Huminga ng malalim si Zinc. Let's do this. Tumingin sa kanya si Fate. "Kinakabahan ka ba?" Ngumiti si Zinc kay Fate. "Matagal ko na rin kasing hindi ginagawa ito." Hinawakan ni Fate ang kamay ni Zinc. "Huwag kang mag-alala. Nandoon naman ako. Pagkauwi natin ay doon na lang ako aalis para gawin ang misyon ko." Tumango si Zinc at pinaandar na ang kanyang kotse. May pupuntahan silang Book signing dahil tapos ng ilimbag ang libro ni Zinc. Matagumpay silang nakauwi galing ng Fantanavia. Ginagamot na si Hail at wala na si Desire. Nagdesisyon si Fate na hindi na muna buburahin sa alaala ni Zinc ang lahat ng nangyari sa kanila sa Famtanavia-para sa mas malaking plano. "Halika na." pinagbuksan ni Zinc ng pinto ng kanyang sasakyan si Fate. Habang naglalakad sila ay hawak-hawak ni Zinc ang kama

