Chapter 6 : Blank

3832 Words
THIRD PERSON'S POV "She's awake." Matapos iyong sabihin ni Kris ay mas mabilis pa sa kidlat na tumakbo si Naeri papaalis ng kwarto kung nasaan sina Sean. Hindi naman nagpahuli sina Jared at kaagad silang sumunod kay Naeri palabas ng kwarto. "I need to see Aya. I need to know something from her," sabi ni Naeri sa kaniyang isip. "Naeri! Slow down!" tawag ni Clyde sa dalaga habang tumatakbo. "Just run Clyde! We need to see Aya and ask about her augury! We need to know if it's good or bad! We need to know the whole truth!" sunod-sunod na sabi ni Naeri. "Alam ko! Pero chill ka lang kasi!" reklamo ni Clyde but no one seems to be listening to him kaya nagpatuloy nalang siya sa pag-akyat ng hagdan. Naeri opened the door of the basement at kaagad siyang dumiretso sa kusina. Naabutan ni Naeri si Kris na naglalakad pabalik-balik at tila hinihintay siya nito. "Kris!" tawag ni Naeri kay Kris at napalingon sakaniya ang dalaga. "Naeri! Mabuti at nandito ka na," sabi ni Kris at huminga siya ng maluwag. "Angel came by at sinabi niya sa'kin na gising na raw si Aya," dagdag niya. "Then let's see her," seryosong sabi ni Naeri at aalis na sana siya ngunit kaagad siyang pinigilan ni Kris. "Wait." Pigil ni Kris kaya huminto si Naeri at lumingon siya sa dalaga. "Bakit?" tanong ni Naeri. "Bago tayo pumunta ng infirmary, may isa pang sinabi sa'kin si Angel tungkol kay Aya—" "Kris!" "Jared," gulat na sabi ni Kris nang nakita niya si Jared at kasama nito sina Hiro. "Nasaan daw si Aya?" bungad ni Hiro kay Kris. "Nasa infirmary parin si Aya but she's conscious now," sabi ni Kris kay Hiro. "Ano pa ang sinabi ni Angel tungkol kay Aya, Kris?" tanong ni Naeri sa dalaga. Huminga ng malalim si Kris bago nagsalita, "Ang sabi ni Angel sa'kin ay may kakaibang nangyayari raw kay Aya nang nagising siya," nag-aalalang sabi ni Kris. "What is it?" usisa ni Clyde. "I don't know either. Iyon lamang ang sinabi ni Angel sa'kin at pagkatapos non ay nagmadali na siyang umalis. Right now, we need to go to the infirmary and check on Aya," seryosong sabi ni Kris at naglakad na paalis. "Bakit ngayon ko lang nalaman na may nangyari pala kay Aya?" biglang tanong ni Clyde kina Jared. "Kasi natulog na kayo ni Hiro kagabi noong sinabi namin ang tungkol sa nangyari kay Aya," biglang sabi ng isang bagong dating na boses. "Jade," sabay na sabi nina Hiro at Clyde nang nakita nila si Jade na pumasok ng kusina. "Come on. Nasa infirmary na ang iba," sabi ni Jade sakanila at umalis na. Kaagad naman sumunod ang tatlong binata. "Aya passed out and lost control of her magic the other day. The other scouts were okay and only Carl got some major injuries," sabi ni Jared kina Hiro at Clyde habang naglalakad. "You're saying that Aya lost control of her magic because of the augury that she had?" paniguradong tanong ni Hiro at tumango si Jared. "Yes, you're right," sabi ni Jared kay Hiro at tumingin siya sa unahan. "Goodness! Why is everybody losing control of their magic these days?!" Clyde exclaimed while waving his hands in the air frantically. "I don't know what to say," was all Jade could say habang naglalakad. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na sila ng infirmary at naabutan nina Jade ang ibang mga kaibigan nila na naghihintay sila sa pasilyo ng infirmary kaya nilapitan ni Jade si Kris. "Thank goodness at nandito na kayo," bungad ni Kris kina Jade. "Kamusta si Aya? Ayos na ba siya?" tanong ni Jade kay Kris. "I don't know Jade. Nasa loob pa sina Mary at Naeri. Tinitingnan pa nila ang sitwasyon ni Aya kasi wala kaming healer na naabutan pagdating namin dito," paliwanag ni Kris. "Sina Jost? Ang ibang scouts? Nasaan sila?" tanong ni Hiro kay Kris. "Sina Jost at Angel ay nasa loob ng infirmary kasama si Aya. Si Carl naman ay nasa dorm nila, nagpapahinga kasama si Mark," ani Kris. "Kinakabahan ako," sabi ni Galia na ngayon ay nasa tabi na ni Kris. Biglang naramdaman ni Clyde ang pagtayo ng kaniyang mga balahibo sa batok. Kumunot ang noo ni Clyde at hinimas niya ang kaniyang braso nang nakaramdam siya ng isang napakalakas na awra. "What the?" bulong ni Clyde at tiningnan niya ang buong paligid habang hinahanap kung saan galing ang awra na naramdaman niya. "May problema ba Clyde? Bakit nababalisa ka?" tanong ni Hiro kay Clyde ngunit hindi sumagot si Clyde. Nilampasan lang niya si Hiro at nagpatuloy lang siya sa paghahanap. Hindi pinansin ni Clyde ang kaniyang mga kaibigan. Kahit nakatingin na ngayon silang lahat sakaniya ay patuloy pa rin sa paghahanap si Clyde at sa kaniyang paghahanap ay maingat niyang tiningnan ang buong lugar. Sinusuri niya ang bawat sulok ng pasilyo, diterminadong mahanap ang pinanggalingan ng awra na naramdaman niya. "Saan ba galing ang awra na'to? Sino ba ang may-ari ng awra na nararamdaman ko ngayon?" Kinagat ni Clyde ang ibabang labi niya at pinunasan ang mga butil ng pawis na namumuo ngayon sa kaniyang noo. "Why am I feeling the aura from everywhere?" Clyde asked himself nang napagtanto niya na naglalakad pala siya ng pabilog at muli siyang tumingin sa buong paligid. "Clyde, what's wrong man?" tanong ni Uriel kay Clyde nang nakalapit na siya sa binata. "Clyde you're acting weird. May kakaiba ka bang nararamdaman? Sabihin mo sa'min," Alia demanded while looking at Clyde. "Oo nga. May nararamdaman ka bang kakaiba na awra Clyde?" tanong naman ni Van. Sandaling tumahimik ang buong paligid nang nagsalita si Clyde at binasag niya ang katahimikan. "The aura is around the place. It's coming from everywhere," mahinang sabi ni Clyde na ikinagulat nilang lahat. "Anong around the place? Sinasabi mo ba na pinalibutan tayo ng awra na nararamdaman mo?!" hindi makapaniwala na tanong ni Nilus at tumango si Clyde. "Malakas ba? Delikado? Nakakamatay? Kalaban ba?" sunod-sunod na tanong ni Cally at dumikit kay Carter. Naging seryoso ang mukha ni Clyde. "Lahat." Kumunot ang noo ni Cally habang nakatingin kay Clyde. "Anong lahat—" "Clyde!" Tumama ang katawan ni Clyde sa pader ng pasilyo nang biglang bumuhos ang isang napakalakas na hangin sa loob ng gusali. Nagkagulo na ang mga kasama ni Clyde ngunit siya ay hindi na makakilos mula sa kaniyang puwesto dahil sa lakas ng pagkakatama niya. "Nanlalabo na ang paningin ko..." Sandaling pumikit si Clyde at binuksan ulit ang kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang kaniyang ulo at nakita niya na nagkakagulo pa rin ang mga kasama niya. "Ang lakas ng ulan sa labas!" "Argh! Wala akong makita dahil sa hangin!" "Ang daming alikabok!" "Ano ba ang nangyayari?!" "Clyde!" Lumingon si Clyde sa isang pigura na papalapit sakanya. "Hiro?" naguguluhan na sambit ni Clyde at umayos siya sa kaniyang pagkakaupo. "Clyde!? Naririnig mo ba ako?" Boses ito ng isang babae. Muling kumunot ang noo ni Clyde kaya kinusot niya ang kaniyang mga mata at nang naging malinaw na ang kaniyang paningin ay laking gulat niya dahil sa nakita niya."M-Miyo?!" Ngumiwi si Miyo nang nakita niya ang sitwasyon ni Clyde. "Yeah good to see you too, Clyde, but now's not the right time for a chit chat. Your head is bleeding like s**t," sabi ni Miyo kay Clyde at tinulungan ng dalaga si Clyde upang makatayo ito mula sa pagkakaupo. "Ikaw ba talaga yan, Miyo?" paniguradong tanong ni Clyde sa dalaga. Nakita ni Clyde ang pagbabago ng pagmumukha ni Miyo. Humaba ang buhok ng dalaga at nakulayan ng kulay pula ang ibabang parte ng buhok niya, ang kaniyang kabilang mata ay naging kahel mula sa kulay pula habang ang isa ay nanatili lang na kulay asul. Pati ang awra na nilalabas ng dalaga ay nag-iba rin. "Ano ka ba Clyde? Ako nga ito! Kung ako sayo ay bilisan na natin bago pa tayo maiwan!" sigaw ni Miyo sa gitna ng malakas na hangin. "Maiwan?" Clyde thought nang bigla siyang hatakin ni Miyo. "Miyo bilisan mo! Lumalakas na ang hangin!" "s**t! Baka maiwan na kami ni Principal MJ," Miyo cursed at tumingin kay Clyde. "Clyde, ihanda mo ang sarili mo," sabi ni Miyo kay Clyde. "Bakit?" naguguluhan na tanong ni Clyde ngunit iniwan siya ni Miyo sa gitna ng malakas na hangin at napaatras si Clyde nang biglang nagpalabas ng kaniyang mahika si Miyo. "Miyo ano ba ang ginagawa mo?!" sigaw ni Clyde habang hawak ang kaniyang ulo na nagdurugo. "Huwag ka ng magtanong Clyde! Pumasok ka na sa loob ng infirmary para magamot na ang sugat mo! Ako na ang bahala rito!" sigaw ni Miyo pabalik sa binata. "Hindi kita pwedeng iwan Miyo! Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo!" kontra ni Clyde ngunit ngumiti lang si Miyo sakaniya. "I'm going to be fine, Clyde. Pumasok ka na sa loob ng infirmary dahil hinihintay ka na ni Principal MJ sa loob," malumanay na sabi ni Miyo sa binata. Muling nakita ni Clyde ang ngiti na binigay ni Miyo sakaniya noong nasa misyon sila. Ang ngiti na binibigay ni Miyo ngayon sakaniya ay ang ngiti ng dalaga na nagsasabi na kaya niya ang sarili niya. Wala ng nagawa si Clyde kundi ang tumango na lamang at sumugod papasok ng infirmary. "Mag-ingat ka Miyo!" pahabol ni Clyde at tumango si Miyo sakaniya. "I will!" sagot ni Miyo at binalik na niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang mahika. "Principal MJ ano po ba ang nangyayari?!" naguguluhan na tanong ni Cally kay MJ. "Oo nga! Bakit po bigla na lamang lumakas ang ulan sa labas? Tapos bigla nalang din nagkaroon ng malakas na hangin dito." Tumingin si Van kay MJ. "Hindi ko alam, pati ako ay naguguluhan na rin sa mga nangyayari," paliwanag ni MJ at tumingin siya kay Naeri. "Naeri, kamusta ang kalagayan ni Aya?" Inis na umupo si Naeri sa upuan niya. "Still no response, Principal MJ. She's still frozen and her eyes are still white. Aya had become blank," paliwanag ni Naeri at muling tiningnan si Aya na ngayon ay walang emosyon na nakatingin sa kawalan. "Kanina pa ba siya ganiyan?" tanong ni MJ at tumango si Naeri. "Pagdating namin ni Mary dito ay nadatnan na namin na ganito ang sitwasyon ni Aya. Frozen, no expression, white eyes and no response but her pulse had gone back to normal," seryosong sabi ni Naeri at inayos niya ang kaniyang salamin. "Blank," mahinang sabi ni Mary. Biglang bumukas ang pinto ng infirmary at pumasok doon si Clyde na ngayon ay hinahabol ang kaniyang hininga. "Clyde!" bulalas ni Celeste at kaagad niyang nilapitan ang binata. "Dude anong nangyari sa'yo?!" tanong ni Nilus at lumapit na rin kay Clyde. "Nahiwalay ako sainyo. I got blown by the wind," paliwanag ni Clyde at pinaupo siya nina Nilus at Celeste sa isang bakanteng kama. "Oh my god, ang laki ng sugat mo sa ulo," komento ni Celeste at ngumiwi. "Sino ba ang tumulong sa'yo? Paano ka nakarating kaagad dito? Mahirap maglakad sa gitna ng malakas na hangin na iyon," tanong ni Nilus sa binata. "Tinulungan ako ni—" "Clyde, nasaan si Miyo?" may awtoridad na tanong ni MJ at tumigas si Clyde sa kaniyang puwesto. Matalim ang tingin ni MJ kay Clyde kaya napalunok ang binata sa kaniyang puwesto. "N-Nandito si Miyo?" mahinang tanong ni Galia na ngayon ay naguguluhan na sa mga nangyayari. "Papaanong nandito si Miyo? Teka? Ayos na ba siya?" pati si Mary ay naguguluhan na rin. "Teka? Si Miyo ang tumulong sa'yo Clyde?" tanong ni Nilus at dahan dahan na tumango si Clyde. "Nasaan si Miyo?" muling tanong ni MJ at tumayo na siya mula sa kaniyang upuan. Lumunok si Clyde. "N-Nasa labas po siya—" "Bakit mo siya iniwan doon?!" nagulat ang lahat dahil sa biglang pagsigaw ni MJ. "S-She told me to come here..." mahinang sabi ni Clyde nang hindi tumitingin kay MJ. "And she said that she'll be alright all by herself outside," dagdag ni Clyde. "Aish! Ang batang iyon!" MJ pinched the bridge of her nose. "Kagagaling lang niya mula sa dinaramdam niya at ito na naman siya!" MJ hissed. Jared walked towards the door of the infirmary. "Pupuntahan ko po si Miyo—" "No! Stay here with your classmates, Jared. Ako na ang lalabas. It's too dangerous outside," seryosong sabi ni MJ at naglakad papunta sa pinto. Hindi na sumagot si Jared at tumango nalang siya. Bumalik na si Jared sa puwesto niya at binuksan ni MJ ang pinto nang biglang yumanig ang buong lugar na siyang ikinagulat niya. "What?" MJ thought in disbelief and closed the door as she held the doorknob tightly. "Guys si Aya!" sigaw ni Neon na umagaw sa atensyon ng lahat. MJ squinted her eyes as she tried to get a better view of Aya who was staring into space. MJ saw how Aya's mouth move like she was mumbling words that she couldn't comprehend. Blanko pa rin ang mukha ng dalaga ngunit ang bibig niya ay gumagalaw ng mabilis ngunit walang tunog ang lumabas mula roon at doon napagtanto ni MJ na kagaya ito sa nangyari kay Miyo noong nakita ni Miyo ang malaking apoy sa east wing. "Aya! Naririnig mo ba ako?!" tanong ni Mary kay Aya. Hahawakan na sana ni Mary ang dalaga nang mabilis na tinabig ni Naeri ang kamay ni Mary. "Mary, don't! The whole room is still shaking because of Aya's magic. She might be having an augury right now, we can't distract her!" seryosong paliwanag ni Naeri kay Mary. "An augury?" MJ thought na ngayon ay nakatingin na kay Naeri. "How did this girl knew about the auguries? Nakakapagtaka." Nakatingin lang si MJ kay Naeri. "An augury? What's an augury?" tanong ni Mary. Nagbanggaan na ang kaniyang dalawang kilay at nakakunot ang kaniyang noo. "An augury is a sign or a warning that something might happen in the future." Tumingin silang lahat kay MJ, lalo na si Naeri. Nagtama ang mga mata nina Naeri at MJ at bumilis ang t***k ng puso ni Naeri dahil sa kaba. Para kay Naeri ay tumatagos hanggang sa kaniyang kaluluwa ang tingin na ipinupukol ngayon ni MJ sakaniya "Paano mo nalaman ang tungkol sa mga augury, Naeri?" Walang emosyon ang mukha ni MJ. Gustong gusto niyang malaman kung paano nalaman ni Naeri ang tungkol sa mga augury na kahit kailan ay hindi ipinapaalam o tinuturo sa mga estudyante ng Silverwest Academy. Tumikhim si Naeri bago sinagot si MJ. "I'm a witch, principal MJ. As a witch, knowledge is important and things like auguries are common to me," paliwanag ni Naeri. Hindi na nagulat si MJ. She knew how intelligent Naeri was. As the only witch who has the magic of crystals and can also cast spells, it was a pressure for Naeri to fit in a family of pureblooded witches and knowledge was her only key to continue being recognized as a witch in her family and not as a crystal mage. MJ slowly nodded at the girl. Huminto sa pagyanig ang buong kwarto at isang nakakabinging katahimikan ang sumunod. The door of the infirmary opened and they all saw an unconscious Miyo being carried by an old woman. The woman was wearing a cloak and a fading symbol was on the right chest of the cloak. "Miyo!" Lalapitan na sana ni Celeste si Miyo nang pinigilan siya ni Clyde. "Don't, I sense a powerful aura coming from her," bulong ni Clyde kay Celeste habang nakatingin sa matandang babae. Clyde squinted his eyes at the old woman. Pamilyar ito sakanya ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. "Pero si Miyo—" Huminto si Celeste nang hinawakan ni Clyde ang kamay niya. "Nandito si Principal MJ, Celeste. She'll take care of Miyo kaya huminahon ka," mahinang sabi ni Clyde sa dalaga. Celeste bit her lip at bumalik nalang sa kaniyang upuan. "I thought I told you to not let her use her magic, MJ?" the old woman's voice echoed throughout the whole room at kaagad nakaramdam ng kaba ang buong section Naryena. "Who is she? She's so intimidating," Galia whispered while shaking and then she hid behind Uriel. "Hindi ko siya kilala pero mula sa kaniyang hitsura at pananalita ay mukhang makapangyarihan siyang tao," bulong ni Uriel kay Galia at palihim niyang hinawakan ang kamay ng dalaga. "Sino ba siya? Ngayon ko lang siya nakita ah," tanong ni Van kay Alia. Lumapit si Alia kay Van. "Ako rin Van. She's so full of authority and her presence is so powerful." Bumuntong hinga si MJ bago sinagot ang matandang babae na nasa harapan niya. "The girl insisted on taking care of the situation outside and I couldn't stop her," paliwanag ni MJ. "Stubborn, I see." —the woman gently placed Miyo's unconscious body on an empty bed—"The storm outside is pretty strong, right?" at tumingin ang babae sa kanilang lahat. "Let's cut the chase, why are you here?"—MJ cleared her throat—"Master Fiora?" "Wait what?" Palipat-lipat ang tingin ni Neon kay MJ at kay Fiora. "Master Fiora?!" mahinang sabi ni Neon at unti-unting lumaki ang kaniyang mga mata nang napagtanto na niya ang mga nangyayari. "M-Master?" Jared stammered while looking at the old woman that was standing in front of him. "Bakit siya tinatawag ni principal MJ na master? What the?! Don't tell me—" Hiro was thunderstruck that he couldn't move on his spot. Nakapako lang ang kaniyang tingin sa matandang babae na nasa harapan niya. "She's from the council," sabi ni Naeri na lalong ikinagulat nina Jared at Hiro na nasa tabi niya. "C-Council..." Jade gulped at tumingin siya kay Fiora na ngayon ay nakangiti na sakanilang lahat. "What is a council member doing in here?" naguguluhan na tanong ni Angel kay Jost. "I'm here dahil tinawagan ako ni Miyo, MJ." Fiora smiled at tumaas ang isang kilay ni MJ. "Tinawagan ka ni Miyo? Bakit? Ano ang kailangan ng bata mula sa'yo?" tanong ni MJ at kumunot ang kaniyang noo. Fiora sighed, "Miyo told me that three of her friends were suffering from unbounded magic just like her"—tumingin si Fiora kay Miyo—"and that those three talked to her through her mind, asking for help. Where are they now?" Nagkatinginan ang buong section Naryena dahil sa tanong ni Fiora. Siniko ni Hiro si Jared at binigyan niya ang binata ng isang matalim na tingin. Jared took a deep breath and spoke, "Nasa basement po ng dorm namin nagpapahinga ang tatlo." Lumaki ang mga mata ni MJ. "Basement? What are they doing there?! Bakit hindi mo ito sinabi kaagad sa'kin, Jared? Paano kung magwala ang kapangyarihan nila kagaya ng nangyari kay Miyo?" Inis na tiningnan ni MJ si Jared. "Principal MJ, I apologise for not informing you about the condition of my classmates. We were observing them first bago pa po sana namin sabihin sainyo dahil kumpara sa nangyari kay Miyo, their conditions were not fatal compared to Miyo's," paliwanag ni Jared habang nakatingin ng diretso kay MJ. "Their conditions are not fatal compared to Miyo,"—Fiora looked at Jared—"but their magic had become rampant to the point where it had caused a strong storm." "You mean this storm is from the magic of those three sick students?" tanong ni MJ at tumango si Fiora. "Damn, ang lakas pala ng tatlong iyon. Binagyo na tayo eh," bulong ni Carter kay Uriel. "What do you expect when three elemental magics come together? Of course it will result to chaos," sabi ni Kris sakanila. "I am deeply sorry, Principal MJ and Master Fiora. If there is anyone who is going to be punished for his or her reckless actions, ako po iyon. Ako po ang nagsabi sa mga kaibigan ko na huwag po munang ipaalam sainyo ang kalagayan ng tatlo po naming kasama." Jared bowed down and didn't speak again. Nakita ni Hiro kung paano nanginig si Jared sa kaniyang puwesto. Hiro knew that Jared was scared but he still took the responsibility of his actions. "Tch, president huh?" Umiwas nalang ng tingin si Hiro. "Jared..." Mary looked at the boy with a frown. "Arise, my boy. Wala kang kasalanan and no one is going to be punished for their reckless actions," may awtoridad na sabi ni MJ. "Ngunit—" "Le temps est venu!" "s**t!" Kaagad hinila ni Hiro si Naeri papalayo kay Aya nang bigla itong magsalita. "Aya?!" Lumayo si Mary mula kay Aya. "Ano'ng nangyayari sakanya?!" tanong ni Diana ngunit walang sumagot sakaniya dahil ang lahat ay nakatutok na ngayon kay Aya. "Who is that girl?" Fiora squinted her eyes as she stared at Aya. "She's Aya, Master Fiora. Isa siyang scout dito sa academy and right now ay nagkakaroon siya ng isang augury," paliwanag ni MJ ng hindi inaalis ang kaniyang tingin mula kay Aya. "This is her second augury, M-Master Fiora," Naeri gulped when Fiora met her eyes. She was speaking to a person with a high rank for the first time at kinabahan ng husto si Naeri. "Her second? Kailan ba ito nagsimula?" tanong ni MJ kay Naeri. Naeri bit her lip. "The other day po—" "L'enfer se lèvera bientôt et ce sera le début de l'ère destructrice!" biglang sabi ng dalagang si Aya. Hanggang ngayon ay blanko pa rin ang mukha nito at nakabalot pa rin ng puting kulay ang kaniyang mga mata ngunit ang kaniyang boses ay lalong lumalim. "Another augury? I have to find that out later," Naeri thought, full of determination. "Ano raw ang sabi niya?" bulong ni Jade kay Kris. Umiling si Kris. "Hindi ko alam, Jade. Ibang lengwahe ang ginagamit ni Aya sa pagsasalita but from the sound of it? I'm sure hindi maganda iyon," mahinang sabi ni Kris. Nilapitan ni Fiora si Aya. Ikinumpas ni Fiora ang kaniyang kamay at pagkatapos ay nilagay niya ito sa noo ni Aya. Nakita ng lahat kung paano bumagsak ang katawan ni Aya sa kama niya at nawalan na ng malay. Maya maya ay naging normal na ang paghinga niya. "Aya fell asleep?!" Alia was frozen on her spot because of shock. "Cripes, ibang klase talaga ang mahika ng council," Van thought and gulped. "Babalikan ko siya mamaya. Sa ngayon ay kailangan nating tulungan ang tatlong kaibigan niyo bago pa tuluyan na magwala ang mga mahika nila at madamay pa ang buong mamamayan ng Shorewald. This storm coming from their magic needs to be stopped right now," ani Fiora at nauna ng lumabas ng infirmary. "Paano po si Miyo?" tanong ni Nilus kay MJ. "She'll stay here with Aya. I'm assigning Mary, Kris and Jade to stay here and look out for them." Umalis na si MJ kasama ang ibang kasapi ng section N. "Please help them, Principal MJ," bulong ni Kris at mahinang nagdasal. "Don't worry Kris, I'm sure they're going to be fine now. We have Principal MJ and Master Fiora. I'm sure they can help Rain, Sean and Daryl." Hinimas ni Mary ang braso ni Kris. "Sana nga," Kris mumbled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD