Hera Isabella Claveria Wala na sa paningin ko si Lolo pero parang tuod na akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Naghalo halo na ang kaba sa dibdib ko dahil biglang na-highblood si Lolo. No! Hindi pwedeng manggulo ang lalaking ‘yon dito! Mabuti at nakisama na ang mga tuhod kong parang bibigay na rin sa tindi ng kabang nararamdaman ko ngayon. Binilisan ko ang kilos kong nagpunta muna sa kwarto ng mga twins. Pagkapasok ko ay nakita ko ang twins na nakabihis na nang pantulog nila. “Mommy!” Halos madapa ang dalawa na mabilis na bumaba sa kama. Naging maligalig naman ang twins nang makita ako. Kapag ganitong oras talaga ay si Yaya muna ang nagbabantay sa kanila at mamaya ay pupuntahan ko na sila kapag alam ko nang matutulog na sila at minsan ay ako pa ang magpapatulog sa kanila. Magu

