Chapter 9

1674 Words
ELISE POV Maaga akong pumasok pero lumilipad pa rin ang utak ko sa sinabi ni Miss Hong kahapon, yung tungkol sa lucid dream. Ewan ko ba, bakit big deal sakin yun at bakit sobrang curious ako. Siguro nga kasi gusto ko maranasan yun, gusto ko maging capable na gumawa ng sarili kong mundo sa panaginip. Nabalik naman ako sa realidad nang may humawak sa balikat ko. "Agatha" Gulat na sambit ko "Hey girl, ano bang nangyayari sayo? Bakit nakatulala kana naman?" Kunot noong tanong niya "Ahh wala, may iniisip lang." walang ganang sagot ko Hinawakan niya naman ang leeg at noo ko na para bang sinusuri kung may sakit ako. "May sakit ka ba? Kahapon kapa wala sa sarili, simula nung matapos yung Science subject niyo." "Agatha, alam mo ba yung Lucid dream?" Tanong ko "Huh? Ano yun? Lugar ba yun?" Kunot noong tanong niya "Tanga, hindi." "Eh ano yun?" Ngayon ko nga lang yun narinig "Sabi kasi samin ni Miss Hong, if you know how to enter lucid dream your capable to create or control your dream" paliwanag ko "Talaga? So Interesting!" nakangiting wika niya "Yeah, ewan ko ba kung bakit curious na curious ako" "But how? I mean, syempre kailangan bihasa ka kapag ginawa mo yun" sagot Niya "I dont know, but I'll find it out" "Go sissy, support kita" nakangising wika niya Tumunog naman yung bell hudyat na maguumpisa na ang klase kaya umakyat na kami. "Kita na lang tayo mamayang lunch" Agatha said bago pumasok sa room nila Pumasok na ako sa room, naka arrange na ang upuan at sa di maipaliwanag na dahilan pinagtabi kami ni Matt. Ewan ko ba kay miss Flores, ang layo kaya ng Anderson sa Mahone pero magkatabi kami. Hayst! Thursday ngayon kaya wala kaming science, paano ko kaya maitatanong kay Miss Hong yung tungkol sa sinabi niya? Nakalimutan niya siguro na thursday ngayon at wala kaming sched. "Hayst" "May problema ba? Bakit parang problemado ka?" Tanong ni Matt nang mapansin niyang Wala akong gana sa lahat nang bagay. "Ahh wala naman, may iniisip lang" sagot ko "Naaalala mo ba yung kwento ni miss Hong kahapon?" Tanong ko kay Matt "Alin? Yung about sa lucid dream?" Tanong niya "Oo" "Yeah, pero ang hirap naman paniwalaan nun. Kasi isipin mo pwede bang gumawa ng realidad sa panaginip? And besides paano?" Nakakunot noong sabi niya "Hindi ko rin alam" sagot ko at agad tumungo. Hindi ko alam, may part sakin na ayaw maniwala pero may part din sakin na gustong paniwalaan. "Good morning class! My name is Nenita Bonifacio, ako ang filipino teacher niyo" pagpapakilala ni Ma'am May edad na rin siya, siguro mid 50's na siya. Unlike kay Miss Hong na kahit 45 na, batang bata pa rin siyang tignan. "Good morning Miss Bonifacio, It's nice to see you!" sabay-sabay naming bati "Its nice to see you too, take your seats" sagot niya Nagumpisa na siyang magsalita at magsabi ng mga rules kaya nakinig na ako. Natapos na ang filipino at Esp subject namin, tumunog na rin ang bell kaya bumaba na ako. As usuall deretcho sa cafeteria dahil dun kami laging nagkikita kita. "Hey Elise, bat ngayon ka lang?" Agatha ask "Late na kasi kaming pinababa, sinermonan pa ni Miss yung mga classmate kong lalaki" sagot ko "San kayo galing kanina? Bakit hindi kayo pumunta sa gymnasium?" Tanong ni Meizzy "Nandun pala kayo? Akala kasi namin nauna na kayo" Agatha answered "I was trying to call you but cannot be reach" sabi ni Khaser "Ahh, nasira kasi yung phone ko" sagot ko "Sayang hindi niyo napanood yung laro namin kanina, di nyo nakita yung mga savage moves ko" nakangising wika ni Vash "Tsk...buti na nga lang at hindi nila napanood kasi for sure madidissapoint sila" inis na wika ni Julie "Why?" Tanong ni Agatha "Paano ba naman kasi, ni isa walang nai shoot si Vash. Naaagaw niya yung bola pero hindi niya nashoshoot" natatawang wika ni Khaser "Wala akong kasalanan, yung ring yung umiiwas kaya hindi nashoshoot ung bola" inis na sagot niya "See? Tanga diba!" sambit ni Julie dahilan para matawa kami Natapos ang oras namin sa kakatawa, puro sila kwento about dun sa laro nila kanina. Pagkatapos ay agad na kaming nagsibalikan sa kanya kanyang room. "Where have you been?" Tanong ni Matt pagkaupo ko "Sa cafeteria, bakit?" Kunot noong tanong ko, ang weird nang kilos niya ngayun "Sino-sino mga kasama mo?" "Ung mga kaibigan ko, bakit ba?" Mas lalo naman kumunot ang noo ko nang hindi na siya sumagot. Nag umpisa nang mag lecture yung Ap teacher namin, sobrang tahimik namin kasi may pagka masungit siya. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin mawala sa isip ko yung anout sa lucid dream. Hayst, mababaliw nako kakaisip dun. "Miss Mahone, are you with us?" Nagulat naman ako kaya nabalik ako sa wisyo "Ye-yes ma'am" Kinakabahang sagot ko, grabe parang nagalit ata. "Stand up" sambit niya, tumayo naman agad ako bago pa masermonan. "Kung nakinig ka sakin, masasagot mo ito. Ano ang pinagkaiba nang Allied power sa Axis powers?" Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. Allied powers-ay ang mga bansang nagsanib-sanib upang labanan ang Axis power, kabilang dito ang United states,Great britain,at Soviet union. Axis power-ay ang mga bansang nagsanib upang kalabanin ang Allies noong ikalawang digmaang pandaigdig. "Pwede ka nang umupo" sabi ni mam Lumuwag naman ang paghinga ko nang matapos kong sumagot. "Goodbye class, see you tomorrow" sabi ni mam at agad lumabas Isang subject na lang at makakauwi na ako. Nagumpisa nang magsalita si Sir kaya nakinig na ulit ako. "Okay, bago tayo mag lesson gusto ko munang mag review tayo about sa pinag aralan niyo nung grade 10" sambit ni Sir "anyone? Just raised your hand if you want to answer, I'll give 5 points sa mga sasagot" Sayang yung 5 points, kakapalan kona lang yung mukha ko tutal marami pa naman akong natatandaan, nagtaas na ako nang kamay para matawag. "Whats your name?" Tanong ni Sir "Elise katherine Mahone po Sir" sagot ko "Spill it" "Flow diagram- is a diagram that uses graphic symbols to depict the nature and flow of the steps in a process" sagot ko "Very good! Another one?" Umupo na ako kasi may 5 points naman na ako, ipinaubaya kona sa iba para may points din sila. Di nagtagal ay natapos na rin ang Tle kaya uwian na, nauna na ako kay Matt kasi dadaanan ko pa sila Agatha. Ang usapan kasi ay hihintayin nila ako sa wide space. "Elise! Were here" sigaw ni Julie, ano bang akala niya hindi ko sila makikita. "Hey, asan si Matt?" Tanong ni Khaser "Andun pa sa taas, nauna na ako" sagot ko "Puntahan ko muna siya, may pag uusapan pa kasi kami about sa game" sabi ni khaser at saka umakyat "We'll go ahead, ililibre pa kasi ako ni Vash hinintay ka lang namin" sagot naman ni Julie "Yeah, magdedate muna kami. ee you tomorrow!" nakangising wika ni Vash "Kapal mo, kung date 'to hindi na lang ako sasama" sabi ni Julie sabay irap "Joke lang, tara na nga baka mapurnada pa yung date...este yung milk tea" Vash said at agad hinila si Julie Naglakad na rin kami nila Agatha and Meizzy, sasakay na lang kami kaya pupunta na kami sa terminal. MEIZZY POV Narinig kong nag uusap sila Elise at Agatha kaya naman lumapit ako para marinig kung anong pinag uusapan nila. "So paano mo malalaman kung hindi mo tatanungin si Miss Hong?" Tanong ni Agatha "Hindi ko rin alam, wala kasi kaming schedule ngayon kaya hindi ko siya naka usap" sagot naman ni Elise "Bat ba kasi interesado ka dyan sa lucid dream na yan? Hindi nga natin alam kung totoo ba yung sinasabi ni Miss Hong" Lucid dream? Paano nila nalaman yun? Tsaka bakit sila interesado? Hindi kona napigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako. "Paano niyo nalaman yung about sa lucid dream?" Tanong ko "Wait, paano mo nalaman yun?" tanong naman ni Agatha "Una akong nagtanong kaya dapat sagutin mo muna ako" "Tumigil na kayo, Meizzy alam mo ba yung tungkol sa Lucid dream?" Tanong ni Elise "Yeah, nabasa kona yun dati pa. May website kasi akong sinalihan noon, lahat ng kasali marunong kung paano mag lucid dreaming kaya nagkaroon ako ng idea" sagot ko "Wehh? So totoo nga yung lucid dream?" Manghang tanong ni Agatha "Maybe" sagot ko "pero paano niyo ba nalaman yung tungkol dun?" kunot noong tanong ko "Kahapon kasi, yung science teacher ko nagkwento about lucid dream. You have the ability to control your dreams sabi ni Miss Hong, ewan ko ba pero sobrang interesado ako" pagpapaliwanag ni Elise "Are you sure? I mean masaya yun na capable ka gumawa nang sarili mong mundo sa panaginip pero may hangganan yun at may consequences" sagot ko "What do you mean? Anong consequences?" Seryosong tanong niya "There are 3 types in lucid dreaming,first is the.... DEJAVU sabi nila pwede mo daw ma predict yung future mo, minsan makikita mo rin kung may mangyayaring masama sayo in the future so may posibility na maiwasan mo yung panganib. SLEEP PARALYSIS ito yung mahirap kase kapag nangyari ito sayo hindi ka makakagalaw, kahit manghingi ka ng tulong walang lalabas na words sa bibig mo. Kailangan mong magising para makabalik ka, minsan pa ay may makikita kang element na parang gustong lumapit sayo or what. ASTRAL PROJECTION ito yung pinaka mahirap matutunan, bukod sa mahirap ay delikado rin ito. Makikita mo yung sarili mo na mahimbing na natutulog pero alam mo sa sarili mo na nakatayo ka, its because nakahiwalay yung kaluluwa mo sa katawan mo. Kailangan mong makabalik dahil kung hindi, goodbye to the world kana. Pagpapaliwanag ko, bakas naman sa mukha ni Agatha yung takot at pangamba. "Grabe sissy, nakakatakot! Never ko talagang susubukan yun" kinakabahang sabi ni Agatha "I dont think so" sagot naman ni Elise "But I am 100% sure, if you enter lucid dream YOU HAVE THE ABILITY TO CREATE YOUR REALITY!" Sambit ko bago magpaalam
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD