Chapter 11

2071 Words
After ng kanilang work, nagligpit na si Lori para makapunta sa kanilang venue para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang beloved besty na si Jade. She's about to leave her office ng natanaw niya si Hellie na parang may kasagutan sa phone. "Hay naku, another fussy client."sambit sa sarili. "Sige ilabas mo kamalditahan mo Miss Smith. Huwag kang paaapi sa mga iyan."usal pa niya habang nasa boss ang mga mata niya. Muli siyang naglakad papuntang elevator para doon na sa baba hintayin ang amo. Habang naghihintay siya ng elevator bigla na namang may humablot sa kanya at dinala siya sa may gilid kung saan nandoon ang private lift. "Babae na ito ang hilig hilig manghila. Pwede naman niya akong sabihan."Sambit sa isipan. At sinamaan ng tingin ang amo. "What?!" Then Hellie smirked. "Wow ha! Wala ka na bang mas magandang greeting maliban sa what?" Asar sa kanya ni Lori. "Ewan ko sayo." saka sumimangot. "Tsk.Paano kasi kanina mo pa ako hinahablot. Pwede mo naman akong sabihan kasi alam mo madali lang naman akong kausap. Yung ganun." "I'm just trying to help  here, dami mo pang reklamo. If you use that elevator then bukas ka pa makarating sa parking lot. Kasi mabagal yan." Si Hellie. "Ang hot mo. May dalaw?"pang aasar ni Lori. "At saka okay lang naman kahit parang pagong itong elevator ng building na to. Kasi nga di ba aantayin naman kita sa baba." Turan nito. "May dalaw ka ba at parang hot ka lagi?" "Wala no." Saka napasimangot ulit. "May mga taong pasaway lang talaga. Kaya nakakainit sila ng ulo." "Naku hayaan mo sila. Bakit ka ba nagpapaapekto sa kanila. Remember, may sarili tayong mga utak at desisyon."litanya ni Lori. "I know that..At saka ano kasi...uhm.."Hindi niya masabi sabi ang kanina pang gumugulo sa kanyang isipan. "Kasi...? Hoy, Kasi ano..?" "K-kasi y-yung ano uhm, how can I say this yung gusto ko ayaw sa akin."sa wakas nasabi din niya kaya napayuko ito. "Whoah!! Meron ka pala nun? Lumalablyf ka na pala boss!?" Pang aasar niya dito. "Ah parang 'bakit hindi ka crush ng crush mo?'yung ganung tema. Di ba?! Wait Sinabi mo na ba sa kanya na gusto mo siya? Baka kasi Ikaw lang ang may alam na gusto mo siya tapos siya naman walang kaalam alam." "Parang ganun na nga. Kasi... Hindi ako sigurado if magugustuhan niya ako." "Hala Torpe ka. Teka ituro mo nga sa akin yang lalaki na iyan ng makaliskisan ko." "Huh?" "YUng taong gusto mo, ipakilala mo sa akin ng makaliskisan ko." "Uhm well. Maybe next time." hindi niya kasi masabi sabi sa dalaga kung sino talaga ang kanyang totoong crush. Ang nagpapagulo sa kanyang isipan. Pagdating sa parking lot, pinagbuksan ni Hellie ng pintuan ang dalaga at mabilis na pumunta sa driver seat. Kaagad na binuhay ang makina at pinaharurot ito. Habang nasa daan walang tigil ang kanilang kwentuhan ng kung ano ano. Hanggang sa tumunog ang nasabing kanta at napakanta si Lori. Tahimik lang siyang nagmamaneho at napapangiti sa katabing nag kakaraoke. 'Ayoko sana na ikaw ay mawala mawawasak lang ang aking mundo Ngunit ano'ng magagawa, kung talagang ayaw mo na sino ba naman ako para pigilin ka Lumayo ka man ay maiiwan Aang bakas ng ating pagmamahalan ang awiting ito ay ala-ala na hindi kita malilimutan pagka't ikaw ang tanging laman ng aking mundo ng aking puso, ng aking buhay... Ang halik mo, na-mi-miss ko ang halik mo, na-mi-miss ko bakit iniwan mo ako...' "Hahahaha! Whoooo...! Yes baby bakit mo ako iniwan?! s**t ka! f**k you ka! Minahal kita ng sobra sobra ito lang ang kapalit ng lahat lahat! f**k you!" naluluhang sigaw ni Lori. 'Nasasaktan ako oh, baby sa tuwing nakikita ka... Naninibugho ako oh baby pag may kasama kang iba. Pagka't ikaw ang tanging laman ng aking mundo ng aking puso, ng aking buhay... Ang halik mo, na-mi-miss ko Aang halik mo, na-mi-miss ko bakit iniwan mo ako...' "WhooH! Love the song! f**k the fuckin' fuckers!" sigaw ni Lori. "Isama mo na ang mga babaeng umaaligid sa kanya! Mga babaeng alam na may sabit pilit pa rin kumakapit! Mga f**k you sila! Magsama silang lahat!"  bigla itong tumigil habang nakatingin sa labas ng bintana. "Lori, what if babalik siya at sabihing mahal ka pa niya, tatanggapin mo pa ba siya?" tamang tama na nasa stop light sila. "Kapag bumalik siya, wala na siyang babalikan pa." sagot nito at binalik ang mga tingin sa labas. Nagulat man siya dahil sa mga salitang lumalabas mula sa bibig ng empleyado, hinayaan na lamang niya ito. Marahil ganun kalalim ang sugat na dinulot ng nasabing taong pinaglaanan niya ng kanyang panahon, oras, atensyon at pagmamahal. Hinayaan niyang ilabas ni Lori ang lahat ng bigat at sakit na dala dala niya sa kanyang dibdib. Because she believes things will get better  maybe not now but in God's perfect time. Gabi na nang marating ng dalawa ang nasabing venue. Bitbit nila ang mga bulaklak na ibibigay sa celebrant. Hawak hawak ni Lori ang boss at hinatak ito sa second floor ng resto bar na inukupa ng magbabarkada ang panglawang palapag. Pinakilala muna ni Lori ang boss sa mga kaibigan at ilang bisita na inimbita nila. Like mga close relatives ni Jade. "Hello guys this is my boss Hellie Smith at saka Hellie mga friends ko nga pala. Si Sasha, Yash and Cloe." "Hello Hellie mabuti nakarating ka. Halika kumain ka muna."Si Sasha. "Huwag kang mahiya ha. Uy Lorraine, ikaw na bahala sa kanya ha. Puntahan ko muna yung ibang bisita." Kumamay at tumango lamang silang dalawa. "Lori nasaan ang celebrant para mabigay na natin itong flowers sa kanya." Sambit ng boss niya. "Oh yeah. Ayan siya oh. Lagay mo diyan ang dala mong flowers." Turo ni Lori sa malaking litrato ni Jade na may candle at flowers na din na malamang galing sa mga kaibigan niya. Kumunot ang noo ni Hellie like okay-ka-lang-look. "Baliw ka ba eh picture niya yan. At bakit may candle?"tanong niya ulit na punong puno ng pagtataka. Napatampal sa kanyang noo si Lori. "Sorry Hellie, I forgot to inform you na patay na yung celebrant ten years ago. Kasama sa kanyang kabaong yung puso ko."pabulong nitong sabi sa kanyang boss. "Pero for sure she's with us in spirit. Malay mo katabi na natin pala siya. Look at her picture ganda ng smile niya di ba. Pero pareho kaming naging tanga pagdating sa love. Nakinig ako sa sermon niya pero she never listen to us. Stubborn kasi masyado."kwento niya sabay ngiti niya ng sapilitan. "I missed her so much. I missed my bestfriend."dagdag pa nito. Lumapit naman si Hellie sa malaking litrato upang ialay ang dalang bulaklak. Muli niyang sinulyapan ang litrato ng dalaga. Maganda ito, pero makikita ang kalungkutan sa mga mata niya. "Halatang magbesty kayo. Kasi look at her bracelet and your bracelet. See di ba parehas." puna niya sa suot na bracelet ni Jade. "Yeah, binili namin ito sa may divisoria para sa isa't isa. Kasi sabi nung tsikwa lucky daw pero mukhang hindi naman. Tingnan mo siya" turo niya sa litrato ni Jade. " Patay, na tsugi ba. Tapos ako puso ko ang namatay." isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan. "Ito yung last na regalo na bigay niya sa akin."hinagod hagod naman ni Hellie ang likod ni Lori. "Hey guys..." si Yashi na biglang sumulpot mula sa kung saan. "Get your food and drinks. Then we will play the video at simulan na ang rakrakan." Dagdag pa nito na ikinahiyaw ng karamihan. Sabay na pumunta sa table sina Hellie at Lori para kumuha ng kanilang pagkain. They grabbed their drinks and naki join sa table nina Sasha na ngayon parang takot maagawan. Puro seafoods ang pinang gigilan niyang kainin. Habang kumakain sila, they played the slideshows and their birthday wishes for Jade. Lumalim na ang gabi at napadami na rin ang kanilang nainom. Nagsimula na silang magsayawan at maghiyawan. Pumunta sa gitna si Sasha upang sumayaw sabay hila sa kanyang hubby. Sumunod sila Cloe at ilan Sa mga friends nito. Napapaindak sila sa music na.. Can't stop the feeling by Justin T. Kitang kita ang todo bigay na dance moves ni Sasha.  "Whoooo!! Go Sasha! Go Sasha!" "Yeah that's my baby!" Sasha's husband screaming and cheering his wife. "Nothing I can see but you when you dance, dance,dance." sinasabayan ang lyrics habang umiindak na si Yashi. Hiyawan ang mga taong nasa dance floor. Halos iilan na lamang ang naiwan sa table at nakikinood sa mga nagsasayawan. Kasamang naiwan sina Lori at Hellie na kumakain pa rin at umiinom. Panay tango at kaway silang dalawa ni Hellie hanggang sa pinuntahan ito ni SASHA at hinila sa braso. "Come on girl, I missed those times when we were young, wild and free. Just like the old times di ba?." Walang nagawa si Lori kundi ang sumama sa kaibigan at pumunta Sa gitna. Naiwan si Hellie Sa kanyang table at pinapanood ang grupo nina Lori na nag-kakasayahan at nag-hihiyawan. Nagsimula nang sumayaw si Lori at sinabayan ang beat ng music. Napatulala si Hellie dahil magaling pala Sa sayawan si Lori. Ang ganda niyang panoorin. Ang lambot lambot ng katawan. She's the princess on the dance floor ika nga. "I can't stop the feeling So just dance, dance, dance I can't stop the feeling So just dance, dance, dance, come on Ooh, it's something magical It's in the air, it's in my blood, it's rushing on Don't need no reason, don't need control I fly so high, no ceiling, when I'm in my zone 'Cause I got that sunshine in my pocket." chorus na kanta nina Sasha and Yashi while dancing gracefully. Makalipas ang ilang saglit, makikita na rin sa gitna si Hellie at nakikiindak sa grupo nina Lori. Halos hindi na sila magkarinigan dahil sa lakas ng music. Sinayawan na din ni Lori si Hellie. Napuno ng sigawan, hiyawan, halakhakan ang dance floor. "Go Hellie! Go Hellie!" Sigaw ng lahat ng pumagitna ito sa circle at nagpakita ng kanyang dance move. "Whooaahh!! That's my boss Hellie!" Sigaw naman ni Lori. Then someone pushed Lori kaya napunta ito sa gitna kasama ng boss. Nilagyan pa nila ng upuan sa gitna at pinaupo si Hellie and let Lori do the lap dance. Lalong lumakas ang hiyawan at tilian. Sumayaw si Lori sa harapan ni Hellie at namumungay na ang mga mata nito. Iginiling giling ang maliit at malambot na balakang at ngumisi ng nakaloloko sa kanyang boss. Hanggang sa umupo ito paharap sa amo at patuloy sa pagsayaw na parang ahas. Nilapit ang mukha sa bandang leeg ng boss at bumulong. "Close your mouth Hellie, baka mapasukan ng langaw." Saka pasimpleng dinilaan ang earlobe nito dahilan upang mapasinghap ang lady boss. Tuloy pa rin ang nakakaindak na tugtugin kaya lalong ginaganahan si Lori sa pag-sasayaw.  Matapos ang kanilang sayaw, pumunta ang dalawa sa bar at umorder pa ng maiinom. "That was fun! I didn't know you're really great in dancing..."puna ng boss niyang si Hellie. Napapangiti naman si Lori. "Nah! Hindi naman. Nakapag practice lang noong high school ang college days ko way back then. Lagi kasi kami sa bar dati. Mas lalo pa noong naghiwalay kami ni Venz, halos suki na ako ng mga sikat na bar dito sa Manila." sagot nito na may halong lungkot sa kanyang boses. "Guess what, Nakahanda na akong makinig sa drama mo tonight. Care to share sweetie..?" "Fine.. Let's get our drink at doon na tayo sa rooftop magdramahan. Hahaha!" "Baliw ka talaga." Pagkakuha ng kanilang drinks,agad na binaybay nila ang stair papuntang rooftop. Malamig ang gabi at maliwanag ang buwan. Dahil parehong naka skinny jeans at may jacket naman sila, hindi na nila pinansin pa ang medyo malamig na ihip ng hangin. Pareho silang nakahiga. Si Hellie nakatagilid paharap sa dalaga. Si Lori nakaunan sa kanyang ulo ang isang kamay nito habang nakatingin sa kalawakan. "Where do you want me to start?" sabay lingon kay Hellie na nakatitig sa kanya. "Uhm, kung saan nagsimula ang kaligayahan mo at tumigil ang iyong mundo." hindi agad nakasagot si Lori. Nakatitig sila sa isa't isa na halos magdikit na ang mga labi. Nahimasmasan naman si Lori kaya sabay bawi ng mukha nito. " OKay... Makinig ka na ha kasi mahaba-habang kwentuhan ito. Isipin mo na lang kaharap mo si Miss Charo hahaha!" tatawa tawang turan ni Lori sa kanyang boss na nakitawa na din sa kanya. After ng ilang saglit nagsimula nang magkwento si Lori sa kanyang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD