Ten Years Ago
St. Claire University Manila Philippines
Unang araw ni Lori sa nasabing eskwelahan galing sa bansang America. Pinauwi siya dito dahil pina iwas ito sa kanyang boyfriend na kasapi ng isang notorious gang sa New Jersey. Dala ng takot ng kanyang mga magulang na baka mapasali Ito sa anumang masamang gawain, nagpasya ang mga ito na dito na mag aral sa bansa. Kaya sa ayaw at gusto nito Wala siyang nagawa ng impakehin ng Ina ang mga gamit at ikinuha ng ticket. Sa edad na 16 masyado na itong mulat sa anumang masamang activities sa udyok na rin ng kabarkada.
Dahil unang araw niya sa eskwelahan, wala itong kasama habang nakaupo ito sa isang bench while waiting for their professor. She's taking architectural design dahil ito ang gusto niyang tahaking mundo kapag nakapag tapos na ito. Pumayag naman ang kanyang mga magulang. Dala ng katalinuhan at advance learning sa america, naipasa niya ang entrance exam sa lahat ng school na pinagpipilian ng kanyang magulang. Dahil mas malapit ang st. Claire sa kanyang tirahan Kaya Ito ang kanilang pinili.
"Saka ka na bumalik sa Amerika kapag nakapag Tapos ka o Kaya kalimutan mo na iyong lalaking walang ginawa kundi dalhin ka sa magulong mundo. Ayokong maghimas ka ng rehas sa murang edad mo. Enjoy life that was given to you and appreciate the love and support that we are giving to you."
Ito ang huling mensahing narinig niya bago nilisan ang international airport at umuwi sa bansang Pilipinas.
Dito niya unang nakilala ang kaibigan niyang si Jade Lexine Cruz. Isang pilya, palaban, masayahin, mahal na mahal ang kabayong pula at tambutso ng sigarilyo. Lumapit ito kay Lori ng mapansing mag isa lamang ito.
"Hi, freshman ka rin?" Tanong nito sa kanya.
"Yeah. And you?" Tanong niya with her American accent.
"Uhm um. Ay ang ganda mo naman. Para kang model. Mabuti naman at may kasama na akong maglakad, o pumunta ng library at cafeteria. Anong course?"
"I'm taking architectural design."Sagot nito.
"Galing ka ibang bansa no? Iba accent mo girl. Anyways, Pareho pala tayo. Girrllll, mukhang smart ka, tabi tayo ha. Tapos pa kopya na lang kapag exam na. I hate math, science and English. Isali mo pa ang history, at Madami pa." Reklamo nito sa kanya.
"What is your favourite subject then?" Seryosong tanong nito sa kasama habang naglalakad sila papunta sa kanilang classroom.
"Recess...the best subject ever. Wala akong absent sa subject na yan."
Napatawa naman si Lorraine dahil sa sinabi ng kasama. In fact, wala sa sariling napahampas pa ito sa braso ni Jade.
"Puro ka naman kalokohan eh." Ingos nito na hindi mapigilan ang mapabungisngis.
"Sus,ikaw naman hindi na mabiro." anas sa kasama hanggang sa marating nila ang classroom na akala mo nasa market sila dahil sa kaingayan ng lahat na parang nakikipag agawan sa kanilang mga suki upang ibenta ang kanilang mga products.
Naupo ang dalawa sa likurang bahagi dahil halos puno na ang nasa front row. Dalawa lang sila ang magkausap. Palinga linga pa ang dalawa habang tinitingnan ang bawat kaklase.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang kanilang guro na nakasalamin ng makapal. Biglang tumahimik ang lahat.
"Good morning class. I am your English teacher and I want everyone to participate and listen attentively so I will not have to repeat myself what we have done today. Understood?!"
"Yes ma'am!" Chorus ng lahat.
"By the way, my name is Miss Trisha Batungbakal. I think this morning all we need to do, is to introduce yourself in front of the class in order for us to get to know each other. Let's start at the back."
Nagpakilala na ang lahat. Napapalingon sa kanila ang mga nasa harapan. Then it's their (Jade and Lori) turn to introduce themselves. Jade got up.
"Hello everyone, my name is Jade Lexine Cruz, um, I love FOODS. You are welcome to visit my condo but don't forget to bring your foods. Joke!" Napatawa naman ang mga kaklase nila.
Pagkaupo ni Jade, sumunod naman na tumayo si Lori.
"Hello I'm Lorraine Gonzaga, but I prefer to be called Lori. I hope we can all be friends thank you."
Bago matapos ang kanilang pagpapakilala sa isat isa, may biglang pumasok sa loob. May dalawa pa itong kasama at dire-diretsong naupo sa bakanteng chairs sa may mid part.
"Good morning. Do you guys know what time your class start?"
"Of course we know." Sagot ng isang kasama nito at pasalampak na naupo sa mid row ng class.
"Since you're all late, why don't you go in front and introduce yourself to the class. To make it fair for everybody."
"Fine. Hello ladies and gentlemen, I'm Tom Gochi. Half Japanese. Still single and willing to mingle."
"Yow. Kyle Turris half French." at nag peace sign at kumindat sa mga babae. Napapatili naman pati bakla.
At ang huling tumayo na akala mo mabigat ang katawan dahil kulang na lang na hilahin siya o buhatin ng mga kasama papunta sa harapan ay walang iba kundi si..
"Venice Falcon at your service. I hate you all so don't you ever mess me around."
Majority in the class just shook their heads, some just gave her a frown, others just smirked at yung iba, they don't care.
Umupo na ito at binigyan ng nakakalasog na tingin ang ibang mga kababaihan na akala mo kinikiliti. Samantalang isang cold treatment ang ibinigay sa kanila ni Venz.
"Girl, mukhang may malaking problema ano. Gwapo sana I mean maganda pala kaso suplada." turan ni Jade na hindi inaalis ang mga mata sa kasama ni Venz na si Tomi Gochi. May pa lipbite lipbite pa ito sa tuwing tinitingnan siya ni Tomi. "Pero girl, ang gwapo ng kasama. Tingnan mo naman ang lips, ulam na."
"Huh? Saan ang gwapo?"
"Girl, hiramin mo kaya yung suot na salamin ni Miss Batungbakal para makita mo yung sinasabi kong gwapo." Inirapan naman ito ni Lori. Biglang tumayo ang lalaking tinutukoy ni Jade kaya kinalabit ang katabi. "Ayun siya oh papalabas." Kaya sinundan ng tingin ni Lori ang lalaking papalabas ng kwarto.
"Iba talaga ang taste mo sa lalaki. Mahilig ka sa mga ganung lalaki na halos lahat ng babae sa campus naglalaway sa kanila? Naku girl, maghanap ka ng lalaking ikaw lang ang maglalaway."
"So ang hanapin ko yung panget?" bigla silang nanahimik sandali ng makitang bumalik ang lalaki. Napadako naman ang mga mata ni Jade sa umbok ng lalaki. "Girl, mukhang malaki ang baril niya."napahagikhik naman silang dalawa. Hindi na sila nakikinig sa kanilang lesson dahil ang kanilang mga mata naka focus lamang sa grupo nila Venz.
"Don't tell me may balak kang magpabaril sa kanya." Saka tiningnan ang katabing napapapikit pa.
"Gusto kong magpabaril ng paulit ulit girl."
Napabungisngis naman si Lori dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Ssshhh!"
Kapwa napatigil ang dalawa ng sinuway sila ng kanilang professor. Kapwa nagturuan pa ang mga ito ngunit hindi pa rin matigil tigil ang kanilang pasimpleng pag ngitian sa isa't isa. Kaya tumahimik na ang mga ito at nakinig sa kanilang guro.
Nang matapos ang kanilang klase, magkasabay ang dalawang pumunta sa gitna ng field kung saan naglalaro ng bola ang grupo nila Venz. Nakita din nilang may yakap yakap itong babae. Dahil may ilang oras pa silang bakante, nagbasa muna ng kaniyang libro si Lori habang panay paganda naman si Jade.
"Alam mo iyang si Venz, madami nang babae ang pinaiyak niyan. Lalong lalo na kapag alam niyang naghahabol ka sa kanya. Walang patawad. Kapag nakuha na niya ang kanyang gusto she'll dump you anytime, anywhere." turan nito kahit nasa harap ng maliit na mirror putting her make up.
"Wow ha, alam na alam mo talaga ang mga pangyayari sa kanyang buhay ah. Bakit, artista ba siya at updated ka yata sa mga pangyayari sa kanya?" seryosong tanong ni Lori sa kasama habang ang mga mata hindi inaalis sa grupo nina Venz. Nakita ni Lori ang pakikipaghalikan nito sa babaeng katabi na akala mo magsex na sila sa gitna ng field. Wala naman pakialam ang mga kasamahan sa kanilang pag mamake out. Dahil hindi comfortable si Lori sa kanyang pinapanood yumuko na lamang ito at nagbasa muli ng dalang aklat.
"Kakilala siya ng pinsan ko. In fact magkaparehas sila ng school and madalas ko marinig ang name niya. Grabe high school pa lang nakailang girlfriends na siya samantalang ako wala ni isa." Bigla itong natigilan sa kanyang sinabi. Napasulyap ito kay Lori na nakatingin din sa kanya. "Fine I like girls and boys. May problema ka ba doon?"
"Nope. I'm okay with that. I had lots of gay friends back in the states. So don't worry. As long as you're not going to rape me then we're okay. Hahaha!"
"Bwesit! Lasingin mo muna ako bago ko iyan gawin sayo. I don't f**k any friends especially itinuring na kitang bestfriend ko." Litanya ni Jade sa kanya.
"Aww... Sige ah huwag mo akong gapangin baka sakaling bumigay din ako. Hahaha!" Ganting biro ni Lori sa katabi.
"You like girls too?" Nanlaki ang mga matang tanong ni Jade sa nakangising si Lori.
"Last time I checked, I'm straight, until now. And it'll remain the same kahit ang ligawan mo pa ako." Sabay kindat nito sa kasama.
"Wow ha. What if..."Jade paused and look around then she caught something from afar, it's Venz. "What if ligawan ka ni Venz?" Tanong nito saka napangisi ng nakakaloko.
"Hindi ko siya papansinin. Kasi I'm not into girls ganern." Sabay sulyap sa grupo ni Venz.
Nagulat naman sila ng biglang may nakatayong lalaki sa kanilang likuran.
"Hello beautiful. Pwedeng tumabi dito?"
"Okay lang hindi naman namin pag aari ang campus."nakangiting turan ni Lori.
"Sabi ko nga. Anyways, pwede ko ba kayong maging kaibigan?" tanong sa dalawa at nagpalipat lipat ito ng kanyang mga paningin sa dalawang babae. Tumango tango naman ang dalawa.
"Mukhang harmless ka naman kaya okay lang." turan ni Jade sa lalaki. "Anong course mo?"
"Oh Engineering. Hindi pa naman regular class kaya ayun tambay muna kami. And nakita ko kayo kaya nilapitan ko kayong dalawa. Anyway, I'm Miguel Lacson. Pwede na yung Migs or Miggy na itawag niyo sa akin." nakangiting pakilala ng kanyang sarili sa dalawang babae.
"Ako naman si Jade at itong kasama ko si Lorraine." pakilala din ni Jade sa kanilang sarili.
"Gusto niyo bang pumunta sa cafeteria muna for snacks? Matagal pa naman siguro ang next class niyo." anyaya sa dalawa. Nagkatinginan naman sina Jade at Lori.
"Kami may isa at kalahating oras pang free time. What about you?" tanong ni Lori.
"That's good then. Mamaya pa ang next class ko. Kaya let's go." hinila niya sa braso ang dalawang babae upang makatayo. Tumulong na rin ito sa pagbitbit ng mga gamit nila pero mostly gamit ni Lori ang kanyang dala dala. Nang makarating sila sa cafeteria, halos mabingi naman sila sa kaingayan ng mga mag aaral.
"Mukhang nasa divisoria tayo Miggy." pabulong na wika ni Jade.
"Hmm, mga sophomore mga iyan at ang iba mga seniors. Bibili na lang tayo then punta tayo sa field or umupo under the tree."
"Great idea. Tara pila na tayo." sabay hila ni Jade sa dalawang kasama.
"Hey, I'll pay. Ako ang nagyaya sa inyo dito. So it's my treat."sabad naman ni Miggy. "Just tell me what you want and I'll get it for you."
"Aww, sweet. Sige ganito ang gusto ko..." si Jade. At sinabi niya dito ang kanyang gustong kainin. Isang egg sandwich, chocolate bar at juice naman ang kay Lori at pumili na rin si Miggy para sa kanyang sarili. Pagkabayad niya at nakuha ang mga inorders, umalis ang tatlo papuntang field at doon masayang pinagsaluhan ang kanilang late breakfast early lunch.
******************
Kinabukasan regular na ang kanilang lesson. Nag warm up ang klase sa kanilang unang subject by giving them a short quiz. Dahil sa sobrang kaingayan ng klase kaya nagbigay ng surprised quiz si miss batungbakal. Hindi naman ito ikinatuwa ng lahat. Tahimik lang si Lori at well prepared ito. Si Jade naman balisa at halos hindi mapakali sa kanyang upuan.
"Umpisa pa lang quiz na? Saan ang justice diyan? Walang lesson quiz agad?" Reklamo ni Jade at maging ang buong klase panay ang reklamo.
"Warm up lang naman ito, parang review if naalala pa natin ang NOUN, PRONOUN, VERB, etc." Sagot ni Lori.
"Yun ang problema, diyan ako bumabagsak."
Halos sumayad sa lupa ang nguso nito dahil sa pagkadismaya sa kanilang unang subject. Parang wala Lang ito kay Lori dahil mas gusto niya ang ganitong lesson. Napasulyap siya sa grupo nina Venz na halos magsalubong ang mga kilay dahil sa pagbigay ng quiz ng kanilang professor.Nagsimula nang sumagot si Lori. Samantalang, ang iba sa kanila, tingin sa kisame, sa labas ng bintana, sa kanilang kuko at maging sa harapan na baka magkaron ng miracle at makita ang kasagutan doon. Pasimpleng sinipa ni Lori ang natetense na katabi at hinayaan niyang kumopya ito sa kanya. Naunang nakatapos si Lori. Kaya nagparelax relax na ito.
"If you're done, you can leave the class." turan ng kanilang professor.
Dahil hindi pa tapos mangopya si Jade nag stay muna si Lori. Napatitig na naman ito kay Venz. Magandang gwapo ito. May matangos na ilong, mahabang buhok, mukhang galing sa angkan ng mayayaman dahil sa kinis ng kutis. Hanggang sa mapadako ang mga mata nito sa batok ng dalaga. Hindi niya inaalis ang kanyang paningin dito.Alam niya sa kanyang sarili na lalaki ang kanyang gusto pero there's something with Venz that she's eager to know. Kung ano yun hindi niya alam. Pero malakas ang hatak ng charm ng pagkatao ni Venz sa kanya. Kahit anong utos niya sa utak niya na huwag itong tingnan o sulyapan, nah, lagi siyang natatalo ng kanyang damdamin.
Biglang tumayo si Venz at nagpasa ng kanyang papel.
"Hmm, she seems smart naman pala." Sambit ni Lori sa kanyang sarili. Pagbalik ni Venz sa kanyang upuan, napasulyap ito sa kinaroroonan ni Lori at kapwa nagsalubong ang kanilang mga titig. Unang nagbawi ng tingin si Lori dahil hindi niya kayang sabayan ang mga titig ni Venz sa kaniya.
Dahil tapos na sa pagkopya si Jade, tumayo na si Lori para ipasa ang papel sa desk ng kanilang teacher na walang pakialam sa kaganapang pagkopyahan ng kaniyang mag aaral dahil mas busy ito sa binabasang love story sa w*****d.
Lori just smiled at bumalik na sa kanyang upuan at nang mapadako ang mga paningin niya sa grupo nila Venz, she shook her head in disbelief. Nakita niya kasing may ginagawang kababalaghan si Venz at ang katabing babae.
"Nagawa pa talaga nila yun? Sana kumuha na lang sila ng motel at doon magpaligaya sa isat isa." Sa isip isip nito at kinuha ang mga gamit sabay hila sa katabing si Jade palabas ng klase.Nagtataka naman si Jade sa ginawang pagkaladkad sa kanya ng kaibigan.
"Hey, what was that?" nakacrossed arms ito habang nakaupo na silang dalawa sa bench.
"Which one?"inosenteng tanong ni Lori sa kanya.
"Yung bigla mo akong hinatak papalabas ng room. Alam mo ba na ang ganda ng moment ko doon..." inis na reklamo nito.
"Ah, sorry naman. Gusto ko lang kasi ng fresh air. Sobrang nakaka suffocate kasi ang hangin sa loob parang polluted na kumbaga. Kaya I dragged you out to have some fresh air. Like this one hmmm." habang nakapikit ang mga mata ni Lori at sinasamyo ang preskong hanging humahampas sa mukha nito at nililipad ang kanyang buhok.
Napapatulala naman sa kanya si Jade. Napaka amo ng mukha ni Lori. Hindi nakakasawang pagmasdan.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, may isang pares ng mga mata ang kanina pang nakamasid sa dalawa. Bigla nitong kinuha ang mga gamit at lumapit sa dalawa.
"Eherm, would you mind if I join you ladies?" boses babae ito kaya napalingon ang dalawang babae sa pinagmulan ng boses.
"Oh hello. No problem. Come have a seat." anyaya ni Lori sa bagong kakilala.
Umupo ito sa tabi ni Jade at nagpakilala.
"Ako nga pala si Yashmin. Taking business ad and nasa Juniors. Madaming mga pasaway sa section niyo and kapag may nang away sa inyo sabihan nyo lang ako ha. Member kasi ako ng student council so since mga freshman kayo, trabaho namin ang alagaan ang kapakanan ng bawat isa." salaysay nito sa dalawang babae.
"Thanks ha pero mukhang behave naman sila. By the way. I'm Lorraine and this is Jade. okay naman sila sa amin kasi hindi naman namin sila pinakikialaman. Pero in case of emergency, alam namin Kung saan kami lalapit. Hehehe."napangiting turan ni Lori sa bagong kakilala.
"Mabuti kung ganun. At saka mag iingat kayo diyan sa grupo nila Venz ha kasi naku mga basag ulo ang mga iyan. May iba pang mga kagrupo ang mga iyan. Taga ibang department at ang ilan sa kanila mga nasa ibang level na. Just be aware and better to stay away from them. Oh paano maiwan ko muna kayo ha kasi may klase pa ako." nilingon naman si Lori. "Lalo ka na, mukhang kursunada ka ng mga boys. I keep hearing them talking about Lorraine from freshman daw so ikaw pala yun. Mag iingat ka and let me know kapag may ginagawa silang di maganda sa inyo okay."
Napatango ang dalawa. "Thank you Yash for warning us. Don't worry iiwasan namin sila as much as we can."
Nang makaalis na si Yashmin, naiwan ang dalawa sa bench. Dumating naman si Miggy.
"Hey guys, tapos na ba class niyo?"
"Uy Migs ikaw pala. May isa pang subject then bakante na kami. Sa hapon na ang susunod." turan ni Lori.
"Saan bang buidling yung next class niyo para masamahan ko kayo." saka kinuha ulit ang mga gamit ni Lori at siya na naman ang nagdala.
Tinawid ng tatlo ang malaking oval papuntang next class ng dalawa ng mapadaan sila sa grupo nila Venz.
VENZ group
"Bru, ang ganda nung matangkad ano. Walang aangal ha, liligawan ko siya bago pa ako maunahan ng ugok na kasama nila." turan ni Tomi habang masamang sinusundan ng tingin ang tatlo. Umismid naman si Venz.
"Tsk! Mukhang manang naman iyan. Maganda nga boring naman. Maghanap ka ng kagaya ng babe ko, she knew how to make me happy and wild bru."
"Bru, sa umpisa lang iyan. Pero kapag tumagal, matuto din iyan. Basta akong bahala at liligawan ko siya."
"Hindi mo siya mapapasagot." sambit ng ngingisi ngising si Venz. Nakipag apiran ito sa iba pa nilang mga kasama.
"Wanna bet?" si Tomi.
"Yeah. I'll give you 5thousand cash kapag napasagot mo siya." wikang nakakaloko ni Venz. She knew panalo na siya. "Kapag hindi naman, doble ang ibabayad mo."
Natigilan ng ilang sandali si Tomi. Hanggang.. "Deal."
Nagkaron sila ng kanya kanyang opinion tungkol sa gagawing panliligaw kay Lori. Habang naglalakad, napapaisip na sila kung anong hakbang ang gagamitin dahil nakita nilang medyo alanganin nga si Tomi sa dalaga.
Samantala
"Lori may gagawin ka ba sa darating na sabado?" tanong ni Miguel sa dalaga.
Napaisip ito ng ilang sandali. "Wala naman, bakit nga pala?"
"May tornament kasi kami sa basketball gusto sana kitang imbitahan kung okay lang sayo. Dito din sa campus gaganapin. Kalaban namin ang taga ibang department. Pwede ka ba?"
"As my friend well, you need my support. Since i'm not doing anything on the weekend, sige po mister sasamahan na kita." sabay kindat nito sa katabi. "Wait, did you ask Jade as well?"
"Huh? Hindi pa nga eh. Sige I'll ask her pagdating niya."
Ngunit hindi si Jade ang dumating kundi ang grupo nina Venz. Sabay lapit sa dalawa.
"Hey Lori, ako nga pala si Tomi. Gusto sana kitang imbitahan sa saturday." natigilan ang dalawa.
Napangiti si Lori sa lalaki at nagtanong. "Saturday? Hmm, bakit anong meron?"
"May laro ang ilan sa mga boys ng basketball laban sa mga taga ibang levels. Parang support na lang sa ating mga kaklasi yung ganun." turan nito.
"Ah, siguro iyong grupo nila ang makakalaban niyo ano? Pero sorry ha kasi Migs already invites me for this coming Saturday para manood ng laro nila. Don't worry I'll be there to support the two groups." Sa got nito sa lalaki.
Walang nagawa ang lalaki kundi ang kamutin ang kanyang ulo. Iniwan niya ang dalawa at binalikan ang mga kasamang nagtatawanan.
Punong puno naman Ng pagtataka si Lori at ang kaibigang si Miggy.
"Mukhang may binabalak ang grupo ni Venz sayo ah. " wika nito sa dalaga. "Huwag na huwag ka lang nilang lolokohin at lagot sila sa akin." Saka binigyan niya ng masamang Tingin Ang grupo.
"Hey Miggy, hayaan mo na sila. Sige na pumunta ka na sa next class mo. Andito naman si Jade." He smiled a bit at iniwan ang dalaga para pumunta sa kanyang next class.
"Wait for me. Sabay na tayong uuwi mamaya okay? I'll pick you up." Then he kissed her cheek. Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata ni Jade.
Kaya nilapitan ang dalagang natahimik sandali dahil sa pinapakitang kabaitan at concern sa kanya ni Miguel. Tinukso niya ang kaibigan.
"Uyyyyy! Ano yun ha? Kitang kita ng aking two eyes.. In fairness, ang sweet niya. Bagay na bagay kayo girl.. Ayieeiee!!"
"Ikaw talaga. Wala yun. He's just concerned kasi ano...nilapitan ako kanina ni Tomi para invite niya sana sa kanilang basketball game this Saturday. Pero nauna na si Migs. Ayun mukhang hindi natuwa si Tomi at mas nainis pa yata siya dahil pinagtawanan siya ng kanilang tropa. Mukhang udyok lang ng barkada Kung Bakit gusto niya akong imbitahan."
"Mismo! Ito na nga ang sinasabi Nung si Yashmin. Kaya mag iingat ka girl. Naku mga walang modo sila."saka hinila ang kaibigan paupo sa kanilang upuan malayo sa grupo ni Venz. "Huwag Na Huwag kang padadala sa kanila ha. Lolokohin ka lang ng mga iyan. If I were you, si Migs na lang ang gawin Kong boyfriend. Mabait at maalaga pa. Kaya go girl akong number one fan niyo." Ngingisi ngisi niyang wika sa kaibigan Na sinagot ni Lori ng isang pag irap.
Sa kabilang grupo naman... "Mukhang tagilid ka bro dahil mukhang mas gusto niya iyong lalaking taga ibang department. Ayaw sa mukha mo bru. Masyado ka kasing pogi." Tawanan at asaran ang grupo ni Venz. "Pero let's try this way, si Venz ang manligaw sa kanya. Di ba..." Binalingan ang tahimik Na si Venz. "Alam Kong matinik ka sa babae, now ipakita mo sa Amin ang galing mong magpasagot. Sige nga kung kaya mong mapasagot si miss pakipot."
Isang nakakalokong ngiti ang masilayan sa kanyang mga labi. Saka sinulyapan ang dalagang nasa labas ng bintana ang mga mata.
"Ako pa talaga ang hinamon mo? Halos lahat ng babae dito mapa straight man sila o may boyfriend eh nakuha ko. Kaya deal.. I'll make that boring woman fall on my knees. Give me two weeks"
"Deal. Pusta ako, hindi mo siya mapapasagot bru. Iba yan eh. Hahaha! Ito isang libo. After two weeks may two thousand na ako ha. If panalo ka, you can have my money Bru." Wika ng isang kasama nilang taga ibang department. Dahil Wala ang kanilang professor, puro kwentuhan ang mag aaral.
Naunang lumabas ng room sina Jade at Lori. Nang malapit na sila sa grupo nila Venz, tumahimik ang lahat. At nang makalagpas ang dalawa, humagalpak ng tawa ang grupo at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng dalawa. Ngunit hinayaan Na lamang nila ang mga ito.
"I'll make you fall on me Lorraine Gonzaga." Sambit ng isang nilalang sa kanyang sarili at nagpa kawala ng isang nakakalokong mga ngiti...