Bumalik si Abiri dala ang baso na may puting likido, isa para sa kanya at isa naman para kay Dayana. “Kilala mo raw ang fay na namatay rito kamakailan lamang?” “Kung kilala ko, ano naman iyon para sayo?” maitim at matanda na ang balat ni Abiri, ang buhok nito’y pumuti na rin. Marahil siya nga talaga ang pinakamatagal na rito sa Algota. “Isa akong fay at…” hindi niya sigurado ang susunod na sasabihin. Bakit niya ba gustong malaman? Dahil kung anuman ang naging kapalaran ng fay na iyon ay maaaring pagdaanan niya rin? O marahil ay para maiwasan ang naging sanhi ng pagkamatay nito? “Inumin mo,” pinanood ni Dayana si Abiri hanggang sa naintindihan niya ang tinutukoy nito --- ang baso sa kanyang harapan. May pagdadalawang-isip sa mga mata ni Dayana; hindi niya kilala ang Algota, lalo na ang

