Chapter 8

1301 Words
ELISE POV Maaga akong gumising para tulungan si lola na magprepare ng food, maaga pa naman kaya hindi ako malelate. "Good morning Lola" bati ko kay habang nagiipit ng buhok "Oh bat ang aga mo gumising?" Tanong niya habang nagluluto "Gusto ko po tumulong magprepare ng foods, tsaka maaga talaga akong gumising dahil ayokong malate" sagot ko "O baka naman, masaya ka lang dahil lagi mong kasama si Matt" nakangising wika ni lola "Hindi noh, sino naman pong nagsabi sa inyo niyan?" "Napapansin ko kasi na masaya ka kapag kasama mo si Matt, may pagtingin ka ba sa kanya?" Tanong ni lola habang titig na titig sakin. Napalunok naman ako sa di maipaliwanag na dahilan. Hindi ko Alam Kung anong dapat kong isagot. "Wala po, magkaibigan lang kami" deretchong sagot ko Nagkibit balikat na lang si Lola at itinuloy na ang pagluluto. Bumaba na sila Maggie at Hariette, antok na antok pa ang mga gaga. "Good morning" Maggie said habang humihikab "Kain na, malelate na kayo" sagot ko Sabay-sabay na kaming kumain, pagkatapos ay naligo na rin ako. "Ate! Sorry nga pala dun sa nagawa ko kahapon, prank lang naman yun kaso nagkatotoo. Nadamay pa tuloy yung cellphone mo" nakatungong wika niya "Hayaan mona, nangyari na eh. Wag mo na lang uulitin" sagot ko habang nagbibihis "Sorry talaga ahh, kung gusto mo ipapahiram kona lang muna sayo itong phone ko. Alam kong kailangan mo 'to" sabi niya habang inaabot sakin yung phone "Nahh, mas kailangan mo yan. Okay lang si Ate" "Salamat Ate" sabi niya habang nakangiti "Sige na papasok nako, pumasok na rin kayo" at agad kinuha Yung bag Andito na ako sa school at agad pumuntang cafeteria. "Elise!" Meizzy shout "Hi" sambit ko "Ang aga mo ata ngayon?" Meizzy ask "Yeah, sinipag ako kaya maaga akong gumising." natatawang sagot ko "Sus! Baka naman inspired ka lang" nakangiting wika niya, kunot noo naman ako sa sinabi nito. "Inspired ka dyan!" Tiningnan naman ako nito ng nakakaloko kaya natawa na lang ako. "Hey, kanina pa kayo?" Sabi ni khaser pagdating nila "Medyo lang" sagot ni Meizzy "Si Agatha and Vash na lang ang hihintayin natin" I said "Yeah, late na naman si Vash" Ilang minuto ang nakalipas, nandito na si Vash and Agatha. Medyo late si Agatha kasi iniinda pa niya yung paa niya. "Okay kana ba? Dapat kasi hindi ka muna pumasok" sabi ni Khaser "Oo nga sissy, dapat hindi ka muna pumasok" dagdag pa ni Julie "Buti pa kay Agatha may concern ka, samantalang sakin wala." malungkot na sambit ni Vash "Tsk...wala akong pake sayo" pangaasar ni Julie Nagulat naman kami ng uminda si Vash na masakit yung ulo niya. "Ahh! Ang sakit ng ulo ko" paginda Niya habang hawak ang ulo, agad namang lumapit si Julie para tignan Kung anong nangyayari sa kanya. "Anong problema? May masakit ba sayo? Anong nangyari?" Nagaalalang tanong ni Julie "Its a prank! natatawang sambit niya at humagalpak nang tawa "Walang hiya ka talaga! Bwiset ka!" "Aray! Tama na, joke lang naman eh." habang patuloy pa rin sa pagpalo si Julie "Sabi na e, concern ka talaga sakin. Babe!" pangaasar pa ulit niya "f**k you!" Julie said "You know what. I wish that I was the adenine, then I could paired with you." nakangising wika niya Namula naman si Julie na para bang kinilig. "Ewan ko sayo" Julie said sabay irap, hayst nakakatawa talaga sila "Tara na, baka malate na tayo" sabi ni Meizzy "Mabuti pa nga" I said Andito nako sa room, hinahanap ko si Matt pero hindi ko siya makita. "Asan na kaya yun?" Tanong ko sa isip ko Narinig ko naman yung mga classmate ko na naguusap usap. "Uyyy may laro ngayun si Matt, nood tayo" "Wehh? Ang galing pa naman niya magbasketball" "Tara! Punta tayo sa gymnasium!" Nagmamadali naman silang lumabas, siguro nga pupunta sila. Gustuhin ko man pumunta, wala naman akong choice kasi may teacher kami ngayon. 1st subject- English 2nd subject- Math 3rd subject- science 4th subject- Mapeh Yan ang schedule namin tuwing monday-wednesday, while on thursday and friday is Filipino,Esp,Ap,Tle. Natapos na ang english subject namin, ang topic is about conjunction. Ngayon math subject na. Daldal lang ng daldal si Mr.Lorenzo, grabe ang boring niya magturo. Alam mo yung feeling na sa sobrang boring kahit nakikinig ka hindi mo naiintindihan ,yun yung feeling ko kapag nagtuturo siya. *ting * ting *ting *ting Tumunog na ang bell, hudyat na lunch time na. Agad na akong lumabas at dumeretcho muna ako sa cr dahil kanina pa ako naiihi. "Ahhh salamat nakaihi rin" sabi ko sa isip ko Kapag pumunta kang cr madadaanan mo yung locker room, wala namang tao sa hallway kaya feel na feel ko yung parang sa w*****d. Nagulat ako nang makasalubong ko si Matt, pawis na pawis pa siya kasi kakatapos lang ng game nila. Excempted naman siya kasi player, grabe! Ang gwapo niya talaga,a ng lakas ng s*x appeal. Inaataki na naman ako ng taglibog. "Oh, Elise anong ginagawa mo dito?" Tanong niya "Ahh wala naman, galing kasi akong cr kaya napadaan ako dito" sagot ko "Okay, can I have a favor?" "Anong favor?" "Pwede pahiram ng notes mo? Sa English and Math?" He ask "Oo naman, akala ko naman kung anong hihingin mo" natatawang sabi ko "Tara sabay na tayo" Bumili na lang kami ng snacks at sa room na kumain, 15 minutes na lang naman at Science na namin. "Infairness ang sarap ng burger nila!" Pambasag katahimikan ko "Yeah, by the way naintindihan mo ba yung lesson sa Math? Naguguluhan din kasi ako" tanong niya "Hindi nga e, ewan ko dun kay sir. Nakakabobo magturo." natatawang sagot ko, sabay Naman kaming tumawa pagkatapos nun. "Good morning class!" nagulat kami ng magsalita si Miss Hong, agad naming niligpit Ang kinainan namin para Hindi mapagalitan. "Good morning Miss Hong, It's nice to see you again" sagot namin "Nice to see you too, seat down" Nag umpisa nang mag discuss si Ma'am, ang galing niya magturo. Ginagawan niya ng shortcut yung mga problems kaya capable kaming maintindihan agad. Nagturo siya at nagpasulat, bukas na daw niya uumpisahan yung mga lesson para hindi kami masyadong ma pressure. Nabasag ang katahimikan ng magtanong si ma'am...... "Are you familiar of the word LUCID DREAMING?" Napatingin naman kaming lahat dahil sa sinabi niya, lucid dream ? Ano Yun? "Whats that Miss?" Curious na tanong ng isa kong classmate. Liquid Universe Constructing Infinite Dimensions "If you know how to lucid dream then you have the ability to control your dream, for me its such an honored kung marunong ka nun. Bukod sa pwede mong gawin lahat ng gusto mo sa panaginip, rare people lang ang may kaya nun. Sabi nila para kang nasa ibang dimension kapag nagagawa mo yun, syempre kung may ikagaganda may ikasasama din ang paggamit ng lucid dreaming. May mga consequences din yun, at lagi mong iisipin na nasa panaginip lang nangyayari yun at hindi sa realidad" pagpapaliwanag niya "And then mam" sobrang curious kong tanong Napangiti naman sa ma'am at tumingin sa relo niya. "Late na pala, I have to go. May next subject pa kayo." sagot Niya at agad iniligpit Ang mga gamit. Wala naman akong nagawa kasi nga may next subject pa kami, nakaalis na si ma'am pero yung sinabi pa rin niya ang iniisip ko. Grabe ang cool nun! "Ano kayang pinagsasabi ni Miss Hong? Lucid dream daw" "Ewan ko dun, baliw ata" "May nalalaman pang ability ability, siguro may sira ang utak nun!" Komento ng mga classmate ko, halatang hindi sila naniniwala sa sinabi ni ma'am. Pero parang ang hirap nga naman paniwalaan, pero ewan ko ba bakit naniniwala ako sa sinasabi niya. Sobrang curious ako sa Kung ano ba talaga Ang Lucid dream. Natapos na ang last subject pero lumilipad pa rin ang utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD