Prologue

2317 Words
“INAAMIN mo ngayong ikaw ang may kagagawan ng lahat! Siguro ay inisip mong hindi ko malalaman ang lahat ng kabaliwang ginawa mo!” Hinawi ko ang nakalugay kong buhok matapos kong makatanggap ng isang malakas na sampal mula sa ginang na itinuring ko noon na tunay na ina. Naikuyom ko ang aking mga kamay nang kumalat ang sakit sa kaliwang bahagi ng aking pisngi. Iyon din ang naging dahilan upang ipaling kong saglit ang aking paningin sa berde at maninipis na damo ng malawak na hardin ng mansyon kung saan kami naroroon. Kaagad naman akong nakatanggap ng mahinahong pag-aalo mula sa aking isang kasambahay. “Akala mo ba ay basta-basta mo na lamang ako mapababagsak nang ganito?! Kung ganoon, nagkakamali ka! Babagsak kang muli, Chaine! Babagsak ka!” Mariin kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng aking mahigpit na pagtitimpi sa ginang. Nang ibalik ko ang aking paningin sa kaniya ay bakas na bakas sa kaniyang nagngangalit na mukha ang nagpupumiyos nitong poot habang pilit niya akong dinuduro. Hawak pa rin ng personal driver namin na si Mang Vergilio ang magkabila nitong siko upang pigilang makalapit muli sa akin. Gayunpaman, patuloy ito sa pagpalag na para bang hindi siya mapapalagay kung hindi niya ako muling masasampal. Ako na rin ang nahihiya sa aking sarili na ang babaeng ito ay minsang kong itinuring na totoong ina, sapagkat kabaligtaran niyon ang isinukli niya sa akin. “Kung ang lahat ng ito ay nang dahil sa pagkamatay ng unitil at uto-uto mong ama, nagsasayang ka lamang ng oras dahil mas masahol pa siya sa akin!” Bagot kong pinagmasdan ang ginang habang hindi ko mahulaan kung saang parte ng isip niya nakukuha ang mga paratang niyang iyon gayong pareho naming alam ang ginawa niya matapos niyang makuha ang lahat ng pera at ari-arian ng Papa. Pinagkrus ko ang aking mga baraso at pinakatitigan siya nang maigi. “Four years ago,” mahina ngunit matatag na usal ko. “You killed him.” Napanood ko kung paano mabilis na nagbago ang emosyon niya nang sambitin ko ang katotohanang iyon. Ngunit ilang sandali lamang ay narinig ko ang malakas niyang pagtawa na sinabayan niya pa ng pag-iling. Muli siyang pumalag. Sa pagkakataong ito ay sinenyasan ko na si Mang Vergilio na bitawan ang ginang. “Sandali nga, hija.” Pinagkrus nito ang kaniyang mga baraso at muli akong pinukol ng masamang titig. “Hindi ba’t ikaw itong iniwan siya? Hindi ba ikaw ’yong umalis para lang masunod ang layaw? Iniwan mo ang ama mo para sa sariling mong kaligayan.” “Kailanman ay hindi ko pinili ang sarili ko,” mariin kong wika. She laughed again. “You left your sick father! Iniwan mo siya! Ikaw ang pumatay sa kaniya!” Maagap muli siyang pinigilan ng driver nang magtangka itong sugurin ako. I didn’t make any move. Ni ang paghakbang paatras ay hindi ko na kinailangan pang gawin. Masasabi kong malaki ang aking pinagbago magmula ng mamulat ako kalupitan ng mundo, maging ng mga taong nasa paligid ko. Matagal nang nawala sa dibdib ko ang malaking takot, at ang galit na kinimkim ko na lamang sa loob ng mahabang panahon ang natitira sa akin. Malinaw na malinaw pa sa akin hanggang ngayon ang mga pagkakataong tinrato nila akong parang isang napakaruming tao. Sariwa pa sa aking isip kung paano nila ako pagsalitaan at pahirapan noon habang pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng aking mga luha upang kung sakali mang magising sa malalim na pagkakatulog si Papa ay hindi niya malalamang umiyak ako. Wala akong ibang inisip noon kung paano ko maitatawid ang aming buhay sa kamay nila. Labis-labis ang dinamdam kong takot, pagod at sakit. Sila ang dahilan kung bakit napuno ako ng galit. Matapang akong humakbang palapit sa ginang. Kung inaakala niyang matitinag ako sa kaniyang sinabi ay nagkakamali siya dahil ibang tao na ang kaharap niya ngayon. Hindi na ako ’yong babaeng nagsunod-sunuran sa kanila, hindi na ako ’yong babaeng mahina at lalampa-lampa sa buhay. “You . . . killed . . . me,” I stated firmly. “And this woman you ruined will do everything to turn you down. You will suffer, Constancia. Mas higit pa sa ipinaranas ninyo sa akin noon.” “Sa tingin mo ba ay makukuha kang ipagmalaki ng ama mong umuna na sa impyerno?” Napangisi ako. “Then tell him that I’m doing well here when you see him there.” Mahina akong tumawa nang hindi siya naka-imik siya akin na para bang ang pagpipigil na lang ng galit ang kaya niyang gawin ngayon. Bumaba ang paningin ko sa bitbit niyang brown envelope. Sigurado akong iyon ang mga dokumentong nais niyang gawing banta laban sa akin. Sapilitan kong inagaw iyon mula sa kaniya. Walang pag-aalinlangan kong binuksan iyon at napabuntonghininga na lamang ako nang isa-isa kong tignan ang mga papeles kasama ng ilang mga litrato. Ito ba ang sa tingin niyang ikababagsak ko? Humakbang hakbang ako. “Bankrupcy, taxes, debts, illegal gambling, alin po roon ang gusto ninyong unahin kong ilabas, mom?” Bahagya akong lumayo sa kanila upang lumapit sa isang burn barrel kung saan may nakaabang na apoy. Nang lingunin ko muli ang ginang ay roon siya nag-umpisang pumalahaw at magmakaawa. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang nagpakababa. Hindi siya napigilan ni Mang Vergilio na lumuhod sa maninipis na damo. “Alam kong hindi naging maganda ang naging nakaraan natin, Chaine. Handa ako, handa akong ilihim ang lahat ng sinasabi ng mga dokumento at mga larawang iyan basta’t ibalik mo lang sa akin ang lahat.” Muli ko siyang nilapitan at tumayo sa harapan niya. Labis na nakatulong sa akin ang mataas na takong ng suot kong sapatos upang makaramdam ng sapat na lakas ng loob. May paggalang akong nagtanong, “Paano ko naman po malalamang tutupad kayo?” Nag-angat siya ng tingin. “You . . . you can have the half of our company.” “Your company?” ulit ko pa. Ang kasunod niyon ay ang desperada at sunod-sunod niyang pagtango. I breathed. “I want it whole. Surrender it all to me.” “But . . . you c-can’t.” Muli akong napangisi at dismayadong napailing. Kukunin ko ang sa akin. Babawiin ko ang lahat ng nawala sa amin ni Papa. “You said I killed my father?” Bahagya akong yumukod sa kaniya. “Shall I kill you too, then?” bulong ko. I stood straight to watch how she shivers. Muli akong lumapit sa burn barrel at bago ko inihulog sa apoy ang mga hawak kong papeles at mga larawan ay iwinagayway ko muna iyon sa ere. Ubos na ako. Wala ng natitira pang awa at konsensiya sa akin. Inubos nila ako at hindi ako magsasawang panoorin silang naghihirap. Paulit-ulit ko silang babalikan. Pahihirapan ko sila! Hindi ko sila titigilan! “Ilabas niyo na ‘yan,” utos ko sa mga kadarating lang na iba pang security ng bahay. “Kung magpumilit pa ring pumasok at manggulo, huwag na kayong magdalawang isip na saktan.” “Wala ka talagang utang na loob! Katulad na katulad ka ng ama mo. Maaari mo ngang masira ako; kami ng mga anak ko pero mananatili ka pa ring talunan. Nasa ibaba ka pa rin , Chaine. Isa ka pa ring sunud-sunuran!” Hindi ko na pinakinggan pa ang mga galit na sigaw ng ginang sa akin matapos kong talikuran sila. Wala na siguro akong panahon para magsayang pa ng mahabang oras sa pakikinig ng walang halagang sinasabi niya. Higit sa lahat ay wala ng puwang sa akin upang makaramdam ng konsensiya. At kung inaakala nilang hanggang dito lang ang kaya kong gawin ay tunay na nagkakamali sila. Ibabalik ko ang lahat ng pagpapahirap na ginawa nila sa akin noon. Hindi pa ito ang katapusan. Nagsisimula pa lamang ako. Sa paglalakad ko papasok ng mansyon ay nasaksihan ko ang nagmamadaling paghakbang ni Nanang Precy upang salubungin ako. Nasa kaniyang mga mata ang pagka-taranta, habang ang numinipis niyang kilay ay nag-aalala. Sa kabila ng nanariwang galit sa aking dibdib ay nakuha ko pa ring ngumiti sa kaniya. “Napaliguan niyo na po ba si Matti?” salubong kong tanong. “Kung marami pa po kayong tinatrabaho sa kitchen, ako na lang po ang magpapaligo sa bata,” alok ko pa ngunit hindi nawala ang nababagabag niyang ekspresyon. “Hija,” mahinang usal niya kasabay ng paglingon niya sa loob. “Bukod sa hindi ko pa napaliliguan ang anak mo, ay hindi ko rin siya mailabas mula sa silid niya.” “Ayaw na naman po bang kumain?” Umiling siya. “Iyong k-kasing lalaking nagpunta rito kamakailan. Iyong si Sir Matthias ay nasa loob ng opisina mo, hija. Nag-aalala ako na baka biglang lumabas ang bata at . . .” “A-ano po?” Pinanginigan ako ng laman at tarantang napakurap-kurap. Kaagad kong inihakbang ang aking mga paa papasok sa loob upang tunguhin ang silid ng anak ko habang patuloy akong binabagsakan ng nerbyos at kaba. Sumunod sa akin si Nanang Precy habang may kung ano siyang ipinapaliwanag sa akin ngunit hindi ko na nagawa pa iyong intindihin. “Pagpasensiyahan mo na si Rina kung hindi niya alam ang bilin mong huwag papasukin ang lalaki. Hindi rin kasi namin nasabihan.” Dumiretso na ako sa second floor upang silipin si Matti. Nang makita ko siyang pirmis na nanonood ng palabas na cartoon ay nakahinga ako nang maluwag. He’s sitting on the floor. Namalayan niya ang presensiya ko kaya’t napalingon siya sa gawi ko. Biglang lumambot ang puso ko nang gawaran niya ako ng malambing na mga ngiti. “Good morning, Mommy!” Inalok ko kaagad siya ng isang yakap. Mas lalong natuwa ang puso ko nang tumakbo siyang palapit sa akin upang tanggapin ang inaalok ko sa kaniya. “How’s my baby’s sleep?” I asked and kissed his little nose. Ngumuso siya at naningkit ang mga mata niyang parating na nangungusap. “Mas soft po ang bed ko ngayon kaysa sa bed ni Tita Alish. I love it po but you’re not beside me.” “You said that you’re a big boy na. Gusto mo pang katabi si Mommy?” Natawa ako nang hindi kaagad siya nakaisip ng irarason sa aking sinabi kaya naman pinagpantay ko na nang tuluyan ang aming paningin upang hagkan siya sa noo. Suot niya pa ang damit na pinangtulog niya at mukhang kagigising lamang. Masuyo kong inayos ang malago na niyang buhok at pinakatitigan ang kabuuan ng kaniyang mukha. “Behave ka muna rito sa room mo, okay? May kakausapin lang si Mommy sa ibaba. After niyon, sabay tayong magb-breakfast.” Tumango-tango siya sa akin at muli akong nilambing ng kaniyang mainit na yakap. Bumulong pa siya sa akin ng ‘I love you, Mommy’ kaya naman bilang ganti ay ganoon din ang sinabi ko sa kaniya bago ko siya iwan sa kaniyang silid kasama si Nanang Precy. I thanked the Almighty for blessing me a child who never failed to soften my heart. Siya ang lakas ko sa bawat laban ko. Siya ang gamot ko lason ng pighating naranasan ko. Siya rin ang pahinga ko nakakapagod na buhay. Siya ang lahat sa akin. Kaya hindi ko kakayanin kung sakaling mawala siya sa akin. Matapos kong bilinan si Nanang Precy na huwag munang palabasin si Matti ay bumaba na ako mula sa second floor upang tumungo sa aking opisina. Hindi ako makapaniwalang muli na naman siyang nakaapak sa pamamahay ko. Wala akong ideya kung ano ang ginagawa niya rito. Nahihirapan akong tanggapin na narito siya; ang taong minsan kong pinag-alayan ng buhay ko; ang ama ng anak ko. Anong ginagawa ni Matthias dito? Nang buksan ko ang pinto ng opisina ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa ngunit nang marinig niya ang pagbukas at pagsarado no’n ay napalingon siya at mabilis na napatayo. Iniwasan man kaagad siya ng aking mga mata ngunit hindi nakatakas sa mga ito ang tikas ng tindig niya. At kahit na simpleng polo shirt lang ang suot niya ngayon ay napanatili niya pa rin ang intimidasyon ng kaniyang presensiya. I sighed hideously and cleared my throat to break the silence. “Bibisita ka pala. Hindi ka nagpasabi. Have a seat,” I said in a monotonous tone. Dumiretso ako sa aking table at naupo sa aking swivel chair. “If you are not aware, masyado akong busy para pag-laanan ka ng mahabang time. So, if you need something, spill it. What can I do for you, Mr. Montuarte?” “Have a serious conversation with me, Mrs. Montuarte,” aniya. Nagtagis ang panga ko sa narinig ko mula sa kaniya. Kusang kumuyom ang aking mga kamay kasabay nang pag-angat ko ng aking paningin. Doon ay nasalubong ko ang mga mata niyang malamig ngunit animo’y maraming sinasabi na para bang hinahanapan ako nito ng mahabang paliwanag. Blanko ang ekspresyon niya ngunit may kakaibang emosyon siyang ipinararating sa akin. Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. Isinabay ko roon ang pagdamdam ng panibagong alon ng aking pagtitimpi. “What do you want?” seryoso kong tanong. Dumilim ang kaniyang paraan ng pagtingin sa akin. “Hanggang kailan mo balak itago? Kailan mo sasabihin sa akin na may anak tayo?” “W-what?” “I want a joint custody. I want us to parent our son. Tayong dalawa,” mariin niyang paglilinaw. Nanlamig ang aking mga kamay habang hindi ko maalis ang aking paningin sa kaniyang mga matang punong puno ng panunumbat. Hindi ako naka-imik hanggang sa unti-unting naging malinaw sa akin kung ano ang bagay na gusto at hinihingi niya. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kaniya. Alam na niya. Nalaman niya. Alam na niyang may anak kami. At sa kabila ng ginawa niya sa akin noon, he want a joint custody? Hindi. Hindi ako papayag. Hindi ko ibibigay ang gusto niya. Sunod kong gagantihan ang pamilya niya. Isusunod ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD