Hera Isabella Diamante Kararating ko lang sa kwarto. Napahawak muna ako sa dibdib ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang pintig ng puso ko dahil sa nangyari doon sa office ni Sir Zeus. Ilang sandali akong nag-inhale at exhale bago tinungo ang drawer kung saan ko nilagay ang sukli sa binigay ni Sir Zeus sa akin. Kahit sinabi niyang ‘keep the change’ ay ayokong maging dahilan ang pera upang mag-isip siya ng masama sa akin kaya bahala siya at isosoli ko talaga ‘to. Wala akong envelope. Wala rin naman akong notebook para pumilas ng papel dahil ang mga gamit ko sa school ay hindi ko na dinala pa. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang pera kaya hinawakan ko na lang ‘yon. May mga barya pa nga do’n dahil sa sinukli sa akin ng bumili ako sa cafe’ ng lunch doon sa ospital na pinuntah

