Sa bilis ng kanyang pagmamaneho ang mahigit 30 minutes na drive papuntang office, nagawa niyang takbuhin in 15 minutes. Ganun kasi kapag late na sa work, they don't follow the rules anymore. Lahat ng santo tinatawag na at sana walang police na makahuli sa kanila. Mabilis niyang hinablot ang kanyang bag at halos liparin ang ilang palapag. Mabuti na lamang at walang gaanong taong naghihintay ng elevator. Habang nakatayo siya doon, panay ang dasal niya sa kanyang sarili.
"Come on Lord pabilisin mo naman ang elevator."sambit nito.
Ting!!!!
She's about to go inside when a soft hand touched hers and dragged her to the other private lift. Saka niya pa lang nakita ang mukha ng salarin. It was Hellie. Pagkapasok nila sa loob at matapos mapindot ang up button doon na sila nagkaharap.
"Bakit late ka?"nagtatakang tanong ni Hellie sa kasama. Nahihiya namang napasulyap si Lori sa kasama, her boss.
"Biglang ano...nasiraan sa gitna ng traffic. Mabuti na lang naayos ko din kaagad kaya nakarating ako dito. Sorry ha." Hinging paumanhin niya sa kanyang lady boss.
"Nag alala lang naman ako sayo." Sambit nito habang nakayuko. Nagulat naman si Lori sa narinig.
"Huh?"sabay angat ng mukha at tiningnan ang namumulang boss.
"Maganda ka sana, bingi nga lang.." Pilit na pinipigilan ni Hellie ang matawa dahil Sa nakikitang pagmumukha ni Lori pati ang pagbilog niya ng kanyang mga mata..
"Sa hindi ko masyado narinig eh. Pero ano sabi mo, nag alala ka sa akin? Uy ha. Crush mo ako no?" Saka tatawa tawa na naman ito. Maging si Hellie natatawa na din sa sarili at namumula sa panunukso ni Lori.
"Silly.. Kasi normally maaga kang dumadating dito. Akala ko nga aagawan mo na ng position yung lady guard natin eh."ganting biro niya sa empleyada. Napapapout naman si Lori.
"So pang lady guard lang pala itong ganda kong ito?" turo niya sa kanyang sarili. Napatitig sa kanya si Hellie.Maganda nga talaga naman si Lori lalo na kapag tinitigan mo siya. Lagi niyang sinasabi sa sarili na babaeng babae siya pero pagdating sa empleyadang si Lori, bumabaluktot ang kanyang damdamin.
"Naku di na mabiro. Hindi naman." Tipid na sagot ng boss.
"So sinasabi mo na maganda ako?"saka hinarap ang boss na napapalunok dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Lori sa kanya. "Ano maganda ba ako Miss Hellie Smith?" muli niyang tanong sa boss.
"Uhm...Y-Yeah o-of course. You are beautiful, you might not see it but I- I do." She's stuttering while saying those words right in front of Lorraine. "s**t!" Sambit niya sa kanyang isipan.
"Relax. You look tense."Saka ipinatong ni Lorraine ang mga kamay sa balikat ni Hellie para maging kalmado na ito. Binigyan pa niya ito ng gentle massage sa balikat. "Okay take a deep breathe and let it out." Utos niya dito.
Ganun nga ang ginawa ni Hellie Hanggang sa bumukas ang nasabing elevator at naglakad na sila papunta sa kani kanilang mga pwesto. Binigyan pa ng isang titig ni Hellie ang ngingisi ngising si Lori at hindi niya inaasahan na lingunin din siya nito at nagtagpo ang kanilang mga titig. Dahil sa maloko si Lori, kinindatan niya ang nasabing boss. And that made Hellie turns red like a tomato.
Habang tumatagal lalo lang siyang napapalapit sa dalaga. Kanina pa siya nakatunganga sa kanyang computer screen na walang ginagawa. Nalilito siya sa kanyang nararamdaman. Sinasakyan niya ang kakulitan nito pero meron siyang kakaibang nararamdaman. Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung ano iyon. Kanina pa sumasagi sa kanyang utak ang mukha ni Lori. Kahit anong pilit niyang wag itong isipin ngunit ganun pa rin ang nangyayari.. Pilit itong sumisiksik sa kaloob looban ng kanyang isipan.
"Ugh!" Sabay hilot sa kanyang noo.. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang secretary.
"Mam, si Ethan nasa labas po."tumango lang ito. Si Ethan ang kanyang on and off boyfriend. Dati kapag marinig niya ang pangalan nito para siyang pusang hindi mapakali sa sobrang excited at kilig na makita ito pero lately parang okay lang na hindi sila magkita. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang matipunong lalaki. Saka lumapit ito sa kanya. Isang mahigpit na yakap at halik ang ibinigay sa dalaga.
Hellie on the other hand, grabbed the man's nape and kissed him in a hard way. Gumanti ang lalaki. But suddenly she stopped dahil ibang mukha ang kanyang nakikita. She saw Lori's sweetest smile.
"Is everything's alright sweetie?"asked the guy. Hellie just nod. She sat back on her chair and inayos ang sarili. Ngayon alam niya na ang dahilan kung bakit siya malungkot, kung bakit parang palaging may kulang. Masaya siya sa boyfriend niya pero may hinahanap siyang saya. Hinarap niya ang nagtatakang boyfriend.
"Ethan, you're a great guy. Naging masaya ako sa buhay mo sa relasyon natin but there's something in me that I'm not so sure about. I don't want to be unfair to you Ethan kaya gusto kong itigil muna natin ito." Saka bumuntong hininga muna ang dalaga.
"W-what do you mean?" Yung maaliwalas na mukha ng lalaki ngayon kumunot na. Parang crumpled paper kumbaga.
"Let's break up."diretsang sagot ni Hellie. Tumigas ang mukha ng lalaki sa kanyang narinig. Napanganga ito.
"Is there someone new in your life now? Kaya ka ba makikipaghiwalay?" Kuyom ang kamao nito.
"Wala. Gusto ko lang mag focus muna sa sarili ko at sa career ko. That's all."walang emosyong turan nito.
"Kung yan ang desisyon mo, hindi na kita gagambalahin pa."saka mabilis na nilisan ang office ni Hellie at tamang tama naman na papasok si Lori at nabangga pa niya ito. Kaagad na lumapit si Hellie sa nakangiwing dalaga.
"Hey Lori nasaktan ka ba?"makikita sa mukha nito ang pagkabahala. Hinimas himas naman ni Lori ang natamaang balikat.
"Y-yeah. Sino ba kasi yung lalaki na parang bagyo kung kumilos. Hindi man lang tinitingnan kung may tao o wala sa kanyang dadaanan. Ganun ba ako kaliit na hindi niya makita?"tuloy tuloy na salita nito samantalang nakatitig lamang sa kanya ang nakangiting si Hellie. "Earth to Hellie...you're spacing out..may problema ka ba?" Medyo napamulagat naman si Hellie.
"Ah, that guy, yeah client natin. May hindi lang pagkakaintindihan.. " pagsisinungaling niya. "Anyway, what's up?" Saka bumalik sa kanyang desk.
"Oh I see. Bakit hindi mo ginamitan ng charm mo para mapapayag?"biro ni Lori. "Just kidding. By the way, gusto ko lang pakita itong ginawa ko. Check mo if maganda ba o kaya okay na sa panlasa mo..." Saka inabot ang kanyang ginawa sa boss..
"Wow!! This is amazing.. Well, isama natin ito sa pagpipilian nung fussy client natin."
"Talaga nagustuhan mo gawa ko?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Lori..
"Oo naman. Sino naman ang hindi magustuhan ito? Anyway malapit ko na din matapos 'yung ginagawa ko." wika ni Hellie at inayos ang computer niya. Nagpaalam naman si Lori sa kanyang boss.
"Sige maiwan muna kita ha kasi may isusunod ako. Habang nasa utak ko pa yung ideas na yun." Saka iniwan ang boss.
"Sabay na tayo mag lunch ha!" Pahabol ni Hellie.
"Basta ba libre mo ako! Hahahaha!" sigaw ni Lori sa may pintuan na natatawa. Naiwan naman si Hellie na napapailing sa sarili. Muling ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. Hanggang sa mapansin niya ang ginawa ni Lori. She grabbed and looked at it very intently.
"You're great. Hindi ako nagkamali na tanggapin ka sa company ko." Mabilis na lumipas ang mga oras. Tinignan ang relong pambisig. Patapos na ang lunch break pero silang dalawa hindi pa nakapag lunch. She got up, grabbed her purse and lumabas ng kanyang office. Mabilis na nagpaalam sa kanyang secretary. Pinuntahan niya si Lori sa kanyang table at saka basta na lang hinatak. Nagulat man ngunit wala siyang nagawa kundi ang magpatianod sa panghahatak ng amo. Kumaway na lamang siya sa nasabing secretary na napapatawa. Tinungo ang elevator at sumakay ng private lift papuntang lobby. Nagmamatyag lang si Lori sa inaasta ng kanyang boss. Napansin ni Hellie ang masamang tingin ni Lori sa kanya.
"What?"maang-maangan ni Hellie at pinipigilan ang matawa dahil sa nakikita niyang reactions ni Lori.
"Nagtataka lang ako. Kasi kanina mo pa ako hinahatak. Uso na ba yun? At saan mo naman ako dadalhin?"
"Sa lugar na makapag unwind tayo and to breathe some fresh air. Gusto mo ba yun?"
"Naman. Dimo sinabi na maglakwatsa pala tayo e di sana kanina pa tayo lumabas."turan ni Lori na ngingiti ngiti sa kanyang boss. Hellie just rolled her eyes kaya muli na namang pinisil ni Lori ang tungki ng ilong nito.
"Awww... Ang sama mo!"sabay hilot sa namulang ilong."Bakit kaya hindi mo ilong ang pisilin mo." parang batang reklamo ni Hellie sa tatawa tawang si Lori.
"Hahahaha! Ang cute cute mo kasi talaga, tingnan mo malapit mo nang kamukha si Rudolph." binelatanan na lamang ito ni Hellie. Then tumunog ang elevator. Kaya lumabas silang nagkukulitan. Dahil hindi alam ni Lori kung saan sila pupunta, nakabuntot lang ito sa amo habang binabaybay ang sidewalk papunta sa kung saan. Makalipas ang Ilang minutong paglalakad, napansin niya ang ang rebulto ng clown na naka stripe. Kagat labi ang dalaga dahil naalala niya dito ang una nilang encounter na dalawa.
"Remember this place Miss Gonzaga?"asar na tanong ni Hellie sa nakangiwing dalaga. Nag peace sign na lamang ito sa kanya. "Haha! You silly woman. Basta ka na lang manampal ng 'di mo kilala ha." Turan nito habang ang mga mata ay nasa menu board.
"Ikaw kasi yung nasa malapit hehehe."natatawang sagot ni Lori.
"Ah ganun? Ang sakit kaya nung ginawa mo." wika ng dalaga. "Okay what do you want to eat?" Lumapit si Lori at napatingin din sa board. Then whispered to Hellie..
"Hmm. I want to eat youuuuuu..'nngg. That burger na lang with chipotle." Napapalunok Si Hellie sa mga pinag gagawa ni Lori sa kanya.
"O-Okay. What drinks you w-want? Eherm!"Si Hellie.
"Coke will do. Thank you boss." Lori whispered again. Napapapikit Si Hellie dahil nakikiliti siya sa warm breathe na nagmumula sa bibig ni Lori. It gives chills to her inner self. Nagulat Ito ng sumigaw ang crew.
"Next in line please!." Sigaw ng front crew. Lapit agad si Hellie. "Hello ma'am. May I take your order ma'am?"
"Oh yeah um... My friend wants to have a that burger and meal and coke for drink. And I would like to have...hmmm.. Oh.. I wanna try that Thai chicken meal and can I have my chicken grilled please."
"Yeah sure no problem. And what drink would you like to have ma'am?"
"Coke float. And no salt for all the fries please."
"Okay ma'am. So your order 1 Mexican Chipotle meal coke for drink no salt on the fries and then 1 Thai Sweet Chili Grilled Chicken meal, coke float for drinks also no salt for the fries. For dine in ma'am?" The front crew asked.
"For take out please. Thank you." Matapos matotal at mabayaran, nag hintay na lamang sila sa isang side para Sa kanilang order. Panay naman ang pindot ni Lori sa kanyang cellphone dahil sa pakikipag text niya kay Sasha.
"Hellie, may gagawin ka ba mamaya?" Tanong sa kanyang boss. Sinulyapan naman siya nito. "Hmm.. wala naman bakit?"
"Gusto sana kitang anyayahan. Birthday celebration ng isang matalik na kaibigan." Napangiti si Hellie. Dahil kaka break niya lang sa kanyang boyfriend naisipan niyang it's time to relax and do some fun.
"Sure! Just remind me later okay para sabay na tayong pupunta sa party. Wait, do I need to get a gift for the celebrant?"
"Ah! Flowers will do.. Gusto niya kasi yun."mabilis na sagot ng dalaga. Hanggang sa tinawag na ang kanilang number para ibigay ang kanilang orders. Pagkakuha, agad na lumabas ang dalawa at naglakad lakad papunta park na di kalayuan Sa kanilang office. Naghanap ng maupuan ang dalawa para makapag lunch. May nakitang magandang pwesto ang dalawa. Malapit sa fountain at may table pa. Hindi din gaanong mainit dahil nasa lilim ito ng malaking puno. Kaagad na binuksan ang dalang bag at kanya kanya silang kuha ng kanilang pagkain. "Hey boss thank you sa free lunch ha. Next sahod ko, treat din kita."habang pumapapak ng bagong lutong fries.
"Sus, saan mo naman ako dadalhin, aber?"
"Sa masarap na kainan syempre. May alam ako pagdating diyan.." ngingisi ngising wika ng dalaga. "Alam mo yung bagong open na buffet along timog? Diyan! Diyan sa tabi niyan may toro-toro diyan. Mura na, masarap pa hahaha!."
"Leche ka! Akala ko sa buffet mo ako dadalhin, yun pala sa carenderia."
"Hahahaha! Sorry nagtitipid eh." Nagkibit balikat na lamang si Hellie at tinapos ang kanilang lunch. After awhile naging seryoso na ang kanilang usapan.
"Lori..."tawag ni Hellie kay Lorraine na nasa malayo ang mga mata.
"Hmmm.."tipid na sagot niya habang ang mga mata niya nasa mag couple na nagyayakapan. May inggit siyang nadarama at naalala niya na naman ang taong minsan niyang kinabaliwan. "You're spacing out again." kaya nilingon ang katabing si Hellie.
"Sorry about that. What is it again?" habang nasa bibig ang straw ng kanyang drink.
"I... I want to know if na inlove ka na ba dati?"tanong ni Hellie kay Lorraine. At matagal bago siya nakasagot. Then she cleared her throat.
"Actually, yes. Not only that I'm in love with that person, but i was so damn crazy about that heyef."ngumiti ito ng mapakla. "Sa kanya lang umikot ang mundo ko. Wala akong ibang nakita maliban sa kanya. Ganun ko siya ka mahal. Kahit na ilang beses niya ako sinaktan, kahit na ilang beses akong lumuha, kahit na ilang beses niya ako niloko, kahit paulit ulit siyang nagsinungaling lahat tinanggap ko, lahat nilunok ko dahil lang sa pagmamahal ko sa kanya. Pero kahit ginawa ko na ang lahat lahat, iniwan niya pa rin ako." then she let out a deep sighed. "Sometimes i want to blame myself too for being stupid. But uhm.. I was too blind to see the reality. I was blinded by so many. Tsk." may halong lungkot at pait ang mga katagang binitawan ni Lorraine.
"Well, you can't change what has already happened. All you can do is move on, let go and get over it. Pero nagkita ba kayo after ng break up niyo?" Si Hellie ulit.
"Nope. I don't even know where that loser is. Baka kasama ng mga babae niya." seryoso nitong sabi. Sabay kagat sa mga labi.
"Base on the image i am looking at, you haven't move on yet. May bitterness ka pa rin sa nakaraan mo. Ang tanga naman nung nag iwan sayo. You're too nice to be treated this way. Iiwan ka para sa iba? Alam niya ba kung ano ang pinakawalan niya?"
"Hindi ko alam, baka naghahanap ng taong hinding hindi siya mabobored. Kasi yun ang huling naalala ko, am too boring."
"You are not! He's f*****g stupid and liar!" Napamulagat si Lori. Saka ngimiti ng mapait. Hindi niya masabi sabi sa kausap na babae ang taong sobra niyang minahal. Kaya ang ginawa niya, sinakyan niya na lamang ito. Hindi niya mabanggit ang kanyang tunay na pagkatao. Baka kasi pandirihan siya.
"Ganun siguro talaga ang role ko sa mundo. Laging iniiwan sa ere. Anyway, Do you really wanna know my history? I don't wanna call it love story kasi parang ako lang ang nagmahal. So history na Lang. You want?"she asked. "Para malaman mo din kung tama ang ginawa ko o talagang nagpaka tanga nga ako..."
"Okay. I'm ready to listen. Promise I won't judge you. "
"Sige medyo summarize ko na ha kasi kulang ang one day kapag kinuwento ko sayo lahat lahat. Ganito yun.." She's about to speak ng... "Lorraine Melanie Gonzaga?"turan ng isang boses na nagpalingon sa dalawa. Hindi agad nakilala ni Lori ang nasabing nilalang dahil sa tagal ng panahong hindi sila nagkita. "I'm sorry but uhm...have we meet before?" Ngumiti ang nasabing lalaki.
"Yes, ten years ago. Pasensiya ka na dahil sa nagkasakit ako. Siguro nga nakarma ako dahil sa ginawa kong pananakit sa kaibigan mo at sa...a-anak ko."napamaang si Lori sa narinig. Naalala niya na ang nasabing lalaki. Si Tomi Gochi. Ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kanyang bestfriend.
"Ikaw na pala yan..." may halong bitterness at awa sa boses ni Lori. Parang gusto niyang sabihin ang katagang 'buti nga sayo.' Pero sa itsura ng lalaki awa ang kanyang nararamdaman. Isang ihip lang ng hangin liliparin na ito. Baka ubo palang ng kabayo malayo ang marating nito.
"You look great. Ibang iba sa dating Lorraine na nakita ko ten years ago. At saka gusto kong humingi ng paumanhin sa lahat lahat. Sayo at sa kaibigan mo."
"Hindi ka sa akin dapat humingi ng tawad, doon sa kaibigan kong nakabaon na sa lupa at sa anak niyo." Napayuko ang lalaki. Saka napabuntong hininga. "Malapit na kaming magkita ng anak ko at ng nanay niya. Doon na lang ako hihingi ng kapatawaran sa kanila kapag magkita kami."
"Anong ibig mong sabihin?"kunot ang noong tanong ni Lori sa lalaki. "I was diagnosed with a stage 4 cancer. My days are numbered,it just a matter of when." Hindi agad nakapagsalita si Lori.
"Nag-asawa ako and we tried so hard para lang magka baby pero walang nangyari. Baog pala ang asawa ko. Kaya nag ampon na lamang kami. Siguro kung hindi ko tinalikuran ang anak ko sa kaibigan mo, siguro sampung taon na siya ngayon." Oo nga mahigit sampung taon na ang nakakalipas ng bawiin sa kanila ang kanyang matalik na kaibigan kasama ang baby nito sa kanyang sinapupunan. "Sige Lori. mauna na ako. Hopefully magkita pa tayong muli. If not, wala na ako sa mundong ito." kumaway na lamang sa dalawa ang lalaking payat na payat dahil sa kanyang malubhang karamdaman. Sinunod na lamang nila ito ng malungkot na tanaw. Tumikhim naman sa isang tabi ang kanyang boss dahil parang biglang nasa ibang lugar na naman si Lori.
"Malaki yata ang kasalanan niya sayo ah."
"Hindi sa akin, actually, sa friend ko at sa baby nila." sabay yuko nito. Saka sinulyapan ang hindi nakakibong kasama. "Guess next time na ako magkwento sayo. Yung hindi na summary. Let's go back to the office at tapusin na natin yung mga project para bago mag weekend tapos na natin lahat. At kung sakaling dumating yung client mo na yun, ready na tayo."sabay hila sa braso ng amo. Habang naglalakad sila... "Don't forget our lakad mamaya ha. Promise mag eenjoy ka doon. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. At promise lahat sila harmless."
"Ikaw lang ang hindi harmless?" kagat labing tanong ni Hellie.
"Oo ako! Ako ang dapat mong katakutan hahaha. Kaya mag ingat ka ha." Sabay ngiti ni Lori sa kanyang lady boss at muling nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa kanilang office. ********