Chapter 5 : The Augury

3470 Words
HIRO'S POV "Hiro..." "Hiro gising na..." "Hirooo~" Inis kong binuksan ang aking mga mata at saka lumingon sa taong nakahiga ngayon sa tabi ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na madilim pa sa labas kaya mas lalo akong nainis dahil masyado pang maaga at ginising na ako nitong bastos na katabi ko. "Sa wakas ay gising ka na," nakangisi niyang sabi at tumawa ng mahina. Masama ko siyang tiningnan. "At tuwang tuwa ka dahil sa ginawa mo?" sarkastiko kong tanong sakanya. Tch. Niyakap naman niya ako. "Awe, Hiro naman~" malanding sabi niya sa'kin at ipinatong niya ang kaniyang isang binti sa hita ko. What the? Argh! Ang bigat! "Pwede ba?! Bumalik ka na nga sa kwarto mo! Istorbo ka lang sa pagtulog ko!" inis kong sabi sakanya. "Ayoko~" sabi niya at ngumuso. The heck?! "Dito lang ako," inaantok na sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Cripes! Dahil sa inis ko ay tinulak ko siya paalis ng kama kaya nahulog siya mula dito. Gumawa siya ng malakas na kalabog and I smiled in victory nang narinig ko ang malakas na daing niya. Heh, buti nga sakanya. "Aray ko! Walang hiya ka tol!" sigaw ni Clyde at tumayo siya mula sa sahig at saka ngumuso sa'kin. "Bagay lang sayo yan. Istorbo ka kasi," sabi ko sakaniya at kinuha ang isang unan upang yakapin ito. "Hindi ako istorbo, oa ka lang talaga masyado," nakangusong sabi niya at muling tumabi sa'kin. "Aish! Clyde ano ba! Umalis ka nga!" tinulak ko ulit si Clyde paalis ng kama ko. "Ayoko!" kontra ni Clyde at niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Damn, this guys is clingy as heck! "Clyde pwede ba?! Bumitaw ka! Matutulog na ako!" "Hiro umaga na kaya huwag ka ng matulog ulit—" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal doon sina Naeri at Kris na masamang nakatingin sa aming dalawa ni Clyde. Damn, I almost forgot that Kris and Naeri's rooms are near mine. Idagdag pa itong kwarto namin na hindi soundproof. "Ang aga-aga pa at gumagawa na kayo ng ingay!" Kris hissed while glaring at me and Clyde. "Don't be mad at me! Si Clyde ang may kasalanan," sabi ko sakanilang dalawa. "Argh! Seriously. You guys are such a pain in the head. Just to let you know, I didn't go to bed until one in the morning," inis na sabi ni Naeri sa amin. "We're sorry!" rinig kong sabi ni Clyde at pagkatapos ay tumawa siya ng mahina at niyakap na naman ako. Can he be more sincere? Iniinis niya yata lalo sina Kris eh. "Seriously Clyde. Ang clingy mo," I hissed and looked at Clyde annoyingly. "Weh? Pero love mo naman ako hehe," tawa ni Clyde at pinisil ang mga pisngi ko. Oh god, I cringed. "Ano naman ang ginagawa ni Clyde rito sa loob ng kwarto mo?" rinig kong tanong ni Kris sa'kin kaya tumingin ako sakaniya. "He barged in last night. Sabi niya natatakot daw siya na matulog ng mag-isa sa kwarto nilang dalawa ni Daryl," paliwanag ko. "Ano ba! Umalis na nga kayo! Matutulog pa ako!" sabi ni Clyde at ngumuso siya kina Kris. "Ang sabihin mo gusto mo lang masolo si Hiro," Naeri said while smirking. The hell? "Gusto ko nga kaya umalis na kayo! Shooo~" pagtataboy ni Clyde kina Kris. "Tol, seriously you're creeping me out," sabi ko kay Clyde at tinulak ko siya papalayo sa'kin. "You're not sleeping again, Clyde. Bumangon na kayong dalawa diyan at tulungan niyo nalang kami na maghanda ng almusal," sabi ni Kris at umalis na siya leaving Naeri looking at us in disgust. "Minsan iniisip ko na mas bakla ka pa kesa kay Neon, Clyde," sabi ni Naeri at sumunod na kay Kris. "Pffft..." Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mga tawa ko. Clyde looked so offended right now. "Ako? Bakla? No way! Ang dami kayang nanliligaw sa'kin! Nope! Hindi ako bakla!" sigaw ni Clyde saka umalis siya mula sa kama ko at nagmartsa papunta sa pinto ng kwarto. "PUT*NGINA CLYDE TUMAHIMIK KA!" rinig kong sigaw ni Nilus mula sa kwarto niya. "Patay ka tol," asar ko kay Clyde at tinawanan siya. Namula naman si Clyde dahil sa hiya. Buti nga sakaniya. Dahil nawala na ang antok ko ay umalis na ako sa kama. Naisipan ko na tulungan nalang sina Kris sa baba kaya sinuot ko na ang hoodie ko. The air is cold right now dahil sa walang tigil na ulan sa labas. Lumabas na kami ni Clyde ng kwarto. Nauna akong maglakad kay Clyde at balak ko sana siyang iwan nang bigla siyang nagsalita. "Tol," tawag ni Clyde sa'kin kaya lumingon ako sakanya. "Bakit?" tinaasan ko siya ng isang kilay. Tinuro ni Clyde ang kwarto ni Miyo. "Pasok tayo?" nakangising sabi niya sa'kin. "What the?! Nahihibang ka na ba?!" gulat kong tanong sakaniya. What is he even thinking?! He's going to invade Miyo's privacy if he is going to enter her room without permission! "Joke lang naman tol. Ayokong pumunta ng maaga sa impyerno no," sabi ni Clyde at tumawa. "Buti alam mo," sabi ko sakaniya at nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng hoodie ko. "Tara na nga sa baba." Iniwan ko na si Clyde at nauna ng maglakad. "Tol hindi mo ba bibisitahin sina Sean?" tanong ni Clyde sa'kin habang bumababa kami ng hagdan. "Jared told us last night na off limits muna sila tatlo, so no," diretsong sagot ko. "Pero—" "Ayaw mo naman sigurong matusta ng mga kidlat ni Sean diba?" putol ko sa sinabi ni Clyde at seryoso ko siyang tiningnan. Umiling si Clyde. "Sabi ko nga hindi muna natin sila bibisitahin." At bumuntong hinga siya. "Si Miyo? Kamusta na kaya siya?" "Only Principal MJ knows," mahinang sabi ko. Pumasok na kami ni Clyde sa kusina at naabutan namin ang lahat na gising na. "Oy! Good morning mga tol!" nakangiting bati ni Uriel sa amin. Tumango nalang ako sakaniya bilang sagot. "Kamusta ang tulog mo Hiro? Ginambala ka raw ni Clyde kagabi?" nang-aasar na tanong ni Carter sa'kin. "It was awful. Clyde's clingy as s**t," sabi ko at ngumiwi. Seriously, sa tuwing naaalala ko kung paano dumikit si Clyde sa'kin kagabi ay tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan. "I wonder how did Daryl survived being roommates with Clyde?" natatawang tanong ni Diana at binigyan niya ako ng pinggan at kubyertos. "Good morning Hiro," nakangiting bati ni Diana sa'kin. I smiled at her in return. "Good morning too, Diana." "Baka tatakutin muna ni Daryl si Clyde bago sila matulog," sabi ni Neon at tumawa ng mahina. "Baka nga," dagdag ni Hunter at tinawanan niya si Clyde. "Ano ba! Huwag niyo nga pag-usapan yan! May trauma ako kay Daryl!" nakangusong sabi ni Clyde and I cringed again. Yuck. "So tinakot ka nga ni Daryl," sabi ni Cally kay Clyde habang nakangisi. "Stop talking about that! You're making me sick!" inis na sabi ni Clyde at napuno ng tawanan ang buong dining room. "Breakfast is served!" anunsyo ni Kris and then she served our breakfast on the table. "Everyone settle down now," sabi ni Jared sa amin. "Kamusta na sina Sean? Off limits pa rin ba sila?" I asked Jared at tumingin siya sa'kin. "Hindi ko pa sila natingnan ngayong umaga pero kung gusto mo silang makita then pwede kang sumama sa'kin after breakfast," sabi ni Jared sa'kin. "Okay, sounds cool," sabi ko at kumain na. Matapos naming kumain lahat ay nagpaalam na kami ni Jared para bisitahin sina Sean. Siyempre sumama sa amin si Clyde dahil gusto rin niya na makita sina Sean at pumayag naman si Jared. Bumaba na kaming tatlo patungo sa basement ng dorm kung saan nagpapahinga ang tatlo na sina Sean, Rain at Daryl. "When we arrive there, you must not make any noise understood? Hindi natin pwedeng istorbohin ang tulog nila," sabi ni Jared. "Understood," Clyde and I both answered. After a couple of minutes ay nakarating na kami ng basement at laking gulat naming tatlo nang nakita namin na nakabukas na ang pinto ng kwarto kung nasaan sina Sean. "s**t! May nakapasok ba na intruder?!" Clyde hissed under his breath. "I dont know!" Jared hissed back. "Why are you asking us? Use your aura sensing ability thing para malaman natin!" sabi ko kay Clyde. "No, there's no need," We all turned to the door and there we saw Naeri looking at us with a serious face. She was holding a thick book and the glasses that she was wearing were her reading glasses. I guess she's studying down here since the basement is her favorite place to study. But why would Naeri study at this hour? Masyado pang maaga para mag-aral and besides, didn't she study already last night? Akala ko ba hindi siya natulog until one in the morning? "Naeri? Hindi kita napansin na umalis kanina ah," sabi ni Clyde. "I think there's no need for me to inform you guys about my whereabouts," walang emosyon na sabi ni Naeri at humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang libro. "Okay Naeri. Alam ko na galit ka pa sa'min ni Hiro dahil naistorbo ka namin—" "Excuse me? Why am I suddenly dragged into the mess that you made? It was clearly your fault at hindi ako kasali." I glared at Clyde. "Fine! Kasalanan ko na—" "Shut up Clyde! You're going to wake them up!" galit na sabi ni Jared kay Clyde. "Sorry," Clyde apologized. "Why are you down here Naeri? Isn't it too early for you to be studying down here?" tumaas ang isang kilay ni Jared. "I was just continuing my research," mahinang sabi ni Naeri. Natigilan ako. "Whoa wait, what? You're doing a research? Tungkol saan naman?" I asked in curiosity. "Sasabihin ko ba sakanila?" tanong ni Naeri kay Jared and I raised a brow. Sasabihin? Anong sasabihin? May hindi ba kami alam dito? "Go on." Tumango si Jared. "Come with me." Naeri ushered for us to follow her and we did. We passed by the room where Sean and the others were at pumasok sa katabing kwarto. Bumungad sa'kin ang naglalakihang mga bookshelves at napakaraming mga libro. Damn! I'm getting dizzy just by looking at those books. "Naeri, I'm impressed that you get to stay sane inside this room full of books. Ako ay pakiramdam ko maya maya ay lalabas na ang lahat ng mga kinain ko," rinig kong reklamo ni Clyde. "Ano'ng nahanap mo Naeri?" I heard Jared ask. Lumapit ako sa lamesa kung nasaan sina Jared at Naeri. Nakita ko na may maraming papel at libro ang nandoon at halatang iyon ang lahat ng mga ginawa ni Naeri. Kinuha ko ang isang papel at sinubukan ko itong basahin ngunit wala akong maintindihan. Tingin ko isa itong lenggwahe na si Naeri lamang nakakaintindi. Hay, ibang klase talaga kapag matalino. Tumingin si Naeri kay Jared. "Nasabi ko sa'yo ang tungkol sa nangyari kay Aya— "Ano'ng nangyari kay Aya?" singit ni Clyde at matalim siyang tiningnan ni Naeri. "Tol, patapusin mo kasi siyang magsalita," bulong ko kay Clyde. "Sorry ulit," mahinang sabi ni Clyde at nag-peace sign. "Again, nasabi ko na sa'yo ang tungkol sa nangyari kay Aya. Diba binalot ng puti ang mga mata niya at paulit-ulit niyang binibigkas ang mga salita ito?" Kinuha ni Naeri ang isang papel at tinuro niya ang mga nakasulat doon. I was surprised dahil naiintindihan ko ang mga nakasulat sa papel. "When the day comes that the forsaken returns, the Navire shall bring forth an age of sin and a destruction of power, Inferno..." I read what was on the paper. "This was what Aya said and base from Aya's appearance and speaking patterns that day, I finally found the answer," seryosong sabi ni Naeri at tumayo siya mula sa upuan niya. "Where are you going?" tanong ko sakaniya but Naeri didn't answer me and instead ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo sa isang bookshelf. May kinuha siyang isang lumang libro mula roon at dinala niya ito pabalik sa lamesa. "What's that?" naguguluhan na tanong ni Clyde. "It's a book, obviously," sarkastikong sabi ni Naeri at inikot niya ang mga mata niya. "Pffft, burned," asar ko kay Clyde at ngumuso siya. Buti nga sakanya, pffft. Naeri opened the book at lumabas ang mga alikabok mula roon. I coughed when the dust entered my nose. What the? How many decades had already passed since this place was last cleaned? It's so dusty! While flipping the pages, biglang huminto si Naeri at ipinakita niya sa amin ang isang lumang litrato. Isa itong litrato ng isang witch na may puting mga mata. May mga nakasulat sa ibaba ng litrato ngunit hindi ko ito maintindihan kagaya ng mga salitang nakasulat sa ibang mga papel ni Naeri. "Nakita niyo na puti rin ang mga mata niya diba?" tanong ni Naeri at tumango kaming tatlo. "This is what exactly happened to Aya at ang lahat pa ng mga nakasulat rito ay tumutugma sa mga nangyari kay sakaniya," seryosong sabi ni Naeri. "And therefore?" I asked unsure. "Therefore I conclude that, on that day, Aya had an augury." And Naeri slammed the book shut which made Clyde flinched. "An augury? What's an augury?" naguguluhan na tanong ni Jared. Oo nga, ano ba ang isang augury? Huminga ng malalim si Naeri bago sinagot ang tanong ni Jared. "An augury is a sign or a warning that something might happen in the future." "Is it a good augury? Or a bad augury?" Clyde gulped. Natahimik si Naeri dahil sa tanong ni Clyde. Pati si Jared ay hindi rin nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa sahig dahil pati ako ay hindi rin makapagsalita. I don't know if it's a good or bad augury but I hope it's a good one. "When the day comes that the Forsaken returns, the navire shall bring forth an age of sin and a destruction of power," mahinang sabi ni Naeri and she took a deep breath. "Well, base from Aya's augury, I don't think it is a good sign," paliwanag ni Naeri. "The Forsaken shall return which means, someone who had been forgotten is going to return and just by thinking of it gives me the creeps." "It's like someone or something who's dead and forgotten is coming back to life for revenge," rinig kong sabi ni Clyde. "I agree," sabi ni Jared at bumuntong hinga. "Hay, tama na nga to. I can't tell you more details right now kasi hindi pa ako tapos sa research ko. I think we need to check on our three patients," sabi ni Naeri and Jared agreed kaya lumabas na kami ng study room ni Naeri. Habang naglalakad kami patungo sa kabilang kwarto ay pumasok sa isipan ko ang binasa ko kanina. "When the day comes that the Forsaken returns, the Navire shall bring forth an age of sin and a destruction of power, Inferno," bulong ko nang may napagtanto ako. Bakit may Inferno sa hulihan ng augury? Ano ba ang Inferno? Teka? Ano nga ba o sino? "Naeri ano ba ang Inferno?" tanong ko at huminto si Naeri. "Inferno..." rinig kong sabi niya. "Inferno? Hindi kaya si Inferno ang magbabalik? Sabi mo may magbabalik diba, Naeri?" tanong ni Clyde. "Iyan din ang nasa isip," sabi ko kay Clyde. Hindi kaya si Inferno ang magbabalik? "Like I said, hindi pa ako tapos sa ginagawa kong pananaliksik kaya huwag niyo akong tanungin dahil hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong niyo," seryosong sabi ni Naeri at pumasok na ng kwarto. When I entered the room, halos pigilan ko ang aking paghinga dahil sa bigat ng hangin na nandito sa loob ng kwarto. Nakita ko ang tatlo kong kaibigan na nakahiga sa kama. Parehas silang tatlo na naghahabol ng kanilang mga hininga at pinagpawisan ng husto. Wala ng kulay ang balat ni Daryl at nanginginig siya habang nakapikit, si Rain ay mahinang umiiyak habang nahihirapan na huminga at si Sean naman ay namimilipit sa kaniyang higaan at halatang nagpipigil ng kaniyang mga sigaw. "This is their third day Jared at nanghihina na sila. Hindi pa rin ba natin ito sasabihin kay Principal MJ?" rinig kong tanong ni Naeri. "Not now Naeri—" "Anong not now?! Jared hindi mo ba nakikita?! Nahihirapan na sila dahil sa sakit na iniinda nila! Tapos hindi natin ito sasabihin kay Principal MJ?!" Kinuyom ko ang mga kamay ko at matalim kong tiningnan si Jared. I could hear my heartbeat getting faster and my breath getting heavier. "Hiro lower your voice—" "No! Never! Ano ba ang pumasok sa isip mo Jared?! Kailangan nila ng tulong ni Principal MJ! Bakit hindi mo ito sinabi sakanya?! Hindi mo ba nakikita?! Hirap na hirap na sila!—" "HIRO!" Huminto ako nang naramdaman ko ang galit na nagmumula kay Jared. Imbes na matakot ako sakaniya ay mas lalo pa akong nagalit. I clenched my fists and then glared at him. Tch, ano ba ang iniisip niya?! Hinahayaan lang yata niya na mamatay sina Sean eh! I clenched my fists harder upang pigilan ang sarili ko. I really want to punch the s**t out of him para matauhan na siya. Is he really concern about the condition of those three?! Mukhang plano niya yatang patayin sila eh! "Hiro please. Alam ko na nag-aalala ka rin sakanila kagaya ko—" "Kagaya mo? Ikaw? Nag-aalala ka?! Jared kung nag-aalala ka ay sana tinawagan mo na si Principal MJ para humingi ng tulong! Hindi yong ganito! Pinapahirapan mo sila eh! Pinapatay mo sila—" "HIRO!" galit na sigaw ni Jared sa'kin at nakita ko kung paano siya pinalibutan ng itim na awra. Tch, now he's mad at me?! Unbelievable! Kaagad na pumagitna si Clyde sa aming dalawa ni Jared. "Ano ba kayo?! Respeto naman sa nagpapahinga!" bulyaw niya sa amin. "Kung sino man ang walang respeto rito, hindi ako yon." Matalim kong tiningnan si Jared. Tch, he calls himself the president of Section N? Lies. Walang president ang hinayaan na mamatay dahil sa sakit ang kaniyang kaklase. "I am doing what's right, Hiro. Wala kang karapatan na suwayin ako kaya huwag ka ng makialam!" galit na sabi ni Jared sa'kin. Oh? Ako? Walang karapatan?! "Listen here, 'president'. May karapatan ako na suwayin ka lalo na kung para ito sa ikabubuti ng mga kaibigan ko," malamig kong sabi. "Ang mga kaibigan mo ay kaibigan ko rin, Hiro." Jared glared at me. "Then don't f*****g tell me what to do because I have every f*****g right to do what I want to do when it comes to my friends—" My mouth was suddenly closed at ganoon rin kay Jared. I glared at Naeri who was holding her wand and she was pointing it at us. Damn you, witch. "When their condition gets worse then we're calling Principal MJ for help. The conditions of these three are still under observation and these three are not dying, for your information. They are just holding in their magic upang hindi ito magwala at makapinsala," seryosong paliwanag ni Naeri and I stopped. Tama ba ang narinig ko? They're holding in their magic? "Nakita niyo naman na walang tigil ang ulan sa labas diba? That's why Rain is like this right now dahil pinipigilan niya ang ulan upang hindi na ito lumakas pa lalo. Same goes with Daryl and Sean. You don't want a super typhoon to come here in Shorewald right?" dagdag ni Naeri at binitawan na niya ang kaniyang spell, making me and Jared go back to normal. I wiped my mouth. "How did you know?" "They told me," diretsong sagot ni Naeri. "What?!" gulat na sabi ni Clyde. "With a spell to connect minds and emotions, I managed to enter their minds at nag-usap kaming tatlo sa mga isip namin. The four of us agreed na wala munang pagsasabihan tungkol sa ginagawa nilang pagpipigil ng kanilang mga mahika but since the two of you wanted to rip each other's throat just like what you did before, I decided na sabihin nalang sainyo." Naeri adjusted her glasses and then she glared at me and Jared. Tch. Screw you, witch. "Akala ko talaga ay may mangyayari na naman," rinig kong sabi ni Clyde. "Forget about what happened. Tayong lahat ay nag-aalala sakanila but please, be rational and do not listen to your emotions too much," sabi ni Naeri. "Emotions are scary," mahinang sabi ni Clyde. Naeri's right. I should think clearly bago ako kumilos. Masyado akong nagpadala sa mga emosyon ko. Damn, I'm starting to be like Rain na bigla nalang na magagalit. Aish! "Guys!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang pagpasok ng boses ni Kris sa isip ko. "What is it?" I heard Jared's voice in my head. "It's Aya," sabi ni Kris. "Bakit? Ano ang nangyayari kay Aya?" tanong ko through the c***k. "She's awake."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD