Hera Isabella Diamante Pero bigla ko siyang maitulak at inayos ko ang pagkakatayo nang nakarinig ako ng katok. Kita ko ang gulat sa mukha ni Sir Zeus sa ginawa ko. Pati siya ay nabigla. Binaling ko na ang tignin ko sa pinto na bumukas na. Si Kuya Jun pala ang kumatok at may dalang attache’ case. Mabuti at hindi nito kami nahuli sa hindi kaaya ayang posisyon. “Sir Zeus, heto na po ang bag niyo.” Sambit ni Kuya na parang natitigilan pa kung papasok o hindi nang makita kami na nakatayo pareho. May pagtataka rin ito na pinaglipat lipat pa ang tingin sa aming dalawa ni Sir Zeus. Paano ba naman ay parehong kakaiba ang mga reaction namin at parehong may gulat sa mukha dahil sa bigla nitong pagkatok. “Put that on my table, Kuya Jun.” Maawtoridad na sabi ni Sir Zeus at mukhang nakabalik na si

