MATAPOS ANG ISANG TAON Sa lawa ng Abe ay nananalamin si Dayana. Isang taon na ang nakalilipas simula nang huli niyang makita ang taong iyon ngunit parang kahapon lamang naganap ang lahat. Malinaw pa sa kanyang isipan. Sumalok siya ng tubig at binuhat ito patungo sa tinitirhan. Kapansin-pansin ang panonood sa kanya ng iba pang fairy habang napapatanong sa sarili kung paanong hindi siya gumagamit ng mahika sa kanyang ginagawa. Ang fairy na tinanggalan ng kapangyarihan—ito na marahil ang pinakamasakit na parusang matatanggap ng mga katulad nila. Ito rin ang naging parusa ni Fate o Dayana, ang tunay niyang pangalan sa Fantanavia. “Inang Rabiya,” buong lakas na isinalin ni Dayana ang tubig sa banga. Lalabas na siya upang kumuha ulit ngunit nagsalita ang nakatatandang fairy. “Sapat na iyan

