See You

1597 Words
Halos sumakit na ang tiyan ni Mitchy nang matapos kong ikwento ang nangyari sa amin ni Liam sa restaurant d’yan sa tapat. Kung kaninang kaharap ko si Liam ay nag-uumapaw ang self-confidence ko, ngayong malinaw na ulit ang isip ko ay para na akong mahihimatay sa sobrang kahihiyan na nararamdaman! Sa dinami rami ba naman ng magiging palusot ay bakit ‘yon pa ang naisip ko? Parang gusto ko na tuloy na pumunta sa pinakamalapit na site at maghukay na mismo ng libingan ko! “Hindi kaya napag-isipan na ako na baliw ng lalaking ‘yon?” tanong ko pa kay Mitchy na kasalukuyang nagpupunas ng gilid ng mga mata dahil halos maluha na sa kakatawa! Napangiwi ako at hindi na naman naiwasang balikan sa isip ang nangyari kani-kanina lang. Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng kahihiyan na nararamdaman ko ay hindi maalis ang kilig ko dahil kahit papaano ay nagkaroon kami ng eye contacts ng Liam na ‘yon! Napangiti ako at agad na napailing. Nag-iinit ng todo ang buong mukha ko kapag naaalala ko ang mga mata n’yang kahit na sobrang suplado kung makatingin ay sobrang ganda at nakakatunaw kung tumitig! I feel like his eyes can express a lot of emotions. Kaya kahit na hindi man lang s’ya nagsalita at kinausap ako kanina ay pakiramdam ko nakausap ko na rin s’ya! “Pag-iisipan ka ba n’ya kung ganyan ka kaganda, Ma’am?” Natigil lang ako sa pag-iisip kay Liam nang muling magsalita si Mitchy. Nakasandal na humalukipkip ako sa swivel chair at saka nakangiwing tiningnan s’ya. “Mukhang hindi ‘yon tatawag dahil hindi ko naman talaga nasaktan ‘yung ano n’ya,” sabi ko kaya tumawa na naman s’ya. Natatawa pa rin s’ya nang ibigay sa akin ang schedule ko para bukas. Nang makita ko ‘yon ay parang bigla tuloy akong tinamad na pumunta sa LEF bukas para sa meeting namin ni Gelo. Agad na natigilan ako nang maalala si Gelo. Him and Liam are friends and there’s a possibility that Liam would ask about me! Agad na umiling ako at inalis ang posibilidad na ‘yon sa isip. Ni hindi ko nga alam kung tiningnan man lang o binasa ba ng lalaking ‘yon ang calling card na inilapag ko! Relax, Siobeh! Everything is under control! Kinabukasan ay hindi tuloy ako mapakali nang papunta na sa LEF dahil nagbabakasakaling makakasalubong doon si Liam. “Sinong hinahanap mo, Ma’am?” tanong ni Mitchy na mukhang napansin ang paglinga ko sa paligid. Ngumuso ako at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Nang hindi ako sumagot ay mukhang naintindihan n’ya kaagad. “Si Liam?” parang nanunukso n’ya pang tanong kaya hindi ulit ako nakapagsalita. Tumawa s’ya at pumindot sa elevator nang nasa tapat na kami. “Wala naman s’ya ngayon dito,” sambit n’ya kaya napatingin na ako sa kanya at tumaas ang kilay. Tumunog ang elevator at bumukas kaya nang nasa loob na kami ay saka pa lang s’ya nagsalita at nagpaliwanag. “Did you check on his schedule?” tanong ko. Tumango s’ya bago nagpaliwanag. “Nasa isang site s’ya ngayon kasama si Architect Sven. Alam mo naman, Ma’am, na ka-close ko ‘yung apprentice ni Architect Sven at madalas magreklamo sa kanya ‘yung apprentice ni Engineer Liam dahil sobrang sungit ng Boss n’ya!” paliwanag n’ya. Ngumuso ako at tinuon na ang pansin sa harapan. “Ngayon lang ‘yan masungit dahil hindi n’ya pa ako girlfriend,” kampanteng sagot ko. Kitang-kita ko ang pagyuko ni Mitchy para magpigil ng tawa kaya kinagat ko ang ibabang labi para magpigil din ng tawa. Kung maka-angkin ako sa lalaking ‘yon ay parang kayang-kaya ko s’yang paamuhin pero ang totoo ay kabadong-kabado ako dahil alam kong hindi s’ya basta-bastang lalaki lang! Hindi s’ya iyong tipo ng lalaki na kayang-kaya kong akit-akitin! Feeling ko ay ako ang naaakit sa kanya kahit wala pa s’yang ginagawa! Asar! Ilang sandali lang ay nasa opisina na ako ni Gelo. Bumaba din agad si Mitchy dahil may kailangan s’yang kuhanin sa foundation ng LEF kaya naiwan kami ni Gelo sa opisina n’ya. Naabutan ko s’yang nakatitig sa phone at ngiting-ngiti kaya halos lumampas na sa hairline ko ang mga kilay ko sa sobrang taas! Whoa! Is this even real? My dear friend Gelo is smiling like an idiot while looking at his phone?! Lumakad ako palapit sa table n’ya at saka nakangising ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng table n’ya. “Sa una lang ‘yan masaya…” sambit ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya. He tried to suppress his smile and then cleared his throat. Umayos s’ya ng upo at saka pormal na pormal na naman na hinarap ako. Tumaas ang kilay ko. Alam kong hindi n’ya pa nakakalimutan ang sadya kong pagpunta sa bistro noong nakaraan para lang makasilay kay Liam! “Shall we start?” pormal pa rin na tanong n’ya habang nilalabas ang portfolio ng project na gagawin ko kasama s’ya. “You look in love. Are you seeing someone already?” pag-iiba ko sa usapan kaya nakita kong nagsalubong ang mga kilay n’ya at napatingin sa akin. “We’re here to talk about our project, Siob. I told you to stop–” “Stop mixing business with pleasure?” nakataas ang kilay na dugtong ko sa madalas n’yang sabihin sa akin kaya lumuwang ang ngisi ko nang makitang nanliit ang mga mata n’ya. “Were you the one who’s doing that right now, Engineer Kier Angelo “in love” Lopez?” nakangising pang-aasar ko dahil hindi naman ako pumunta dito na walang baon na bala! Kung gusto kong makuha ang atensyon ng Liam na ‘yon ay dapat unahin ko ang mga kaibigan! And this time, my target is Gelo! “I don’t know what you are talking about, Siob,” kunot ang noong sabi n’ya kaya lalo akong ngumisi. I knocked on top of his table and leaned a bit closer to him. “You’re planning to hire someone as your apprentice without your Dad knowing?” sambit ko at kitang-kita ko ang mumunting gulat sa mukha n’ya kaya agad na pinigilan ko ang sariling mapangisi! Gotcha, baby! Naging malikot ang mga mata n’ya kaya gusto kong mapangisi lalo! He couldn’t contain his emotion and it’s his weakness! At ito ang gusto ko kay Gelo dahil kapag buking na s’ya ay hindi na s’ya sumusubok na magdeny pa! Tumikhim ulit s’ya bago muling nagsalita. “Tell me what you want from me,” sabi n’ya na hindi magawang salubungin ang mga tingin ko! Kulang na lang ay magtatalon na ako sa tuwa dahil alam kong mapapasunod ko na s’ya sa mga gusto ko ngayon! I wanna kiss and hug that girl who got him smitten and whipped! Agad na umayos ako ng upo at magsasalita na sana pero tumunog ang phone n’ya kaya sabay kaming napatingin doon. Nag-angat ng tingin si Gelo sa akin bago sagutin ang tawag. “For a while, Siob. I need to take this call,” paalam n’ya na agad kong tinanguan. “Sure!” sagot ko at saka nakahalukipkip na sumandal sa upuan. “Today?” sabi n’ya sa kausap at saka tumingin sa relo. Bumuntonghininga pa s’ya bago nagsalita ulit. “Sure, Sven. This isn’t the first time that it happened. Tell Liam that I’ll come. I just need to sort things out here in the office,” sabi n’ya at saka tumingin sa akin. Napasinghap ako nang marinig ang pangalan ni Liam. So, he is going to meet them now?! “Alright. See you in a bit,” paalam n’ya bago binaba ang phone at ibinalik ang tingin sa akin. “I’m sorry, Siob. I don’t think I have time to discuss it with you. I need to go to the site to help Liam and Sven–” “Wait!” Agad na tinaas ko ang isang kamay ko at pinatigil s’ya sa pagsasalita. Kunot noong tumingin naman s’ya sa akin. “I want to go there too,” wala ng paligoy-ligoy na sambit ko. Tinagilid n’ya ang ulo n’ya at mukhang hindi pa nakuha ang sinabi ko. “Siob, I am going to the site and help with them because some of the contractors didn’t come to work. Kulang sa tao kaya tutulong kami sa constructions. Wala kang gagawin doon–” “Of course I can help!” agad na prisinta ko. Isipin ko pa lang na makikita kong naka-topless si Liam ay nagugutom na kaagad ako! Este, na-eexcite pala! “You?” hindi makapaniwalang tanong n’ya. Sunod-sunod na tumango ako. “Yes! Me! I can cheer you up!” nakangisi pang sagot ko kaya kitang-kita ko ang unti-unting pagpikit ni Gelo at mukhang nagpipigil pa ng sariling sapuhin ang noo. Napakamot ako sa pisngi. “Siob, this is serious–” “Sige, ikaw din…” nanliliit ang mga matang banta ko nang maalala ang hawak kong bala! Mukhang nakuha naman n’ya agad ang gusto kong mangyari kaya walang nagawang tumango s’ya kaya kulang na lang ay magtumbling na ako dahil sa sobrang excitement! “Let’s go then,” sabi n’ya pero agad ding nagpaalala. “Please, Siob. Don’t cause any trouble,” paalala n’ya pa kaya umirap ako at hinampas ang braso n’ya. “Ako pa ba?! Gusto ko lang makatulong ‘no!” sagot ko pero kitang-kita ko sa mga mata n’ya na hindi s’ya kumbinsido sa sinabi ko. Kagat ang ibabang labing nagpigil ako ng kilig habang sumusunod sa kanya palabas sa opisina n’ya! See you in a bit, Liam baby!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD