Future

1590 Words
“Busy ka?” tanong ko agad na lalong ikinakunot ng noo ni Sven. He stretched his arms and alternately massaged both of his shoulders. He was acting exhausted but he didn’t seem like one! Hindi ko rin talaga masisi si Jen kung bakit hanggang ngayon ay nagkakandarapa pa rin s’ya sa Sven na ‘to at alam na alam kong patay na patay pa rin si Sven sa kanya! “Kinda,” sagot n’ya at saka itinuro sa akin ang couch sa gilid ng opisina n’ya. Umupo ako doon at saka pinanood s’yang tumayo para lumapit sa gawi ko. Parang pagod na pagod s’yang umupo sa tapat ko at saka tumingin sa akin. “What brought you here, Siob?” tanong n’ya. Humalukipkip ako at hindi na nag-aksaya ng oras at agad na sinabi ang sadya ko sa kanya. “Jen will not be attending the party in Bukidnon,” simula ko at pinanood kung paano unti-unting kumunot ang noo n’ya at ilang sandaling natahimik bago nakapagsalita ulit. Tumikhim s’ya kaya nakataas ang kilay na sinalubong ko ang titig n’ya. “As if she has a choice,” komento n’ya at saka tumikhim ulit at nag-iwas ng tingin sa akin kaya pinigilan kong mapangisi. “Of course she has a choice,” sambit ko kaya tumingin ulit s’ya sa akin at kumunot ang noo. “I helped her find someone who can attend the party with you,” pagsisinungaling ko. Ilang saglit na tumitig s’ya sa akin bago umayos ng upo at saka niluwagan ang necktie na suot. I bit my lower lip to stop myself from smirking. Sobrang transparent talaga ng lalaking ‘to! “Just… Why the hell did she have to do that? It’s not as if we’re getting back together if we attend that damn party together,” mariing sambit n’ya na kitang-kita sa mukha ang pagpipigil ng iritasyon na nararamdaman. Mas lalo tuloy na naging mahirap para sa akin ang magpigil ng ngisi dahil sa sobrang obvious na hindi n’ya pag sang-ayon sa naging desisyon ni Jen. Tsk! Kunwari pang hindi makikipagbalikan eh galit na galit nga na hindi sasama si Jen! ‘Wag ako, Sven! Wala kang maloloko dito! I crossed my arms and finally decided to lay my cards. When I saw how he massaged the bridge of his nose, I knew how much he was trying to suppress his frustrations. Alam ko rin na hinding-hindi n’ya matatanggihan ang alok ko. “Do you want me to go to that party instead?” sa wakas ay sambit ko. Tumigil s’ya sa ginagawang pagmasahe sa sentido at saka kunot noong tumitig sa akin. “Are you serious, Siob?” tanong n’ya na parang litong-lito at hindi makapaniwala. Sunod-sunod na tumango ako. Tumitig s’ya sa akin at ilang sandali lang ay nanliit ang mga mata at saka umayos ng upo. “And what will you get in return for that favor?” nanliit ang mga matang tanong n’ya na mukhang nakuha na ang gusto kong mangyari. Tuluyan na akong ngumisi at saka hindi na nagpatumpik-tumpik pa at sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari. Namimilog ang mga mata n’ya at hindi makapaniwalang tiningnan ako matapos kong sabihin sa kanya ang balak ko. I will be going to that party instead of him but he will have to convince Liam to go there with me. “Siob, I don’t think that’s possible. Liam wouldn’t agree if he knows that he will be going there with a woman,” umiiling na sabi n’ya at saka tumawa ng nakakaloko. “That bastard started to despise women's guts after his ex-fiancée called their engagement off,” tuloy-tuloy na paliwanag pa n’ya. I crossed my arms and tilted my head. It’s not as if I didn’t know that! “Then don’t tell him that he’s going there with a woman,” I suggested. Nagtatanong ang tingin na sinalubong n’ya ang tingin ko. “What do you mean?” medyo lito pa rin na tanong n’ya. Umayos ako ng upo bago sumagot. “Tell him that you are going there with him instead of Jen,” paliwanag ko. “He’s your friend so he’s aware of your past. He will surely understand,” dagdag ko pa at saka tumitig sa kanya. Umiling s’ya. “Liam will surely kill me if you show up there instead of me,” umiiling na sagot n’ya. “No way, Siob. I’m sorry but I can’t do that–” “Even if I tell you that Jen will possibly take over Liam’s place when he attends that party?” nakataas ang kilay na putol ko sa sinasabi n’ya. “That basically means… You and Jen will work together on that project,” dagdag ko pa at saka kumindat sa kanya. I saw how he slowly swallowed after he heard what I said. “Alone together, Sven. Kayong dalawa lang…” pangungumbinsi ko pa at saka nakangising kinindatan s’ya. Nang hindi s’ya sumagot ay tumayo na ako at saka pinulot ang bag at muling tiningnan s’ya. Tumingin ako sa suot na relo bago ibinalik ang tingin sa kanya. “You will have almost 24 hours to think about what I have said,” sabi ko at saka nagsimulang gumalaw para lumabas na sa opisina n’ya. Nang malapit na ako sa pinto ay muling nilingon ko ulit s’ya. “Nga pala..” sabi ko at saka hinintay s’yang lingunin ako. “I have a lot of upcoming projects with Jen. I can easily transfer those projects to you if you want,” dagdag ko pa at saka tuluyan na s’yang tinalikuran nang makitang napapikit s’ya ng mariin. Ang luwang ng ngisi ko habang palabas sa opisina ni Sven na agad na nawala nang makita kong papasok ulit si Liam sa opisina n’ya. Napatigil din s’ya sa paglalakad papasok nang makita ako. Pero agad ding nagpatuloy sa paglalakad at kunot ang noo na iniwas ang tingin sa akin. Nanliit ang mga mata ko nang maalala ang additional design na sinuggest ko kay Gelo na tinanggihan n’ya dahil lang babae ako! “Wait!” lakas-loob na pigil ko sa kanya. Kitang-kita ko kung paano tumalim ang tingin n’ya sa akin nang makitang palapit ako sa gawi n’ya. “What?” salubong ang mga kilay na tanong n’ya. “Do you usually approach men that easily?” tanong pa n’ya at nag-angat ng tingin sa office ni Sven. “What–” “You just spent some time in a man’s office and then randomly approached me like we are friends,” kunot noong paliwanag n’ya kaya gano’n na lang ang pag-awang ng bibig ko. Aba’t?! Napakarami na kaagad sinabi samantalang hindi pa ko nagsisimula! At isa pa, we are never going to be friends because I don’t want to be friends with someone as hot as you! In short, dyodyowain kita at hindi totropahin lang! “I am close to Sven, for all you know,” nakataas ang kilay na sagot ko. “Isa pa, I have something to discuss with you. I didn’t just approach you randomly,” taas noong dagdag ko pa. Mas lalong kumunot ang noo n’ya at ilang sandaling hindi nakapagsalita. Maya-maya ay tumikhim s’ya at muling hinarap ako. “You need to set an appointment before reaching out to me,” mariing sagot n’ya at saka tuloy-tuloy na naglakad papasok sa opisina n’ya pero mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya. “Stop,” mabilis na pigil n’ya kaya nakataas ang kilay na tiningnan ko s’ya. “I am not going to make any transactions with you unless you stand at least 3 meters away from me,” masungit na sambit n’ya na lalong ikinataas ng mga kilay ko. Anak ka ng nanay mo! Paano namang akong makaka-score sa’yo kung hindi kita malalapitan?! Ngumisi ako nang nakakaloko at saka tuloy-tuloy at hindi nagpapigil sa paglapit sa kanya. Kitang-kita kung paano bahagyang nanlaki ang chinito n’yang mga mata dahil sa ginawa kong paglapit. Tsk! “3 meters my sexy darn ȧss!” mahinang bulong ko at tuloy-tuloy pa rin sa paglapit sa harapan n’ya. I saw how his jaw clenched when I finally stood up in front of him. Halos malanghap ko na ang amoy ng pabango n’ya dahil sa lapit ko sa kanya! Tiningala ko s’ya at matapang na nasalubong ng tingin ang magkasalubong na n’yang mga kilay. “I don’t care about your 3 meters rule o kahit ano pang rules na meron ka,” sambit ko at halos mahigit ko ang hininga nang makita s’yang tumingala at humugot ng malalim na buntong hininga! “And yeah. I am going to set an appointment with you but make sure you won’t decline it unless–” sabi ko at lakas loob na hinawakan ang kwelyo ng polo n’ya. Nakita kong mas lumalim ang paghinga n’ya dahil sa ginawa ko kaya nakangising nagpatuloy ako. “Unless you want me to just barge in here and negotiate with you,” sambit ko at saka pasimpleng hinila ang kwelyo ng polo n’ya kaya naging ilang inches na lang ang layo ng mukha n’ya sa akin. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay n’ya at dinig na dinig ko ang malutong n’yang mura nang sa wakas ay bitawan ko ang polo n’ya at balewalang nagmartsa palayo sa kanya! Kinagat ko ang ibabang labi ko at pasimpleng inangat ang dalawang kamay at dinala sa mukha. “Holyshit! Ang bango! Amoy future boyfriend ko!” impit na mura ko nang makasakay at mapag-isa sa loob ng elevator!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD