Lorraine's POV
After 10 long years!!!!…
7am... Alarm ringing...
Ringggg Rinngggg Ringgg!
"Come on, another five minutes please..."(pindot sa alarm clock at natulog ulit)
Tik Tak Tik Tak!!
"hmmmm ugh! (insert yawning) huh? Oh s**t! Malelate ako sa interview ko! Darn! Papatayin na naman ako ni Sasha sa kanyang mala machine gun na bunganga. Hay naku naman... Yung bra ko saan ko ba naipatong?" Lumipad ako papasok ng bathroom upang gagawin ang nararapat gawin. Matapos kong makapaghilamos, toothbrush lumabas na ako ng nasabing banyo kaya nag ninja moves na ako.
Isang burgundy long sleeve folded till my elbow and black slacks at pinarisan ko ng stiletto ang napili kong isuot.Sandali lang naman siguro yung interview kaya okay na itong outfit ko. No need to dress up like i'm going to a party.
Nagwisik ng pabango, kunting powder at lipgloss ang nilagay ko sabay hablot ng key, phone, my documents that I needed for my interview and my purse at sumibad na. Muli kong sinipat ang aking sarili sa harap ng whole body mirror.
"Ang ganda mo na Lorraine Melanie Gonzaga." ngingiti ngiti pa akong nakatingin sa harap ng salamin at nag duck lips. "Muahhh! Maganda ako period!" Saka nag wink.
Panay tingin ko sa oras, sana lang walang mga pasaway na drivers, commuters, vendors,pedestrians at mga snatchers para walang perwisyo sa aming mga mamayang filipino na naghahanap ng mapagkuhanan ng pangkain.
Kababalik ko lang from New Jersey. Doon kasi nag migrate ang parents ko when I was a kid. Pero bumalik ako dito para mag aral ng high school at college. At dahil sa hindi magandang pangyayari bumalik ako doon para takasan ang nakaraan ko. Hindi ko nga alam paano ko nalagpasan yun. That memories almost took my precious life. Yun ang sabi nila... Maybe...maybe may dahilan kung bakit until now buhay na buhay ako at patuloy na lumalaban sa nakaka excite na takbo ng buhay. May naalala tuloy akong kanta na madalas kantahin ng Yaya Cheesa ko. I missed her. Nakipagtanan kasi si Yaya Cheesa sa kanyang long time girlfriend na si Lola Belle. Not Lola na grandma ha. Lola Belle Catacutan ang buong pangalan niya. Si Yaya ang kasama ko araw at gabi kasi my parents stays in the US at ako naman andito. They just sent my monthly allowance sa bank account ko. Kaya kapag may lakad Ang tropa, siya lang ang may alam. In short, siya lang ang nakakaalam ng sekretong malupit ko na nagkagusto sa babae. She loves me so much at spoiled brat ako sa kanya. Madalas niya akong pag takpan sa parents ko Lalo na kapag may ginawa akong kalokohan. Pero nang bumalik ako sa states, umalis din siya kasama ng kanyang asawa na sa ngayon na si miss Catakutan.
Kapag nasermunan ako dati Ito po yung kinakanta niya.
'Gulong ng palad ang buhay ay gulong ng palad
Ang kandungan, ang kapalaran kung minsan ay nasa ilalim.'
Matagal nang panahon ang ginugol ko para lang makalimot at muling bumangon mula sa pagkakadurog at pagkabagsak. Nalugmok ako ng sobra sobra. Salamat sa pamilya ko at mga malalapit na kaibigan. Sana lang hindi mag cross ang landas namin ng taong hindi ko dapat binigyan ng pagkakataong makilala ako, saktan, dungisan at makuha ang aking dangal. Sa tulong ng pamilya ko ito na ako, isang palaban at hinding hindi na magawang saktan ninuman. Not anymore.
Maraming opportunity sa bansang America kung tutuusin pero mas gusto ko talaga sa bansang sinilangan ko. Dahil siguro, andito talaga ang puso ko ang ipamalas sa kapwa ko filipino ang mga natutunan ko, hindi yung katangahan ko sa pagpili ng mamahalin.
Beeepppp!!!!!
"Ay kabayo! Leche!! Ito na oh aalis na? Atat?!" sabay tingin ko sa mirror. Ayun binigyan ba naman ako ng finger niya. Nilabas ko nga din ang dila ko. Heyep sye. Green na pala hindi ko namalayan yung pag change ng light. Sige pa Lorraine Melanie Cruz balikan mo pa ang nakaraan mo. Tsk! Minsan na akong nagpakatanga. Ewan ko ba bakit hinding hindi ko makakalimutan ang taong yun kahit anong pilit kong alisin siya sa diwa ko. Hopefully inuuod na ang katawan niya sa lupa at nagpyesta ang mga worm habang pinapapak ang katawan niya.
'Bitter lang Lori?' sabi ng kabilang utak ko. "I'm not bitter." I smirked.
Ilang kimbot lang ng aking baby car narating ko ang aming meeting place. I walked as fast as I can para makarating sa meeting place namin ni Sasha girl. Malayo pa natanaw ko na siya at nakabusangot na nga.
"Naku Akala ko tutubuan na ako ng ugat bago mo ako dito puntahan. Late ka ng gising Ano?"nakasimangot niyang tanong sa akin.
"Sshhhusshh! Ang aga aga nagpuputak ka na. Mangingitlog ka na ba?" Asar ko sa kanya. "What do you want?" Habang nakatayo ako sa may pila at nakatingala sa mga menu na nasa kanilang board. Gutom na kasi ako. Dahil late ako ng gising, gumura akong walang laman ang tyan. Ayoko namang nasa interview ako tapos meron kaming acapella na tunog ng tummy ko.
"Coffee and breakfast sandwich. Thank you very much." Order ng mahadirang kong kaibigan si Sasha. Busy kasi ang ibang tropa namin kaya siya ang kasama ko.
"That's all? Hmm, diet ka? Hindi halata ah." sabay ngisi ko ng nakakaloko. Binigyan niya naman ako ng isang nakakamatay na tingin. "Okay sabi ko nga diet ka. Naku, baka masundan na naman niyan ang pangalawa mo."
"Alam mo naman si Jerjer di ba. Parang laging tinitigasan kapag dumikit lang ang katawang lupa ko sa balat niya." wika nito na ikinatawa ko at napahampas ako sa kanyang braso. Ganito kasi siya magsalita. Walang kyeme na akala mo dalagang pilipina.
"At ikaw naman, bumibigay agad sa kanyang pangangalabit.Hmmm."
"Anong gusto mong gawin ko? Tanggihan ko siya? Paano kung maghanap siya ng iba? Paano ako? Yung bata? At saka... ito...mamamatay ito sa tigang..." Sabay Tingin sa kanyang lap... "Masarap kasi siya umindayog,halos magiba ang kama." Bulong niya sa akin. Lumapit ako sa cashier at sinabi ang mga orders ko. Napasulyap ako kay Sasha na nagduduck lips sa harap ng kanyang cellphone.
Napapailing na lamang ako sa kalokohan ng kaibigan ko. Nang makita kong hinahanda na ang order ko, kaagad na tumayo ako at naghintay sa pila. Nakatingin lang ako sa harapan ng biglang may parang humampas sa aking puwetan. Nilingon ko ito at nagtama ang mga mata namin ng taong nasa likuran ko. She's smiling at me but I gave her a what-did-you-do look. Lumapit ako sa kanya at nagpakawala ng isang malutong na sampal(PAK).
"Bastos!"
Nakita Kong umasim ang mukha niya sa ginawa ko pero wala siyang naging reaction. Pinahid niya lang ang kanyang pisngi na nasampal ko habang nakatingin sa akin. Maging ang mga tao sa paligid sa amin na ang kanilang mga mata. Then sasha came to the rescue and whispered, "Gaga! Bata ang humampas sa matambek mong puwet hindi si DYOSA." at ano ka hindi yata whispered ang ginawa ng lecheng kaibigan ko dahil narinig ng bawat tao sa loob ng restaurant na ito.
Halos ipagdasal ko that moment Na Sana lamunin Na Ako ng makintab na tiles dala ng kahihiyan. Biglang umalis ang babae na Hindi man Lang ako nakahingi ng sorry or what.Pilit akong napalingon sa kaibigan ko na maging siya nagulat din sa aking ginawa.
"Oh my god girl what did I do? I slapped her face. Gosh! Bwesit kung Sino man Ang batang tyanak Na humampas sa puwet ko lagot siya sa akin." Ngitngit ko sa aking kaibigan.Madaming bata naman kasi sa loob ng restaurant kaya hindi ko alam alin sa kanila ang salarin.
"Ayan kasi, bigla bigla na lang manampal? Hindi man lang muna inalam kung siya ba ang may gawa? Hoy, gising ka nga muna at baka nasa kalagitnaan ka pa ng panaginip mo."panenermon niya sa akin. Wow very supportive friend huh. "Kunin mo na ang oder ng makakain na tayo at gutom na ako." Dagdag pa niya. Namumula talaga ako dahil sa mga matang nakamasid sa akin. Hays I guess my morning brings bad luck to me. Ito ako halos hindi makatingin sa mapanuring mga mata kaya kinuha ko na ang order namin, dinala sa aming table at hindi ko maalala kung paano ko nalunok yung pagkain na inorder ko.
After namin mag breakfast niyaya ko na siyang lumabas dahil hindi ko na kaya yung bulungan at tinginan ng mga tao dito sa loob. Para naman akong murderer kung titingnan nila. Sus, akala mo ang lilinis at walang mga tinatagong kababalaghan sa katawan.
Dahil 9am pa naman ang interview ko, naglakad lakad muna kaming dalawa sa mga kalapit Na mga store. Kung ano ano ang mga nakikita namin if magustuhan bibilhin kapag hindi naman okay lang. Next time again.
"Uy good luck sa interview mo ha. Tumawag si Yasmin kanina asking where we are."
Si Yasmin. Dalaga din kagaya ko. She's into girls and boys pero mas kinikilig ang kanyang pempem sa lalaki. Paano may bad memories din kasi siya sa ex niyang babae. Yung girlfriend niya kasi may girlfriend pala sa online. Ayun noong umuwi ang babae para meet ang ex niya ayun nagkabukingan. Kaya iniwan niya yung ex niyang parang kargador sa palengke.
Ito naman si Sasha. Well mga dati ko pa silang kaibigan. Siya naman may asawa na. Mommy na siya and being blessed with a loving husband and adorable kiddos. Awww, siya na ang may forever. Lucky girl ang tawag namin sa kanya.
Si Cloe nagmigrate na sa Italy. Pero last time i heard na umuwi siya dito for funeral. Siya ang kasama ko sa mga panahong nagpakatanga ako sa peg-ebeg. She's into girls. Nakaranas din kasi ng hindi maganda sa larangan ng boys. Pinatikim lang siya ng saging nito at ayun iniwan na din siya. Ang malas namin sa peg-ebeg. Isa na itong dentista para sa mga bata. Kagaya ko, single din siya.
At saka ang twin sisters na sina Meygan at Nevra. Mga palaban ang mga ito. Walang pakialam if lalaki o babae ang kalaban. Naku, sila ang fighter sa grupo namin pero kung hindi naman sila pinapakialaman, okay lang din naman sila. Babae ang gusto nila. Pero magkaiba ng taste. Sila din ang karamay ko noong panahon na down na down ako.
Si Jade, love siya ni Papa Lord. Maaga siyang kinuha sa amin. Nasa unang taon kami ng kolehiyo nang pumanaw ang mahadirang si Jade. Nung naghasik ng katangahan,sinalo niya lahat. Yung boyfriend niya, pinagkalat sa buong campus na siya daw ang nakakuha ng kanyang virginity. She was then being bullied at school. Kung andiyan kami, we can protect Jade from anyone but then hindi kami magkapareho ng subject and courses back then. Kaya naisipan niyang tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon niya sa building at talagang tumalon ito mismong new years eve. Pinangarap yata niyang tumangkad kaya mas pinili niya ang building pero malas niya, hindi na siya nabuhay pa. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Amen.
Finally, ang inyong lingkod, Lorraine Melanie Gonzaga or Lori para sa mga kaibigan ko at Mel sa mga strangers. May isang karanasang pilit kong inaalis sa aking katawan. Karanasang pilit tinatakasan. Pero natakasan ko nga ba???
"Halos mabingi ang taenga ko sa bunganga ni Yashi/Yasmin dahil sa dami ng mga problema. Ano ba naman itong silbi ko sa mundo. Taga salo ng mga problema ng mga kaibigan." tumigil ito sa kakadaldal ng mapansing parang wala ako sa sarili. Paano kasi busy ang utak ko sa ibang bagay. "Mars to Lori hello!!" napamulagat naman ako sa kanya. "Are you with me or you're somewhere unreachable?"
"Sorry may naalala lang. Anyway, Nasa shop na ba sya?" Yasmin one of our kabarkada owns and manage their flower shop na pinamana sa kanya ng kanyang late mommy. Ito naman si Sasha, stay home. Full time mommy and wifey. Sa aming tropa siya pa lang ang nagkaforever.
"Yeah! Kasi daw may mga orders na darating and deliveries so kailangan andun siya. Alam mo na nagpapayaman."
"Sinabi mo pa. Uy girl look at that dress, pretty isn't it?"
Tiningnan Ito ni Sasha ng matagal.
"Bagay yan sayo girl. If I were you bibilhin ko na yan."
Umingos ako. Madami na akong damit tho I really love the style and color but nah,gastos lang yan. Nang marating namin ang building, Hindi na niya ako sinamahan sa itaas.
"Sure ka dito ka Lang?"
"Oo. Don't worry, walang kikidnap sa akin. Anong gusto nila itong taba ko o yung stretched marks?"
Napatawa naman ako sa kanyang sinabi. Kaya hinanap ko ang elevator at pinindot ang going up button. Nakisiksik ako sa mga staffs na marahil late na sa trabaho. Mas maganda talaga kapag slim may panlaban sa pakikipag siksikan.
Ting!
Pagdating sa nasabing floor hinanap ko ang desk ng babaeng mag interview sa akin. Nagpalinga linga muna ako then may nakita akong babae marahil isa sa mga staffs din.
"Hello good morning, I'm looking for Miss Rivera can you direct me to her please.."
"Oh that woman in a polka dots blouse that's miss Rivera." Turo niya sa akin sa babaeng nasa pinakadulo ng floor Na Ito. I smiled at her and nag pasalamat.
I walked towards miss Rivera's table. Busy siya sa kanyang pinaggagawa kaya di niya ako masyadong napansin. I was just standing in front of her desk. Ano Kaya gagawin ko sumayaw ng tatlong bibe, mag dance craze Ako dito.
"Oh andiyan ka pala." Sambit niya after 100 years. Joke lang. Kailangan magpaka nice ako para makapasok ako dito sa company na Ito. So Ito ngiting ngiti ako. "Have a seat."
"Thank you." Naupo ako na parang dalagang pilipina. Pero kapag nasa bahay malamang nakapatong na itong mga pagod kong paa sa ibabaw ng desk niya.
"Did you bring all the documents that we asked you to bring?"
"Yes ma'am. Ito po." Binigay ko sa kanya ang mga papers tapos nilibot ko ang aking paningin habang tinitingnan niya ang mga papers ko nang may mahagip ang aking mga paningin. I looked again baka nga nagkamali lang ako. Pero siya nga talaga. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita.
I tried to cover my face with my hand para hindi niya ako mamukhaan. Yes, sa awa ni Lord, pinagtagpo niya kami ng DYOSA na nasampal ko kanina sa loob ng restaurant. Isn't that exciting??? Bumalik ang paningin ko kay Miss Rivera habang binabasa niya Ang mga nakalagay sa CV ko. Then pasimpleng sumulyap sa dyosang sinampal ko lang naman at nanaykupo, gusto ko nang tumakbo at magunaw sa mundo. She's looking at me at binigyan niya ako ng "we meet again stranger." Napalunok ako ng sunod sunod. Gusto ko nang hablutin ang resume ko at umuwi Na lamang.
"Wait lang miss may kakausapin lang ako."
Tumayo si Miss Rivera at nilapitan si Dyosa at may binulong. Habang nag whispering hope sila ako naman nagdadasal. Nasa akin din ang mga mata ni Dyosa at panay lang ang tango niya.
"Patay." Ang tanging nasambit ko. Tumingin siya sa akin. Mabilis kong binawi ang mga tingin ko at yumuko. God bakit dito siya nag tatrabaho? Pwede mo ba siyang sisantehin. Pwede naman sa ibang lugar di ba Pero dito talaga siya nagwowork? Ano kaya siya dito? magiging boss ko kaya siya?
Bumalik na si Miss Rivera at ngumiti sa akin.
"Okay Miss Lorraine Gonzaga we will just call you. Thank you for coming today. Have a good day."
Tumango ako at mabigat ang balikat na nilisan ang nasabing building. No more hopes and dreams for me. I can't be one of the team na.
Sumakay ako sa elevator para puntahan si Sasha at ibalita sa kanya ang masaklap na pangyayari sa aking buhay. Today is not a good day for me. Naku buong linggo na yata Ito.
Ting
Mabilis akong lumabas ng elevator at hinanap ang babaeng pinabayaan sa kusina at magaling din siya sa kusina. Kaya nga pati asawa niya at dalawang anak naku.. Haaaa umm!!
"Lorraine! Ano girl, natanggap ka ba?" Excited niyang bungad sa akin. Binigyan ko siya ng hindi kayang ipinta na pag mumukha. I tried to smile na may kasamang pag iling. "Ano yan? Monalisa smile ba yan o minalas smile?" Tanong niya habang kinakaladkad ako palabas ng nasabing building. I need to get out of this place.
"Mismo! Minalas!! You got it girl! Huhuhu! Wala na...mga pangarap ko nasira na dahil lang sa pagsampal ko sa kanya." Umatungal ako sa kaibigan ko. Nasa loob na kami ng sasakyan. Napakunot ang noo niya sa aking sinabi.
"Shut up! Umayos ka nga babae. Ano bang nangyari? Paki explain nga. Ano yung sinampal? Wait may sinampal ka ulit??"
"Hep! Makinig..Okay fine. Sabi they will just call me daw."
"There you go. May hope kapa. And besides alangan naman sabihin nila agad na you're hire. Maghahanap pa ang mga yan at pagkatapos pipili sila sa mga may potential. Don't you remember in every interview ganun ang sinasabi nila. Oh bakit para kang binawian ng laruan kung makadrama ka. chillax." She tried to comfort me but it didn't work. Nakasimangot pa rin ako. "Ano ba kasi ang ginawa mo at bakit sinasabi mo na hindi ka matatanggap?"
"Kasi...Kasi Yung babaeng sinampal ko...Ano...siya yata ang boss doon." Kagat Labi kong sumbong sa kanya sabay pout.
Napa sampal naman siya sa kanyang noo. Sabi na eh. Di ba malaking kamalasan.
"Mahirap nga yan. Baka isipin niya baliw ka at sampalin mo siya ulit ng di sinasadya. Tapos kanina nanlilisik ang mata mo sa kanya. Girl ang pangit mo at nakakatakot ka. Para kang nasapian ng masamang kaluluwa."sinamaan ko nga siya ng tingin. Grabe to wala man lang friendly support. "Ikaw kasi eh. Kawawa naman yung baby face na sinampal mo. So paano na iyan?"
Nasa daan pa rin ang mga mata niya habang nagmamaneho. I don't know where she's taking me next.
"Actually I don't know. Hiyang hiya ako sa ginawa kong pagsampal sa kanya girl. Tapos ang awkward kapag maging boss ko siya di ba. Ay ewan." kasunod ng buntong hininga ko ay ang pagsulyap sa labas ng bintana. Bahala na... Malakas pa naman ang fighting spirit ko. Makapal din ang pagmumukha ko. Aistt...Bahala na si batman..