Chapter 9 : A New Uniform, A Representative, A Team

4420 Words
MIYO'S POV The day passed by like a blur and the class had ended ngunit kahit tapos na ang klase ay hindi pa rin ako kumibo mula sa pagkakaupo rito sa upuan ko. Pinagmasdan ko lang ang mga kaibigan ko na abala sa kanilang mga ginagawa. Grabe, na-miss ko talaga sila. Ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Master Fiora dahil ginamot niya ako. Tingin ko, kung hindi ako ginamot ni Master Fiora ay wala ako ngayon dito sa classroom at hanggang ngayon ay nagpapahinga pa rin ako sa infirmary kasama si Aya. "Miyo? Uwian na. Gusto mo pa ba manatili dito?" lumingon ako kay Cally at ngumiti sakaniya. "Ah oo, susunod nalang ako sainyo," sabi ko sakaniya. "Okay. Mauna na kami ah. Guys! Una na kami!" sabi ni Cally sa iba. Kasama niya sina Diana at Celeste. "Sana all hindi maglilinis ng classroom," reklamo ni Carter habang nagmo-mop ng sahig. "Gusto mo ba ng tulong?" tanong ko sakaniya at tumayo na mula sa upuan ko. "Ah, hindi na Miyo. I have Van and Alia here to help me kaya umuwi ka na. For sure na-miss mo na ang kama mo," sabi ni Carter at tumawa siya. Naramdaman ko naman na uminit ang mga pisngi ko dahil sa hiya. "Hoy Carter! Tigilan mo na si Miyo! Tingnan mo namumula na siya oh!" tumatawang sabi ni Alia. "Carter maglinis ka na. Tingnan mo nga ang sahig, makalat pa oh." tiningnan ni Van si Carter. "Sabi ko nga, maglilinis na ako." inikot ni Carter ang mga mata niya at bumalik na siya sa paglilinis. Natawa ako ng mahina at inayos nalang ang mga gamit ko. Sinuot ko na ang bag ko at naglakad na papalabas ng classroom. "Una na ako sainyo ah. Kita nalang tayo sa dorm." sabi ko sakanila. "Yeah," sabay nilang sagot kaya lumabas na ako ng silid. Habang naglalakad ako ay nakita ko ang tingin ng ibang mga estudyante sa'kin. Pumikit nalang ako at bumuntong hinga. Sana pala sumama nalang ako kina Cally kanina. Ngayon na ako lang mag-isa ang naglalakad ay pakiramdam ko ay ang hina ko at mas lalo pa akong nagiging mahina dahil sa mga tingin ng ibang estudyante sa'kin. Ang tingin ko ngayon sakanila ay parang mga delikadong tao. Sa tuwing may nakakasalubong ako ay kaagad akong umiiwas. Hindi ako sanay na walang kasama. Hindi na ako sanay na walang kasama kasi nasanay na ako na palaging may nandiyan para sa'kin. Hay, huwag mo silang pansinin Miyo, huwag mo silang pansinin. "Ayan na siya." "Gosh, ang creepy niya talaga." "Narinig niyo ba? Baliw daw ang babaeng yan kasi nagwala raw siya sa classroom nila." "What? Siya yon?! Oh my god!" "Talaga!? Siya yon?! Kaya pala." "Obvious naman na baliw siya eh. Tingnan niyo nga ang hitsura niya!" "Mukha siyang halimaw. Bakit ba siya tinanggap ni Principal MJ?" "She doesn't deserve to be here." "This school is not the right place for a monster like her." Yumuko ako. Sinubukan ko na huwag makinig sa mga binubulong nila pero mukhang sinasadya talaga nila na palakasin ang mga boses nila para marinig ko talaga ang mga sinabi nilang lahat. Tch. Kinuyom ko ang mga kamay ko upang pigilan ito mula sa walang tigil na panginginig. Bumibigat na ang mga hininga ko at unti unting bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Nararamdaman ko na naman ang pagwawala ng mahika ko dito sa loob ng dibdib ko. Argh! Hindi ko na kaya to! Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Ewan ko ba kung bakit ba ako nagkakaganito. Bigla ko nalang napagtanto na hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay gusto kong magwala ulit. Gusto kong sumigaw dahil sa mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumira ng mga gamit o kahit anong pwede na masira! Gusto kong magwala ng parang wala ng bukas! "Whoa! calm down fire girl. Lumalabas na naman ang apoy mo. Hay, sabi ko na nga ba na mali ang iwan ka ng mag-isa." isang malamig na kamay ang biglang humawak sa kamay ko kaya gulat akong napalingon sa taong nasa tabi ko. "A-Anong ginagawa mo rito? Akala ko nakauwi ka na sa dorm?" gulat kong tanong sakaniya. "Well, dumaan lang ako sa library saglit. May kinuha lang," sabi niya at pinakita niya sa'kin ang tatlong makapal na libro na hawak niya. "Ang hilig mo talagang magbasa no?" hindi ko na napigilan ang ngumiti. "Miyo, I'm a witch and knowledge is important," sabi ni Naeri at ngumiti siya pabalik. Nakalabas na kami ni Naeri ng main building at ngayon ay tinatahak na namin ang daan pabalik ng dorm. "Tungkol sa nangyari kanina sa corridor, siguro kung hindi kita naabutan ay sigurado ako na sasabog ka talaga," rinig kong sabi ni Naeri. "Yeah, sasabog talaga ako and I want to thank you for saving me before I could explode," I chuckled silently and I saw Naeri frown. "Miyo, why did you lose control of your magic? Kilala kita bilang isa sa mga malakas at madaling matuto na magic user. You were never like this," malungkot na sabi ni Naeri. I sighed. "I don't know Naeri. Pati ako ay naguguluhan na rin kung bakit bigla nalang akong nawalan ng kontrol sa sarili ko. Maayos naman akong nag-eensayo but I think it's still not enough. Pakiramdam ko tila may ibang kumukontrol sa'kin tapos maya maya ay malalaman ko nalang na may ginawa na pala ako ng hindi ko namamalayan." "At minsan ay bigla nalang sisikip ang dibdib mo at nalalaman mo nalang na nanginginig ka na sa galit." napalingon ako kay Naeri nang sinabi niya iyon. I stared at her in shock. "O-Oo. G-Ganon nga," sabi ko sakaniya. How did Naeri know? Napansin niya ba ang mga kilos ko? Hindi na ako nagsalita at yumuko nalang. "Just like Rain." "Ha? May sinabi ka?" tanong ko kay Naeri. I think I heard her say something. "Ah wala. May iniisip lang ako na formula. Don't mind me," ani Naeri. I shrugged. "Okay witch girl." I smiled. Nakarating na kami ni Naeri sa dorm. Hinubad namin ang aming mga sapatos at nilagay ito sa shoe rack at saka pumasok na kami. "Ah! Nandito na sina Naeri at Miyo!" iyon ang bungad ni Galia sa amin ni Naeri. Nakita ko na nasa living room ang lahat at nakasuot pa rin sila ng mga uniforms. They were all gathered like there was a meeting going on. Mary was sitting on a single chair, holding a clipboard and it seems like she was waiting for us. Even Dary, Rain and Sean who I thought were resting are there with the rest too. "Miyo! I'm glad okay ka na!" bati ni Rain sa'kin nang nakalapit na ako sakaniya. Napangiti ako. "Ako din Rain. Ikaw? Ayos ka na ba?" I asked her. "Medyo masakit pa ang ulo at katawan ko but I can manage." Rain smiled. "I'm glad you're okay now, Rain," sabi ni Naeri na nasa tabi ko. "Awe, thanks Naeri. Na-miss kita roommate!" niyakap ni Rain si Naeri. Natawa nalang si Naeri. "Ako din." "We were surprised to see them roaming around the dorm when we arrived here," rinig kong sabi ni Nilus. "Akala ko talaga mga multo sila," dagdag ni Uriel. "Sana all sick," singit ni Clyde at tiningnan niya si Sean na nakangisi ngayon. "It's good to be sick kasi di ako makakapasok."—tumawa si Sean at maya maya ay ngumiwi—"but my head is killing me! Pakiramdam ko ang daming kutsilyong tumutusok dito!" naiiyak niyang sabi habang tinuturo ang ulo niya. "Nice to see you kicking again, Fukuyama," bati ni Daryl sa'kin with a smile. "Oh! And nice hair. Ano yan? New look?" "Oh! No. It's just—a lot happened after I lost control of myself," nahihiya kong sabi sakaniya. This is no new look. This is just the aftermath of my uncontrolled fire magic. Iyon ang sinabi nina Lolo Ken at Master Fiora sa'kin. "Wala pa rin bang malay si Jared?" Kris asked Rain. Umiling si Rain. "He's still unconscious." "Okay, mamaya na ang usapan dahil may importante pa tayong pag-uusapan."—Mary cleared her throat—"Since may ginagawa pa sina Van, Carter at Alia sa classroom ay magsisimula nalang tayo." Umupo ako sa tabi ni Rain at si Naeri naman ay umupo sa tabi ko. Mary started to talk at nakinig na kaming lahat. "So, napag-usapan namin sa meeting kanina ang tungkol sa class evaluations," panimula ni Mary. "First thing on the list is the changing of the uniforms for the upcoming evaluations," sabi niya at tumingin siya sa'min. Kumunot ang noo ko. Why would Principal MJ change our uniforms? Tiningnan ko ang uniporme na suot ko. Ayos naman ang uniporme namin ah. For the girls, A dark blue colored miniskirt, a white shirt, a cyan blue necktie and a dark blue colored blazer with blue lines and the 'SWA' logo was stitched on the right side of the blazer and under that was our year name which is 'Paramount' and then our uniforms are paired with white socks and black shoes. For the boys, a dark blue pants, a white polo shirt, a dark blue blazer just like the girl's blazers and a cyan blue necktie. Though medyo mas mahaba pa ang necktie ng boys kumpara sa girls. For the shoes, parehas rin sa girls which is a pair of black shoes and white socks. It's simple and cool. Bakit naman ito papalitan? Gastos lang yon. "We're not paying for the uniforms, Miyo. The uniforms are free here in Silverwest Academy that's why the academy changes the uniform like it's nothing. Besides, it's almost class evaluations so a change in the uniform is not bad." Ngumiti si Mary sa'kin. Ah, she must have heard my thoughts. "Alam naman natin na every two years ay magpapalit ng uniforms ang academy kaya ngayon ay nandito na ang mga bagong uniforms natin and we're going to wear them starting tomorrow. Not wearing of new uniform means no entry. The scouts are going to be guarding at the entrance of the main building tomorrow so you better wear it." Mary wrote something on her clipboard. "The academy changes uniform every two years?! Hindi ko alam yon ah," gulat kong sabi. It's true! Hindi ko alam iyon. Damn, sana all rich. "Well, ito kasing si Principal MJ ay madaling magsawa sa isang bagay. In short, hindi siya loyal and since dumating na ang expiration date nitong mga uniforms na suot natin ngayon, kailangan na natin na magpalit na naman ng uniform," sabi ni Cally at tumawa. "I wonder kung ano ang design ng bagong uniforms natin. Our uniforms right now are pretty plain," sabi ni Celeste at tiningnan niya ang uniporme niya. Plain? Hindi naman. It's cool for me. "Kris? Hunter? Pwede na kayong lumabas," biglang sabi ni Mary at tumingin siya sa hagdan. We all turned to look at the stairs at doon namin nakita sina Kris at Hunter. Come to think of it, hindi ko sila nakita na umalis kanina ah. My eyes traveled to Kris and Hunter's uniform and my jaw dropped when I looked at the uniforms. What the...hell? "Whoa! Looking good Hunter." Clyde smirked. "Oh my god!" Celeste squealed in delight. "You've got to be kidding me," I heard Daryl say in surprise. "Now that's what I call a uniform," Cally said with a smirk. Bumaba na sina Hunter at Kris ng hagdan and they made their way towards us. Tila mga model sila ng uniform namin kasi bagay na bagay sakanila ang uniform eh. I blinked repeatedly trying to load things out. The new uniform was definitely not what I had expected it to be. I couldn't find the right words to describe it right now. The new uniform for the girls was a coat like grayish blue dress uniform that reached until the knees. The collar was covering the neck, leaving a little opening at the center. There were two cyan colored lines travelling on the uniform's collar and three lines on the sleeves. There was pair of seven of buttons at the center, also in cyan color. The waist part was a curve, emphasizing the femaleness of the uniform and the logo of 'SWA' was inscribed on the right side of the chest and under it was the word 'Paramount' inscribed in the color of cyan just like the accent lines. The girl's new uniform was paired with black knee socks and black shoes. I could imagine myself wearing the new uniform and I'm gonna say that I look like a hotel staff or maybe an elite soldier in my imagination. Kris looks so pretty wearing our new uniform. It really suits her so much and I want to cry because of happiness. Kris! Ang ganda mo! The new uniform for the boys was similar to the girls except for the bottom part cause it had no curves and it only reached until the thighs. It's like a grayish dark blue dress shirt for the priests or something and it is paired with black pants and black shoes. Pati si Hunter! Ang pogi niya rin tingnan sa bagong uniform. Hunter looks like a private elite soldier from one of the anime movies that I watched on my laptop. Bagay na bagay rin sakaniya ang bagong uniform. Damn, we look like high class prime students with our new uniforms. "Mukhang nasa good mood si Principal MJ noong ginawa niya ang disenyo ng bagong uniform," rinig kong sabi Neon. "I agree. I mean, damn! Ang ganda! It's so flashy and I could imagine myself looking like a rich student when wearing the new uniform," sabi ni Cally at tumawa siya. "I can move freely with this new uniform. Hindi na ako mahihirapan na maglakad." Kris smiled. "Well, miniskirt naman kasi itong old uniform natin kaya mahihirapan talaga tayo na maglalakad," sabi ni Galia habang tinitingnan ang lumang uniform na suot niya ngayon. "Hindi ba mainit?" tanong ni Sean kay Hunter. Umiling si Hunter kay Sean. "Hindi siya mainit. In fact, it's very comfortable to wear." "Cool!" Uriel chirped. "Now! Lets proceed to the next part dahil may gagawin pa tayo and we need to end this meeting early."—umayos ng upo si Mary—"The second thing on the list is about the representative for the individual exam, test or whatever tutal parehas lang naman yon. So? Sino ang isasalang natin sa entablado?" seryosong tanong ni Mary. "I nominate myself," biglang sabi ni Uriel at tumayo siya mula sa upuan niya. "And what are you going to do? Scare your enemy with your animals?" tumaas ang isang kilay ni Mary. "Hey! My magic is not boring! I'm a shape shifter! An animal transformer! I can use animal skills too!" kontra ni Uriel. Uriel's right. Hindi naman boring ang magic niya. Ang lakas kaya ni Uriel. "Look guys, I need to be frank and straight regarding this matter. We need to choose the right representative for the individuals. Baka nakakalimutan niyo na ang mga makakalaban ng magiging representative natin ay galing sa ibang sections from our year and from the sections of the different years." Mary squinted her eyes at us. Gulp. "You mean, ang makakalaban ng magiging representative natin ay ang mga representatives rin from the Initials, Halvers, Mediants, and from our year, the Paramounts?" I asked at tumango si Mary. "That's right Miyo," sabi ni Mary. "Is it unfair kung maglalaban ang dalawang representatives na galing sa hindi parehas na year level? I mean, the Initials versus, us, from the Paramounts. First year versus fourth year? That's just so unfair for the Initials," seryosong sabi ni Sean. "May alam ka na tungkol sa class evaluations?" tanong ko sakaniya. "Yeah. Hunter and Hiro told me about it," sagot ni Sean. "Same goes for the second years and the third years. The Mediants are just a year level older than the Halvers. It's going to be a hard match for the youngsters," dagdag naman ni Rain. "Ugh! My gosh! Kaya nga class evaluations ang tawag diba?! The teachers are going to evaluate the strength and growth of each of the students kaya nila ginagawa ang class evaluation na'to. Jusko! Nakaka-stress kayo ah!" nanggigigil na sabi ni Mary. "Told you," sabi ni Daryl while smirking kina Rain at Sean. "The teachers are going to shuffle the names of the representatives during the individual exam which means there's a possibility na pwedeng makalaban ng representative natin ang representatives mula sa mga sections ng Initials, Halvers, Mediants at sa ka-year level natin, ang Paramounts." Ipinakita ni Mary sa amin ang hawak niyang clipboard at doon ko nakita ang mga pangalan ng mga representatives mula sa ibang year level and sections. "What the? May representatives na pala ang iba?! Tayo nalang pala ang wala?!" hindi makapaniwala tanong ni Uriel habang nakatingin sa listahan. "Yes, tayo nalang ang wala pang team at representative. Yung iba ay may team na at representatives since matagal na silang sumasali sa class evaluation. First time natin na sumali sa class evaluation after how many years natin dito sa Silverwest kaya wag na kayong magulat kung may representatives at teams na ang iba," sabi ni Mary and I saw how she rolled her eyes. Mukhang naiinis na si Mary. "If nahihirapan kayo na pumili then should we go for the teams first?" dagdag ni Mary. "Yeah, I think we should. Mukhang mahirap kasi na pumili ng isang representative," sabi ko sakanila. Nakita ko na nagliwanag ang mukha ni Hunter at tumango siya ng maraming beses. "I agree with Miyo. Let's make a team first guys!" Ngumiti si Mary. "Okay! A team it is!" THIRD PERSON'S POV "Rinig ko hindi raw pumasok ang president ng Naryena at ang vice president lang ang pumunta sa meeting? Leona?" binaba ng lalaki ang hawak niyang baso na naglalaman ng wine. "Tama ka, Kingsley, hindi nga pumasok ang presidente ng Naryena." Umupo ang kasama ni Kingsley sa isang magarang upuan na nasa harapan niya. "Hmmm...ano kaya ang nangyari kay Jared? Sana ayos lang siya," kunyaring nalulungkot na sabi ng isang babae at pagkatapos ay tumawa ito. "Baliw ka talaga Mexis. Syempre ayos lang ang Jared na'yon. 'Presidente' siya ng Naryena diba? Kaya ibig sabihin non, siya ang pinakamalakas sa buong klase ng mahihina." At tumawa ang babaeng nakaupo sa tabi ni Mexis. "Alam ko iyon Talya kaya tumahimik ka! Hindi ako tanga!" inis na sabi ni Mexis sa katabi niyang si Talya. "Pinakamalakas nga siya sa lahat ng mga mahihina ngunit mukhang napasobra tayo sa ginawa natin o hindi lang talaga kinaya ng katawan niya ang ginawa natin," sabi ng isang lalaki. "Bakit mo naman nasabi yan, Dennis?" tanong ni Talya sa binata. "Dumaan kasi ako kanina sa classroom ng Naryena at narinig ko na nag-uusap sila tungkol sa presidente nila. Nawalan daw ng malay si Jared at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw gumigising." Ngumisi ang lalaki at tumingin siya kay Talya. "Wow Dennis, ibang klase talaga iyang kapangyarihan mo," nakangising puri ni Talya. "Tama lang iyon para sakaniya. Ngayon na bumagsak na ang presidente ng Naryena, madali na lang natin silang ligpitin," sabi ni Kingsley at uminom ulit ng wine. "At kapag nailigpit na natin ang Naryena ay madali nalang din para sa'tin ang manalo sa class evaluations," sabi ni Dennis at tumawa ng malakas. "Shut up Dennis! Hindi bagay sayo ang tumawa ng ganiyan! Ang creepy mo pakinggan!" ngumiwi si Mexis kay Dennis. "Ikaw ang manahimik! Bobo!" inis na sabi ni Dennis kay Mexis. "Everything is going according to our plan. Sabi ko na nga ba na walang maibubuga ang Esha na yon eh! Magaling lang sa salita pero madaling matakot yon!" ani Talya kay Leona. "Hindi niya nagawang ligpitin ang Naryena noon kaya ngayon, wala na tayong ibang magagawa kundi ang linisin ang kalat niya," dagdag ni Talya. "Tama ka Talya. And now that everything is going as planned, mananatili na tayo sa pwesto natin at tayo parin ang kikilalanin na pinakamalakas dito sa Silverwest," Leona smiled evilly. "At hindi lang tayo ang mananatiling malakas," nakangising sabi ni Kingsley na ikinatigil ng mga kasama niya. "Anong pinagsasabi mo Kingsley? Ah, huwag mong sabihin na nakichismis ka na naman doon sa sekretarya ng principal?" walang emosyon na tanong ni Dennis. "Hindi ako nakichismis. Ginamit ko lang ang mahika na nakopya ko which is ang mahika na makarinig ng mga usapan," walang emosyon na sabi ni Kingsley. "Ows? Ganon pa rin yon. Nakichismis ka pa rin," sabi ni Talya ngunit kaagad siyang tumahimik nang matalim siyang tiningnan ni Kingsley. Napalunok si Talya at kaagad siyang umiwas ng tingin kay Kingsley. Nagulat ang lahat nang biglang hinagis ni Kingsley ang baso niya patungo sa pader. Nabasag ang baso at natapon ang natirang wine sa puting pader ng kanilang dorm. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto at ang tanging maririnig lamang ay ang mga mabibigat na hininga ni Kingsley. "My mother did not gave birth to me just to do that low-grade and execrable thing that you said! Doing what you said is a disgrace, Talya. Nail that inside your pint-sized brain." Kingsley glared at Talya na ngayon ay nanginginig na sakaniyang upuan. "Y-Yes president," natatakot na sabi ni Talya. Huminga ng malalim si Kingsley at pinagtagpo niya ang kaniyang mga kamay at saka nilagay niya ito sa ilalim ng kaniyang baba. "I heard from Principal MJ na ang makakakuha raw ng pinakamataas na marka sa class evaluations ay magiging school representative sa darating na tournament ngunit hindi ko alam kung anong tournament iyon," seryosong sabi ni Kingsley sa mga kasama niya. "Then that means makikilala na tayo ng buong Cwyxgian!" manghang sabi ni Mexis. "Wag kang maging tanga, Mexis. Makikilala lamang tayo ng buong Cwyxgian kapag tayo ang mananalo sa sinasabi na tournament ni Principal MJ," ani Kingsley. "Then what are we going to do president?" tanong ni Leona sa binatang si Kingsley. Kingsley smirked, "For now, we'll train and observe baka may mga impormasyon pa tayong makukuha." "And we'll use that information against all our opponents," dagdag ni Leona. "Hey president, maaga pa. Tingin ko may tao pa ngayon sa silid ng Naryena. Why don't we clean some weaklings?" Dennis smirked and cracked his knuckles. Hindi na napigilan ni Kingsley ang tumawa ng madilim. "Great idea, Dennis."—tumayo siya mula sa kaniyang upuan—"Come, let's continue our clean-up." ***** "Van naman! Gutom na ako! Umuwi na tayo sa dorm!" reklamo ni Carter kay Van. "Carter hindi pa oras ng dinner tsaka maaga pa kaya! It's still five-fourty pm!" Alia rolled her eyes. "Maglinis ka na nga diyan Carter," naiinis na sabi ni Van "Oh come on Van, I know you're hungry too." Pumunta sa harapan ni Van si Carter at nagpa-cute ito sa dalaga. "Ugh! Ew! Carter stop that! Nakakasuka ang pagmumukha mo!" ngumiwi si Van at akmang hahampasin niya ng dust pan ang mukha ni Carter. "Pffft! Hahahaha!" hagalpak ang tawa ni Alia habang nakatingin kay Carter. "Sige lang, pagtawanan niyo lang ako," Carter scoffed at bumalik na siya sa paglilinis. Habang naglilinis si Alia ay napansin niya na tila may gumagalaw mula sa gilid ng kaniyang mga mata kaya lumingon siya sa bintana kung saan makikita ang corridor. Sumingkit ang mga mata ni Alia nang nakita niya na may mga anino na gumagalaw doon. Naglakad si Alia papalapit ng bintana nang tinawag siya ni Van. "Alia tapos ka na ba?" Napahinto si Alia at kaagad siyang lumingon kay Van. "Yeah, tapos na ako. Kayo?" "I'm done. Ikaw Carter?" tumingin si Van kay Carter na ngayon ay nakaupo sa sahig ng classroom. "Kanina pa. Grabe ang tagal niyong matapos! Gutom na ako! Si Hunter pa naman ang magluluto ngayon. Wah! Gusto ko ng kumain ng mga niluto ni Hunter!" parang bata na sabi ni Carter kaya napailing nalang si Van. "Let's do our final clean up para makauwi na tayo," sabi ni Van at niligpit na niya ang mga walis at basahan na ginamit niya. Abala sa pagliligpit si Alia nang napansin na naman niya ang mga anino. Naalerto si Alia nang nakita niya ang anino ng isang tao. Alia summoned some blades at nakuha nito ang atensyon nina Carter at Van. "Alia? What's wrong—" hindi natapos ni Van ang sinabi niya dahil binigyan siya ng isang matalim na tingin ni Alia. "There's someone outside! Act normally or they'll notice that we've noticed them!" Alia hissed at lumingon ulit sa labas ng classroom. "s**t! I can't transform here! There's not enough space for my giant body!" inis na sabi ni Van. "Don't worry Van. Nandito kami ni Alia. Huwag ka lang lumayo sa amin," seryosong sabi ni Carter sa dalaga at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Kinuha ni Alia ang mga kamay ni Van at binigay niya ang kaniyang dalawang blade sa dalaga. "Here Van. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban natin so use my blades to defend yourself and to keep yourself safe—" "Oh what a sight! Bakit ba kayo nagkukunwari na parang sasabak kayo sa isang madugong laban?!" a voice jeered inside the room at humalakhak ito ng malakas. The voice was low, full of amusement and mock at naalerto sina Carter dahil dito. "s**t," Carter cursed silently habang tumitingin sa buong classroom. Maya maya ay lumitaw ang pigura ng isang lalaki sa harapan nilang tatlo. Nakaupo ito sa teacher's table at nakangisi ito habang nakatingin kina Carter. "Hello, kamusta na si Jared? Wala pa rin ba siyang malay? Awe, kawawa naman siya."—mas lumaki pa ang ngisi nito—"mukhang napasobra nga talaga kami sa ginawa namin dahil hindi iyon nakayanan ng mahinang katawan niya." Lumaki ang mga mata ni Alia nang napagtanto niya ang sinabi ng lalaki. "Y-You!—" hindi natapos ni Alia ang sinabi niya nang biglang may lumitaw na apat pang mga pigura sa likod ng lalaki. "Kayo ang may gawa non kay Jared?! Kayo ang bumugbog sakaniya?!" hindi makapaniwalang tanong ni Van. "Oo kami nga," sabi ng babae. "Surprise?" at malademonyo itong ngumisi kay Van. "I should have known," Carter growled under his breath while glaring at the people standing in front of him. "So?"—tumayo mula sa pagkakaupo ng teacher's table ang lalaki at isa-isa niyang tiningnan sina Carter, Van at Alia—"Let's start the party?" tanong nito at maya maya ay sumilay ang isang malademonyong ngiti sa kaniyang labi. "Party?" naguguluhan na sabi ni Alia nang biglang lumitaw sa harapan niya ang babae kanina. "Ligpitin sila!" "s**t!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD