Pumunta ng Manila ang tatlo. Emily, Manang Lumen at Ditas dahil sa naging karamdaman ng bata na may sakit sa puso. Ayaw sana nila dahil aa kakulangan sa gastusin ngunit nangako naman ang local government na magbibigay ng financial assistance sa kanila alang alamg sa batang babae. Dinala sila sa Ang Puso Center of the Philippines. Labag man sa kalooban ni Emily ang pumunta sa lugar na ito ngunit para sa anak niya, handa siyang mag sakripisyo. Habang inaasikaso ang kanilang case, Ilang manggagamot ang kanilang nakausap at iisa ang kanilang sinasabi, kailangan ng bata ng bagong puso kaya nilagay sila sa waiting list. "Misis, paki-ingatan lamang po na hindi siya mapagod. Sa ngayon, wala pa tayong mapagkunan ng kahit na anong donor. Kaya maghintay pa tayo. Naniniwala pa rin

