Chapter 2

3015 Words
“CHAINE? Chaine, hija?” Hindi pa mataas ang sikat ng araw ay maaga nang kinatok ni Nanang Precy ang pinto ng silid ko. Hindi kaagad ako nakakilos sa aking higaan dahil masyado pang bugbog ang aking katawan sa pagod. Tambak na naman kasi ang nilabhan kong mga damit kagabi. Hindi ko kasi nagawang galawin iyon noong umaga dahil maraming dumating na bisita si Tita Constancia. Dalawang araw na rin ngayon ang nakalipas simula noong huli niya akong makagalitan. Natutuwa ako dahil sa dalawang magkasunod na araw ay hindi ako masyadong napag-initan kahit pa itinatak niya sa isipan ko na hinding hindi niya ako matatanggap bilang anak ni Papa. Matapos kong marinig ang rason niya kung bakit ganoon na lang katindi ang galit niya sa akin ay hindi ko alam kung dapat ba akong makonsensiya. Sa totoo lang ay wala akong alam sa nakaraan ng mga magulang ko. Sa tuwing magtatanong ako noon ay bigla na lang nalilipat sa ibang bagay ang usapan. Kaya nang marinig ko iyon ay natigilan ako. Hindi ko man aminin, bigla akong nahiya at lalong nanliit sa sarili. Ang ibig sabihin ni Tita Constancia ay bunga lang ako ng kasalanang nagawa sa kanila ni Papa at ni Mama. Ang tinginniya sa akin ay isa akong kasalanan, isa akong pagkakamaling hindi niya kayang patawarin. “Chaine, anak? Gising ka na ba?” “Sandali lang po, Nanang,” pa-boses kong sabi. I stretched my body and drew a long breath to welcome my morning. Nang umupo ako ay unang tinunton ng aking mga mata ang picture namin ni Papa na naka-display sa lumang bedside table na ipinaki-usap ko pa noon sa mga garbage collector na kukunin kong muli. Bukod kasi sa mahunang papag at manipis na kutson ay iyon lang ang gamit ko sa silid. At ang pinakapaborito ko ay ang picture frame na palagi kong tinitignan kung saan nananariwa sa aking isip ang masiglang mga ngiti ni Papa. Tuluyan na akong bumangon at yapak na naglakad patungong pinto upang pagbuksan si Nanang Precy. Masigla akong nag-good morning sa kaniya kaya naman marahan niyang pinisil ang ilong ko. “Pinagigising ka sa akin ng Tita Constancia mo. Sumabay ka raw sa hapag,” aniya. “A-ako po?” pag-uulit ko. Tumango siya sa akin at ngumiti. “Halika na. Ipaghahain kita ng umagahan, ititimpla na rin kita ng gatas.” Hindi ako kumilos nang umuna siya sa akin kaya nang mapansin niyang walang nakasunod sa kaniya ay napalingon siya. Nakatayo pa rin ako sa hamba ng pinto at walang balak na humakbang. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na iniiwasan ko si Tita Constancia dahil pinapalamig ko muna ang galit niya sa akin. Kung magpapakita ako nang matagal ay baka may mangyari na namang hindi maganda na lalo pa naming ikasira. Ayaw ko ring maalala niya ang sinabi niyang pagtataksil sa kaniya noon ng mga magulang ko. I nibbled my bottom lip. “Sa kitchen na lang po siguro ako mag-aalmusal o kaya rito na lang po. I don’t think na gusto po nila akong makasabay.” Nginitian niya ako. Muli siyang lumapit sa akin at inabot ang kamay ko upang bahagyang pisilin. Inayos niya pa ang nakawalang hibla ng aking buhok na kumalat sa aking mukha. “Ang sabi ng Tita Constancia mo, gisingin daw kita at sabay-sabay kayong kakain ng almusal. Ayaw mo ba no’n?” “They never called me for a meal. Baka po nagkamali lang kayo ng dinig,” dahilan ko. Nang hindi pa rin siya sumuko sa pang-uulok ay umiling na ako. “Gusto ko po munang umiwas,” dagdag ko. Mabigat na huminga si Nanang. Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at pinatatag ang loob ko sa pamamagitan ng totoo niyang mga ngiti. “Ano nga lagi iyong palagi kong ipinapaalala sa’yo, hija?” “Huwag po akong magtatanim ng galit kahit ano pang maranasan ko?” Um-oo siya. “Dahil kapag nagsimulang tumubo ang itatanim mong galit diyan, lalasunin no’n ang puso mo.” Itinuro niya ang gitna ng aking dibdib. “Kapag napagtagumpayan nitong masakop ang isip mo, mahirap na para sa’yo ang hanapin muli ang saya.” Umiwas ako ng tingin at naging malikot ang aking mga mata. “Hindi naman po ako galit sa kanila. Ni minsan ay hindi ko po pinlanong magdamdam sa kanila dahil umaasa po ako na maaayos pa ito. Ang gusto ko po, paggising ni Papa ay masayang pamilya ang bubungad kaniya. Gusto ko pa rin pong mabuo ang pamilyang ito.” May namuong ngiti sa aking mga labi habang binabanggit ko ang bagay na iyon kay Nanang Precy. Wala na sigurong papantay sa mararamdaman kong ligaya kung sakaling mangyari iyon. Kahit malayo ngayon sa posibilidad, patuloy akong aasa. Ibinalik ko ang aking paningin sa kaniya. Napansin kong pinanonood niya ang pagngiti ko at napagtanto kong hinuhuli niya lang ang kiliti ko. Napanguso ako. Sa huli ay napapayag niya rin akong mag-breakfast kasama ang stepmom at dalawa kong stepsister. Sa hapag ay tahimik at naging maliliit ang aking mga kilos. Ni ang patunugin ang aking kutsara at tinidor ay hindi ko magawa dahil nasa kabilang dulo lang ng lamesa si Tita Contancia habang nasa magkabilang gilid ang mga stepsister ko. Nakita kong umirap sa akin si Sitti habang pinaglalaruan niya ang nakahaing pagkain sa kaniyang plate gamit ang hawak niyang tinidor. Si Ate Elizabeth naman ay nanatili lang na tahimik at katulad ng dati ay wala itong kibo. Steak, egg at fried rice ang inihain sa amin ng mga kasambahay na nagtulong tulong sa kusina. Nahiya ako dahil hindi ako nakatulong sa kanila ngayon. “May alam ka naman siguro sa kalagayan ng negosyo ng papa mo,” istriktang sambit ni Tita Constancia nang hindi ipinapaling sa akin ang paningin. “Sumasakit na ang ulo ko sa iniwang mga problema sa akin ng ama mo. Alam mo ba iyon?” “P-pasensiya na po,” usal ko. Tinuya ako ng ngising bumalandra sa kaniyang mukha. Padabog niyang inilapag ang spoon at fork niya at yamot na sumandal sa wooden chair na inuupuan niya. “Puro pasensiya na lang ba ang matatanggap namin sa’yo, Chaine?” “Mom,” awat sa kaniya ni Ate Elizabeth bago siya lumingon sa akin. I looked down. Sinadya ko talagang iwasan ang mga mata ni Tita Constancia. Itinigil ko ang aking pagkain at ibinaba ko sa aking mga hita ang mga kamay ko. Doon ay naramdaman ko ang panginginig at panlalamig ng dulo ng aking mga daliri. “Why don’t we ask her if she can help us in company. I believe na makakatulong siya sa atin, right, Chaine?” Kumabog ang dibdib ko nang mahinahon akong ngitian ni Ate Elizabeth. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil magkakaroon ako ng chance upang patunayan sa kanila ang aking sarili, ngunit kaakibat no’n ay nag-aalala na baka makagawa ako ng ikabibigo nila. I’m afraid I might do something wrong and something that may disappoint them, but like what I always said to myself, I will do everything to earn their trust. “W-wala po a-akong background about sa business ni Papa. Pero kung makakatulong naman po ako, handa po ako. Gagawin ko po ang makakaya ko.” Hinintay ko ang magiging reaksiyon ni Tita Constancia sa sinabi ko. Wala man akong alam pa sa trabaho sa kumpaniya ay handa akong matuto. Handa akong tulungan sila sa abot ng aking makakaya. Bumuntonghininga si Tita Constancia at saglit na hinilot ang kaniyang sentido. Umiling siya at tumayo na upang iwan kami sa hapag. Hindi tuloy ako nakakuha ng malinaw na pagsang-ayon mula sa kaniya pero base sa pagtango sa akin ni Ate Elizabeth sa akin ay masasabi kong hahayaan ako ng kaniyang ina na tumulong sa kumpaniya. Ibinalita ko iyon kay Nanang Precy nang maabutan ko siya sa loob ng silid ni Papa. Katulad niya ay matinding excitement at tuwa ang ibinigay na reaksiyon ng kaniyang mga mata. Nang sandaling din iyon ay masigla kong ibinalita kay Papa ang lahat kahit na hindi ko sigurado kung maririnig niya iyon o hindi. Basta, sisikapin kong hindi sila mabigo sa akin. Malalim na ang gabi nang maalimpungatan ako sa aking pagtulog dahil sa sunod-sunod na katok ng kung sino sa pinto ng silid ko. Ang buong akala ko ay si Nanang Precy iyon pero kaagad akong binalot ng hiya nang mabungaran ko si Sitti. Walang paalam siyang pumasok sa aking silid at nang mailigid niya ang kabuuan nito ay nabasa ko kaagad sa mga ngisi niya ang panunuya. Hindi ko siya masisisi sa reaksyon niya dahil ang dating magarang silid ko ay ganito na ngayon; maalikabok, marumi at pipitsugin. “Anong k-kailangan mo, Sitti?” “Magbihis ka. May meeting kayong pupuntahan ng mom ko,” mataray niyang sambit. Sinambot ko ang ibinato niyang manipis na dress sa akin. “Ngayon? Pero gabing gabi na yata.” Umikot ang mga mata niya sa akin. “Alam mo, ang dami mong tanong. Normal lang ang mga dinner meeting sa ganitong oras. Palibhasa, wala kang alam.” Hindi kaagad ako nakakilos. “Anong tinatanga mo pa? Isuot mo na ’yan.” I looked down at the dress I’m holding. Literal na manipis ang kulay itim na dress na iyon. Sakto lang ang size ng katawan ko ngunit kung susumahin ay magiging fitted iyon sa akin at ang magsuot ng ganoong klase ng damit ay hindi kailanman pa sumagi sa isip ko. Kung magsuot man ako, sa tingin ko ay hindi babagay sa akin dahil hindi ako katulad ni Sitti na magaling magdala ng damit. Kaya naman kahit nagdadalawang isip ay ibinalik ko iyon sa kaniya. “May maayos pa naman akong damit dito, Sitti. Hindi mo na ako kailangang pahiramin,” sabi ko. Ang matatapang niyang kilay ay lalong nainis sa akin. Inirapan niya muli ako na para bang sinusubukan niyang magpigil ng inis. Pinagkrus niya ang kaniyang mga baraso. “At sa tingin mo ba ay gusto kitang pahiramin ng damit? Maswerte ka nga dahil masusuot mo ang pinaglumaan ko. Masyado kang ambisyosa!” “Sitti.” Pareho naming narinig ang mahinahong boses ni Ate Elizabeth sa labas. Sa totoo lang, sa kaniya lamang ako hindi ako masyadong nakakatanggap ng masamang trato pero nakapagtataka na hindi rin palagay ang loob ko sa kaniya. Ewan ko ba. Pero sinisikap ko naman araw-araw na maging close siya, iyon nga lang ay masyado siyang mailap sa akin dahil siya ang katuwang ni Tita Constancia sa negosyo. Lumapit siya sa amin at kinuha sa akin ang damit na ipinahihiram sa akin ni Sitti. “Hindi ka ba nagsusuot ng ganito? Babagay naman sa’yo. At isa pa, naghihintay si mom sa ibaba. Mas matatagalan ka kung maghahanap ka pa ng isusuot mo.” “Pero, Ate Elizabeth . . .” “Hindi naman sa minamaliit kita pero importanteng tao ang kikitain niyo ni mom. Nakakahiya naman siguro kung haharap ka sa kanilang hindi ka presentable, hindi ba?” Hindi ako umimik. Inabot niya ang kamay ko at ibinalik muli sa akin ang damit. “Magbihis ka na. Don’t worry, ipakikilala ka lang muna ni mom sa business partner ng Papa mo.” Dahil doon ay hindi na ako nakatanggi pa. Nang humarap ako sa salamin ay napangiwi ako dahil hindi talaga ako komportable. Maninipis ang straps ng dress kaya expose na expose ang aking mga braso at dibdib. Hindi masyadong maluwag at hindi rin masyadong masikip pero see through ang beywang no’n, at lalo pa akong naasiwa nang hindi iyon lumagpas sa aking tuhod. Panay man ang pagrereklamo ng isip ko sa aking suot ay wala na akong nagawa pa. Si Tita Constancia lang at ang driver ang kasama kong bumiyahe patungo sa isang private club kung saan daw namin kikitain ang taong makatutulong sa problema ng kumpaniya. Kahit na wala akong gagawin doon ay kinakabahan ako dahil wala pa talaga akong idea about business. Nang makababa kami mula sa sasakyan ay nakasunod lamang ako sa stepmom ko at sa lalaking nag-welcome sa amin sa loob. At dahil airconditioned ay lalo akong nakaramdam ng lamig kaya naman mas binalot ko pa ang aking sarili gamit ang itim na blazer. Bago kami pumasok sa isang silid ay hinablot pa muna ni Tita Constancia ang baraso ko. “Gusto mong tulungan ang Papa mo sa problema ng negosyo niya, hindi ba?” Tumango-tango ako sa kaniya. Hindi ako naka-daing nang lumubog ang matutulis niyang kuko sa akin dahil nagsimulang magtambol ang aking puso sa kaba. “Kung ganoon . . . susunod ka,” mariin niyang sambit. Gamit ang hintuturo ay dinuro niya ako. “Susunod ka sa kung anong ipagagawa niya sa’yo mamaya. Nagkakaliwanagan tayo?” “A-ano pong sinasabi niyo?” “Huwag ka nang matanong!” singhal niya. Sapilitan niya akong pinapasok sa isang silid sa pamamagitan ng paghatak niya sa baraso ko. Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ay nag-umpisa akong makarmdam ng panibagong alon ng nerbiyos na hindi ko alam ang dahilan. Bumungad sa amin ang silid na bago lang sa aking paningin. Sa gitna ng mababang lamesa ay ang dalawang pahabang sofa na inuupuan ng tatlong mga lalaking naka-suot ng business attire. Sa hitsura nila ay nahuhulaan kong kasing edad lamang sila ng ama ko. They are laughing and enjoying their alcholic beverages, but they stopped when our presence caught their attention. Natigilan sila. Ang mga mata nila ay tila napako sa akin at nahalata kong pinasadahan nila ako ng malalaswang titig. Napawi lang iyon nang kunin ng stepmom ko ang atensiyon nila. “I bet you are busy, Mr. Ingente. May ipakikilala sana ako sa’yo,” ani Tita Constancia. “T-tita . . .” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mariin niyang pisilin ang baraso ko. Tumayo ang isa sa mga kalalakihan.Iyon siguro si Mr. Ingente. Namumuti na ang buhok nito, maging ang kaniyang balbas kaya naman lalong naging halata ang tumatandang edad. Gayunpaman ay napanatili pa nito ang malaki niyang pangangatawan. Ang sunod niyang ginawa ay pinaalis nito ang dalawang lalaking kanina lang ay kausap at katuwaan niya. Naka-alis man ang mga ito ngunit hindi no’n nabawasanan ang panginginig ng aking mga tuhod dahil sa nararamdamang takot. Napa-atras ako nang humakbang si Mr. Ingente palapit sa akin at tuluyan akong napa-igtad nang dumapo ang likod ng palad niya sa aking pisngi. Muli ay pinasadahan niya ako ng nakakapanaas balahibong tingin. “Siya ba ang inaalok mong babae para maging asawa ng anak ko, Constancia?” Nabigla ako sa narinig. Pinakiramdam ko si Tita at halos sumabog na sa nerbiyos ang puso ko nang sumang-ayon siya sa lalaki. “Hindi nga ako nagkakamali. Magandang dalaga nga ang nag-iisang anak ni Eulogio. Siguradong pasado sa anak ko,” usal ni Mr. Ingente. Iniwas ko ang aking mukha nang tangka niya muli haplusin ang pisngi ko. “Pero sa tingin ko ay dapat ko muna siyang makikila nang mabuti, tama ba ako?” Tumawa si Tita. “Sure.You can have her all night, Mr. Ingente. Basta’t isasauli mo lamang sa akin bukas ng umaga.” “Makakaasa ka. Para saan pa ang pagiging magkakampi natin sa negosyo. Akon a ang bahala sa lahat.” Hindi man malinaw sa akin ang lahat ng nangyayari ay kinukutuban akong hindi maganda ito. Ayaw ko rito. Gusto ko nang umuwi. Kung ang bagay na ito ang nais nilang gawin ko upang makatulong, I refuse to help. Hindi ito ang bagay na gusto ko. Hindi ako magpapakasal sa anak ng lalaking ito at lalong hindi ko ibibigay ang aking sarili kapalit ng malaking halaga ng pera. Ikinuyom ko ang aking mga kamay upang mag-ipon ng lakas. Buong puwersa akong nagpumiglas at hindi ko na inintindi pa ang nagsugat-sugat kong baraso. Naging mabilis ang pangyayari at nang sandaling hindi ko na maramdaman ang mga kuko ng stepmom ay hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas ng silid at wala sa sariling tumakas sa lugar na iyon. Panay ang buhos ng luha ko habang tinatahak ko ang madilim na daan. Hindi ko ramdam ang hingal, ang lamig at hindi ko rin maramdaman ang mga sugat na natatamo ko sa tuwing madadapa ako. Ang tanging nasa isip ko lamang ay kung paano makakalayo habang ang puso ko ay nag-uumapaw sa takot. Nakarating ako sa isang convenience store kung saan pailan-ilan na lamang ang dumarating na mga customer. Nakitawag ako roon. Nang sagutin ni Nanang Precy ay paghagulhol ko na naman ang narinig niya. “Nanang . . . Nanang, t-tulungan niyo po ako,” paulit-ulit kong hikbi. “Hindi ko na kaya. Ayaw ko na po. Suko na po ako.” Sa mga sandaling iyon ay nawalan ako ng pakialam sa paligid ko. Ramdam ko na ang pamamaga ng ibaba ng aking mga mata dahil sa pamumugto ng mga ito. Nahihirapan na rin akong huminga. Pagod na pagod na ako. Kung haharap siguro ako sa salamin ay lalo ko lang kahahabagan ang aking sarili. Ano bang naging kasalanan ko? Ano bang nagawa kong mali sa kanila para maranasan ko ang lahat ng ito? At bakit sa tuwing masasaktan ako ay pag-iyak lamang ang tanging nagagawa ko? Tama nga siguro sila, wala akong laban dahil mahina ako. Hinintay ko si Nanang Precy at dumating siya na bitbit ang ilan sa mga gamit ko. Matapos niyang makita ang kalagayan ko ay kinuha niya kaagad ang aking kamay at inipit doon ang isang papel at lilibuhing pera. “Makinig ka, Chaine.” Sinapo niya ang mukha ko at tinuyo ang aking luha. “May malayong kamag-anak ako sa probinsiya. Kakausapin ko sila bukas na bukas, tutulungan ka nila.” “Nanang Precy.” “Mas mabuti na malayo ka muna sa kanila, Chaine. Nangako ako noon sa ama mo na hinding hindi kita pababayaan at wala na akong ibang maisip pang paraan kundi ang ilayo ka sa kanila.” “P-paano po ikaw? Paano po si Papa?” Pumikit si Nanang Precy at niyakap ako. “Huwag mo akong isipin, hija. Ako na ang bahala sa Papa mo, basta’t ipangako mong hindi mo pababayaan ang sarili mo sa Sera Nueva. Mag-iingat ka, anak.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD