Present Time
Dahil sa dami ng mga clients nila naging busy ang kanilang buong linggo. Halos hindi magkakandarapa sa pagsagot ng telepono ang secretary ni Hellie sa dami ng gustong makausap in person ang dalagang architect. Sometimes, tumutulong na rin si Lorraine sa pagpick up ng mga nasabing call. Dahil sa pagiging friendly ni Lorraine, nakasundo niya kaagad ang lady boss niya na may pagka maldita din kapag walang kain.
Nang mga sumunod na linggo, nagkaron sila ng mga presentation and most of them admired her talent in creating so many spectacular design of houses, offices, building etc. That made caught the attention of this fussy, ruthless, heartless person. This person wants Hellie's company to create a house that is something unique but homey. Kaya subsob sa trabaho sina Lorraine at Hellie maging ang mga staff upang paghandaan ang pagdating ng nasabing espesyal na client na galing pa sa New Zealand. May ilang mga natapos na ang dalawa ngunit kailangan pa nilang gumawa ng iba pang design. Habang nasa labas si Hellie, tumayo sandali si Lori at nag inat inat papuntang balcony ng kaniyang office. Doon naisip niya ang mga nakaraan niya sa buhay. She don't know how longs she's been staring at the tall buildings because her mind is being occupied of her past.
"A penny for your thoughts?" Sambit ng isang boses mula sa Kung saan ang dahilan upang bumalik sa kanyang katinuan ang dalaga. Nasa patio kasi siya ng kanilang office at nakatanaw sa malayo at tinitingnan ang mga kabahayan na malapit sa building nang kanyang pinagtatrabahuan. Nilingon niya ito at napansin ang babaeng nakatayo na may bitbit Na inumin na galing Starbucks.. "Mukhang galing sa malayo ang alaala mo ah. Here's your drink. Palamig ka muna and then simulan na natin ang nasabing project dahil parating na yung isa sa mga client natin. This person is really known for being so maarte, heartless, ruthless ah basta. I hate her." nakasimangot nitong pagkasabi.
"Hmm, it seems like you're describing an animal and not a human. Hahahaha!" Biro ni Lori sa kanyang boss na sinagot naman ng isang malditang rolled eyes.
"Baliw ka talaga. Pero tama ka parang ganun nga siya kaya kinakailangan eh yung finish product natin makakapuno sa kanyang mga mata." Turan nito. "At Yeah that woman is like a grumpy old maid too. I'm not sure if nagka boyfriend na ba yun. Maganda naman siya at alam ko naman na mayaman siya, may magandang katawan, may mga business. Pero siguro nang magpasabog ng mga lalaki si Lord, tulog siya. Hehehe. Anyway, do you think matatapos natin ito before weekend?"
"Hmmm, I think so." Habang tinitingnan kung saan pa ang dapat nilang tapusin. "Yeah matatapos natin ito, tiwala lang." Sabay kindat ni Lori sa boss niya. "May ilan na tayong nagawa na pwedeng option. Mamili lang siya. And kung ano Yung di niya mapili din Pwede pa rin natin yun gamitin para sa ibang paraan."dagdag pa nito.
"Well, I trust you at tama ka. Mabuti na yung may pagpipilian siya. Mahirap na baka magreklamo yun. Kaya dapat perfect sa mga eye balls niya itong ginagawa natin. Dream house niya siguro ito no? Base on her description lang naman kasi. Kaya siguro masyadong choosy pagdating sa design ng house. At tayo pa ang napili niyang gumawa." si Hellie. Ang company ni Hellie ang sikat Sa mga pagpapagawa ng mga buildings. Gumagawa din sila ng iba't ibang design ng bahay. Then if you want an interior design, Hellie's company can do it for you too. Sabihin mo lang Sa kanila ang mga gamit na gusto mo at sila na ang bahalang mag ayos ng Iyong palasyo. Kumbaga, ready to move in ka na lang bitbit ang damit mo after nilang ayusin ang Dream house mo. Yan ang kanilang trabaho.
"I got your point there. Well, let's give it a shot. If that client will love the result, we are lucky alright.. And if that client don't like the outcome then it's not our lost but them. Hindi sa pagmamayabang pero maganda ang mga gawa nang company na ito. That's the reason why I applied here. Para mas lalo pa akong mahasa at matuto. Syempre iba pa rin yung may experience ka, yung inapply mo kung anuman ang natutunan mo sa school di ba, then dahil sa patuloy mo itong ginagawa, nagiging way ito upang magiging magaling ka na. See!" Ngingiti ngiting wika ng dalaga. Hellie just shook her head in approval. Kaya buong araw nilang tinarabaho ang nasabing proyekto. May advance knowledge din kasi si Lori sa interior but mas magaling siya sa exterior design. She took that course back in the states. Kung landscape din ang hanap mo, kasama na din yan sa company nina Hellie. May mga tauhan siyang expert sa ganyang trabaho. May connection din siya sa mga builders and electricians.
Simula ng maging empleyado si Lorraine sa nasabing kumpanya, naging masayahin Na din ang kanyang boss na according to her staff, bihira Ito ngumiti at laging nakabusangot. Pero dahil sa pagiging jolly ni Lorraine nagsimula na rin itong maging masayahin. Makulit kasi si Lori at minsan mapang asar pero andun pa rin ang pagiging sweet nito sa mga kasamahan niya sa trabaho and people loves her because of her being Miss Congeniality.
"Lori, nagka boyfriend ka na ba?" Habang ang mga mata niya nasa screen ng computer.Napatigil sa kanyang ginagawa ang dalaga ng marinig ang tanong ng boss.
"Yeah back in the states and freshman in college but they don't last long. Am not in love with them." Sabay ngiti niya ng mapait.As much as possible, ayaw na niyang balikan ang mga kahapong nagdaan sa kanyang buhay. Pilit na niya itong ibinaon sa limot. But those past kept on haunting her even in her dreams.
"Hmm, Have you ever been in love before?" Narinig ni Hellie ang pagbuga ng hangin ng kasama at napasandal sa kanyang swivel chair. Nakita din ni Hellie na nilalaro ang pencil nito at ilang segundong napaisip. Saka sumagot sa naging tanong ng kanyang boss.
Isang malungkot na Sagot ang pinakawalan ni Lori.
"Yeah...unfortunately." naging palaisipan para kay Hellie ang sagot ng kanyang empleyado/kaibigan.
"Guess what, excited akong malaman ang nakaraan mo but Kailangan na natin itong tapusin." Wika nito saka bumalik sa pag tipa sa computer.Isang titig naman ang isinukli ni Lori sa kanya.
"Naku Wala na akong kwento next time." Paparinig ni Lori. Napasulyap si Lori sa boss at nakita nito ang pag pout niya. "Aww.. You are so damn cute when you do that." she got up at lumapit sa boss sabay pisil sa tungki ng ilong ni Hellie. Hinampas naman ni Hellie ang puwet ng dalaga at lalo siyang inasar nito by swaying her hips from side to side at nilingon ang dalagang nakamasid sa kanya. "Wag mo akong titigan Miss baka ma in love ka. Hahahaha!"
"Tseee!! Manahimik ka nga diyan. Oh Saan ka na pupunta? Knowing hindi pa tayo tapos dito." tanong nito ng makitang papalabas ng office si Lori.
"Kukuha ng makakain, sandali lang ako ito naman." Bigla itong ngumisi Ng nakakaloko. "Wow ha miss mo ako kaagad?" Sabay kindat Sa kasamang namumula Sa panunukso ni Lori.
"Hindi no." Sabay kagat ng mga labi nito.
"Naku! Hindi daw, if I know lagi kang may panakaw Na sulyap Sa akin. Ha! Ano ka! Hahaha! Don't worry babalik ako kaagad." Saka nag blow kiss Sa kanyang among halos di na maputol ang pagngiti. Iiling iling naman si Hellie dahil sa kakulitan ni Lori. Ang bukod tanging nilalang na may kakayahang magpangiti sa kanya. Bumalik ulit ito sa kanyang ginagawa.
Pagkabalik ni Lori may bitbit na itong pagkain para Sa kanilang lunch. She put it away and binalikan Ang trabaho. Naging mabilis ang oras at namalayan nilang dalawa na tapos na pala Ang lunch break. Nagpasya ang dalawa na itigil muna ang kanilang ginagawa at kumain na muna. Pumunta si Lori sa mini kitchen at ininit ang pagkain.
Umorder si Lori ng para Sa kanyang sarili.
Chicken & Mushroom Fettuccine Alfredo
Lemon-grilled BC chicken breast over fettuccine noodles tossed in a classic Parmesan cream sauce with sauteed mushrooms & spinach. Garlic panini bread.
At ang para Sa kanyang lady boss ay ang...
Baby Back Ribs
Tender slow roasted baby back ribs glazed with tennessee whiskey and using their secret sauce. Warm creamy potato salad & creamy coleslaw.
Nang matapos niyang na ilipat Sa mga Plato at matapos initin, tinawag niya si Hellie.
"Mam Hellie kain muna tayo. Mamaya na natin ituloy yan." Turan nito.
Tumayo agad si Hellie. Inalis ang kanyang salamin at pumunta Sa kanilang mini kitchen. Inamoy Amoy ang mga pagkain.
"Hmmm.. Nakakagutom naman. Saan ka bumili?"
"Diyan sa may bagong bukas na resto. Yung 'THE FECK' Sagot nito sa boss na ikinaangat ng mukha.
"Huh? The FECK talaga ang pangalan? Wow ha ang unique naman. Ang sarrraaapppp! hmmm..Oh by the way, Pwede don't call me ma'am kapag tayong dalawa lang? Nakaka asiwa kaya para akong matandang principal niyan. Magka age lang naman tayo." Turan nito habang kumakagat Ng ribs.
"Ano naman gusto mong itawag ko sayo? My love? Baby? Babe? Sweetie? Darling?"Si Lori saka tinaas ang isang kilay nito at nag simula na ding sumubo.
"Parang mas feel Ko ang my love? What do you think my love?" Ngingisi ngising turan ni Hellie sa kaharap. Kunwari nag-iisip si Lori.
"Ay bet ko din ang my love. Hahahaha!" Napapatawang Sagot ni Lori sa kanyang lady boss at nag apiran pa ang dalawa. Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang lunch, then balik na naman sila sa pagtatrabaho. Buong maghapon din na nasa telepono si Hellie upang tawagan ang mga alipores niya. Subsob din sa kanyang ginagawang design si Lori at halos hindi na magawang mag hi sa isa't isa. Dahil sa dami ng gawain, ginabi na si Lori at Hellie. May kanya kanya naman silang dalang sasakyan kaya nagpaalaman na lamang sila sa isa't isa at kanya kanya ng uwi.
Habang binabagtas ni Lori ang daan pauwi, lumilipad ang kanyang utak hanggang sa maalala niya ang tinanong sa kanya ng kanyang boss.
"Yes, na in love ako sa maling tao. Yung taong inakala ko ang magbibigay sa akin ng panghabang buhay na kaligayahan. Pero panghabangbuhay na takot ang sinukli niya sa pagmamahal na ipinagkaloob ko sa kanya. Tsk! Hays, akala ko naka moved on na ako. Si Hellie kasi inungkat pa yung alaala na ibinaon ko 6ft under." sambit nito sa kanyang sarili na ikinailing na lamang niya. Muli na naman niyang naalala ang madalas niyang kantahin noon sa babaeng nagpabaluktot sa kanyang damdamin. Pati yata car sterio nakiramay sa kanyang pagbabaliktanaw.
Napapangiti si Lori ng marinig niya ang kantang... "Don't cha wish your girlfriend was hot like me!? Don't cha wish your girlfriend was a freak like me!?"lalo na kapag nasa out of town trip sila ng kanyang ex. She let out a sighed. Binilisan na lamang niya ang pagmamaneho para makauwi na ito kaagad.
KINABUKASAN, same routine. Maagang gumising, maliligo, kakain ng breakfast at makikipag karerahan sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng expressway. Hindi pa siya nakapasok sa kanyang kotse ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello Sash, magandang umaga."
"Hoy babae, anong oras ang labas mo mamaya?"
"Uhm, depende baka kasi mag overtime ako. May mga hinahabol akong mga deadlines eh." turan niya sa kausap.
"So you're not coming for Jade's birthday?"
Napahampas sa kanyang manibela si Lori. How could she forget that moment? Tinampal ang kanyang noo. Every year kasi ito sineselebreyt ng magkakaibigan in memory of their beloved Jade.
"Damn it! Thanks for reminding me Sash. Oo nga pala. Ugh!!"
"Gosh Lorraine, she's your bestfriend tapos ikaw pa itong hindi makaalala sa kanya. Aba, isang tao lang ang dapat mong kinakalimutan, wag mong isama sa paglimot ang iyong matalik na kaibigan." panenermon nito sa kanya ni Sasha.
"I know! I know! Ugh! My baddass... Tsk. Sige i'll join you guys later. Magpapaalam na lamang ako kay Miss Hellie na lalabas ako ng maaga. Thanks again Sash."
"Alright, see you later then. Bye."
Nang maibaba ang nasabing phone, napabuga ito ng hangin.
"Sorry Jade. Hays, it's been ten long years na palang wala ka na sa mundo. Ang daya mo talagang babae ka. Sarap mong patayin ulit."then she start the engine of her car papunta na kasi siya ng trabaho. Habang nag hihintay siya ng pagpalit ng ilaw ng mapalingon siya sa isang lugar kung saan sila madalas magkita ni Jade para mag shopping.
And that moment on dinala siya nito sa mapait na kahapon. Ang kahapon na hanggang ngayon sariwa pa rin sa kanyang isipan.