"Oy, naabot na diay ni si Arvin!" 'Yon ang bumungad kay Arvin sa labas pagkatapos siyang tawagin ng Ate Rosa niya.
Iyon ay si Pedro, kaedad lamang ng kaniyang kuya. Hindi nakapagtapos ng eskwela kaya tinulungan ng kuya niya sa pangkabuhayan at heto nga, isang magsasaka sa kanilang lupa.
Nasa labas ng bahay ay ang munting kubo na nilagyan ng dalawang malaking lamesa at mga silya. May lechong baboy ang nasa gitna ng lamesa at ang mga handa ng kaniyang kuya na kambing na niluto sa iba't ibang putahe at ang kanin na kakaluto pa laang.
May mga kalalakihang nagkumpulan habang inilalagay ang mga putahe sa malaking dahon ng saging na nasa kabilang lamesa na kung saan siguro sila kakain ng budol-budol.
"Oo kanina lang, brad. 'Toy 'lika na. Kain na tayo. Siguro nama'y na-miss mo itong budol-budol natin. May afritada tayong kambing at caldereta, iyong mga paborito mo, niluto ko." Sabay akbay nito kay Arvin. Iginaya siya nito sa lamesa kung saan nakaupo ang kaniyang kapatid na si Anna at ang hipag niya. Kasama rin nila ang mga lalaking tumulong sa paghahanda.
"'Toy sila ang mga kasamahan ko sa pag-aalsa, pagsasaka rito sa atin. Sina Juan, Pedro, at si Bayani. Mga pare, kapatid ko; si Arvin. Napakasipag nito kaya nga nakabili ito ng lupang pangkabuhayan natin. Kapatid ko, kapatid." Pagpakilala ni Amancio kay Arvin na may halong pagmamalaki.
Kinamayan siya ng mga ito, kasama ng pagpapasalamat. Kung hindi siya nakabili ng lupa'y hindi sila magkakaroon ng trabaho para pangkain.
Umiling lamang si Arvin sa mga ito, hindi siya ang nag-alaga ng lupa at ang kumuha ng mga kasama sa pagsasaka.
"Si kuya ang pasalamatan niyo, siya ang nagbigay sa inyo ng kabuhayan. Ako lamang ang pumundar at kayo ang nagpalago. Ako ang dapat magpasalamat sa inyo. Salamat, dahil kung wala kayo, walang maaani sa sakahan."
Nagkakantiyawan ang lahat sa sinabi ni Arvin. Maski ang pagdating ng isa pa niyang kapatid ay nadagdag sa kasiyahan na namayani sa ilalim ng kubo.
Kumain na ang lahat at nagsalo-salo. Nawala man ang kanilang magulang, hindi naman sila nawalan ng komunikasyon. Malayo man sila sa isa't isa, hindi pa rin nawala ang kanilang koneksyon bilang magkakapatid.
Matapos ang kanilang pagsalo-salo ay nag-iinuman na ng tuba ang mga kalalakihan, pumasok naman sa loob ng bahay si Arvin at ang kaniyang mga kapatid.
Nasa sala sina Welah at si Arvin habang ang kaniyang kapatid at ang mga pamangkin ay nasa loob ng kaniyang kwarto at binubuksan ang regalong dala niya.
"Ate, kamusta na kayo?" pagsisimula ni Arvin.
Malaki na ang umbok sa tiyan ni Welah sapagkat kabuwanan na nito ngayong buwan.
"Okay lang naman kami rito sa probinsya Arvin, ikaw ang kamusta na? Hindi ba mahirap sa syudad?" balik na tanong nito sa kapatid.
"Hindi naman ate."
"Wala ka bang nagustuhan sa taga-syudad? At nanatili kang binata?"
"May mga nakasama ako ate pero hindi..."
"Siya pa rin ba 'toy?" Umiiling-iling na aniya ni Welah.
Hindi makasagot si Arvin sa tanong ng kaniyang ate. Hindi maipagkakaila na may pagtingin pa nga siya sa babaeng una niyang minahal.
"`Toy, maghanap ka na ng iba. May asawa na siya. Pareho nga kami ng kabuwanan."
Isa rin iyon sa napaghandaan ni Arvin. Wala naman siyang balak na balikan si Maria, kailangan lang yata niya ng closure para sa susunod na karelasyon niya ay tiyak na mabibigay na niya ang lahat-lahat, pati puso at kaluluwa.
Umalis na ang kaniyang Ate Welah at ang pamilya nito pagsapit ng alas kwatro at babyahe pa sila pa ibang bayan.
Alas siete sa gabi na natapos ang inuman at kantahan sa kanilang bahay. Napainom din si Arvin at napakanta.
Ngayon ay nagmumuni-muni lamang siya sa kaniyang kwarto.
Tinatanong ang sarili kung mahal pa rin ba niya si Maria. O sadyang hindi lang niya tanggap na si Maria ay madaling makahanap ng iba habang siya'y dumaan pa ang ilang taon ngunit hindi pa rin niya nakalimutan ang munti nilang pagsasama.
Year 19**
"Arvin! Si Maria oh!" pangingintiyaw ng kaibigan ni Arvin sa kanya habang sila ay nasa loob ng kanilang silid-aralan.
Napalingon naman kaagad si Arvin sa kabilang banda kung saan tinuro ng kaibigan. Nakita niya ang mahinhin na si Maria na dumaan sa kanilang silid-aralan.
Napatanga bigla si Arvin sa kagandahan nito.
"Hoy, laway mo tumutulo!" Napabalik sa ulirat si Arvin sa narinig at dali-daling pinalis ang laway na sinasabi ni Denise.
Nang wala siyang mapalis ay susuntukin na sana niya ang kaibigan ngunit mabilis itong makaalis sa kinauupuan.
"Maria, si Arvin may gusto sayo!" pangingintiyaw pa muli ni Denise pagkarating nito sa nakatayong si Maria.
"Anong pinagsasabi mo, Denise?" Mahinhing tanong ni Maria.
Tumayo si Arvin at pumunta sa banda nila. Hindi niya ipinagkakaila ang kaniyang nararamdaman kay Maria. Sinabihan naman niya si Maria na liligawan niya ang babae.
Subalit, sadyang napakahinhin ni Maria at hindi nito pinapansin ang panliligaw niya.
"Maria?" tawag ni Arvin dito.
Hindi masyadong lumingon si Maria sa kaniya. He saw how her hands shifted in place. Na para bang hindi ito kayang manatili at ang kaniyang pagtingin sa ibaba na parang mas interesado siya sa kaniyang sapin sa paa.
"Huwag mong pansinin si Denise, hindi lang siya nakakain ng tama ngayong araw." Tumango si Maria.
"Tara na, Agnes." pag-aya nito sa kaniyang kaibigan, kahit sa pag-aaya ay mahinhin pa rin ito kung magsabi.
Wala namang salitang umalis ang dalawa.
"Napakahinhin talaga ng dalawang 'yon. Arvin? Bakit ka nagkagusto kay Maria? Wala namang pakialam sa iyo 'yon." iling-iling nitong aniya.
Hindi man niya ako pinapansin masyado, alam kong nahihiya lamang siya. Ang importante hindi niya ako pinigilan sa panliligaw sa kaniya.
Umuwi na sila pagkatapos ng kanilang klase. Si Arvin at Denise ay tumulong sa kanilang tatay na pareho ding magkaibigan simula ng sila'y bata pa.
Nag-aararo ang tatay ni Denise habang nagtatanim ang tatay ni Arvin.
Makikita sa kanilang balat ang hatid ng init ng araw. Si Arvin ay moreno subalit makisig ang katawan dahil maaga itong tumutulong sa kaniyang tatay sa pagsasaka.
Ang kaniyang Ate Welah ay tumutulong sa kanilang nanay sa pagtitinda sa merkado, may asawa na rin ito kakakasal lamang nila ng Kuya Agusto no'ng nakaraang buwan. Habang ang kuya niya ay may sarili ng pamilya sa edad na bente-ikwatro.