Mission

1910 Words
“Ma’am, may good news at bad news ako sa’yo!” Kakatapos ko lang i-review ang portfolio na sinend ni Gelo sa akin nang pumasok ang secretary kong si Mitchy. As usual ay pinatawag na naman s’ya ni Daddy at ine-expect ko na talagang may bad news s’yang dala lalo na at simula na ng isang linggong palugit sa akin ni Daddy para ipakilala sa kanya si Liam! Na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ang gagawin na pag-approach! Sa halos isang linggo naming pag-stalk sa kanya ni Mitchy ay halos hindi s’ya napipirmi sa opisina n’ya. Daig n’ya pa ang executive sa LEF sa dami ng meetings at events na dinadaluhan! For once, I was tempted to sue my dear friend Gelo because he was overworking his employees! “Spill the bad news first, Mitchy,” balewala na lang na utos ko dahil wala naman na yatang isasama pa sa balita na kailangan kong iharap si Liam sa kanya bago matapos ang linggong ito! Umupo s’ya sa harapan ng table ko at saka bumungisngis pa muna kaya nakataas ang kilay na tiningnan ko s’ya. Anong klaseng bad news ang sasabihin n’ya para matawa s’ya ng ganito? Hindi kaya nauna ng masiraan ng bait si Mitchy kesa sa akin? Nakikisimpatyang bumuntonghininga ako at saka madamdaming inabot ang isang kamay n’ya na nakapatong sa ibabaw ng table ko. “Mitchy, this is not the end of the world. ‘Wag na ‘wag kang mawawalan ng pag-asang mabuhay dahil lang sa nangyayari sa atin ngayon. ‘Wag kang masisiraan ng bait–” Mas lalo s’yang bumungisngis kaya umawang ang bibig ko at mas humigpit ang hawak sa kamay n’ya. “No, Mitchy! You can’t lose your mind without losing your virginity. Mahirap naman na baliw ka na nga pagkatapos ay virgin ka pa–” Ang lakas ng tawa n’ya kaya lalo na akong napamaang sa mukha n’ya. Natatawang umiling s’ya bago sinabi kung ano ang bad news na sinabi n’ya. “Mukhang hindi naniniwala sa’yo si Chairman na maihaharap mo si Liam sa kanya this week, Ma’am,” sabi n’ya kaya kumunot ang noo ko. “Why? What did he say?” nakataas ang kilay na tanong ko. “Nag-set na s’ya ng date para sa dinner date n’yo ni Noah!” ngiting-ngiti at mukhang kilig na kilig na sambit n’ya. Agad na napangiwi ako at saka napasandal sa swivel chair ko. Kahit na ayaw kong isabotahe ang magiging date namin kung sakali ay mukhang mapipilitan pa yata akong gawin ‘yon lalong lalo na kung hindi ko maihaharap si Liam kay Daddy! Well, doon talaga ako babagsak kung sakaling papalpak ang plano kong mapaamo at maiharap ang Liam na ‘yon kay Daddy. He will continue to manipulate my life, especially my love life and he won't stop until he gets to marry me to someone of his liking! At iyon ang hinding hindi ko hahayaang mangyari kaya gagawin ko ang lahat, even the desperate way possible just to make Liam help me get out of this misery! Humarap ako kay Mitchy at saka tinatamad na tinanong ang good news na sinasabi n’ya. “What about the good news?” tanong ko habang binabalikan ang portfolio na binabasa ko kanina. “Hmmm… nasa lobby si Engineer Liam Acosta,” sambit n’ya kaya agad na napatayo ako at hindi makapaniwalang tiningnan si Mitchy. “Lobby?!” hindi makapaniwalang bulalas ko at saka napakurap-kurap. “D-dito sa Axis?!” Halos magkanda utal-utal pa ako sa pagtatanong kaya bumungisngis ulit si Mitchy bago tumango. “Lobby ng restaurant d’yan sa tapat. May appointment s’ya kasama si Architect Sven Dela Torre. Hmmm… narinig ko lang sa apprentice n’ya kaninang inutusan ako ni Chairman sa LEF,” sagot n’ya at nagkibit balikat. Napalunok ako at agad na yumuko para silipin ang oras. It’s almost lunch break at paniguradong luncheon meeting ang appointment nila! “I need to go there too, Mitchy!” determinadong anunsyo ko at saka muling umupo para mabilisang mag-retouch! Tingnan mo nga naman. Kapag hindi hinahanap ay saka naman lumalapit! “Pupunta ka, Ma’am? Anong gagawin mo? Magpapakilala ka ba?” sunod-sunod na tanong n’ya na hindi ko magawang sagutin dahil wala naman talaga akong nakahandang plano para sa araw na ito. This is really unexpected and I don’t think I will have enough time to think about any plan thoroughly! “Bahala na si Batman!” sagot ko at saka tumayo na at pinulot ang bag nang masigurado kong maayos na ang itsura ko. Paglabas ko pa lang sa lobby ng Axis ay natanaw ko na kaagad ang pag-park ng sasakyan ni Liam kaya mabilis ang mga hakbang na nauna na akong pumasok sa restaurant. Nagulat pa ang isang staff doon na makita ako dahil kahit na halos katabi lang ng Axis ang restaurant na ‘to ay hindi naman ako kumakain dito dahil may sarili namang pantry ang Axis. Tumango lang ako at nginitian s’ya nang makitang naglalakad na si Liam papasok sa restaurant. Muntik pa akong mapamura nang makita ang porma n’ya. Malayo pa lang ay parang tinatakasan na ako ng ulirat dahil sa sobrang lakas ng dating n’ya! He was walking confidently with his white polo that was neatly tucked in his black pants. The sleeves of his polo are rolled up to his elbows. Kung pumorma s’ya ay halos pareho s’ya ng porma nina Gelo at Sven pero hindi ko maintindihan kung saan kumukuha ng karisma ang lalaking ‘to! He was also wearing eyeglasses that didn’t even hide his thick brows and typical chinito eyes. Umupo ako sa isang bakanteng mesa na medyo malapit sa glass wall pero hindi ko akalain na dito din s’ya sa side na ‘to didiretso at uupo kaya gano’n na lang ang pag-ayos ko ng upo at patay malisyang itinuon ang tingin sa menu na inabot sa akin ng staff. “I’ll order later,” narinig ko na naman ang baritonong boses n’ya nang maglapag din ng menu ang staff sa table kung saan s’ya umupo. Nakatalikod s’ya sa akin kaya malaya kong natitigan ang likuran n’ya. Kagat ang ibabang labi na pinagmasdan ko s’yang inilalabas ang phone at ilang sandali lang ay may kausap na s’ya sa phone. Pasimpleng tumayo ako at lumipat ng upuan para mas marinig s’ya. “I just got here. Where are you?” narinig kong tanong n’ya sa kausap. Gusto ko na namang mapamura nang marinig ang boses n’ya. Boses pa lang, nagwawala na ang buong kalamnan ko. Paano pa kaya kung kakausapin na n’ya ako mismo?! Shocks! Baka hindi ko kayanin at takasan ako ng virginity ko! “What?!” mukhang iritado nang bulalas n’ya kaya tumaas ang kilay ko at agad na napangiwi. Mukhang hindi lang mukhang suplado ang isang ‘to kundi suplado talaga! “You better get here after an hour, Sven. I won’t sign anything unless you come here and negotiate with that woman,” mariin pero kontroladong pagpapatuloy n’ya at saka hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang mura n’ya nang maibaba ang phone. Ilang sandali pa ay nagtawag na s’ya ng waiter at ibinigay ang order n’ya. “Order ka na, Ma’am?” nawala lang ang atensyon ko kay Liam nang kausapin ako ng waiter na kumuha ng order n’ya. Iyon ang lalaking bumati sa akin kanina kaya ngumiti ako bago nagsalita. “Kung anong order n’ya, gano’n na rin sa akin,” wala sa sariling sambit ko kaya nagtagal pa ang waiter sa tapat ng table ko at napapalingon pa kay Liam bago isinulat ang order ko at tuluyang umalis. “Damn annoying jerk!” Halos mapasapo ako sa dibdib nang marinig ko ang pagmumura ni Liam habang nakatingin sa phone n’ya. Kitang-kita ko ang gigil n’ya habang nagtatype ng kung ano sa phone n’ya. Napapailing ako habang nakatitig sa likuran n’ya. Mukhang hindi talaga ako makakaporma kaagad dahil sa kasungitan ng lalaking ‘to! Mukhang totoo nga ang tsismis na suplado ito at naninigaw ng mga babae! Humalukipkip ako at agad na pinagana ang isip para makaisip ng paraan para kahit papaano ay makuha ko ang atensyon n’ya. This is it, Siobeh! Kailangan na n’yang makilala ngayon ang magiging future bebe n’ya! Kaya naman habang kumakain ako kasabay n’ya ay nakaisip na ako ng paraan para magpapansin sa kanya. Tinitigan ko ang tinidor na hawak ko at saka agad na humanap ng tyempo para sadyaing ihulog ‘yon malapit sa kanya. Nakita kong tumalsik ang tinidor malapit sa paanan n’ya kaya napangisi ako at inayos ang sarili bago tumayo para kuhanin ang tinidor. Nakatayo na ako at nakahawak na sa dibdib at yuyuko na sana para pulutin ang tinidor nang biglang may bumunggo sa likuran ko kaya imbes na mapaupo ako ay napasubsob ako at tumalsik sa kandungan ni Liam! Halos mapapikit ako sa kahihiyan dahil sa lakas ng pagkakabunggo sa akin ay halos tumama na ang ilong ko sa gitna ng mga hita n’ya! Namilog ang mga mata ko nang iangat ang mukha at mapaharap sa zipper ng pantalon n’ya! Unti-unting nag-angat ako ng tingin at agad na nasalubong ang magkasalubong n’yang mga kilay! Oh my God! Hindi ito ang mala-destiny, serendipity, fate at kung anu-ano pang pinapangarap ng mga babae na paraan kung paano nila makikilala ang lalaking nakatadhana para sa kanila! This is somewhat off! At anong itatawag ko sa love story namin, aber? Crash landing in his pants?! Fated to dive in his pants?! Holyshit! “Ma’am? Okay lang po ba kayo?” Kung hindi pa nagsalita ang waiter na nakabangga sa akin ay hindi ko pa tuluyang mapupulot ang kahihiyan ko! Agad na umalis ako sa kandungan n’ya at saka yumuko para pulutin ang lecheng tinidor na sinadya kong ihulog para sana sa oh so damn romantic encounter namin na nabulilyaso dahil sa pesteng waiter na ‘yon! Patay-malisyang tumayo ako at inayos pa ang buhok bago sinalubong ang tingin ni Liam. “I dropped my fork so I came to pick it up,” sabi ko na hindi ko alam kung paano ko pa nagawang sabihin ng diretso at walang kahihiyang nararamdaman! “I’m sorry if I hit… something…” sabi ko at tinapunan pa ng tingin ang gitna ng mga hita n’ya. Hindi ko na hinintay na magsalita pa s’ya at agad na tinalikuran na s’ya para kuhanin ang bag ko at agad na kumuha ng cash para ibaba sa table at saka tuloy-tuloy na naglakad palabas sa restaurant. Agad na napatigil ako nang may maalala. Kagat ang ibabang labi na huminga ako ng malalim at pumihit pabalik sa table ni Liam nang maalala ko ang dahilan ng pagpunta ko dito ngayon! Kitang-kita ko ang pagbagal ng pangnguya n’ya habang pinapanood akong lumalapit sa table n’ya. Patay malisyang nagkalutkot ako sa bag ko bago ibinalik ang tingin sa kanya. “I am not the type who would run away from my responsibilities,” nakataas ang kilay na sambit ko habang sinasalubong ang titig n’ya. Kunot na kunot ang noo n’ya habang nakatingin sa akin na halos wala yatang idea sa kung anong pinagsasabi ko! “Here,” dagdag ko pa at binaba ang calling card ko sa ibabaw ng table n’ya. “Call me if something happens to your… future…” sambit ko na tinapunan pa ng tingin ang gitna ng mga hita n’ya. Hindi ko na hinintay na magsalita pa s’ya. I confidently walked outside the restaurant while flipping my hair! Mission accomplished!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD