Napasinghap ako para pigilan ang maging emosyonal sa harapan nina Kuya. Both of them were looking at me and obviously sympathizing with me. Pero pilit na ngumisi ako para ipakita sa kanila na balewala lang sa akin ang mga sinabi ni Daddy. “I’m okay, guys!” sabi ko sa kanila na pilit na pinasigla ang boses kahit na ang bigat bigat ng dibdib ko at parang konti na lang ay may sasabog na kung ano doon. Nginitian ko silang dalawa at tumalikod na pero agad na napatigil nang maalala ang sinabi ni Daddy na nasa baba si Noah at naghihintay sa akin. Muling humarap ako kay Kuya Simon at ngumisi sa kanya. “Pakisabi kay Noah magbibihis lang ako. I’ll talk to him in a bit,” pilit ang ngiting bilin ko pa bago tuluyang tumalikod at pumasok sa loob ng kwarto ko. Malalim na bumuntonghininga ako nang sa w

