ELISE POV
Andito na ako sa cafeteria, hinihintay ko na lang yung mga kaibigan ko.
Iniisip ko yung sinsbi ni Meizzy sakin kahapon, yung three types. Medyo weird yung ganap dun kaya medyo natakot din ako sa posibilidad na mangyari sa akin kung itutuloy ko pa rin yung pagsagot sa mga katanungan ko.
"Elise, bat nakatulala kana naman"
Out of curiosity, naisip ko rin na kahit naman malaman ko kung paano mag lucid dreaming hindi ko alam kung meron ba talagang masamang mangyayari sakin pero gusto ko pa rin subukan. Kung bakit gustong gusto ko malaman ay dahil na rin siguro gusto kong gumawa nang sarili kong mundo kahit na sa panaginip lang, simple lang naman kasi ang pangarap ko. Ang makapagtapos,matulungan sila Papa at maabot ang mga pangarap ko. But I feel uncomfortable sa lahat ng bagay, para bang lahat sila mataas ang expectation sakin na once na bumagsak ako sobrang hirap na makabangon. Simula bata ako lagi na akong ikinukumpara ni Papa, masakit yun para sakin kasi ako yung anak niya pero parang mas proud pa siya sa iba. Hayst! Ewan, sobrang lungkot ng buhay ko. Hindi ko man lang naranasan ang maalagaan ng tunay kong ina, pero ayokong sumuko kasi alam ko one day may plano si god sakin.
Nabalik ako sa wisyo nang marahan akong itulak ni Julie
"Uyy girl, ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala!" Sambit niya
"Ahh-ehh sorry may iniisip lang" sagot ko
"Naku Elise! Tigilan mona kasi yang bisyo mo, tulog tulog rin pag may time" natatawang wika ni Vash
Ayyts walang hiya talaga tong lalaking to.
"Tanga! Mas mukha ka ngang nagda drugs kesa sa kanya eh" pang aasar ni Naman nitong isa
"Adik naman talaga ako e.......adik sayo" nakangising wika ni Vash
"Ano ba tinitira mo? d**o o bato?" pangaasar ni Khaser
"Gusto mo ikaw tirahin ko?" Nakangising wika ni Vash
"Kadiri kayo" sagot ko, bakla amp.
"Hi guys!" masayang bati ni Agatha, hindi nagtagal dumating na rin si Meizzy kaya pumunta na kaming locker room para kunin yung mga gamit.
"Agatha, okay naba yung paa mo?" Tanong ni Khaser
Grabe may something ba sa kanila? Bakit parang concern sa kanya si Khaser.
"Ahh oo, magaling naman na. Salamat nga pala sa tulong mo" sagot ni Agatha
"No worries, magiingat kana lang sa susunod"
"Wait, may nalalaman ba kayo na hindi namin nalalaman?" Tanong ni Vash
"Anudaw?" kunot noong sabi ni Julie
"I mean may something ba sa inyong dalawa? Well sexy naman si Agatha kaya posibleng magustuhan mo siya"
"Were friends and technically hindi ako katulad mo, fuckboy!" Iritang sagot ni khaser
"Fine, sabi mo eh." nakangising wika niya
"By the way, Elise natanong mona ba kay Miss Hong yung tungkol sa lucid dream?" Tanong ni Agatha
Napatingin naman sila sa amin.
"Lucid dream? Whats that?" Tanong ni Julie
"Lucid dream is a dream where you can manipulate and control your dreams, if you know how to enter lucid dreaming then your capabale to create your reality but rare people can do it easily." paliwanag ni Meizzy
"Really? Sounds interesting!" sagot naman ni Khaser
"Tsk...naniniwala kayo dun? Sinong tanga naman ang nagsabi sa inyo niyan?" Nakangising wika ni Vash
"Kaya nga, nalilipasan lang kayo ng gutom. Kain kain kasi kapag may time" natatawang wika ni Julie
"Tsk! It's your choice kung maniniwala kayo o hindi" Agatha said
Ayts, bat ba kasi ayaw nila maniwala. Pero hindi ko sila masisi, kahit ako nagaalinlangan pa rin.
"Kita na lang tayo mamaya pag lunch, puntahan natin si Miss Hong para masagot na yung mga tanong mo" suggestion ni Meizzy
"Wala kana bang ibang alam tungkol sa lucid dream?" Tanong ni Agatha kay Meizzy
"Wala na e, hindi ko pa naman naranasan yun. Mga basic info lang ang alam ko." sagot ni Meizzy
"Okay sige kita na lang tayo mamaya" sagot ko at agad nang nagpaalam
-------------------
Last subject na namin 'to at uwian na, "Saan ko naman kaya mahahanap si Miss Hong?" Tanong ko sa isip ko
"Matt, sama ka sa amin?" Tanong ng tropa ni Matt
"Pass muna, wala kasing kasabay si Elise kaya sasabay ako sa kanya" sagot ni Matt
"Sayang, andami pa namang chicks dun" nakangising wika ni Carlo
"Sumama kana Matt, may dadaanan din kasi ako ngayon" nakangiting wika ko
"Sure ka? Wala kang kasabay pauwi, baka may mangyari pa sayong masama" sambit niya
Grabe bakit ba kase ang bait bait niya sakin? Pafall amp.
"Hindi okay lang ako, importante ata yung pupuntahan niyo" sagot ko
"Sige, text mo 'ko pag nakauwi kana"
"Sige bye!" sagot ko habang tinitignan siya palayo
Dumeretcho nako sa locker room, dahil nandun si Meizzy. Nakita ko naman agad siya kaya lumapit nako.
"Ohh! Saan natin mahahanap si Miss Hong?" Tanong niya
"Uhmm, hindi ko nga rin alam eh" sagot ko Hindi ko pa kasi alam ang sched niya kaya hindi ko alam kung saan siya makikita.
Naglalakad kami papuntang cafeteria nang makasalubong namin si Miss Flores, yung adviser ko.
"Hi ma'am, can I ask?" tanong ko
"Okay, spill it" sagot niya
"Saan ko po makikita si Miss Hong?"
"As far as I know, wala siyang sched sa inyo ngayon so bakit mo siya hinahanap" sagot ni ma'am
Hindi ko naman alam ang isasagot ko, bukod sa mataray si mam, chismosa rin. Bakit ba tinatanong pa niya?
"May project po kasi kami, nakalimutan ko po yung mga bibilin kaya magtatanong ako sa kanya" pagpapalusot ko
"Okay, I guess nasa science faculty siya.3rd floor VPE 2" sagot ni mam
"Ganun po ba, Salamat po" sagot ko
Hindi na niya ako tinignan at agad ding umalis, grabe atittude ka mam!
"Tara baka nga nasa science faculty si mam" aya ni Meizzy
Andito na kami sa loob, nakita naman namin agad si mam. Nasa dulong table siya sa may kaliwa.
"Good afternoon ma'am! I am Elise Katherine Mahone, section 3 po ako. Gusto ko lang po sana kayong tanungin" sambit ko
"Ohh Elise ikaw pala, natatandaan kita. Ikaw yung katabi ni Matt diba?" Tanong niya
"Yes po ma'am"
"Anong maipaglilingkod ko sayo?" nakangiting tanong ni Ma'am
"Uhmm ma'am...na curious lang po ako dun sa kwento niyo nung isang araw, yung about sa lucid dream" paguumpisa ko
Nagbago naman ang timpla ng itsura niya at sumeryoso ng tingin.
"Have a seat" sabi ni mam
Umupo kami pero nakatitig lang kami sa kanya.
"Bakit parang interesado ka?" Tanong niya
"Wala naman po mam, namangha lang po ako" sagot ko
"Ano bang gusto mong malaman?"
"Gusto ko po malaman if totoo bang may consequences yung paggamit ng lucid dreaming, and I want to know how to enter lucid dream" sagot ko
"Lahat ng bagay may kapalit, lahat ng bagay may hangganan. Merong ikasasama, meron din namang ikabubuti.Pero ano man doonang nakaharap mo, isa lang ang dapat mong gawin........panindigan." Sagot niya
Nalito naman ako sa mga sinabi niya, ano bang ibig niyang sabihin? Bakit parang lalo niyang pinakumplikado yung sitwasyon, mas lalo tuloy dumami yung tanong sa utak ko.
"What do you mean ma'am?"
"Only 10% of the population or even lower is believed to have perfected in controlling their dreams"
"But how can I enter Lucid dream?" Kunot noong tanong ko
"Gusto mo malaman? Find it out yourself Elise, believe in yourself! " sagot niya bago umalis
She left us dumbfounded.