Hera Isabella Claveria “Please, patawarin mo na ako, Hera. Napilitan lang talaga ako. Hindi ko kayang hindi mo ako kinakausap.” Natigilan ako sa paglalakad at napilitan nang lingonin ang kaibigan kong si Annie. Napabuga muna ako ng hangin dahil parang ang bigat ng dinadala ko. Hindi lang dahil sa pangungulit ni Annie ngayon, dahil na rin sa nangyari kagabi sa mansion na pinuntahan ako ni Zeus para umakyat daw ng ligaw. “I’m sorry, Hera. Patawarin mo na ako, please. Pinapalipas ko lang ang galit mo. Pero hindi ko na kayang hindi mo ako kinakausap.” Muling sabi ni Annie. Nakagat ko ang ibabang labi nang nakita ang kaibigan kong stress na stress na. “Annie, you’re forgiven… P-pero tsaka na tayo mag-usap. Bukas na lang. Kailangan ko na kasing umuwi ng bahay.” “T-talaga, Hera?” Parang

