Oplan

1398 Words
“Hand me your resignation and I will send you somewhere that is far from my father’s reach…” Iyon kaagad ang unang mga salitang nasabi ko kay Mitchy pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina kinabukasan matapos ang naging pag-uusap namin ni Daddy. Paano nga naman ay halos hindi yata ako nakatulog buong magdamag sa kakaisip sa sinabi n’ya. I feel like I will be facing hell real soon if I don't introduce Liam to him! Pakiramdam ko rin ay nalalapit na ang katapusan ko sa mundo kaya ito ako at daig pa ang taong may taning na ang buhay na naghahabilin sa taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos. “Ma’am?” litong tanong naman ni Mitchy habang pinapanood akong parang pinagbagsakan ng langit habang umuupo sa swivel chair ko. Pumipintig ang sentido ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa puyat sa buong magdamag. At sino ba naman ang makakatulog ng maayos kung imposible pa sa salitang imposible ang mga pinagsasabi ko kay Daddy? At ano na ngang sinabi ko sa kanya? Na boyfriend ko si Liam?! Boyfriend my super sexy and hot @ss! Ni hindi nga alam ng Liam na ‘yon na may isang ubod ng gandang nilalang na nag-eexist at lihim na pumapantasya sa kanya! Kaya paano ko s’yang dadalhin at ipapakilalang boyfriend ko sa loob lang ng isang linggong palugit na binigay ni Daddy sa akin? Just how the hell should I continue living like this for the next week?! “Kukuhanan ba kita ng pagkain sa baba? Mukhang nalipasan ka na naman yata ng gutom–” Agad na napatigil sa pagsasalita si Mitchy nang titigan ko s’ya ng makahulugan. Napangiwi s’ya at agad na lumapit at umupo sa harapan ng table ko. “May nangyari ba sa pag-uusap n’yo ni Chairman kagabi?” nakangiwing tanong n’ya at saka tumango-tango nang hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ko. “Mukhang meron nga…” sambit n’ya kaya napasandal ako at tulalang napatingala sa kisame. “I think I will be hitting rock bottom soon, Mitchy,” wala sa sariling sambit ko matapos i-kwento sa kanya ang mga napag-usapan namin ni Daddy kagabi. Agad na napasapo ako sa noo nang maalala ang mga pinagsasabi ko sa kanya. “Gusto ko lang namang itigil na n’ya ang paghahanap ng mapapangasawa ko. Kung bakit naman kasi nabanggit ko pa ang tungkol sa Liam na ‘yon? I mean, gano’n ba s’ya ka-guwapo para mabaliw ako sa harap pa mismo ni Daddy?” hindi makapaniwalang litanya ko sa harapan ni Mitchy. Nakita kong ngumuso s’ya at saglit na nag-isip bago tumango. “Hmmm… Guwapo naman kasi talaga, Ma’am. Kaya hindi kita masisisi d’yan…” komento n’ya na mukhang wala rin sa sarili kaya napatitig ako sa kanya at nagsimulang tumawa. Just how the hell can I laugh right now? Seriously, Siobeh? Are you approaching menopause?! Agad na iwinaksi ko ang kalokohang ‘yon sa isip lalo na ang tungkol sa menopause dahil kahit naman umabot na ako sa edad na trenta na virgin ay pangarap ko pa rin namang matikman ang luto ng Diyos na tinatawag! At pinapangako ko sa sarili ko at sa sampu ng mga tambak na paperworks sa harapan ko! Na hindi ako mawawala sa mundong ito na virgin! Come on! I am even dying to try and experience all the positions written in the book of Kamasutra! Hindi ako pwedeng mamatay na walang nasusubukan kahit iyang legendary missionary position lang na ‘yan! Matapos tumawa ay agad na namang bumalik sa isip ko ang problema ko kay Liam at kay Daddy. Hindi ko na mabilang kung ilang buntonghininga na ang pinakawalan ko sa umagang ‘yon. “Bakit naman kung makapagsalita ka ay para namang hindi mo kayang maging boyfriend ang Liam na ‘yon, Ma’am? Ikaw pa ba?” Panandaliang natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Mitchy kaya napatitig ako sa kanya at ilang beses pang dinigest sa utak ang mga sinabi n’ya. Bakit nga ba naisip ko kaagad na hindi ko kayang maging boyfriend ang Liam na ‘yon? I was about to open my mouth to speak but immediately stopped when I remembered the very short period of time that my Dad gave me. One week? Seriously? Kahit naman ganito kalala ang alindog ko ay mukhang hindi ko kakayaning akitin ang Liam na ‘yon sa loob lang ng isang linggo! “Mitchy, maganda at sexy lang ako pero hindi ako marunong mang gayuma!” nakangiwing sambit ko dahil mukhang sa sobrang lakas ng tiwala n’ya sa alindog ng Boss n’ya ay nakalimutan na n’yang mahigit isang taon na akong walang boyfriend at kahit kiss ay wala na akong practice! Ni hindi ko na nga yata alam kung paano ang humalik ng tama at may kasamang dila! Tsk! Pumalatak si Mitchy matapos marinig ang sinabi ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. “At sino namang nagsabi na kailangan mo ng gayuma, Ma’am? Konting arte, konting pa-cute at konting paawa lang ay makukuha mo na panigurado ang atensyon ng Liam na ‘yon!” sabi n’ya at saka humalukipkip. Tumaas ang kilay ko. “What do you mean by that, Mitchy?” tanong ko nang hindi ko lubos na makuha ang sinasabi n’ya. Tinanggal n’ya ang pagkakahalukipkip ng mga braso n’ya at saka humilig palapit sa table ko kaya curious na pinanood ko s’yang sinenyasan akong lumapit sa kanya. Kunot ang noong inilapit ko ang mukha sa kanya. “Atin-atin lang ‘to, Ma’am pero nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan kong apprentice sa LEF para sumagap ng tsismis tungkol d’yang sa Liam mo…” bulong n’ya at pahapyaw na ikinuwento sa akin ang mga tsismis na nasagap umano n’ya! Manghang napatingin ako sa kanya matapos kong marinig ang lahat ng sinabi n’ya. Hindi ko alam kung mapapataas ang kilay ko o mapapangiwi dahil sa mga nalaman ko tungkol sa Liam na ‘yon. At base sa mga kwento ni Mitchy ay mukhang hindi nga basta-basta ang lalaking ‘yon! Seriously? Sinong matinong babae ang iiwanan ang gano’n ka-hot na lalaki dahil lang sa pagiging workaholic nito? At hindi lang ‘yon! He was engaged and his fiancée had the audacity to break the engagement because Liam’s cousin got her pregnant! Oh boy! That was ouch! Parang gusto ko tuloy hanapin ang babaeng ‘yon at i-check kung gaano kaputi ang kili-kili at singit n’ya para magawa n’ya ang gano’n sa lalaking ilang gabi ko nang pinagpapantasyahan ng palihim! Laglag ang mga balikat na napatingin ako kay Mitchy dahil imbes na magkaroon ako ng confidence na lapitan ang Liam na ‘yon ay mukhang mahihirapan talaga ako dahil sa sakit ng pinagdaanan n’ya sa pag-ibig. At mas ang mas lalong nakakapanlumo ay iyong malaman na iwas na s’ya sa mga babae at masungit sa kahit na sinong lumalapit at nagpapakita ng interes sa kanya, Mukhang nagka-trauma pa yata sa babae ang loko! Umiling ako sa kanya. “Just resign, Mitchy. If I am going down, I am not taking you with me–” “Ma’am naman! Hindi kita iiwanan! Sasama ako kung saan ka dadalhin ni Chairman,” determinadong sabi n’ya kaya agad na naantig ang damdamin ko. She’s been really loyal to me and was even willing to betray my father just to prove her loyalty to me. I can’t let her go down with me. If I can, I am taking all the fall for this. Sunod-sunod na napalunok ako at seryosong tiningnan s’ya. “Do you really believe that I can even get his attention for a week?” tanong ko sa kanya. Nandito na rin lang ako ay bakit hindi ko pa nga naman subukan kung ano ang magagawa ko? Tutal, there is no harm in trying! Especially when trying to seduce someone as hot as Liam! Mitchy’s face lit up when she heard what I said. Sunod-sunod din ang ginawa n’yang pagtango. “Oo naman, Ma’am! Ikaw pa ba?! Lalaki pa rin ang Liam na ‘yan at mukhang… healthy ang sëx life este ang katawan!” pilyang sabi n’ya kaya napangisi ako. Oo nga naman… hindi naman porke brokenhearted ay hindi na titigasan! Tumango-tango ako at hinawakan ang kamay ni Mitchy. “Let’s give it a shot then…” determinadong sambit ko at pinisil ang kamay n’ya. “Oplan Paamuhin si Liam!” bulalas ko at nakangising nakipag-appear kay Mitchy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD