Setting

2181 Words
Pagdating namin ni Gelo sa site ay agad akong nakarecieved ng tawag mula kay Mitchy. Muntik ko pang makalimutan na kasama ko nga pala s’ya sa LEF at siguro ay nagtataka na ‘yon kung bakit bigla akong nawala na hindi man lang nakakapagpaalam sa kanya! “Gelo!” Sven immediately called him. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko nga sina Sven at Liam na parehong may hawak na pala at tumutulong yata sa paghahalo ng mga simento. They are both topless and just wearing their pants and boots! Halos matapos na ang tawag ni Mitchy ay muntik ko pang makalimutang sagutin ‘yon kung hindi lang nagsalita si Gelo na nasa tabi ko. “Aren’t you going to answer that?” paalala n’ya kaya doon ko pa lang naibaba ang tingin ko sa phone mula sa paninitig na ginagawa ko kay Liam na kahit malayo ako ay parang naririnig ko ang sinasabi n’ya sa isang worker na katulong nila sa paghahalo ng simento! Damn that body! Nakakasira ng disposisyon sa buhay! “Ah.. wait lang. It’s my secretary. I forgot to inform her that I am coming here with you,” sabi ko at saka hindi na hinintay ang sasabihin n’ya at sinagot na ang tawag ni Mitchy. Nauna ng maglakad si Gelo palapit sa gawi nina Liam kaya agad na kinausap ko na si Mitchy. “Ma’am!” malakas na bungad n’ya agad nang sagutin ko ang tawag n’ya kaya napangiwi ako at inilayo pa ng konti ang phone mula sa tenga ko. “May balak ka bang basagin ang eardrums ko?” reklamo ko pero bumungisngis lang s’ya sa kabilang linya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Nga pala, nandito ako sa site–” “Alam ko na, Ma’am. Nakita ko kayong lumabas ni Engineer Gelo,” natatawa n’yang pigil sa sinasabi ko. “Goodluck kay Engineer Liam, Ma’am! Siguradong pormal na kayong magiging magkakilala mamaya,” dagdag n’ya pa kaya napapihit ako paharap sa gawi nila at nakita ko ngang pati si Gelo ay nakahubad na rin ng polo at tumutulong na rin sa site. Halos manuyo na ang lalamunan ko nang magawi ang tingin kay Liam na kasalukuyang may buhat na simento sa balikat. Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pag malikmata ko at agad na naimagine na ako ang buhat-buhat n’ya! “Parang ang sarap na lang maging isang sako ng simento ngayon…” wala sa sariling sambit ko at agad na nakalimutang kausap ko pa pala si Mitchy sa kabilang linya. Tawa na s’ya nang tawa at hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ako para pumunta na sa tent na hindi kalayuan sa construction site. Hindi gano’n kainit ang sikat ng araw pero medyo mainit ang klima kaya halos maligo na silang tatlo sa pawis! Paglapit ko sa tent ay may isang lalaking tumakbo palapit sa akin at binigyan ako ng upuan kaya ngumiti lang ako matapos magpasalamat. Liam’s eyes darted on the boy who offered me a seat and then turned his eyes on me. Muntik pa akong mapasinghap nang magtama ang paningin namin at makita ko ang unti-unting pagkunot ng noo n’ya. Of course, I can’t get intimidated by that! Kaya patay-malisyang nagbaba ako ng tingin at saka umupo. I crossed my legs and arms and tried to look in his direction again. Para akong malalaglag sa inuupuan ko nang mahuli ko ang titig n’ya sa mga binti ko! At nang makita n’yang nakatingin ulit ako ay pasupladong nag-iwas s’ya ng tingin at nagpatuloy sa ginagawang paghahalo ng simento. Holyshit! What the hell is this feeling? Ito na ba ‘yung sinasabi nilang butterfly in your stomach?! Gosh! Last mo na ‘yan, Liam! Kung hindi, baka lapain na talaga kita ng di-oras! “That bastard couldn’t stop thinking about his ex. Pati trabaho nadadamay,” narinig kong sambit ni Liam habang isinusumbong yata si Sven kay Gelo. Napaayos ako ng upo at agad na nanlaki ang mga tenga dahil kilala ko kung sino ang ex na sinasabi ni Liam. “Again, Sven?” si Gelo na humarap pa kay Sven. Mas lalo tuloy akong ginanahang makinig sa usapan nila. Kailangan kong makakuha ng information dahil kung hindi ako magtatagumpay sa pambablackmail kay Gelo ay si Sven naman ang isusunod ko! “That’s not true, bastard! May meeting talaga ako. Hindi ako umiiwas lang–” “Talk to your diċk!” mabilis na pambabara ni Liam na binato pa s’ya ng face towel sa mukha. Napakurap-kurap ako nang pumihit si Liam at sinimulang maglakad papunta dito sa tent! Holyshit! Bakit s’ya lalapit dito? Don’t tell me… hindi na s’ya makuntento sa paninitig lang sa mga hita ko at… at gusto na n’yang haplusin? Umayos ako ng upo at pinanood s’yang pormal na pormal ang mukha habang naglalakad palapit dito sa tent. Namilog ang mga mata ko at agad na napasinghap nang tuloy-tuloy na naglakad s’ya palapit sa akin. Hindi na ako kumukurap habang bumabalandra sa harapan ko ang pawisan n’yang katawan! When he stretched his arms, I almost lost my mind! “W-wait–” Napatigil ako sa pagsasalita nang makitang may hawak na s’yang baso nang lumayo sa akin. Holyshit! Akala ko kung ano na! Pasupladong iningusan n’ya ako bago lumapit sa water jug para kumuha ng tubig doon. Hindi ko maalis-alis ang tingin ko sa kanya habang umiinom s’ya ng tubig! Damn those veiny arms! Parang kahit doon na ako matulog sa mga braso n’ya ay ayos na ayos lang! Nagulat pa ako nang magsalita s’ya. Hindi ko namalayang naglalakbay na pala ang mga mata ko sa katawan n’ya! Nahuli n’ya ba ako? “Are you stalking me?” kunot ang noong tanong n’ya kaya tuluyan na akong napamaang sa mukha n’ya. Ilang sandali pa kaming nagkatitigan bago ako nakabawi at saka tumawa ng mahina! “What?” natatawa at balewalang tanong ko. Kahit totoong ini-stalk kita ay hindi ako aamin! Walang aamin! Wala s’yang ebidensya! Wala! Humalukipkip ako at tinitigan s’yang lalong nagsalubong ang mga kilay dahil sa ginawa kong pagtawa. “What are you doing here then?” tanong n’ya at base sa pagkakatanong n’ya ay mukhang naaalala n’ya ang nangyari sa restaurant kahapon! Halos tumaas na ang kilay ko nang maisip na totoo ang naisip kong hindi man lang n’ya tiningnan ang calling card ko! Magsasalita na sana ako pero sabay na lumapit na sa tent sina Sven at Gelo. “What are you doing here, Siob?” tanong ni Sven na agad kumuha rin ng baso sa likuran ko. Kitang-kita ko ang lalong pagkunot ng noo ni Liam. “Do you know her, Sven?” tanong n’ya kaya agad na kinagat ko ang ibabang labi ko para magpigil ng ngisi! Pahiya ka ‘no?! “Of course! She’s–” “I am friends with his ex-girlfriend!” pigil ko sa sasabihin ni Sven at saka nakakalokong ngumisi sa kanya. Nanliit ang mga mata n’ya at nagmura kaya lalo akong napangisi. Gelo shook his head and then introduced me to Liam. “Liam, this is Architect Siobeh Pareñas of Axis,” pakilala ni Gelo at saka tumingin sa akin sa akin. “Siob, he’s Engineer Liam Acosta, senior Engineer of LEF,” dagdag pa ni Gelo kaya napatingin ako kay Liam na mukhang hindi naman nagbago ang pagkakakunot ng noo. Tumayo ako at nakangiting naglahad ng kamay sa kanya. Tumitig lang s’ya sa kamay ko at saka ibinaling ang tingin sa iba. “My hand is dirty,” he reasoned out! Sven laughed and immediately mocked him. Muntik pa n’yang maibuga ang tubig sa bibig n’ya dahil sa kakatawa! May binulong si Sven pero inambaan lang s’ya ni Liam at minura. Tumaas ang kilay ko nang muling masalubong ang tingin ni Liam. “Why are you asking if I know her? Have you seen her before?” usisa ni Sven matapos kumuha ng towel at mapunasan ang katawan. Agad na napatingin ako kay Liam na nakita kong sumulyap din sa akin pero saglit lang at ibinalik din ang tingin kay Sven. “Nope. It’s my first time seeing her,” sagot n’ya kaya kulang na lang ay umawang ang bibig ko dahil sa sobrang diretso ng pagkakasabi n’ya na parang totoong-totoo na ngayon lang kami nagkita! Mas lalo lang tuloy akong naintriga sa kanya at kung bakit kinakailangan n’ya pang itangging hindi pa kami nagkikita! Nang mag-lunch ay hindi pa rin ‘yon mawala sa isip ko kaya panay ang titig ko sa kanya habang kumakain. Hindi tuloy s’ya makasali sa usapan nilang tatlo dahil nacoconscious yata sa mga titig ko! Gusto ko namang mapangisi lalo na nang hindi n’ya naubos ang pagkain n’ya samantalang sina Sven at Gelo ay umulit pa ng kanin! “I’ll just smoke,” narinig kong paalam ni Liam matapos naming kumain ng lunch at nakita kong tumayo s’ya at naglakad malapit sa isang gray BMW. Someone called Sven and he stood up to answer the call. Naiwan kami ni Gelo sa table kaya kitang-kita ko ang pagsunod n’ya ng tingin kay Liam na binubuksan ang sasakyan n’ya. “Liam…” simula n’ya nang ibalik ang tingin sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “He’s off limits, Siob,” pagpapatuloy n’ya kaya lalong tumaas ang kilay ko. “I need him,” lakas loob na sabi ko kaya agad na kumunot ang noo n’ya at mukhang litong-lito sa sinabi ko. Bumuntonghininga ako at nagpasyang sabihin na sa kanya ang dahilan kung bakit kailangan kong i-approach si Liam. “What?” parang hindi pa rin makapaniwalang tanong n’ya nang sabihin ko sa kanya ang plano ko. “You know my Dad’s capabilities, Gelo. Kahit ikaw nga hindi nakaligtas sa kanya,” nakangiwing sabi ko. Natahimik s’ya at mukhang naging malalim pa ang iniisip bago nagsalita ulit. “So, you’re just doing this because you wanna stop your Dad from interfering with your love life? Not because… you like Liam as a man?” seryosong tanong n’ya kaya hindi ako agad nakaimik! Nang salubungin ko ang titig n’ya ay agad na tumango ako kahit na hindi ako sigurado kung iyon lang talaga ang habol ko sa Liam na ‘yon. “Yeah. That’s just it. Kaya tulungan mo akong i-approach s’ya. You can at least do that, right?” sagot ko at seryosong tiningnan s’ya. Mukhang hindi pa s’ya kumbinsido sa sagot ko pero tumango s’ya ng marahan. “I can’t promise anything for now. Liam was kinda hesitant when there’s a woman involved,” tumatangong sambit n’ya. Napasinghap ako dahil mukhang pinag-iisipan n’ya kung tutulungan ako! Umayos ako ng upo at agad na nakaisip ng paraan. “How about you turn over to him our upcoming project?” suggestion ko. Kumunot ang noo n’ya. “You mean the Springfield Paradise Resort?” tanong n’ya na nakuha agad ang sinasabi ko. Sunod-sunod na tumango ako. Umawang ng bahagya ang bibig n’ya pero hindi agad nagsalita. Maya-maya ay hinawi n’ya ang buhok n’ya bago umiling sa akin. “I don’t think Liam can handle that kind of project for now–” “How about this project?!” namimilog ang mga matang tanong ko. Mas lalo s’yang umiling. “But this project is already settled, Siob. The architect who was assigned to this already finalized the designs–” Mabilis na umiling ako at agad na sinabi sa kanya ang mga dapat pang idagdag doon. Noong isang linggo ay pinag-aralan ko ang mga projects na hawak ni Liam at ito ang isa sa mga nakita ko na kulang pa. Walang nagawa si Gelo nang sabihin ko sa kanya ang plano ko para sa additional design ng building. I laid all my best cards and I made sure that he couldn't resist it! “Alright. You got me there,” nakasimangot pang sabi n’ya matapos kong sabihin sa kanya lahat ng infos na dapat n’yang malaman tungkol sa plano kong idagdag sa designs ng building. “I’ll talk to Liam about this,” he added. Kulang na lang ay mapatayo ako sa sobrang saya! Gosh! Isipin ko pa lang na makakasama ko si Liam sa project na ‘to ay naeexcite na ako! Halos sabay na bumalik sina Sven at Liam sa table at natigilan ako nang magsalita si Sven at mangantyaw sa amin ni Gelo. “I heard, your Dad is setting you guys up?” sabi n’ya at nakakalokong tiningnan kami ni Gelo. “Hmm! Congratulations in advance!” dagdag n’ya pa kaya ibig-ibig ko na s’yang hampasin ng phone ko lalo na nang makita kong kumunot ang noo ni Liam habang sumusulyap sa akin at kay Gelo na kagat ang ibabang labi habang tinitingnan ng masama si Sven. “Shut up, you jerk…” sita ni Gelo sa kanya. Nang hindi tumigil sa pang-aasar si Sven ay nanliliit ang mga matang tumayo na ako at saka pasimpleng tinadyakan s’ya nang mapatapat ako sa gawi n’ya. Dumaing s’ya at nagreklamo pero inirapan ko lang ng tingin at saka naglakad palabas sa construction site. Humanda ka sa akin, Sven! Sisiraan talaga kita kay Jen para matigang ka habangbuhay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD