Maaga akong gumising ngayon,saturday naman kaya wala kaming pasok.
Naghilamos muna ako bago bumaba,wala akong inabutan sa baba kaya naman kumunot ang noo ko.
"Asan na kaya si lola" bulong ko,agad akong dumeretcho sa kusina at nagluto nang itlog at hotdog,nagluto na rin ako ng sinangag para perfect.
Inihahanda kona ang mga pagkain nang dumating sila lola at hariette
"San kayo galing" tanong ko
"Namalengke lang kami,wala na kasing pagkain sa ref" sagot ni hariette
"Ahh" *tango *tango
"Sinong nagluto nito" tanong ni lola
"Siguro yung daga" natatawang sagot ko kay lola,anubanamanyan malamang ako,e ako lang naman yung tao dito sa baba.hayst
"Ayyt,ikaw talagang bata ka napaka pilosopo mo" sagot ni lola habang pinipingot ang tenga ko
"Ahh so-sorry na po" pag inda ko
"Kung kapilosopohan lang ang batayan sa pagiging prosecutor,naku tanggap na tanggap kana" nakangising wika ni lola.
"Good morning mga kapatid" sigaw ni maggie
"Hoyy ang aga aga" sigaw pabalik ni Hariette
"Aga lang sobra naman yung aga aga,7:30 na kaya" pamimilosopo ni Maggie
"Ayyt,sampalin kaya kita" inis na sambit ni Hariette
"San banda?kaliwa o kanan?" Pamimilosopo ulit ni gaga
"Bwiset!" Sagot ni Hariette
"Panomonasabe" nakangising wika ni Maggie
Inirapan na lang siya ni Hariette kasi alam niyang hindi rin siya mananalo.
"Ang aga niyo magising ahh" sambit ni papa habang pababa sa hagdan
"Good morning"
"Good morning" sabay sabay naming bati
"Namalengke na kami kaya may stock na tayo" sambit ni lola
Tumango na lang si papa at nag umpisa ng kumain.
"Papa may project kami ngayon,may papanoorin kami 200 bayad dun" sambit ni Maggie
"Saan" tanong ni papa
"Sa science,next week pa naman yun" sagot niya
"Ang mahal naman nun,bat samin walang ganun" sabi ni Hariette
"Anong grade kana ba"tanong ni Maggie
"Grade 10"
"Tanga ka pala e,grade 8 ako tapos grade 10 ka.so sa tingin mo parehas tayo nang project" inis na sagot ni Maggie
"Oo nga noh" sagot ni Hariette
"Isip isip pag may time" sagot ni maggie kaya natawa kami.
Natapos na kaming kumain,kaya naghugas na ako.Naligo na rin ako at nagbihis.
Pumunta ako sa sala para hiramin yung cellphone ni Maggie.
"Maggie,pwede pahiram sandali ng phone mo?may isesearch lang ako" sambit ko
"Anong isesearch mo ate" tanong niya
"Ahh,yung sa assignment lang namin" pagsisisnungaling ko
Tumango siya at binigay na sa akin yung phone
"Thankyou,balik ko din kaagad" pagpapasalamat ko
Umakyat ako sa kwarto at agad nag search.
-flashback-
"Sissy,saan naman ako makakakuha ng info about lucid dream?" Tanong ko kay Meizzy habang naglalakad
"Uhmm waite,ang alam ko may page akong navisit noon,tungkol yun sa lucid dream may mga member din dun na aware kung paano makapasok sa lucid dreaming" sagot niya
"Wehh?anong page?" Tanong ko
"Waite" sagot niya habang hawak ang baba,halatang inaalala niya yung name
"Tama!yun nga,visit EL NIDO'S webpage,may mga info sila about lucid dream" sagot niya
"Talaga?sige salamat" sagot ko
-end of flashback-
Sinearch kona yung webpage na yun at iisa lang ang lumabas,EL NIDO'S webpage ang nakalagay tapos yung profile is malaking mata na para bang galaxy yung style,astig!
I click the enter at nakita ko na yung mga story nang mga member,meron ding info about lucid dream at ang pinaka suspicious is yung mga consequences.
Habang nag scroll down ako,nakita ko yung isang post ni admin kaya binasa ko ito
"If you want to buy books about lucid dream,gusto kong irefer yung book ni STEPHEN LABERGE (exploring the world of lucid dreaming) may mga tips doon." Basa ko sa post.wow ang astig gusto kong bumili
Sinearch ko agad sa google yung name,at ito ang lumabas.
Stephen laberge is an american psychophysiologist specializing in the scientific study of lucid dreaming.
Agad naman akong bumaba at ibinalik kay maggie yung phone.
AGATHA POV
*kring *kring *kring
Naalimpungatan ako nang tumunog ang phone ko,nagunat unat pa ako bago sagutin ang tawag.
"Hello,sino to?" Antok na wika ko
"Agatha,can I have a favor?" Elise ask
"What is it?" Tanong ko
"Pwede mo ba akong samahan sa national book store?kay Meizzy sana ako magpapasama kaso may pupuntahan daw sila ng mama niya" she said
"Ganun ba?sige wait lang itatanong ko muna kay tita kung may aasikasuhin kami,wag mo ibababa yung phone" sagot ko at agad bumaba
Naabutan ko naman si tita nagsasampay,"tita may pupuntahan po ba tayo ngayon?" Tanong ko
"Pupunta ako ngayon sa simbahan may kikitain ako na customer,mamalengke kana lang para may silbi ka" sagot niya
"Ahh sige po,ligo muna ako" sagot ko at agad umakyat sa taas"hello Elise,sige samahan kita pero samahan mo din ako mamalengke hu" sambit ko
"Okay sige,maliligo muna ako" sagot niya.agad ko naman binaba ang cp ko at nagtungo na sa banyo.
A FEW HOURS LATER
Andito na kami ni Elise sa tapat nang national book store,hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako.
"Elise!ano bang bibilhin natin dito?" Kunot noong tanong ko
"May nakita kasi akong post dun sa webpage na sinearch ko kahapon,available daw yung book na ginawa ni Stephen Laberge (exploring the world of lucid dreaming) kaya magbabasakali akong makabili" sagot niya
"Hu?sino naman yun?" I ask full of curiosity
"Stehen Laberge,is an american psychophysiologist especializing in the scientific study of lucid dreaming,gumawa sya ng book na ang title ay "exploring lucid dreaming" nakapaloob sa librong yun ang kahulugan ng lucid dream.May mga tips din doon on how to enter lucid dream" pagpapaliwanag niya
"Ahhh" tanging nasagot ko dahil nagulat ako sa sinabi niya,pero ngayon naiintindihan kona para palang si Stephen Laberge yung naka discover ng lucid dream at gumawa siya nang libro para mailathala kung paano makapag lucid dream.
"Maybe" sagot ni Elise,hindi ko alam na napalakas pala ang pagkakasabi ko kaya narinig niya.
"Miss hindi po ba kayo papasok?kanina pa po kayo diyan nakaharang"
Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita.
"Ayy sorry kuya,napadami yung chika namin.Eto na po papasok na kami" sagot ko
"Hindi po ba kayo marunong maghintay?papasok kami kung gusto namin wag kang atat" mataray na sagot ni Elise,napikon ata kay manong guard.
Pumasok na kami sa loob at nagumpisa nang maghanap.
"Dun ka sa kaliwa ako sa kanan" suhestyon ni Elise"sige" tanging sagot ko agad nang naghanap.
"Saan ko ba kasi makikita yun?" Tanong ko sa sarili ko
ELISE POV
"Ayyt,kanina pa kami paikot -ikot dito pero di pa rin namin makita yung hinahanap namin" sabi ko habang nagkakalikot ng mga libro
"Ano pong hinahanap niyo mam?" Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni ate
"Ahhh,me-meron po ba kayong book ni Sphene laberge? Yung eploring lucid dreaming?" Tanong ko
"Ano po yun mam?" Tanong niya ulit
"Libro yun te,duhh"sagot ko
"Uhmm di po ako familiar dun mam,maybe wala po kaming tindang ganun dito" sagot niya
"Hayst ano ba yan!san naman po kaya ako pwedeng makabili nun" tanong ko ulit
"Diko po alam,pero try nyo po doon sa kabilang nbs" sehestyon nya
"Sige po,thanks" sagot ko
Pinuntahan ko si Agatha at sabay kaming lumabas ng store,masama naman ang tingin sakin nung guard kaya inirapan ko siya.tsk
"Saan naman tayo pupunta?"tanong niya
"Doon sa kabilang NBS try natin" sagot ko
Andito na kami sa isa pang NBS at nagsimula na ulit kaming maghanap.
After 30 minutes wala pa rin kaming nahahanap.
"Hayst!wala namang ganun dito e" napapagod na sabi ni Agatha
"Sige tara na,baka nga wala talaga nun dito" sabi ko
Palabas na kami nang store ng marinig naming nagbubulungan yung mga cashier
"Hayst hindi naman pala bibili,kanina pa paikot-ikot"
"Kaya nga baka balak magnakaw"
Komento nila,aba ang kapal ng mga mukha sinabihan pa kaming magnanakaw,etong ganda ko pang magnanakaw?no way!
"Hayst wala naman palang kwenta tong store na ito,walang tindang sabon" sambit ko,medyo nilakasan ko pa ang tono ng pananalita ko para marinig nila.
"Tara na Elise,baka makipag away kapa" Agatha said
Bago lumabas ay inirapan ko pa upyung mga malalanding babae bago kami makalabas,kala niyo di ko kayo papatulan duhhh!
Nagpunta na kaming palengke at namili na nang mga kailangan ni Agatha,nagtingin tingin din ako sa mga tindang libro pero wala talaga akong nakita nang katulad nung hinahanap namin hayst.
"Thankyou sa pagsama Elise" nakangiting wika ni Agatha
"Welcome,ako nga dapat ang magpasalamat kasi pinagod kita sa kakahanap nung libro e" sambit ko
"Dont you worry,magtitingin tingin din ako sa mga online shop kung meron sila" sagot niya
"Sige salamat,see you" pagpapaalam ko
Andito nako sa bahay at tumungo agad ako sa kwarto at humiga,grabe nakakapagod ngayong araw nato.Bumigat ang talukap ng mga mata ko at tuluyan nang nilamon ng antok.