miyo use her magic!" seryosong sabi ko sakaniya ay tumakbo na kami ni Naeri. Kung hindi pinapayagan ni Principal MJ na gamitin ni Miyo ang kapangyarihan niya ay isa lamang ang ibig sabihin nito.
Hindi pa ayos ang katawan ni Miyo at posibleng magwawala na naman ang mahika niya kapag ginamit niya ito.
Habang tumatakbo kami ni Naeri patungo sa kinaroroonan ni Miyo, mula dito sa puwesto ko ay nakita ko kung paano pinipigilan ni Hiro ang anino ni Miyo upang hindi na siya makakilos. Nilipat ko ang tingin ko sa taong nasa unahan ni Hiro at laking gulat ko nang nakita ko sina Van at Alia.
May hawak na patalim si Van at hawak siya ng isang tao na hindi ko maaninag ang mukha habang si Alia naman ay napuno na ng mga sugat at dugo ang kaniyang buong katawan. What made me more shock was Carter.
"Carter…" Naeri gasped habang nakatingin kay Carter.
"Hahaha! Look how helpless you are!" I heard a guy laughed from afar.
My anger rose up as I looked at my friend who was now lying on the ground, unconscious and totally beaten up. Napuno ng sugat ang katawan ni Carter at halos hindi ko na siya makilala dahil sa mga bugbog at sugat na natamo niya. Naramdaman ko na naman ang hapdi mula sa kaliwang braso ko at alam ko na lumalabas na naman ang mga marka ko. Damn it, the marks are reacting to my anger.
"Let me go Hiro! Let me go now!" galit na sigaw ni Miyo ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni Hiro at hindi niya pa rin pinakawalan si Miyo kahit anong pakiusap niya. Hiro's grip on Miyo's shadow was firm at kahit anong pagpupumilit ni Miyo na kumawala mula kay Hiro ay hindi niya talaga ito magawa.
"Miyo, you need to stay away from here," seryosong sabi ko kay Miyo nang nakalapit na kami ni Naeri sakaniya.
"No! Those bastards hurt Jared at ngayon ay sina Alia naman ang sinaktan nila! Argh! I swear papatayin ko sila!" hindi na napigilan ni Miyo ang sumigaw kaya kaagad ko siyang hinawakan sa balikat at ganoon rin ang ginawa ni Naeri. I cursed when I felt the heat from Miyo's skin. s**t! She's starting to burn again!
"Miyo kumalma ka! Huwag mong hayaan na kontrolin ka ng galit mo!" ani Naeri kay Miyo.
Tiningnan ko ulit ang mga tao na nasa harapan namin and I immediately recognized all of them nang nakita ko na ang buo nilang mukha. Base from their color codes, lime green, they're from Maydoom. Tch, these kids from Maydoom are warfreaks. Hobby na yata nila ang magsimula ng away sa amin.
I saw Miyo glare at the group of Maydoom students that were standing meters away from us. "The moment I heard from those kids that they were the ones who hurt our president, it made me angry. So angry that it's already useless for me to calm down,"—malamig na sabi ni Miyo— "My anger had already took control of me."
Nakita ko kung paano binalot ng kulay pula ang dalawang mata ni Miyo. Her eyes are supposed to be blue and red but now, both of Miyo's eyes are red and they're glaring like deadly lasers.
"Well! Well! If it isn't the rest of the weakling squad!" a voice said mockingly kaya napatingin ako sa gawi niya.
"Kingsley…" malamig kong tawag sa pangalan niya. Tch, that scum. I remembered that his magic is copying and he's the president of Maydoom because of his influence and magic which I found so f*****g filthy.
Nakita ko na kasama niya rin ang mga alipores niya na sina Dennis, Leona, Mexis, at Talya. Tch, hindi pa rin nagbabago ang limang ito. Sinusunod pa rin nila si Kingsley kahit may sayad ito sa ulo.
Kaklase ko si Kingsley noong isang Intial pa ako. Actually, kaming lahat na nasa Naryena ay hindi magka-klase noong mga Initial pa kami. We started being classmates noong mga Halvers na kami and then until now that we're Paramounts, we are still classmates. We all had the same reason about us not fitting in with the other kids kaya kami lumipat ng ibang section and that's the reason why all of us from Section Naryena are classmates now.
"Hello, Hunter,"—mapanuksong ngumisi sa'kin si Kingsley—"Nagustuhan niyo ba ang ginawa namin sa inyong mahinang presidente? Ang ganda ng ginawa namin diba?" nakangising tanong ni Kingsley at saka siya tumawa ng malakas.
"You piece of s**t!" lalapitan ko na sana si Kingsley ngunit kaagad akong pinigilan ni Naeri. "Huwag mo akong pigilan, Naeri. That scumbag tormented our president! Siya ang nanakit kay Jared!" nagsimula ng dumilim ang paningin ko.
"Ah, Jared deserves those bruises and his situation now is just right for him. You see, bawal kasi ang mga mahihina na sumali sa class evaluations kaya habang maaga pa ay isa-isa nalang namin kayong niligpit," Kingsley said nonchalantly and then he smirked at us. Ito pala ang ibig iparating ng mga salita ni Jost. Mainit nga ang tingin ng mga sections sa isa't isa dahil sa nalalapit na class evaluations.
"Ang sabihin niyo, natatakot kayo na makalaban kami kaya niyo ito ginagawa sa amin." Walang emosyon ngayon ang mukha ni Miyo at nanatili lang siyang nakatitig kay Kingsley.
"Kami? Natatakot sainyo? Oh please! Naririnig mo pa ang sarili mo, babaeng tanga?" —tumaas ang isang kilay ni Kingsley—"Baka nakakalimutan niyo na kami ang pinakamalakas na mga estudyante dito sa Silverwest kaya hindi kami natatakot sainyo! Dream on, garbages!"
"We're not garbages!" galit na sigaw ni Naeri.
"Stop lying. Your faces are screaming 'trash' right now. There's no denying it," nakangising sabi ni Mexis at tumawa siya. Tch, baliw.
"Kung kami ang basura, kayo naman ay mga peste."— seryosong tiningnan ni Miyo si Mexis—"Ang sarap niyong sunugin at patayin," Miyo said menacingly and the next thing that happened was that Miyo's hands were now on fire.
"Guys please! Huwag na kayong makialam dito! Masasaktan lang kayo!" Van pleaded habang pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ni Leona.
"Umalis na kayo…hindi niyo sila kaya..." nahihirapan na sabi ni Carter na ngayon ay nakahiga pa rin sa lupa at hinang-hina na.
Tumingin sa gawi namin si Alia and her eyes were begging for us to leave. "Please, umalis na kayo—"
Ngunit hindi natapos ni Alia ang sinabi niya dahil sinipa siya ni Dennis sa tiyan. Nawalan ng kulay ang buong mukha ko nang nakita ko si Alia na sumuka ng dugo at humagulgol siya. Sigurado ako na malakas ang sipa na iyon dahil nasaktan talaga ng husto si Alia.
Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na hindi na gumagalaw sa kanilang mga puwesto sina Hiro. Pati sina Van at Carter ay hindi na rin gumagalaw. Nagulat rin sila dahil sa ginawa ni Dennis kay Alia. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa braso at nagsimula na akong manginig dito sa puwesto ko. Dahan dahan akong lumingon sa gilid ko at nakita ko kung paano binalot ng dilim ang mukha ni Miyo.
"What the—"