(Insert coughing) "Manang, dumating na ba sina Ditas?" "Kanina pa. Nasa kwarto na siya at nagpapahinga. Baka napagod na naman sa kakalaro sa eskwelahan. Ikaw pupunta ka ba sa palengke ngayon?" "Kinakailangan manang para may panggastos sa pag papagamot kay Ditas. Mabuti na nga lang at hindi naman ganun kamahal ang bayarin sa school ni Ditas." "Hays, kung may maitulong lang sana ako para sa anak mo. Pero wala eh. Ang tanging magagawa ko lamang ay ang alagaan kayo pareho at yun lang ang tangi kong maialay sa inyong mag-ina." "Hehehe. Salamat manang pero okay na po kami sa ganun. At sa bawat pag-alalay mo lalong lalo na sa kalagayan ko ay isang malaking kaginhawaan na para sa akin at kay Ditas. Ako nga din eh, nahihiya na sayo kasi wala man lang akong maibigay na pansahod."may himig n

