Kabanata 1
He had waited twenty years to return to his hometown.
Kung saan nagsimula ang pagsibol ng pag-ibig sa kanyang damdamin.
He was fifteen that time.
It was year 19**, nasa third year high-school pa lamang siya nang nagsimulang sumiklab ang damdamin niya sa babaeng hinahangaan. She was never his type, subalit she engulfed his heart and soul.
Bata pa lamang siya no'ng nagkaroon sila ng relasyon, she was fourteen and he's fifteen. They became sweethearts at the next year.
19**, she said yes. Sino ba naman ang hindi sasagot kung napakasugid na manliligaw ang nanligaw sa iyo?
Ang lamyos ng tinig niya ang sumasailalim kapag siya'y manghaharana sa tapat ng bahay sa gabi.
Bibigyan ka ng bulaklak na pinitas lamang sa tabi-tabi ngunit ang effort sa pagbibigay ay napakalaking puntos.
Reregaluhan ka ng mga sulat na gawa sa sulat-kamay nito.
Masaya na sana ang kanilang pagsasama ngunit dahil bata pa ay hindi sila handa sa mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.
Pagkatapos grumadweyt ni Arvin ay kailangan niyang pumunta sa syudad para doon maghanap ng trabaho.
Hindi kaya ang long distance relationship kaya't sila'y naghiwalay.
Ayaw man makipaghiwalay ni Arvin ay wala siyang magagawa sapagkat desisyong hindi ituloy ni Maria ang kanilang relasyon.
Walang rasong sinalaysay si Maria sa kanyang sulat pero iisa lang ang nakatatak sa utak ni Arvin pagkatapos mabasa ito.
'Yon ay napagod si Maria at may gusto itong sagutin na manliligaw na roon lamang sa kanilang Baryo.
They were in their third year anniversary when she suddenly break up with him.
It greatly damaged Arvin's life. Akala niya may mauuwian siya sa kanilang baryo pagkatapos niyang mag-ipon para sila'y magpakasal.
Ang kaso'y hindi nakita ni Maria ang sarili bilang asawa ni Arvin.
"Arvin!" Isang sigaw ang kaniyang narinig sa 'di kalayuan ng kaniyang tinatayuan.
Natatanaw niya ang isang babaeng tumatakbo papunta sa kaniya at sinugod siya ng isang mahigpit na yakap.
"Kuya, ginamiss kita, miss na miss kita!" aniya nito sa wika nila.
Natatawa naman si Arvin at humiwalay sa nakababata niyang kapatid. Ito'y kanilang bunso at kaiisang babae sa kanilang magkakapatid. Siya ang nagpapaaral sa kapatid at nagpalaki nito no'ng ito'y nasa kaniyang toddler years sapagkat namatay iyong kanilang tatay at si Anna naman ay iniwan sa kaniya sa syudad ng kaniyang nanay dahil may sakit din ito at hindi kayang mag-alaga kay Anna. Ang kaniyang mga kapatid ay may sarili ng buhay kaya inako niya ang pag-aalaga sa kapatid.
Si Anna ay nasa edad na disenuebe, siya'y isang menopausal child. Kumukuha ito ng education sa paaralan na nasa baryo lang din nila. Ngayon ay may kolehiyo na sa kanila kaya dito niya pinag-aral ang kapatid.
Ang kanilang nanay ay namatay no'ng nasa siete pa lamang si Anna kaya siya na ang tumatayong nanay at tatay sa kapatid.
"Si Kuya Amancio ay nagpahanda ng kambing tapos si Ate Rosa naman ay naglilinis ng kwarto mo..."
Hindi mapigilan ni Arvin ang mapagalak sa nakikitang kasiyahan sa kapatid habang ito'y nagk-kwento.
Sumakay na sila ng tricycle para pumunta sa bahay nila.
Ang laki ng ipinagbago ng bayan kung saan siya namulat sa mundo.
Lahat ay nagbago sa twenty years na wala siya sa kanilang baryo. May mga establishmento na at mga paaralan. Pwede ng dito na mag-aral hanggang kolehiyo ang mga bata.
"Arvin, kamusta 'toy?" bungad ni Amancio kay Arvin pagkapasok nito sa bakuran nila.
"Kuya, maayo lang gihapon. Ikaw? Kamo dinhi? Balita ko'y kabuwanan na ni Ate Welah."
Sumagot naman ito ng oo at nasa kabilang bayan ito nakatira dahil doon nakatira ang kaniyang bana. Isinalaysay din nito na maganda ang kabuhayan nila sa biniling lupa.
Ang bahay nila'y hindi gawa sa bato, ito'y gawa sa kawayan at probinsyang-probinsya ang dating. Hindi man siya umuuwi rito ay nagpapadala naman siya ng pera para mapaganda ang kanilang bahay at makatulong naman siya sa kaniyang mga kapatid.
"Iyong lupa natin ay napakaraming ani. Ngayon ay tag-ani na ng mga mangga. Tutulong ka ba sa pag-aalsa?" tanong ni Amancio sa kapatid.
Ibinababa naman ni Arvin ang kaniyang mga maleta sa sala at saka binalingan ang kapatid.
"Oo, kuya. Magbabakasyon din ako rito. Ilang taon na rin simula no'ng sa syudad ako nagtrabaho. Siya nga pala si ate?"
Tinuro naman ni Amancio ang kaniyang silid na tutulugan. "Doon. Naglimpyo man siya para may makatulugan ka 'toy."
"Oh siya sige, kailangan ko pang asikasuhin ang hinanda kong kambing para sayo. Sige punta ka na roon kay Ate Rosa mo at baka tapos na siya sa paglimpyo."
Umalis ang kaniyang kapatid at pumunta sa likod-bahay.
Nilingon niya ang paligid at makikitang kahit hindi gaanong kalakihan ay alagang-alaga ito sa linis.
Ang mga upuan ay gawa sa mahogany kaya pansin mong matibay. Ang mga kurtina sa mga bintana ay de-floral at ang nagsisilbing pinto ay gawa rin sa mahogany. Sigurado na ang kaniyang Kuya Amancio ang gumawa ng mga kagamitan at ang nagpaganda sa bahay nila. Ang Ate Rosa naman niya ang siguradong nagpaganda at naglinis sa lahat ng sulok ng bahay.
"Kuya? Si Ate Welah ay papunta na rito!" balita ng kapatid niyang si Anna habang nakasungaw sa bintana ng bahay. Nasa labas ito at mukhang kagagaling lang sa likod-bahay.
Umalis din ito pagkatapos magbalita kaya inalsa na niya ang mga maleta at pumunta na sa kwartong tinuro ng nakatatandang kapatid.
Ang bumungad sa kaniya ay ang asawa ng kaniyang kuya na si Ate Rosa na mukhang katatapos lang sa paglilinis.
Basa ito ng pawis sa likod. Suot nito'y isang lumang t-shirt na sigurado sa kapatid niya ito.
"Ate?" bati niya.
Nagulat naman si Rosa sa pagsulpot ng kaniyang bayaw.
"Oh, Arvin jusko!" Napahawak naman ito sa kaniyang dibdib dahil sa gulat.
"Ate, pasensya na." Si Rosa ay matanda sa kaniya ng pitong taon at ang kuya naman niya ay matanda sa kaniya ng siyam na taon.
Panganay kasi ang Kuya Amancio niya, at ang Ate Welah naman niya ay matanda sa kaniya ng limang taon.
"Akala ko mamaya ka pa darating. Oh siya at magpahinga ka muna. Magluluto lang ako ng kanin natin." Tumango lamang si Arvin at umalis na si Rosa.
Hindi mapagkakaila na maayos ang pagsasama ng kaniyang Ate Rosa at Kuya Amancio.
Hindi man sila biniyayaan ng anak, itinuring naman nila ang kapatid niyang si Anna bilang isang anak kaya napakalaki ang pasasalamat niya sa hipag niya.