Dahil medyo hindi pumanig sa akin ang lucky charms, pumunta kami ng flower shop ni Yashi. Gulong gulo ang isipan ko dahil yung dream kong makapasok sa nasabing company ngayon wala nang pag-asa. Hindi talaga maganda yung padalos dalos na desisyon. kung bakit kasi mabilis manampal itong mga palad ko.
Nakarating kami ni Sasha sa shop na halos pasan ko ang mundo. Sumasayad sa kalsada ang nguso ko. Sabi nga ni Sasha para daw siyang nakikiburol dahil sa itsura kong parang hindi alam ang tinatawag na SMILE.
"Hoy ayusin mo yang pagmumukha mo ha baka lahat ng bibili ng bulaklak eh puro pampatay dahil diyan sa pagmumukha mo." Inirapan ko nga siya.
"At least may bumili di ba. Hindi na siya lugi doon."
"Ewan ko ba sayo. Don't worry ako ang iyong lucky charms. Matatanggap ka girl. At kapag nangyari yun, ipakita mo sa DYOSA ang iyong galing. Aba! Ikaw yata si Miss Lorraine Melanie Gonzaga. Isang sikat na arkitekto sa bansang Amerika. Girl power di ba? Kaya cheer up!"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Sasha. Medyo nabuhayan ako ng loob sa kanyang sinabi. Kaya nga mahal ko ang mga friends ko dahil sa pagiging supportive nila sa akin. After ko maiparada ang kotse, lumabas na kami at nakita namin mula sa labas na madaming mamimili ng bulaklak. Meron para sa asawa, kerida, girlfriend, at ang madaming mamimili para nga sa mga namatay na kamag anakan.
Malayo pa kami agad na kumaway si Yashi sa amin. Nagbeso beso kami at pasalampak Na napaupo sa kanyang two seater na couch. Kumunot agad ang kanyang Noo ng makita ang pagmumukha ko.
"Napano ka?" At binalingan ang ngingisi ngisi kong kasama.
"Hmmm, nagpunta sa kanyang interview kaso mukhang thumbs down sa kanyang magiging boss. Ikaw ba naman sampalin ng wala kang ginawang kasalanan." Kwento niya kay Yashi.
"Huh? Sino ang nanampal at ang sinampal?"
"Itong babae na ito. Kasi ganito yun.. Nakapila siya sa counter doon sa loob ng bahay ni Mang Ronald then itong pasaway na bata eh kursunada ang kanyang puwet kaya hinampas. At itong magaling na babae pagtingin niya sa likuran isang dyosa ang nakita niyang nakangiti at ayun isang malutong na sampal ang pinakawalan. At ito pa, itong si dyosa mukhang siya yata ang boss doon sa company na inaplayan nitong magaling nating kaibigan. kaya on her interview ang tanging sinabi sa kanya, we will just call you. Hay naku." Salaysay ni Sasha kay Yashi. Biglang tumawa ng malakas si Yash at binigyan ako ng nakakalukong tingin at ngiti.
"Don't worry. Makakapasok ka sa company na iyon. Ligawan mo na lang at paibigin ang dyosa na yun. Malay mo makalimutan niya ang pagsampal mo sa kanya. Hehehe. Hay naku, wag kang sad diyan. Maganda Kaya record mo. Pati experience mo. Sus, maniwala ka day, they will call you."
"Call me? Naku, nakita ko kung paano niya ako kanina tingnan habang kausap niya yung nag interview sa akin. Kaya hmp, maghahanap ulit ako ng ibang mapag aplayan." Irap ko sa kanila.
"Kasi next time huwag padalos dalos sa desisyon. Hindi porket gwapo o maganda sagutin mo na. Hindi porket nag I love you sayo gora na at iisipin mong love ka rin." Napaangat ako ng mukha sa babaeng ito. Anong pinagsasabi niyang pawang may hugot na kasama. "walang masama na magtanong muna bago pairalin yang talas ng mga palad mo ha." Pananabon ni Yashi sa akin. Ngingisi ngisi naman si Sasha. "Maganda ba yung sinampal mo?"
"Uy, in fairness, DYOSA! Pak na pak ang dating."
Napangiti ako ng lihim. Yes, ang ganda niya nga. Pero naku, Wala sa kalendaryo niya ang pumatol sa babae. Yes, babae ang gusto ko dahil na rin sa karanasan ko. Pero dahil din sa babae kaya halos isumpa ko ang mga pekpek na mahilig manakit ng puson este puso.
"Pssstt! Ligawan mo kaya." Si Yashi. Kinakalabit kasi ako. Bakit di kaya siya ang manligaw doon.
"Trabaho hanap ko hindi kabiguan." Sagot ko naman sa kanya.
Nang biglang...
Ringgggg!! Rinnngggg!! Ringggggg!!
Mabilis kong hinalungkat ang phone ko sa aking bag at diko na tiningnan ang nasabing caller.
"Hello this is Lorraine."
"Hello Miss Gonzaga, this is Winter Rivera. Pwede ka bang pumunta ng maaga sa office for your orientation?"
"Orientation? Uh yes! Yes po! Thank you and I'll be there tomorrow ma'am." nasa boses ko ang sobrang tuwa. Ngunit ng maibaba ko ang phone, malungkot akong napasulyap sa dalawa at napangiwi. "They want me to comeback for the orientation process but ugh, paano ko pakikitunguhan yung magandang dyosa na sinampal ko?"
"Naku mahirap nga yun. Pero mag sorry ka na lang at sabihin mo na napagkamalan mo lang siya at hindi na kamo mangyayari yun ulit. At babae ha, wag na wag mo nang uulitin yun kung ayaw mong ako na ang sasapak sayo!" panenermon sa akin ni Sasha. "Naku ha, umayos ka na diyan sa work mo na yan. Aba, nakakapagod din ang maghintay sayo habang nasa interview ka o kaya pumipila."
"Pinapakain naman kita di ba? And besides love mo naman ako kaya ka full support sa akin."
Umirap lang siya sa akin. Grabe, very supportive nga niya.
"Kasi si Sasha lang ang makakasama sa iyo diyan sa pag job hunting mo. Alam mo naman na lahat kami busy na di ba. Kaya magpakabait ka diyan sa new career mo and maybe iyan lang ang makakatulong sayo para makapag move on because of your past. Anyway, I heard she's in the Philippines daw. She's going to manage their family business." Kwento ni Yashi.Biglang tumalim ang tingin ko sa kanya. So bumalik na pala siya. Hindi pa ba siya tinatawag sa taas? Sa isip isip ko.
"My god! Buhay pa pala siya?! Huwag na huwag lang siya magpapakita sa akin dahil hindi ko siya uurungan!" Gigil na sambit ni Sasha. "At ikaw babae, baka kunting landi lang nun sayo bubukaka ka na naman. Pwede sabihan mo yang pekpek mo na magpa hard to get naman siya." Biglang nag ring ang phone nito. Salamat naman at durog durog na ang pagkatao ko sa kanyang sermon. "Hello!...Ay sweetheart ikaw pala..sorry na akala ko kasi si satanas ang tumawag. Kasi itong si Yashi may binanggit na pangalan eh Akala ko patay na yung taong yun. Sus, nakaiwas pala siya sa roll call ni Duterte. Sayang.. Opo, may work na ang magaling kong kaibigan at bukas na siyang magsimula."Sumulyap siya sa akin. "Sabi ni hubby congrats daw!"
"Thank you poging Jerjer!." Sigaw ko din na sinagot ni Sasha ng isang kindat. Ang landi talaga ng babae na ito.
"Yes baby, uuwi ako ng maaga. Maligo tayo ng sabay kasi sasabunin mo pa ako. Oohh yessss! Kailangan mabango ka ha para masarap ang pagkain ko mamaya."
Ewww! Leche talaga na babae na ito. Hindi niya man lang naisip na andito kami ni Yashi nakikinig sa kanilang harutan.
"Okay baby, maaga nating patulugin ang mga bata. Gusto ko kasi maglabas ng dagta ko. Higupin mo mamaya ha." malandi nitong turan sa kanyang asawa. Kumuha naman si Yashi ng korona ng patay at isinuot kay Sasha kaya napahagalpak ako ng tawa. Naputol ang harutan ng mag asawa dahil sa kalokohan ni Yashi. Napapailing na lamang ako. Ngunit hindi mawala wala sa isipan ko ang sinabi ni Yash na nasa Pilipinas na si Venz. It's been a long time ng mangyari sa akin ang masakit na nakaraan. Kaya isang buntong hininga ang aking pinakawalan. She's not worth it para pag ukulan ko ng oras sa aking isipan. Tapos na ang katangahan ko sa kanya. Hinding hindi na ako magpapauto sa kanya. Hinding hindi na.
THE NEXT DAY
Makikita sa labas ng nasabing building ang dalaga at pinagmamasdan ang nakasulat. Napatulala si Lori sa nasabing pangalan. Sikat ang nasabing company sa larangan ng mga magagandang desinyo ng mga bahay, offices, and buildings kaya ito ang napili ni Lori na pasukan upang mas mahasa pa lalo ang kanyang talento sa pag dedesign.
Isang ngiti ang kanyang pinakawalan habang binabaybay ang lobby ng nasabing building. Paakyat na siya sa taas ng mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng nasampal nito. Bigla siyang yumuko. Nang bumukas ang elevator, dali dali itong pumasok sa loob at dumiretso sa pinakasulok Kung saan doon din napunta ang dyosang di pa niya alam ang pangalan at ang posisyon sa company.
Napasulyap siya sa katabing babae ng masagi ng kanyang mga braso ang kamay nito.
"G-Good morning po." Bati ni Lori sa katabi.
"I'm glad you talk. Akala ko kasi may depirensya ka sa pananalita." Turan nito at napatitig sa kanya that made her feel so awkward. First dahil sa pananampal niya dito and then malamang may mataas na posisyon ito dito sa company.
"Hmm, nahihiya lang po." Sagot niya naman sa dalaga.
"Is it because you slapped me the first time we met?"
Napalunok naman si Lori ng Ilang beses at namula dahil sa ibinulong sa kanya ng katabi. Naamoy niya ang pabango nito na napakasarap amuy amuyin. "Aww, you blushed. You know what, ang ganda mo pala kapag namumula. Pero pakiusap wag basta basta manampal ha lalo na sa akin dahil baka dimo magustuhan ang igaganti ko. Nanghahalik kasi ako."Then the elevator opened kaya lumabas na ang katabi nitong ngumiti sa kanya ng nakakaloko.
Habang naiwang mag isa si Lori sa loob ng elevator, tumatahip ang dibdib nito sa sobrang tense.
"Whoah! Leche! Akala ko matutunaw na ako dito. Sino Kaya siya at ano ang posisyon niya dito?" Tanong nito sa kanyang isipan. "God, kakayanin ko ba siyang makatrabaho everyday just in case matanggap ako dito? At ano daw nanghahalik siya?"
Napakamot naman ito sa kanyang batok habang napapaisip ng magandang plano sa kanyang new career.
Ting!
Kaagad na lumabas si Lori papuntang HR dahil daw meron silang urgent meeting with the boss. Mabilis itong naglakad at hinanap ng kanyang mga mata si Miss Rivera.
"Hello miss Gonzaga, glad you came. Halika, kasi andito na ang boss natin and may meeting daw ngayong umaga."
"Syempre mam. Mahirap ang maging kasapi ng PAL. Kailangan ko ng work. Ayoko namang tumambay sa bahay kaya grab ko na ang ganitong opportunity ma'am."
"Naku, just call me Winter. Hindi naman yata magka singlayo mga edad natin. Besides, hindi ako ang boss dito. By the way, Ano ba gusto mong itawag ko sayo?"
"Pwede na yung Miel. Ganyan tawag sa akin ng mga kaibigan ko." Sagot nito. But in her mind(she lied)
Tumango tango naman ang kausap habang naglalakad sila papuntang conference room. Pagdating nila doon, madaming staff na ang naroon. Kanya kanyang chika sa umaga. Kamustahan sa isat isa. At yung iba napapatingin sa bagong empleyado. Biglang natahimik ang buong silid ng pumasok ang nasabing panauhin. Hindi Ito masyadong makita ni Lori dahil dumaan Ito sa likurang bahagi ng room kung saan nakatayo ang ibang staff. Nang makarating Ito sa harapan at napaharap sa kanila, napanganga si Lori dahil ang babaeng sinampal niya ay siya palang magiging boss niya.
"Good morning. The reason why I called for this urgent meeting is to inform you that our company has been chosen to be partners with the Dawson Hills Corporations and because of that I would like to congratulate each one of you for your hardwork and dedications to this company. Also, we should maintain our good records and maybe gawin pa nating mas maayos ang ating pangalan at performance." Nakatitig lang si Lori sa babae habang Ito ay nagsasalita. Hanggang sa mahuli siya nitong nakatitig at ngumiti pa Ito sa kanya. Biglang ibinaling ni Lori sa ibang bagay ang kanyang mga mata. "And bago ko makalimutan, I would like to introduce our new family member, miss Lorraine Melanie Gonzaga as a new member of Hellie Smith Design. Welcome to our company miss Gonzaga. I hope you'll enjoy working with us."
Napalingon naman sa kanyang kinaroroonan ang iba at ang iba sa kanila hinahanap ang taong tinutukoy ng kanilang boss Kaya tumayo si Lori at kumaway upang makita ng lahat.
"Hello sa lahat. Thank you ma'am and yeah, I will definitely enjoy working to this company."
"That's good to know." Her short replied. Then tiningnan nito sa mata ang bawat employees niya. "So that's all for today. Thank you everyone for coming."
Nang makalabas na ang lahat, kinausap sandali si Miss Rivera at saka hinarap si Lori.
"Miss Gonzaga, si Miss Rivera na ang bahala sa kung ano ang magiging trabaho mo dito.And according to your records, galing ka pala sa isang sikat na firms sa USA. Pwede mo bang ibahagi sa amin ang talent mo?"
"Yes mam. Para po sa company na ito willing po akong ibahagi sa inyo ang mga napag aralan ko at saka willing din po akong matuto pa."
"I like you... I mean that attitude of yours. Magiging successful ka kapag ganyan ang mga pag iisip mo."
"Salamat po ma'am."
She just nod and leave the room when her phone rung. Kaya naiwan si Lori at Winter habang tinatahak nila ang corridor ng HR department. Nakita niya din ang ibat ibang mga design ng mga buildings na naka display. Bawat anggulo nito pinag aaralan niya. Napatulala ito sa ganda ng mga design ng biglang may nagsalita.
"Maganda ba ang pagkaka design?" Napaiktad si Lori and she turned around. "Nagulat ba kita?"
"Kayo po pala ma'am. Medyo nagulat lang po ako. Ang ganda po kasi nito. Talagang pinag isipan, pinag planuhan, pinag aralan ang bawat anggulo. At masasabi kong babae ang may gawa nito kasi masyadong detailed. Hehehe."
"Architect ka nga. So naikot mo na ba ang buong department? If not pwede kitang samahan. Come on don't be bashful." Saka hinatak niya Ito sa kamay upang pumunta sa ibat ibang departemento ng nasabing company. Walang nagawa si Lori kundi ang magpahila na lamang sa magandang dyosa papunta sa kung saan. Kagat labi pa ito dahil ramdam niya ang lambot ng mga palad nitong nakadikit sa kanyang mga braso.
Matapos ang kanilang tour, pumunta na si Lori sa kanyang desk. Isang kwarto kung saan makikita ang malaking table at doon niya gagawin ang mga design na kanyang gagawin. Nilibot niya ang buong paningin sa kabuuan ng silid. Naglakad papuntang glass window at makikita niya ang tanawin sa labas ng bintana. Mga nagtatayugang building at sa baba nito, mga taong akala mo may hinahabol at nakikipag patentiro sa ikot ng mundo.
"This is it Lorraine. Your dream came true." Habang nakatayo siya sa may bintana. Then pumunta sa desk at nagsimulang gumuhit. Makalipas ang ilang oras, pasado ala una ng makaramdam ito ng gutom. She got up and about to open the door ng bumukas Ito. Parehong nagkagulatan.
"Going somewhere?" Asked the boss. Naka ngiti Ito sa kanya at may bitbit na paper bag.
"Y-yeah. Diyan lang sa cafeteria actually." Mahihiyang Sagot nito.
"I brought something. We can share if you don't mind." Anyaya nito sa kanya.
"I'm not that big eater naman...but.."
"Gosh! No more buts. Let's go I'm hungry na."
Napapakamot sa ulo si Lori habang nakasunod sa kanyang lady boss. She bit her lip while trying to sniff her scent. Nakapikit pa ang mga mata nito ng mahuli siya sa akto ng boss na parang may inaamoy..
"Eherrm! Anong inaamoy mo?" Napamulagat si Lori ng mata at napaisip ng isasagot.
"Uhm..ano...may naamoy akong parang candle kaya inamoy amoy ko para sigurado. Wala ka bang naaamoy?" Palusot ni Lori.
Napapasinghot na rin si Hellie sa paligid ngunit wala siyang naamoy na kahit ano. Binalingan ang kasama.
"Wala naman akong naamoy maliban dito sa dala kong ulam."
"Wala na nga. Pero kanina meron. Baka minumulto lang ako."
"Siguro nga. Tara kain na tayo." Saka binuksan ang dalang baon. Rice and chicken adobo. Amoy pa lang naglalaway na si Lori. Hinatian ito ni Hellie ng kanyang pagkain. "Huwag kang mahiya ah at saka pasensya ka na sa luto ko baka kasi hindi ganun kasarap."
"Ano ka ba. Hindi din naman ako expert sa kusina kaya okay lang yan. Hehehe.
Nang magsimula na silang kumain, muntik nang mapaubo si Lori sa kanyang kinain. Pero dahil nakishare lang siya nagkunwari na lamang itong nag eenjoy sa kanyang kinakain.
"Masarap ba?"
"Huh? Ah OO naman. Pahingi pa ako ha. Peyborit ko kasi chicken adobo."
Nang pagkagat nito ng paa ng manok, nagkaron siya ng dumi sa gilid ng labi nito kaya mabilis na pinunasan ni Hellie ang labi ni Lori gamit ang sariling daliri.
"Para kang bata kung kumain, makalat." Ngingiti ngiting turan nito saka dinilaan ang daliring galing sa labi ni Lori.
"Sorry." Sambit ni Lori saka napayuko at namumula Ito na parang kamatis.
Hellie smiled at her then shook her head ng makitang nag blushed ang kasama. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili sa babaeng kasama. Andun Yung kinakabahan siya at napapatitig.
"May dumi ba ako sa mukha at ganyan ka makatitig?"Tanong ni Lori sa kanya ng mahuli niya itong nakatitig.
"Actually hindi dirt yung nakita ko sayo." Nakangiting turan nito.
"Huh? Eh ano pala nakita mo?"nasa tono ang pag alala habang pasimpleng nagpunas ng mukha.
"Relax, okay ang nakikita ko sa pagmumukha mo sa ngayon...hindi dumi kundi.."Biglang inilapit niya ang kanyang mukha sa dalaga na Akala mo hahalikan siya nito kaya Napa lean back si Lori..."BEAUTY at MADNESS."
Saka kinindatan ang dalaga..