Hera Isabella Diamante Hindi na talaga natapos ang kamalasan ko sa buhay. Nandito ako ngayon at nakatayo na sa harap ng kwarto ni Sir Zeus dahil pinapatawag raw ako. Kaninang sinabi sa akin ‘yon ni Nanay Choleng at iniwan ako do’n sa may likod ng mansion ay hinanda ko na ang sarili sa galit ni Sir Zeus. Kagaya nga ng sinabi ko bago ako pumunta sa office ni Sir Zeus at madatnan ang eksena nila ng fiancée nito ay sasanayin ko na lang ang sarili ko sa galit nito hanggang sa ma-immune ako at hindi na maging affected. Dahil sa ayoko nang patagalin pa ang paghaharap namin ni Sir Zeus ay kumatok na ako. Hinintay ko munang may magsalita sa loob na papasukin ako pero wala naman akong narinig. Iniisip ko tuloy kung nandito pa si Sir. Baka naman lumabas pala. Muli akong kumatok pero wala naman ak

