THIRD PERSON'S POV
Maagang gumising si Hunter dahil naisipan niya na bisitahin at tingnan ang kalagayan ni Jared noong umagang iyon. Lumabas siya ng kaniyang kuwarto at nagtungo sa silid ni Jared. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at nakita niya na wala paring malay si Jared. Nakita ni Hunter si Carter na ngayon ay natutulog sa tabi ni Jared, halatang binantayan niya ito kagabi at dito na naisipan na matulog sa kwarto ni Jared. Nilapitan ni Hunter ang binatang si Carter at mahina niyang tinapik ang braso nito upang gisingin.
"Carter, Oy! Gising!" Hunter hissed as he kept on poking and punching Carter's arm.
"Hmmm..." nagulat si Hunter nang bigla siyang niyakap ni Carter. Napangiwi si Hunter at hindi na nagdalawang isip na suntukin sa mukha si Carter.
"Aray ko!" hiyaw ni Carter dahil sa sakit at masama niyang tiningnan si Hunter na ngayon ay nakataas ang isang kilay.
"Ikaw pala yan Hunter," nahihiyang sabi ni Carter at napakamot na lamang sa kaniyang batok.
"Umaga na. Maligo ka na at magbihis dahil maaga tayong papasok ngayon. Bibisitahin pa natin sina Miyo at Aya," walang emosyon na sabi ni Hunter at naglakad na papaalis ng silid.
"Naiinis ka pa rin ba hanggang ngayon Hunter?" tanong ni Carter sa binata nang napansin niya ang malamig na pakikitungo ni Hunter sakaniya.
Napahinto si Hunter. Nanatili lang siyang nakatingin sa mga paa niya. Naramdaman niya ngayon ang bigat ng kaniyang dibdib at naninikip ito, tila may gustong lumabas mula sa katawan niya at gustong magwala. Naramdaman iyon lahat Hunter. Kinuyom ni Hunter ang mga kamay niya upang pigilan ang kaniyang sarili na huwag manginig dahil sa galit.
"Oo, naiinis pa rin ako. Dahil sa kapabayaan ko ay may nangyari na masama kay Jared. Bakit ba kasi nangyari pa ito?!" Hunter thought as he glared at the floor.
Naramdaman ni Hunter ang pagbigat ng kaniyang mga hininga at ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Unti unti lumalaki ang galit na nasa loob ng puso niya. Gusto na nitong magwala at lumabas ngunit pinigilan iyon ni Hunter dahil ayaw niyang makita ang resulta ng kaniyang ginawa kapag hinayaan niya ang galit niya. Ayaw niyang nay mangyari na naman dahil sa kapabayaan niya.
"I heard your thoughts, Hunter. Alam mo naman na hindi mo kasalanan ang nangyari kay Jared at lalong hindi natin iyon kasalanan—" Carter stopped talking when Hunter snapped.
"Hindi natin kasalanan ang nangyari?! Carter, Jared was attacked right in front of our dorm! You hear me?! It happened right infront of our f*****g dorm! So clearly, we are at fault here dahil hindi man lang natin pinakinggan ang paligid natin! Naging pabaya tayo! Hinayaan lang natin na atakihin si Jared ng kung sino man ang umatake sakaniya!" Hunter snapped in anger and he glared at Carter who was now frozen and shocked on his place, eyes wide and focused only on Hunter.
Hindi na napigilan ni Hunter ang galit niya. Kagabi pa niya ito pinipigilan at ngayon ay hindi na niya ito napigilan at hinayaan na lamang na magwala. Hinayaan na niya ang sarili niya na magwala dahil sa tindi ng galit niya.
"Hunter abala tayo sa mga ginagawa natin. It's not our fault why it happened," kontra ni Carter na lalong ikinagalit ni Hunter.
"No! It's our fault! We can all hear what's happening outside but we chose not to hear it kasi wala nga tayong pakialam!" Hunter messed his hair aggressively as he started to pant heavily. His chest rose and dropped rapidly.
Hindi na napigilan ni Carter ang sumigaw. "Damn it Hunter! Just calm down—"
"Don't tell me to f*****g calm down!—" Hunter bellowed at Carter.
"f**k! Stop cutting me off!" galit na sigaw ni Carter. Padabog na nilapitan ni Carter si Hunter at hinablot niya ang kaliwang braso ng binata. "Look!" tinuro ni Carter ang braso ni Hunter.
"What the?" lumaki ang mga mata ni Hunter nang nakita niya ang braso niya. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at marahan niyang hinaplos ang kaliwang braso niya.
"I saw it when you messed up your hair like some f*****g lunatic," seryosong sabi ni Carter sa binata.
"What are these? When did this appear? Why are there odd marks on my arm?" sunod sunod na tanong ni Hunter at naguguluhan siyang tumingin kay Carter.
"I don't know bro. Maybe your anger triggered them or maybe something else."—Carter hissed—"Are you still angry?" tanong niya.
Umiling si Hunter. "I don't know."
"Crap, those marks are different. Ngayon ko lang ito nakita," seryosong sabi ni Carter habang nakatingin sa braso ni Hunter.
Hunter was lost for words while looking at the odd marks on his arm. The marks were like growing branches of nerves and veins. It was glowing in green and it kept on stretching out from Hunter's hand. The edges were beginning to develop odd and sharp ends and some were connecting to the other branches. The odd green marks were shaping Hunter's veins and nerves and it was crawling towards his upper arm. Tila isang buhay na tattoo ang marka na nasa braso ni Hunter. Hahawakan na sana ulit ni Hunter ang mga marka nang bigla itong naglaho sa braso niya.
"What the?! They're gone!" bulalas ni Hunter habang nakatingin sa kaliwang braso niya.
"What?!"—kinuha ni Carter ang braso ni Hunter at tiningnan ito ng mabuti—"Putahamnida! Wala na nga!" gulat na sabi ni Carter.
"Tol, kailangan malaman ni Naeri ang tungkol sa marka mo. Alam naman natin na mahilig siyang tumuklas ng mga bagong bagay. Maybe she can help you. Hindi natin alam kung maganda ba ito o masama para sa mahika mo," dagdag ni Carter.
"Mamaya, I'll tell Naeri about it," determinadong sabi ni Hunter.
"Tara na nga. Baka ma late pa tayo," sabi ni Carter at lumabas na sila ni Hunter ng kwarto ni Jared.
Nagtungo na sa kanilang mga silid ang dalawang binata at naghanda na para pumasok. Abala sa pagbibihis si Hunter nang bigla siyang nakaramdam ng hapdi mula sakaniyang kaliwang braso. Tiningnan ito ni Hunter at laking gulat niya nang muli na namang nagpakita ang kakaibang marka na nakita niya kanina. Hunter cursed at kumuha siya ng tuwalya mula sa drawer niya. Sinubukan niyang punasan ang mga marka na nasa braso niya ngunit hindi ito nawala. Nagtungo ulit si Hunter sa banyo at nilagyan niya ng tubig ang mga marka ngunit umilaw lang ito at hindi pa rin nawala.
"Bakit ayaw mong matanggal?!" inis na bulong ni Hunter habang pinupunasan ng basang tuwalya ang mga marka na nasa braso niya. Nawala na ang hapdi ngunit hindi parin nawala ang mga marka.
Hunter ran out of options kaya kinuha nalang niya ang hoodie niya at sinuot ito dahil wala na siyang ibang naisip na paraan upang takpan ang mga marka na nasa kaliwang braso niya. Lumabas na si Hunter ng silid niya at sakto rin ang paglabas ni Kris mula sa kwarto niya.
"Good morning, Hunter." Kris smiled and then raised a brow when she noticed that Hunter was wearing a hoodie. "Bakit nakasuot ka ng hoodie? Hindi naman malamig ah?"
Hunter laughed awkwadly. "A-Ah medyo masama kasi ang pakiramdam ko." and then he quickly turned his head towards the stairs at nagmamadali siyang umalis.
"Weird," Kris mumbled but then decided to shrug it off.
"Damn it. Muntik na," Hunter mumbled while walking towards the front door.
"Hunter wait up!" tawag ni Hiro nang nakita niya si Hunter.
Hunter bit his lip. "Anong gagawin ko? Paano kung makita ni Hiro ang mga marka na tinatago ko? Damn it! What am I going to do?!" he panicked on his place.
"Hunter—" Hunter flinched and moved away from Hiro who just touched his arm.
"Hunter ayos ka lang ba?" naguguluhan na tanong ni Hiro sa binata.
"I-I am fine. Ano ba ang kailangan mo?" tanong ni Hunter habang umiiwas ng tingin kay Hiro.
Kumunot ang noo ni Hiro. "Bakit naka-hoodie ka? Hindi naman malamig sa labas."
Ngumiti ng pilit si Hunter. "Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko."
"Talaga? Bakit di ka lumapit kay Mary? She can heal you, you know." Pinagmasdan ni Hiro si Hunter. Napunta ang mga mata ni Hiro sa kaliwang kamay ni Hunter nang napansin niyang umiilaw ito. Hahawakan na sana ni Hiro ang kamay ni Hunter nang mabilis na umiwas ang binata mula sakaniya, tila natatakot na mapaso ang kaniyang palad mula sa mga kamay ni Hiro.
"Hunter—"
"I'm fine! God damn it! Mahirap ba na intindihin iyon?!" galit bulyaw ni Hunter kay Hiro habang hinahawakan ang kaniyang kaliwang kamay.
"Bakit ka ba nagagalit?" tumaas ang isang kilay ni Hiro.
"Hindi ako galit!" Hunter glared at Hiro. Hiro's face turned serious. Nanatili lang ang kaniyang seryosong tingin kay Hunter na ngayon ay kinakabahan na nakatingin sa kaniya.
Hiro grabbed Hunter's left arm and dragged him out of the dorm. Hinigpitan ni Hiro ang pagkakahawak niya sa braso ni Hunter nang naramdaman niya na nagsimula ng magpumiglas si Hunter. Nang nakalayo na silang dalawa sa dorm ay doon binitawan ni Hiro ang braso ni Hunter.
Hiro's gaze became sharp at mas lalong kinabahan si Hunter. Hunter admitted to himself that Hiro is scary just like Jared but the Hiro that he saw right now was scarier than Jared. Hiro was a year older than Hunter and couldn't help but feel intimidated.
"Roll up your sleeves," utos ng ni Hiro. His voice was cold and dead serious and Hunter immediately obeyed the older boy.
Hunter rolled up the sleeve of his hoodie and the odd marks on his left arm appeared. Muling kinuha ni Hiro ang kaliwang braso ni Hunter at maiging tiningnan ang mga marka na nasa braso ni Hunter.
"When did you get these marks?" malamig na tanong ni Hiro at binitawan niya ang braso ni Hunter.
"Kaninang umaga nang nagkasagutan kami ni Carter," paliwanag ni Hunter and he rolled down the sleeve of his hoodie.
"So meaning, nakita na rin iyan ni Carter?" tanong ni Hiro at tumango si Hunter.
"Listen Hunter, that mark is something else. Huwag mo iyang ipakita kahit kanino at lalong huwag mong sabihin ang tungkol diyan kahit kanino. Sapat na si Carter lang ang nakakaalam," seryosong wika ni Hiro na ikinataka ni Hunter.
"Bakit si Carter lang? Alam mo naman ang tungkol sa mga marka ko pero bakit hindi mo sinali ang sarili mo?" nagbanggaan ang mga kilay ni Hunter habang nakatingin kay Hiro.
Huminga ng malalim si Hiro at hindi na nagsalita pa. Inilahad niya kay Hunter ang kaniyang kaliwang braso at nanlaki ang mga mata ni Hunter nang napagtanto na niya ang mga kilos ni Hiro. Kinuyom ni Hiro ang kaniyang kaliwang kamay at lumabas mula sa kaniyang kaliwang braso ang mga tila ugat na marka at umiilaw ito ng kulay lila. Unti unti itong kumalat hanggang sa kaniyang balikat at nakita ito lahat ni Hunter.
"P-Paanong?" dahil sa sobrang gulo ng isipan ni Hunter ay hindi na siya nakapagsalita.
"Just like you, I also had these odd marks on my arm. I remembered how I got these marks after the argument I had with Jared noong binisita namin sina Sean kasama si Naeri," paliwanag ni Hiro at sa isang iglap ay nawala ang mga marka na nasa braso niya.
"How did you do that?!" bulalas ni Hunter nang nakita niya kung paano nawala ang mga marka ni Hiro at bumalik na sa dati ang braso niya.
"Don't feel the marks. Take a deep breath and make yourself calm down. Control your emotions and think that the marks are gone at mawawala lamang sila bigla," sabi ni Hiro.
Ginawa ni Hunter ang sinabi ni Hiro. Hunter rolled up his sleeves at nakita niya na nawala na ang mga marka na nasa kaliwang braso niya. "The marks are gone! Paano mo nalaman na ganoon lang iyon?" Hunter asked.
"I learned it by meditation. I had a feeling na konektado ang mga markang ito sa mga emosyon natin. Noong nagalit ako kay Jared dahil hindi niya tinawagan si principal MJ para tulungan sina Sean ay lumabas ang mga marka na ito. Good thing nakahoodie ako non at walang nakakita sa mga marka ko." Hiro sighed while remembering what happened to him that day.
"Meditation huh?"—Hunter smiled in amusement—"Wait, could it be that because of Jared ay nakuha natin ang mga marka na ito? I mean, you got mad at Jared at ako naman ay nagalit dahil sa nangyari kay Jared," sabi ni Hunter kay Hiro.
Hiro shrugged. "I don't know man. Maybe? or maybe not? It might be just a coinsidence."
"But why are your marks until your shoulder? And mine are just until my elbow?" tanong ni Hunter and his eyebrows scrunched together.
"Sa tingin ko, the marks that we got grows as our emotions get all bottled up and get powerful. It's like they're connected."—Hiro sighed—"Sa ngayon, wala pa akong alam tungkol sa mga marka na'to but I think Naeri is doing her research about these marks," sabi ni Hiro kay Hunter.
"May alam na si Naeri?" gulat na tanong ni Hunter na ikinatuwa ni Hiro.
"I told her that night but only her. Alam ko kasi na matutulungan ako ni Naeri at ngayon na dalawa na tayong may mga kakaibang marka ay mas lalong matutuwa iyon," nakangising sabi ni Hiro. Biglang tumunog ang school bell ng academy at sabay na napamura sina Hiro at Hunter.
"s**t! Late na tayo!" mura ni Hiro at mabilis na tumakbo papaalis at kaagad naman na sumunod sakaniya si Hunter.
"s**t talaga! Argh! Hiro hintay!" sigaw ni Hunter habang tumatakbo.
"Hiro!"—Hunter panted—"Diba sabi mo na ang mga marka natin ay konektado sa mga emosyon natin? Then does that mean na kapag nagalit ulit ako ay posible na tuluyan ng kumalat ang mga marka ko?" tanong ni Hunter kay Hiro habang tumatakbo.
"Posible iyon—Hey! Could you not ask about the marks habang tumatakbo tayo? Baka may makarinig sa'tin dahil sa laki ng boses mo!" sita ni Hiro sa binata.
"Oh, sorry about that." Diretsong tumingin si Hunter. Maya maya ay nakarating na silang dalawa sa kanilang silid-aralan. Binuksan ni Hiro ang pinto ng silid at ang unang bumungad sakaniya ay ang binatang si Uriel na nakahiga sa teacher's table.
"Oh? Hiro! Hunter! Guys nandito na sila!" masayang anunsyo ni Uriel nang nakita niya ang dalawang binata at umupo siya sa lamesa.
"Saan ba kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap," bungad ni Alia kina Hiro habang nagbabasa ng libro.
"s**t! Hindi ko pwedeng sabihin sakanila ang tungkol sa mga marka! Ayoko na mag-alala sila!" Hiro started to panic on his spot.
"Ah, nagpapahangin lang kami sa labas," palusot kaagad ni Hiro at palihim niyang siniko si Hunter na nakatayo sa tabi niya.
"Ah! Ahahaha! O-Oo! Nagpapahangin lang kami sa labas!" napakamot si Hunter sa kaniyang batok habang tumatawa.
"Nagpapahangin ka Hunter? Pero diba sabi mo masama ang pakiramdam mo?" tanong ni Kris na ikinatigil ni Hunter.
"Crap…" nakulayan ng puti ang buong mukha ni Hunter at napalunok siya.
"This guy—Aish! Mabubuking ang sekreto naming dalawa dahil sakaniya!" matalim na tiningnan ni Hiro si Hunter mula sa gilid ng mga mata niya.
Tumikhim si Hiro. "Medyo ayos na ang pakiramdam ni Hunter at naisipan niyang sumama sa'kin na magpahangin para gumaan pa lalo ang pakiramdam niya."
"Ganon ba? Okay. Umupo na kayo, malapit ng dumating si Prof Zen," nakangiting sabi ni Kris sakanila.
"Wew, that came out well…" Hiro sighed. Umupo na sina Hunter sa Hiro sa kanilang mga upuan nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Jade kasama ang isang tao na hindi nila inaasahan na papasok ngayon. Pati ang iba ay nagulat dahil sa kanilang nakita.
"Hello again guys! Look who I bumped into when I was on my way here!" masayang sabi ni Jade at ngumiti sa katabi niya.
"Nice to see you everyone," sabi ng katabi ni Jade at ngumiti ito.
Galia gulped in shock. "MIYO!" sinunggaban kaagad ni Galia ng yakap si Miyo.
"Waaaaah! Miyo na-miss kita~" iyak ni Galia at hinigpitan niya ang yakap niya sa dalaga.
Tumawa ng mahina si Miyo. "Ako din, Galia."
"Huwaw! Comeback is real!" sigaw ni Uriel ng nakangiti mula sa itaas ng teacher's table.
"Whoa, it's been a while now huh? Welcome back, Miyo," nakangiting sabi ni Nilus.
"Welcome back Miyo!" sinunggaban din ng yakap nina Diana at Celeste si Miyo.
"Welcome back, Miyo." Naeri smiled at Miyo.
"Hahaha! Thanks guys." Halos mapunit na ang mukha ni Miyo dahil sa laki ng ngiti niya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Mary kay Miyo while smiling.
"I'm completely fine now. Master Fiora healed me again," sabi ni Miyo sa dalaga.
"Daebak, ibang klase talaga ang lakas ng mga taga council no?" manghang sabi ni Neon at hinawakan niya ang kamay ni Miyo. "Masaya ako dahil nandito ka na, Miyo."
"Thanks Neon—"
"Well…well…" napalingon ang lahat sa pinto, leaving Miyo confused. Everyone fell into silence as they looked at the person who just entered the classroom.
Jade gulped in surprise. "E-Ella…" umatras si Jade and Ella smirked when she saw how Jade got nervous.
"Ella? Who's Ella?" Miyo thought in confusion. Kumunot ang noo ni Miyo dahil sa sinabi ni Jade kaya lumingon si Miyo at doon niya nakita ang isang babae na hindi niya kilala. Pinagmasdan lang ni Miyo ang babae nang nakita niya ang necktie nito.
"A pink colored necktie? So she's from Verwick. Ano naman ang ginagawa ng isang estudyante ng Verwick dito?" Miyo thought as her confusion turned into curiosity.
Ella met Miyo's eyes and she smirked when she saw Miyo's strange look. "Ah! Siya ba ang classmate niyo na baliw? Yong classmate niyo na bigla nalang daw na nagwala?" tanong ni Ella kina Jade at tiningnan niya ulit si Miyo. "Miyo right?" ngumiti ng matamis si Ella kay Miyo.
Kinuyom ni Alia ang mga kamay niya. "Hindi baliw si Miyo—"
"Oo, ako nga si Miyo. May I know who you are and why you're here?" nagtatakang tanong ni Miyo kay Ella, her eyes were hard on Ella.
"I'm Ella and I'm your new classmate—Ah! Temporary classmate pala kasi hindi naman ako kagaya niyo na mga mahihina. Nilagay lang ako rito kasi under construction pa ang building namin." Ella shrugged at naglakad siya patungo sa upuan niya at saka kinuha ang bag niya.
"Anyway, hindi na ako magtatagal kasi may training pa ako. Toodles losers!" nang-aasar na sabi ni Ella at lumabas na siya ng classroom.
"Argh! That b***h," Alia growled.
"Calm down, Alia. She's just being a brat." Clyde patted Alia's shoulders
Tiningnan ni Miyo ang upuan ni Ella at nakita niya na bago ito. Napansin rin ni Miyo ang dalawa pang bagong mga upuan at doon niya napagtanto na hindi lang si Ella ang temporary classmate nila.
"Sino pa ang mga temporary classmates natin?" tanong ni Miyo sa mga kasama niya.
"Stella and Jewel. They're not here kasi nasa training rin sila," sabi ni Kris.
Kumunot ulit ang noo ni Miyo nang may napansin siya. "Kulang kayo ah? Nasaan sina Rain, Sean at Daryl?" tanong ni Miyo. "Pati si Jared ay wala rin dito," dagdag niya.
"Well, about that…" umiwas ng tingin si Mary at lumingon kay Kris.
Nagtama ang mga mata nina Kris at Mary kaya bumuntong hinga si Kris at nagsalita, "Rain and Sean are taking a rest right now after their magic got out of control. Daryl's fine at nasa dorm siya, still recovering and about Jared…"
"What about Jared?" nagsimula ng mag-alala si Miyo.
"Jared was attacked by an anonymous group yesterday sa harap ng dorm natin at ngayon ay nasa dorm siya, wala pa ring malay," walang emosyon na sabi ni Hunter na ikinabigla ni Miyo.
"J-Jared was attacked? P-Paano nangyari yon?" hindi makapaniwala si Miyo.
"Hindi rin namin alam. Nakita nalang namin siya na walang malay at sugatan sa harap ng dorm," malungkot na sabi ni Mary.
Kinuyom ni Miyo ang mga kamay niya. "Sabi niyo isang di kilala na grupo ang umatake kay Jared diba? Paano niyo naman nasabi na isang grupo nga ang umatake kay Jared?"
Natigilan si Hunter dahil sa sinabi ni Miyo. Muli na naman niyang naalala ang sinabi ni Jost sakaniya.
"Ngayon na malapit na ang class evaluations, mainit na ang tingin ng mga klase sa isa't isa."
Kumunot ang noo ni Hunter. Ano ang ibig ipinaparating ng mga salita ni Jost? Bakit lagi nalang niya itong naaalala?
"Hindi mahina si Jared, Miyo. Alam mo iyon." Napalingon si Miyo kay Hiro nang biglang itong nagsalita. Nagtama ang kanilang mga mata at nakita ni Miyo ang malamig na ekspresyon ni Hiro.
"Jared can handle one person easily but with his unconscious and weak state right now? There's no doubt that he was attacked by a group of who knows who those f*****g people are." Hiro's gaze gave Miyo the chills.
Unang umiwas ng tingin si Miyo. "Were there evidence left by the attackers?"
Natigilan si Mary. "E-Evidence?"
"Come to think of it, hindi natin naisip iyon," singit ni Naeri.
"Hindi natin sinubukan na maghanap ng mga ebidensya na posibleng magturo sa'tin sa kung sino ang umatake kay Jared." Bumaba si Uriel mula sa teacher's table at naglakad papalapit kay Miyo.
"Then well do it after class tutal wala naman tayong training," sabi ni Nilus.
"Kahit wala tayong training, we still need to train. The class evaluations are fast approaching." Lumingon si Miyo kay Diana nang narinig niya iyon mula sakaniya.
"Class evaluations?" kumunot ang noo ni Miyo.
"Ah, wala pa palang alam si Miyo tungkol doon," sabi ni Celeste kay Diana.
"Ang class evaluations ay isang paligsahan kung saan ang lahat ng mga estudyante ng Silverwest Academy ay nagtitipon. It's an event where the whole class should participate and fight for the 'strongest class' title. It actually happens every second semester of the school year," paliwanag ni Naeri sa dalaga.
"The strongest class…title?" lalong kumunot ang noo ni Miyo.
"It's a class title which means that the class that wins on the class evaluations is going to be honoured and recognized as the strongest class here in Silverwest Academy. Well, that's what I understand from what the scouts said yesterday," Kris explained.
"Speaking of scouts, kamusta na si Aya?" singit ni Van.
"Aya's fine. Actually, pumasok na rin siya." Miyo sat on her seat. Napansin ni Miyo ang mga nasunog na parte ng kaniyang upuan. Hinawakan niya ito ng dahan dahan at nakaramdam kaagad siya ng lungkot ng naalala niya ang hirap na dinaranas niya.
"Oh, tungkol sa upuan mo..."—Cally smiled awkwardly—"hindi na namin napalitan iyan kasi wala ng extra ang storage room eh."
"It's okay." Ngumiti si Miyo. "So, which class was entitled as the strongest class last year?" tanong ni Miyo.
Ngumiwi ang lahat at sabay sinabi ang salitang, "The class of Cromdor last year."
"The class of Cromdor last year?" tumaas ang isang kilay ni Miyo.
"The students of Cromdor last year are the students of Maydoom now," paliwanag ni Cally kay Miyo.
Hindi na nagulat si Miyo. "Wow, ngayon ay malinaw na sa'kin ang lahat."
"I know right? kaya pala ang laki ng mga atay nila sa tiyan. Damn those Maydoom kids," Jade scoffed and she rolled her eyes.
"At dahil nag-uusap tayo tungkol sa class evaluations, bigla kong naalala na may meeting pa pala akong pupuntahan. Jared's not here and as the vice president of this class ay kailangan kong pumunta sa meeting to represent our section," sabi ni Mary at pumunta siya sa kaniyang upuan upang kunin ang kaniyang notebook.
"See you at lunch guys!" paalam ni Mary at lumabas na siya ng silid.
"Now now, everyone please settle down. Papalapit na si Prof Zen. I can already hear her footsteps coming towards here," anunsyo ni Kris habang naglalakad pabalik sa upuan niya.
Umupo si Uriel sa tabi ni Miyo at ngumisi siya ng nakakaloko siya sa dalaga. "Welcome back, seatmate. Pakopya ah?"
Miyo's face twitched in annoyance. "K-Kopya? Absent na nga ako ng ilang araw tapos kokopya ka pa sa'kin? Gosh, you're unbelievable," inis na bulong ni Miyo but a smile crept slowly on her lips.
"Ah, it's good to be back." Miyo thought while smiling.