Chapter 9

3061 Words
~~~~DECEMBER 10 years ago~~~~ It was almost new years eve. Ang lahat nagkakasiyahan. Dumating ang kanyang parents dito sa bansa upang dito salubungin ang pasko at bagong taon. Naging masaya din siya sapagkat kasama niya din ang babaeng mahal. After ng pasko nagkita kita silang magbabarkada. Upang ibigay ang pamasko Sa isa't isa. "Sash, this is my gift for you."saka inabot ni Lori ang gift sa kaibigan. "Ang tagal naman ni Jade. Alam niya naman na may usapan eh." "Ito din gift ko sayo babae. Ay thank you Sa gift."saka nag beso beso ang dalawa. Andun din si Yashmin at binigay din ang gift nito. Humabol naman si Chloe. Matapos mag exchange gift finally dumating ang Jade na ikinataka ng lahat dahil para itong walang tulog. Problemadong problemado. Lalong nag worried ang mga magkakaibigan. Kaya inalam nila ang pinagdadaanan ni Jade. Doon nila nalaman na buntis ito. Si Tomi ang ama. "What?! Akala ko ba...Jade ang sabi mo...Wala Na kayo di ba kasi sabi mo di ka niya mahal...Pero Bakit may baby na?...you mean to say ba...nagkikita kayo ng patago?" "Mahal ko si Tomi bes, kaya nagkikita kami ng patago...huhuhu..." "Bes ang daming mabilhan ng condom kung ayaw niya ng responsibility. Ikaw...Pwede kang mag take ng contraceptive if hindi ka ready sa ganito." panenermon ni Lori sa kaibigan. "Look at you now. Pinababayaan mo ang sarili mo, which is kung ayaw ni Tomi sa baby ang gawin mo tell your parents. Tanggapin mo ang galit nila. Kasi sino bang magulang ang matutuwa sa naging kalagayan mo sa ngayon. Pareho tayong mga minors dito. Si Chloe 16, ako mag 17 ikaw 17 pareho tayong hindi pa umabot sa bente." dagdag pa nito. "Now, ano balak mo? Tinanong mo na ba si Tomi?" "He doesn't want the baby Bes. Ipalaglag ko daw."Lori burst into anger. "Put****** niya! Bullsh*t siya! He's a sick man!" yelled Chloe "Gago pala siya eh!" si Yashi. "Tarantadong Unggoy yun!" si Sasha. Lalong napaiyak si Jade dahil sa naging reaction ng mga kaibigan nito. Gulong gulo ang kanyang isipan. Mas lalo pa itong nawalan ng pag asa dahil nabanggit niya rin na pinalayas na siya ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang kalagayan. Tanging mga kaibigan niya ang kanyang karamay. After ng kanilang pagkikita ng gabing iyon, lalong nawalan ng pag-asa si Jade. Nagtulong tulong ang mag kaibigan sa pagbili ng kanyang vitamins. Nag ambag ambag ang mga ito. They even tried to talk to Tomi pero tinawanan lang sila ng lalaki. At nakakagago lang ang mga isinagot nito sa kanila. "Ang tanga niya kasi. Alam niya naman na lalaki ako, syempre mas masarap ang walang sapin so dapat siya na nag isip ng paraan kung ayaw niyang mabuntis. Ayoko ng baby, kaya bahala siya diyan. Hindi pa ako ready sa ganyan. Masarap kaya maging binata. Hahahaha!" Dahil sa sinabi ni Tomi, Lori made a fist at pinakawalan ito sa mukha ng lalaki na dahilan upang dumugo ang kanyang ilong. "Hayup ka din eh no. Kulang pa yan kung tutuusin. You know what, makarma ka sana ng sarili mong anak dahil sa pagtalikod mo sa kanya. Isa kang gagong lalaki at sisiguraduhin ko na hinding hindi ka magkakaron ng anak dahil wala kang KWENTA!" ang malamang mensahe ni Lori sa lalaki. Sumugod din si Sasha at sinipa ang lalaki sa kanyang p*********i. "Galing yan sa baby mo. Gag* kang demonyo ka! You're sick man!" Natahimik ang grupo nila Venz dahil sa nabalitaan. Binigyan nila ng evil glares si Tomi. Hindi sila makapaniwala sa sinabi nito. "Nabuntis mo si Jade? Tapos tatalikuran mo yung anak mo? How could you do that to an angel man? Kung makakabuntis lang ako, I'll be the happiest man alive." sambit ni Venz. Nanginginig ang buong kalamnan ni Lori sa sobrang galit. Tinalikuran nila ang grupo ng kanyang girlfriend at hinanap si Jade. Hindi kasi ito sumipot sa check up niya. Makalipas ang ilang araw.. Nagkagulo din si Venz at Lori. Dahil sa kani-kanilang mga kabarkada. Pero naaayos naman nila ang kanilang dalawang gusot. "Babe, how's Jade?" one night habang nagdidinner date silang dalawa sa isang sikat na restaurant. The Infinity. "We cannot locate where she's hiding babe. Hindi nga sumipot sa kanyang check up..." malungkot na turan ni Lori sa nobya. "Ikaw babe, halimbawa nabuntis mo ako, papanagutan mo ba ako?" isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Venz. Naghihintay naman si Lori sa maging sagot sa kanya ng nobya. "Yes babe. And I'll be the proud daddy kapag mangyari sa akin yun."kinilig naman si Lori sa naging pahayag ng girlfriend Kaya tinapos nila ang kanilang dinner at umuwi sa kani-kanilang pamilya. Sumapit ang new years eve... That night, nagtawagan ang mag kakaibigan para batiin ang isa't isa. Ganun pa rin hindi nagpapakita sa kanila si Jade. "Uy Lori happy new year...Sana maging meaningful and fruitful ang bagong taon para sayo lalo na sa gwapong chick mo at maputukan sana ang daliri nun at dila. Hahahaha!" si Sasha. "Ay ang bad mo. Happy new year din Sash. Sana maging friends pa din tayo for life. Kahit na mag asawa tayo at magkaanak hahaha. Uy, huwag naman muna kasi diko pa natikman yun." "Huwat!? Hindi nga... Yung totoo hindi ka pa nakatikim ng tahong?!" natahimik si Lori at napabungisngis na parang nahihiya sa kanyang kasagutan. "Hindi pa hehehehe!" "Dyosko! Magtalong ka na lang. Mabilaukan ka na at titirik ang mata mo day." pang tetease ni Sasha sa kanya. May boyfriend din kasi si Sasha. "Mas masarap sa tahong yun. Kasi libre toothbrush may baon ka pang lollipop! Bwahahahhaha! Where's Venz nga pala? Dapat magpaputok din kayo kasabay ng bagong taon." "Hahaha! Baliw ka talaga. Umalis siya ng bansa." That night kasama ni Lori ang kanilang kamag anakan upang salubungin ang bagong taon mismo sa probinsya ng kanyang ama, sa Naga City. Si Venz naman kasama din ang kanyang pamilya na nag migrate na sa bansang Australia. Hanggang sa nabaling ang usapan sa kanilang nawawalang kaibigan. Maging sila hindi na nila alam pa kung paano tulungan si Jade. Kaya matapos mag usap sa phone at tawagan ang iba pa nilang kaibigan, tumulong na si Lori sa paghahanda sa kusina. Panay din ang tingin niya sa kanyang cellphone na baka mag message sa kanya si Venz ngunit wala itong message. She tried to call her many times pero busy na ang network. Kaya nagtext na lamang ito ng ilang beses para sa nobya. Sumapit ang hatinggabi at isang nakakabinging iba't ibang pasabog ang maririnig sa kalsada. Mga torotot, mga kantahan, tawanan, at ang malalakas na paputok isama na ang nakakamatay na UTOT... Halos ubuhin ka sa kapal ng usok mula sa malalakas na paputok. Masayang pinagsaluhan ng mag anak ni Lori ang handa nila sa new year. Mga iba't ibang masasarap na pagkain at mga bilog na prutas ang makikita sa mesa. Dahil sa paniniwalang, goodluck daw ang magkaroon ng bilog. Halos hindi magkarinigan ang lahat dahil sa malalakas at nakakatakot na paputok ang maririnig sa labas. Gayunpaman, panay sulyap pa rin si Lori sa kanyang cellphone dahil sa umaasa itong makatanggap ng mensahe mula sa kanyang nobya na nagbakasyon sa ibang bansa for a holiday season. Pero isang malungkot na new years eve ang kanyang naramdaman dahil hindi man lang siya nito kinumusta o tinext man lang. Kinabukasan... Tinanghali na ito ng gising kaya pupungas pungas itong lumabas ng kwarto papuntang kusina matapos niyang maghilamos at mag sipilyo. Kaagad nakiupo sa mesa kasama ng kanyang mga pinsan at mga iba pa nilang kamag anakan for brunch. Then isang nakakakilabot na balita ang kanyang natanggap. Rinnngggggg! Rinngggggggg! Riiingggggggg! "No cellphone please."turan ng kanilang Lolo. Kaya humingi ito ng paumanhin sa kanyang Lolo at nakatikim ng isang evil glare mula sa kanyang mommy. She's about to turn it off nang mag beep ang kanyang cellphone. 'Lori...si Jade...Patay na!." she accidentally dropped her phone on the floor at natulala kaya nagpanic ang kanyang pamilya ng makita itong biglang namutla at nanlamig. "Lori! Lori anong nangyayari sayo?! Ano bang nabasa mo diyan sa cellphone mo?!" sunod sunod na tanong ng ina nito kaya dinampot ng kanyang pinsan ang kanyang cellphone at doon binasa niya ang nakasulat na medyo may kalakasan. "Lori...si Jade...Patay na!.. galing po kay Sasha ang text tita." sabay tingin sa ina ni Lori na napatakip sa kanyang bibig. She knows Jade dahil madalas itong magpunta sa kanilang bahay at kapag tumatawag siya kay Lori minsan ito ang sumasagot sa kanyang tawag. Mommy din ang tawag sa kanya ni Jade at parang anak na rin niya ito kung ituring. Maging ang parents ni Jade kilala niya rin. Inakap na lamang ng ina niLori ang nasasaktang anak dahil sa pagkawala ng kaniyang matalik na kaibigan. "Shhhhh! Magpakatatag ka anak. Hindi matutuwang ang best friend mo kapag makita ka niyang ganyan." Natahimik ang buong mag anak ng umagang iyon dahil sa masamang balitang natanggap ni Lori. Simula ng umagang iyon, puro pagtangis na lamang ang ginawa ni Lori at nagkulong sa kanyang silid. Tumawag din si Yashi sa kanya upang sabihin ang buong pangyayari. Doon na niya sinabi sa kanyang ina ang pinagdadaanan ng kanyang kaibigan. Kung kaya naisip ng kaibigan ang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon nito sa tinutuluyang condo na may ilang palapag. Gulat ang makikita sa mukha ng mommy niya ng malaman ang pinagdadaanan ni Jade. Pagkatapos ng ilang araw, bumalik na nang maynila ang pamilya ni Lori mula sa probinsya at agad na dumiretso ang mga ito sa isang chapel kung saan nakalagak ang kanyang katawan. Halos hindi maihakbang ni Lori ang kanyang mga paa ng makarating sila sa lugar. Madaming tao ang naroon, at mostly mga kaklase at school mate nila ang naroon. Nandun din ang mga kamag anakan ni Jade na ang iba sa kanila dumating sa bansa upang salubungin ang pasko. Ngunit ito sila at sinalubong din ng isang pamamaalam ng dalawang myembro ng pamilya. Si Jade at ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan. Nang makapasok sila sa chapel, bumungad sa kanya ang malaking litrato ni Jade na punong puno ng saya at pag asa. Ang makulit at mabungangang kaibigan niya ngayon isa nang malamig na bangkay. Nandun na din sina Sasha, Yashi at Chloe nang dumating si Lori at ang parents niya. Nang marating niya ang kabaong ng kaibigan, doon na niya pinakawalan ang mga masaganang luha na ilang araw niyang pinigilan. Na ng mga oras na iyon gustong gusto niyang gantihan ang mga taong nanakit sa kanyang kaibigan. Nanginginig ito at punong puno ng pighati. "Jaaaaddeee... huhuhu...i told you kakayanin natin ang lahat di ba...you promised me pa that night na kakayanin mo dahil matapang ka...(sob)...Jaadeee bakitttt??? Alam mo naman na nasa tabi mo lang kami di ba...(sob) jaaadee mahal na mahal kita... best friend tayo...para na kitang kapatid ko..bakit mo ito nagawa jadeee...I want to hate you for leaving me but i can't kasi super love kita...(sob)..Mamimiss kita Jadeee huhuhu.. mamimiss kita palagi..." ang mga salitang pinakawalan nito habang nakaakap sa kabaong ng kaibigan. "Lori...alam namin kung gaano mo siya kamahal kaya magpakatatag ka din..huhuhu.."si Sasha. Panay naman ang pagluha ng mga iba pa nilang kaibigan at mga kaklase. Pareho silang nagulat ng makita si Tomi at Venz sa may pintuan ng chapel at dahan dahang pumasok sa loob. Si Lori ang humarap sa lalaki. "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito Tomi! Ikaw ang dapat na nasa loob ng punyetang kabaong na iyan eh! Alam mo ba yun?! Dahil wala kang kwentang lalaki! Puro ka lang pagpapasarap pero pagdating sa responsibilidad para sa anak mo gago ka! Ayan! Buhayin mo ang anak mo at ang ina niya!"dahil sa sobrang galit ni Lori isang malutong na sampal ang kanyang pinakawalan. Nagulat ang lahat sa kanyang ginawa. "Para iyan sa kaibigan ko at sa baby mo!" Umawat naman sina Chloe, Sasha at Yashi. Binigyan din ni Lori si Venz ng isang nakakamatay na tingin. Kaya nagmamadali silang lumabas ng chapel sa sobrang kahihiyan. Maging ang mga tao sa loob ng chapel natahimik na lamang. After ng ilang araw, hinatid na nila sa huling hantungan si Jade. Napuno ang loob ng simbahan. Mga kakilala ng kanilang pamilya, mga kaklase at schoolmate ang naghatid sa kanyang himlayan. At ang simbahan napuno ng luha at tawanan habang binabalikan nila ang mga panahong kasama pa nila si Jade. Ngunit nang magsalita na si Lorraine, doon na nila hindi napigilan ang maging emosyonal. Lorraine cleared her throat at pinatatag ang sarili at nilabanan ang pagiging emosyonal. Habang nagsasalita si Lorraine may isang nakaplay na music kaya lalo pang naging emotional ang dalaga. "Eherrmm! M-magandang umaga po sa lahat.. Uhm, hehe.. Akala ko I'm going to deliver my speech sa uhm...wedding ng bestfriend ko...di ba ganun yun kasi uhm, yung mag bestfriend ang mas nakakaalam kung ano at sino siya. Pero hindi pala sa wedding ako magspeech kundi sa kanyang funeral. I'm sorry Jade, i never thought i would actually lose you. Parang kisapmata lang lahat. I didn't know it would be this hard, living without you..it's hurting so much.."she bit her lower lip then she continued. "have you ever heard the quote, your heart is the strongest muscles in your body?" well if that is true then why does your heart break so easily when you lose someone you love so much? Andito ako, luhaan na naman. And I'm not saying it's your fault, because it's not. Right now ang tanging nararamdaman ko ay sakit. Naalala mo dati na napapaiyak na lamang tayo sa kakatawa, kahit na walang ka sense sense yung topic pero para tayong mga baliw at di maawat awat sa pagtawa? Yeah, They were good time, weren't they. Kasi baliw ka at nasasabayan mo ang kabaliwan ko." Panay ang singhot niya at punas ng luha at ilong. "All I ever tried to do is to be there for you when you needed someone. I trusted you with everything Jade. Not once did you judge me. Thank you for that. Everything has changed so quickly. And now i wonder if it will ever go back to how it used to be. Now that you're gone. And i knew you're no longer coming back for me..for all of us. When everyone else said I was wrong, you gave me a reason to be strong, you gave me the will to carry on. When you lose your bestfriend, it's like losing a vital organ. It's start to kill you...I thought our friendship will last forever. If I could turn back time, i would. I always thought of you being more than my best friend. You were my sister. Hindi ko na alam kung paano harapin ang bukas na hindi na kita kasama. All the memories that we had will stick with me for the rest of my life. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga pinag daanan natin bilang matalik na magkaibigan. Mamimiss ko ang walang katapusan mong sermon sa akin kapag I did some stupid mistakes. Ikaw Yung unang magagalit sa akin. Daig mo pa ang parents ko. Sobrang mamimiss ko yun. The good, the bad, i'm gonna miss them all. Jade, no matter how far you are to me right now, you will always be my bestfriend.. Sleep tight Jade... I love you so much..." Then she planted a kiss on Jade's casket. Matapos ang kanyang nakakadurog pusong speech, nagkaron sila ng final viewing at dinala na sa kaniyang huling himlayan ang kaibigan. Habang naglalakad sila papuntang sementeryo, nakaalalay lang sa kanyang tabi ang mga kaibigan ni Jade na ngayon kaibigan niya na rin. Hindi man sila magka pareho ng kurso ngunit hindi ito naging hadlang para sa kanilang pagiging magkaibigan. At naging tulay sa kanilang lahat si Jade para mabuo ang kanilang samahan kahit na sila ay nabawasan. Hindi din naman kalayuan sa chapel ang cemetery kaya narating din nila ito agad. Nagkaron lang ng short talk saka ipinasok na sa kanyang pakahimlayan ang kaibigan. Pigil ang kanilang mga pag iyak ng unti unti na itong ibinababa. Nag hagis ng mga bulaklak saka nagpalipad ng mga white balloons at butterflies. "I know you'll be happy now kasi magkasama na kayo ni Baby mo diyan sa taas. Andiyan ka na sa lugar na pain free. Have sa safe journey my bestfriend." Ang huling katagang binitiwan ni Lorraine sa puntod ng kaibigan. BEEEEPPPPPPPPP!!! Napaiktad si Lori ng may marinig na mga busina sa kanyang likuran. Matagal na palang green. Kaya pala may naririnig siyang parang mga sumisigaw, yun pala yung mga galit na galit na driver dahil sa paghinto niya ng matagal. Ngayon niya lang napansin na basang basa na ng luha ang kanyang pisngi. Sampung taon na ang nakalipas ng mawala sa kanilang buhay si Jade. Sampung taon na ang nakakalipas ngunit ang sakit na dulot ng kahapon sariwa pa rin sa kanilang mga puso. Kinabig niya ang manibela upang igilid at hindi na siya makasagabal sa traffic. Lalo pa siyang napaluha ng tumunog ang kanta ng westlife na inawit niya noong mag birthday si Jade ng sumunod na buwan. 'If the hero never comes to you If you need someone you're feeling blue If you wait for love and you're alone' Kaya muli itong napaiyak ng maalala na naman ang kanyang matalik na kaibigan. "Gosh Jade, sobrang miss na miss na kita. Yung bunganga mong parang armalite. So much is reminding me of you alam mo ba yun ha? It's hard to leave a house knowing you no longer have a best friend. Kasi wala na siya. Kasi pumunta na siya sa malayo, doon sa lugar na hindi pwedeng puntahan. Naalala mo itong kanta na ito? Ito yung pilit kong e memorize para lang sayo na bwesit ka. Huhuhu. Kainis ka naman, akala ko naubos na yung luha ko 10 years ago. Hindi ko akalain na hindi mo pa pala dinala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Talagang nag iwan ka pa eh no." ang wika ni Lori sa sarili habang nakatitig sa litrato ng kaibigan sa kanyang cellphone. Mga ilang minuto din ang itinagal niya sa may gilid ng kalsada bago nagpasyang lisanin ang lugar upang makarating na sa office.  She checked the time at ganun na lamang ang pag munura niya ng makita Ang oras. Great just so great. "s**t!! Late na ako. Someday magkikita din tayong dalawa. Sa tamang panahon Jade." Saka binuhay ang makina ng sasakyan at nakikipag siksikan sa masikip at mabagal na trapiko ng pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD