Torture

1103 Words
Nang hapon din na ‘yon ay sumabay ako kay Jen sa pagpunta sa LEF para kausapin si Sven sa plano ko. Of course, nasa daan pa lang ay kalkulado ko na sa isip ang mga sasabihin sa kanya. Syempre! Hindi ako pwedeng humarap sa kanya na wala man lang dalang bala! “Are you sure he’s in his office now?” tanong ko pa kay Jen nang halos magkasunod lang kaming bumaba sa kotse sa parking lot ng LEF. Saglit na sinulyapan n’ya ako at saka pumihit pakanan at itinuro sa akin ang isang kulay black Audi na naka-park doon. Tumaas ang kilay ko at saka napalingon sa BMW na katabi no’n at agad na napangisi dahil nakilala ko kaagad kung kanino ‘yon! So, Liam is also here today, huh? “That’s his car,” paliwanag n’ya kaya napatingin ako sa kanya at agad na ngumisi ng nakakaloko. That car is the latest model of Audi and the fact that she knew that means something. “Alam na alam…” pasimpleng pang-aasar ko. Hindi naman kasi ‘yan ang dating kotse ni Sven kaya hindi ko pa makikilala kung hindi n’ya sinabi sa akin. Nag-iwas s’ya ng tingin at saka tumikhim habang nakatuon ang tingin sa harapan ng elevator. Ilang sandali lang ay bumukas na ‘yon at hindi pa kami agad nakapasok dahil bumungad sa paningin namin ang dalawang babaeng nagtatawanan sa loob. Tumigil sila sa pagtawa nang makita kami ni Jen. Tumaas agad ang kilay ko nang makilala ang dalawang kapwa ko rin mga architects. Joy Arevalo and Lexi Dela Vega. Joy is the girl best friend of Sven and Lexi is the rumored ex-girlfriend of Gelo. Kitang-kita ko ang pagpapalitan nila ng makahulugang tingin nang pumasok kami sa elevator. The lift here in LEF was wide and had enough space for people but it felt cramped now that we’re here with these two two-faced bitċhes! Dahil kitang-kita ko ang ginagawang pasimpleng panunuri ni Joy ng tingin sa likod ni Jen ay nakaisip tuloy ako ng kalokohan. “Mukhang nagkakamabutihan na ulit kayo ng ex mo,” sambit ko na sadyang ipinarinig sa dalawa sa likod namin. Jen’s eyes widened as she turned to me but didn’t say anything because of the presence of the two. Pinigilan kong mapangisi nang makita kong nakatuon na ang tingin nina Joy at Lexi sa akin. Lalo tuloy akong ginanahang pagtripan silang dalawa. “Are you guys getting back together?” namimilog pa ang mga matang tanong ko at sinadyang i-exaggerate ang pagkakasabi para lalong pagtripan ang dalawang halatang hindi mapakali sa likod! Tsk! Sa ilang taon kong pagpunta-punta sa LEF ay hindi nakaligtas sa akin ang mga issues tungkol sa kanilang dalawa. I know that Joy has a thing for her best friend Sven and I know that she’s partly the reason why Sven and Jen called off their wedding! At ito namang intrimitida na si Lexi ay obvious na obvious ang pagkagusto kay Gelo at feeling girlfriend porke nasa England si Gelo dati. Tsk! Bumabakod din naman ako kay Liam pero sa isip lang! “Excuse me?” Napalingon ako sa likod nang hindi na nakatiis si Joy at mukhang magtatanong na sa akin. “Yes?” nakangisi ko pang sagot. Umayos s’ya ng tayo bago nagsimulang magtanong. “Were you talking about her and… and Sven?!” parang hindi pa makapaniwalang usisa n’ya. Pigil na pigil ang ngisi ko dahil halos mamula na ang mukha n’ya sa iritasyon samantalang wala naman akong binanggit na pangalan. “Uhm…” I purposely delayed it while looking at the lift’s hall indicator. Nakangising nagbilang ako sa isip. 3… 2… 1… Tumunog ang elevator sa floor kung saan ang opisina ni Sven kaya agad na nilingon ko si Joy na mukhang naghihintay talaga sa isasagot ko. “Oops! Time’s up…” nakangiwing sambit ko sa kanya at hindi na pinansin ang pagmumura n’ya ng mahina at agad na hinila ang kamay ni Jen para lalong mamatay ang Joy na ‘yon sa curiosity at kakaisip! Don’t dare mess up with my friend, bitċh! I can always mentally torture you! Bumungisngis ako nang naiiritang binitawan ni Jen ang kamay ko. “Why did you say that, Siob?!” reklamo n’ya at agad na napatingin sa paligid. “And you even dragged me here!” dagdag n’ya pa dahil sa susunod na floor pa sana ang baba n’ya dahil nandoon ang office n’ya. “Of course, I did that to teach that bitċh a lesson. Kitang-kita mo naman kung paanong nataranta ang bruhang ‘yon nung bumaba tayo dito sa floor ng office ni Sven!” sagot ko at mas lalong bumungisngis. “Siob, ayoko ng ma-issue ulit–” “Ako gusto kong ma-issue kayo ulit!” nakangising pambabara ko sa kanya at saka tinulak na s’ya papasok sa elevator nang bumukas ulit ‘yon sa harapan namin. “Sakay na. Baka isipin kong gusto mo pang sumama sa akin sa office ni Sven?” nang-aasar pa rin na sambit ko. Nakasimangot na sumakay s’ya. “Bye!” paalam ko. Ngumuso s’ya at mas lalong sumimangot kaya lalo akong napangisi. “Kakausapin ko lang si Sven, huh? Baka naman magselos ka pa d’yan!” nakangising pang-aasar ko pa. Kitang-kita ko pa ang iritadong pag-ingos n’ya sa akin bago tuluyang sumara ang elevator. Natatawang naglakad ako palapit sa opisina ni Sven nang biglang bumukas ang elevator at iniluwa si Liam kasunod ang isang babae na mukhang apprentice n’ya. His typical chinito and suplado eyes immediately darted on me. Napatigil ako sa gagawing pagkatok sana sa opisina ni Sven at saka umayos ng tayo at hinarap s’ya. “Hi–” “Don’t forget to confirm the supplier about the delivery date,” narinig ko pa ang mariin n’yang paalala sa apprentice na nakabuntot sa kanya at hindi man lang pinansin ang pagbati ko at tuloy-tuloy na pumasok na sa opisina n’ya. Nakataas ang kilay na sinilip ko pa s’ya sa glass door ng opisina n’ya na agad n’yang binaba ang blinds nang mapansing nakasunod pa rin ako ng tingin sa kanya! “Whoa! This is the first time that I ever witnessed menopausal syndrome in a guy!” nakangiwi at naiiling na sambit ko bago itinuloy ang planong pagkatok sa opisina ni Sven. “Come in!” Nakangising pumasok ako sa opisina n’ya at agad kong nakita ang pagkunot ng noo n’ya at pag-ayos sa salamin na suot nang makita ako. Hmm… sorry na agad kung busy ka, Sven. I need to torture your mind a little today just to get in your friend’s way! Hihi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD