Hera Isabella Claveria Agad kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Hindi na dapat ako umiiyak dahil sa lalaking ‘to pero ang hirap pigilan ng emosyon ko. Pero ayaw nang magpaawat ng luha ko. Hindi na ako magpapaniwala pa sa isang Zeus Nicolai Cervantes. Malamang na dinadaan lang nito sa tapang ang lahat. “Please, Lo… Tama na po!” Saway ko sa matanda. Nilingon naman ako ni Lolo at nakita ko napalitan ng pag-aalala ang mukha nito. Kahinaan ni Lolo ang nakikita akong umiiyak. Dati nang bago pa lang kami na magkasama sa mansion ay naging malungkutin ako dahil nga nagluluksa pa ako sa pagkamatay no’n ni Nanay at sa labis na depression na nararamdaman ko. Nang mga panahon na ‘yon ay matamlay rin si Lolo dahil sa akin. “Hija, hayaan mo akong harapin ang hayop na ‘yan!” Sigaw pa r

