Kakalabas ko lang mula sa shower at kasalukuyan pa lang na nagpapatuyo ng buhok nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko at saka humakbang para pagbuksan ang kung sinong kumakatok. “Sino ‘yan–” “Open this damn door, Siob!” Boses ni Daddy ang narinig kong sumagot sa labas kaya agad na napatigil ako sa gagawin sanang pagbukas ng pinto at saglit na nakiramdam sa kung ano ang meron sa labas ng kwarto ko. “Dad, calm down. It’s late. Just talk to her tomorrow when you’re sober,” boses ni Kuya Simon at Kuya Sixto ang naririnig kong umaawat kay Daddy pero mukhang wala s’yang balak na tumigil sa pagkatok sa pinto ng kwarto ko kay bumuntonghininga ako at saka dahan-dahang pinagbuksan s’ya. Gulat na gulat si Kuya Simon nang mabungaran ako dahil hi

