Hera Isabella Diamante “Kamusta ang check-up, anak?” Masuyong tanong ni Nanay Choleng nang makauwi ako sa mansion. Alas tres na na hapon nang makarating ako dito. Sinalubong pa ako ni Miguel sa may gate at tinanong kung saan ako galing at sinabi ko naman na nagpa-check up ako. Hindi ko alam kay Miguel at alam na ngang buntis ako pero parang hindi man lang na-turn-off sa akin. Panay pa rin ang malagkit na tingin. Dumeretso ako dito sa kwarto ko at heto nga at nakasalubong ko si Nanay Choleng. “Okay naman po, Nanay, Choleng. Ang sabi po sa akin ng doktora ay bumalik daw po ako para sa monthly check-up.” “Mabuti naman. Sana maging malusog ka habang nagbubuntis. Ingatan mo ang sarili mo simula ngayon, ha?” “Opo, maraming salamat po uli sa pagpayag niyo. Magbibihis na po ako para makapa

