Hera Isabella Diamante
Hanggang sa nakarating na kami sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sir Zeus.
Nang binuksan ni Ate Ellen ang pinto ay bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto. Nilibot ko pa lang ang tingin ay hindi ko alam kung may lilinisan pa ba ako. Malinis naman na ang kwarto.
Ang ganda nga eh. May entertainment showcase dito sa loob. Ang laki ng kama at kahit tingnan ko pa lang ay pakiramdam ko ay ang sarap matulog do’n.
Parang kasya siguro limang tao o higit pa do’n sa kama kama dahil sa lapad no’n. Pwedeng gumulong gulong. Kahit gaano pa siguro malikot matulog si Sir Zeus ay hindi do’n mahuhulog.
“Oh, iwan na muna kita dito, Hera, ah… Punas punas ka lang ng alikabok. Baka may kalat din sa sahig. Check mo na rin ang bathroom baka may nalimot akong linisan nang nakaraang nagpunta ako dito. Punta lang ako sa kusina para mag-check ng mga rekado para mamaya kapag magluluto ako ay kumpleto na.”
“Oo, Ate Ellen. Salamat.”
“Labas ka na lang kapag okay na, ha?”
Ngumiti ako kay Ate Ellen. “Oo, Ate.”
Iniwan na naman ako ni Ate Ellen dito sa loob. Pinagsawa ko muna ang mata sa mga appliances na nakita ko. Sobrang ganda dito sa kwarto.
Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto dito sa mansion. Nakatoka kasi ako sa garden, sa sala, at kung saan saang sulok ng mansion. Pero hindi ko pa nga naakyat itong floor kung nasaan ang kwarto ni Sir Zeus.
Nagpunta pa ako sa nakita kong estante. Nagtitingin ako ng mga gamit do’n. Wala akong nakitang picture man lang ni Sir Zeus para naman magkaroon ako ng idea sa itsura nito. Baka naman kasi bigla ko na lang pala itong makasalubong at hindi ako aware na amo ko na pala ang nakaka-usap ko. Hindi ko man lang alam kung matanda na ba si Sir o hindi.
Pero siguro ay bata pa si Sir Zeus. Kasi wala namang ibang nakatira ditong ibang amo namin. Wala kaming ibang pinagsisilbihan. O baka naman matandang binata si Sir? Pwede din na hiwalay ito sa asawa. Ilang sandali naman ay napagod na ako ng kaka-overthink kung
Hanggang sa magsimula na akong maglinis. Kagaya ng expect ko kanina. Halos wala naman akong makitang kalat. Gamit ko ang feather duster na binigay sa akin ni Ate Ellen ay nagtanggal na lang ako ng maninipis na alikabok sa ibabaw ng estante.
Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nag-stay dito sa loob ng kwarto. Ang sarap ng ambiance dito at payapa lang ang puso ko na malayo kay Nanay. Napa-upo na lang ako sa kama nang mapagod ako kakatayo. Nakaharap ako kung saan nakikita ko ang bintana.
Parang mas na-relax ang katawan ko nang pag-upo ng kama. Ang lambot no’n tipong isang minuto lang siguro akong nakahiga ay aantokin na ako. At para nga akong ginayuma ng kama ni Sir Zeus. Pagkahiga ko pa lang ay napapikit na ako dahil ang linis ng amoy no’n.
Wow! Ang sarap. Sobrang lambot sa likod. Ganito pala ang feeling ng maging mayaman.
Kung anak mayaman lang sana ako ay hindi siguro sobrang stress si Nanay sa akin. Siguro kahit hindi niya ako mahal ay hindi niya ako mapagbubuhatan ng kamay dahil magkakaroon na siya ng time sa sarili niya. Kung hindi niya ako gustong makita ay baka nagta-travel siya. Pero hindi, eh… Dahil hikahos siya sa buhay ay kailangan niyang kumayod. Tapos lagi niya pa akong makikita.
Hindi ko talaga maalis sa isip ang mga negatibong bagay kapag ganitong nag-iisa ako. Bakit ba kasi napakamalas kong bunga ako ng r*pe? Bakit ba kasi hindi nabigyan ng hustisya ang nangyari sa ina ko. Siguro, kung nakakulong ang gumawa ng masama kay Nanay ay may chance na mtanggap niya ako dahil nakuha niya ang justice.
Pinilit ko na lang iwaksi na naman ang sama ng loob ko. I-enjoy ko na lang itong moment sa bed ni Sir Zeus. Sigurado naman na hindi na papasok si Ate Ellen at busy na ‘yon kaya hindi ako mahuhuli.
Nagpatuloy lang sa pagpikit ang mata ko at ninanamnam ang moment. Pero napakunot ako nang tila may narinig na tunog mula sa pinto. Tunog ng pagbukas ng doorknob.
Napadilat ako nang narinig ang tuluyang pagbukas ng pinto sabay sara no’n. Agad akong napabalikwas ng bangon at nilingon kung sino ang pumasok.
“My goodness! Sino siya!?”
Kumabog nang husto ang dibdib ko. Napa-awang ang bibig ko nang magtama ang paningnin namin ng lalaking tila sa telebisyon ko lang nakikita.
Ang gwapo!
“Who are you!” Halos dumagundong ang boses ng lalaki sa loob ng kwarto.
Napakislot ako sa nakitang itsura niya. Hindi ko tuloy maituloy ang papuri ko sa kanya. As in ang gwapo niya. Kung ito man si Sir Zeus ay napaka-gwapo pala ng amo namin.
Pero nakakatakot ang nakikita kong galit sa mukha niya ngayon.
“S-sir… Uhhmm… K-kasambahay po ako dito.” Malakas na sabi ko sabay tayo sa kama.
Hindi ko kayang tingnan ang galit na mukha ng lalaki kaya napayuko ako. Nabaling tuloy ang tingin ko sa kama. Nakagat ko ang ibabang labi nang nakita na bahagyang nalukot ang bedsheet dahil nga hinigaan ko ‘yon.
Mabilis tuloy akong yumukod para pagpagan at maayos man lang ang pagkakalukot ng besdsheet.
Pagkatapos ay yumukod akong nakatayo. Nangangatog tuloy ang tuhod ko ngayon sa labis na kaba.
“Who gave to the permission to rest on my bed?” Tanong ni Sir na narinig ko na ang yabag habang mataas pa rin ang tono ng galit na boses nito.
Napalunok muna ako bago nag-angat ng tingin. Nang pagbaling ko ng ulo ko ay nakita ko nang malapit na ang distansya ni Sir sa kama. Mas lalong lumilinaw ang itsura niya sa paningin ko. Mas lalo akong parang hindi makapaniwala na ito ang amo namin.
“Ahhm, S-sir, pasen—”
“Answer my f*cking question, woman! Sinong nagsabi na pwede kang mahiga sa kama ko!?” Sigaw ni Sir Zeus.
Parang bigla akong maiiyak sa takot. Pero mas lamang ang takot ko kay Nanay. Kapag malaman niya na galit ang amo namin na baka ikapahamak ng trabaho namin dito ay baka mapatay na niya ako. Baka sabihin niya na pahamak lang ako sa buhay niya.
“Sir, wala po. Pasensya na po!” Nanginginig ang boses ko. Mabuti ay lumabas pa ang salita sa bibig ko.
“Ang ayoko sa lahat, mga babaeng pakialamera. Social climber na kagaya mo! Get out of my room!”
“Sir?”
Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa lalaki. Pakielamera? Social climber? Dahil lang sa humiga ako sa kama niya?
Sabihin na natin na pakielamera nga dahil walang akong paalam na humiga sa kama. Pero social climber talaga? Hindi ko naman yata matanggap na gano’n ang itatawag sa akin dahil hindi niya naman ako kilala. Hindi naman ako gano’n klaseng babae.
“Are you deaf!? Get out of my room! Now!”