Hera Isabella Diamante “Nay?” Laking gulat ko nang makita si Nanay sa may hallway nang makalabas ako ng kwarto ko. Nagpahuli na nga ako nang husto ng labas dito sa kwarto ay nagtagpo pa rin ang landas namin ng Nanay ko. Alam ko naman na narito na siya ng mansion matapos ang ilang araw na pinagbakasyon siya ni Nanay Choleng para ilayo sa akin. Kung pwede nga lang na hindi na lang ako lumabas ng kwarto ay ginawa ko na. Kaso bukas pa ang day-off ko. Balak ko rin na umalis bukas at pupuntahan ko si Ninang Riza kaya siguradong hindi mabi-bwisit si Nanay sa presensya ko. Kagabi ay nag-message ako kay Ninang Riza na pupuntahan ko ito. Gusto ko kasing ipaalam dito ang sitwasyon ko. Wala namang nakaka-alam pa ng pagbubuntis ko bukod sa mga tao dito sa mansion. Sigurado rin ako na hindi sinab

