3

2599 Words
Hera Isabella Diamante “Hera, anong nangyari!?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Ate Ellen. Hindi ko kasi napigilan at umiiyak ako ngayon. Dito ako sa kusina dumeretso matapos paalisin ni Sir Zeus sa kwarto nito. Alam ko naman na si Ate Ellen lang ang narito. Si Nanay ay malamang na busy sa mga lalabhan nito bukas. Si Nanay Choleng naman ay busy na rin na naglilibot sa buong mansion. Mabuti at nang paglabas ng kwarto hanggang makarating dito sa kusina ay walang nakakita sa akin dahil doon pa lang sa hallway ay tumutulo na ang luha ko. “Ate Ellen, si Sir Zeus pinagalitan ako!” Puno ang pisngi ko ng luha habang nagsusumbong. “Si Sir Zeus!? H-ha? Naku! Ayan na nga ba ang iniisip ko. May mga oras kasi na hindi ‘yon nagsasabi sa amin! Dumating na siya!?” Mas triple yata ang pag-aalala ni Ate Ellen sa akin at nakagat pa nito ang mga daliri. “Ate Ellen… Baka magsumbong siya kay Nanay. Natatakot ako!” sambit ko na nakahawak pa sa dibdib at matapos ay pinunasan ang pisngi ko na basa ng luha. Baka mauna pa akong palayasin ni Nanay kung sakali. Katakot takot na mura na naman ang aabutin ko at baka sabunutan at sampal-sampalin pa ako. “Ano ba ang ginawa mo? Bakit ka pinagalitan!?” Nakagat ko ang ibabang labi. Baka pati si Ate Ellen ay ma-disappoint. Ang utos niya sa akin ay maglinis ng kwarto pero nangialam pa ako at nahiga do’n sa kama. Hindi naman pala type ni Sir Zeus ang gano’n. Sabagay, sino ba namang amo ang gugustohin ang utusan niya na na feeling amo lang at nahihiga pa sa kama niya. “S-sorry, ate Ellen! Nahuli niya kasi akong nakahiga sa kama niya. Galit na galit siya sa akin.” Muli na naman na tumulo ang luha ko. Nakita ko si Ate Ellen na napasapo sa noo nito. Mas lalo akong na-guilty dahil problemado na ang babae. “Naku! Bad mood siguro si Sir Zeus.” Napahilamos na naman si Ate Ellen sa mukha niya. “Paano ‘yan?” “Ate?” Tanong ko habang umiiyak pa rin. Hindi ko rin naman alam ang gagawin. Kaya nga siya ang nilapitan ko dahil sila ang mas nakakakilala sa amo namin at matagal na silang naninilbihan dito tapos ay tatanongin ako ng paano. “Sige, ganito na lang. Tumigil ka na sa pag-iyak, Hera. Gawin mo na lang muna ang trabaho mo. ‘Wag ka na lang munang magpapakita sa boss natin, okay? Tahan na.” bahagyang kumalma ang boses ni Ate Ellen. Nakikita kong naawa siya sa akin. Siguro ay dahil quota na siyang nakikita na lagi akong sinisigawan ng nanay ko kaya gano’n. Kinuhanan pa ako ni Ate Ellen ng tubig. Doon lang din ako kumalma na nang nilapitan niya ako at hinimas sa likod. Parang batang kapatid din ang tingin niya sa akin. Gano’n ang treatment niya sa akin kahit bago pa lang kaming nagkakasama dito sa mansion. Ilang sandali lang ay iniwanan na ako ni Ate Ellen na mag-isa sa kusina. Hindi pa rin ako mapakali hangga’t alam ko na ano mang sandali ay pwedeng malaman ni Nanay ang nangyari. Pero pinilit kong kumilos dahil binabayaran ako para magtrabaho. Nag-stay ako sa kusina. Mukhang may mga kinalkal na gamit si Ate Ellen at hindi na nito tuluyang nailigpit dahil sa pagdating ko kaya ako na ang nagkusang mag-ayos ng mga ‘yon. May nakita rin akong mga kasangkapan na hindi pa nahugasan kaya dinala ko ‘yon sa sink para linisan. “Oh, Hera, nandito ka pala?” Bigla akong napakislot nang may nagsalita sa likod. Ang isang tauhan dito sa mansion, ang boy na si Kuya Miguel. Kaloka. Dahil sa pagkalutang ko ay hindi ko na pala napansin ang paglapit ni Kuya Miguel sa akin. “Tinatanong ka sa akin ni Nanay Choleng nang nakasalubong ko papunta dito.” Bigla akong kinabahan nang narinig ‘yon. “Hala! Lagot! Baka tatanggalin na ako ni Sir Zeus!” “Mabuti pa ay puntahan mo siya pagkatapos mo d’yan.” sambit ni Kuya Miguel na bigla ko tuloy napansin ang malagkit na tingin sa akin. Napalunok ako dahil ang lapit niya pala sa akin. Halos magdikit na ang mga katawan namin. Hanggang sa napansin ko na sa ibang parte na ng mukha ko siya nakatingin — sa labi ko. Nakaramdam tuloy ako nang pag-iinit ng mukha. Hindi ako sanay na may lalaki na napapatingin sa akin nang ganitong kalapit. Kahit dati pang nag-aaral ako ay iwas ako sa mga lalaki. Siguro dahil r*pe victim si Nanay kaya maagang pinamulat sa akin ni Ninang Riza na maging maingat sa mga lalaki para hindi magaya sa sinapit ng ina ko. Kaya nga sa edad kong eighteen ay hindi ako nag-bo-boyfriend. Oo, nagkaroon ako ng mga crush pero sinisiguro kong hanggang doon lang. “Migs!” Malakas na tawag na nagpalingon kay Miguel sa likod. Boses ‘yon ni Ate Ellen. Doon lang ako nakahinga nang maayos na hindi na ako nasolo ni Kuya Migs dito sa may sink. Para kasing sa itsura nito kanina ay gusto na ako nitong halikan. First time ko pa nga lang itong nakita nang bagong salta ako dito sa mansion ay nagpakita na ito ng motibo. Ilang beses na nagdidilig ako sa garden ay nilapitan din ako nito at tungkol naman sa lovelife ko ang tanong. Pinaparamdam ko naman dito na mailap ako pero madalas pa rin itong lapit ng lapit sa akin. “Ellen!” Sambit ni Kuya Migs na humiwalay na sa katawan ko. “Sinasabihan ko lang itong si Hera na hinahanap siya ni Nanay Choleng.” Muli naman akong humarap sa hinuhugasan ko at naramdaman ko na lang na umalis si Kuya Miguel sa kinatatayuan niya. “Ako na ang magsasabi kay Hera… Ikaw talaga! Sinabihan kitang ‘wag aaligid sa bata.’ Masungit na sabi ni Ate Ellen. Umalis din naman agad si Kuya Miguel dito sa kusina. Nilapitan naman ako ni Ate Ellen habang sakto na binabanlawan na lang ang hinuhugasan ko. “Ate? Hinahanap daw ako ni Nanay Choleng?” Kinakabahan na tanong ko nang hinarap ko ang babae. “Oo. Kasi nagsumbong si Sir Zeus na nangingialam ka raw sa kwarto niya!” Nakagat ko ang labi ko. “A-anong…” Hindi ko naman maituloy ang itatanong ko dahil lumukob na naman ang labis na kaba sa dibdib ko. “’Wag ka na masyadong mag-alala. Hindi naman daw sasabog sa galit si Sir Zeus nang kausap ni Nanay Choleng. Pero sinabihan daw si Nanay Choleng na pagalitan ka raw dahil nangingialam ka.” Parang napapahiya naman ako sa sarili ko habang sinasabi ‘yon ni Ate Ellen sa akin. “Nahihiya ako, Ate. Tsaka, sinabi ba ni Nanay Choleng sa nanay ko?” “Tsk! Noh ka ba… syempre hindi, noh! Baby ka namin dito kaya protektado ka. Kilala namin ang nanay mo at baka pagbuhatan ka pa ng kamay kapag nalaman na nagalit si Sir Zeus sa’yo.” Tinapik ako ni Ate Ellen sa balikat. Medyo nabawasan ang worry ko dahil hindi naman pala alam pa ni Nanay. “Eh, Ate Ellen. Natatakot pa rin ako kay Sir Zeus. Baka pag-initan ako.” “Naku, hindi naman siguro.” sagot ni Ate. “Pero, grabe ang sigaw niya sa akin kanina. Para namang daig ko pa ang magnanakaw sa kasalanan ko.” “Bad mood lang siguro. Hindi naman gano’n kasungit ‘yon. Pero ‘pag nagsusungit nga ‘yon ay nakakatakot. ‘Wag kang mag-alala. Busy naman si Sir Zeus at hindi naman laging narito sa mansion ‘yon. May mga panahon na nasa hacienda siya.” Na-curious naman ako bigla tungkol sa amo ko. Parang ngayon ay napi-picture ko pa ang mukha nito sa utak ko. “Napakayaman pala ni Sir Zeus, noh? May hacienda pa siya?” “Mayaman pero malungkot.” sambit naman ni Ate Ellen na ikinunot ng noo ko. “Bakit, Ate?” Kinawag naman ni Ate Ellen ang kamay at halatang walang balak na magkwento tungkol sa amo namin. “Naku, family problem. Pero ‘wag na natin na pag-kwentohan dahil baka may makarinig sa atin at sabihin na oras ng trabaho ay puro tayo tsismisan.” Tumango na lang ako. Naglakad na rin si Ate Ellen papunta sa lalagyan ng baso at nauuhaw pala ito. Nang papunta siya sa may ref para kumuha ng maiinom ay doon na muli akong nagtanong. “Wala bang asawa si Sir, Ate Ellen? Oh kaya naman girlfriend?” Pasimpleng tanong ko. Tumingin naman sa akin si Ate at halatang may panunukso sa ngiti niya. “Uyy… Ang gwapo ni Sir Z ‘di ba? Nagwapohan ka din ba sa kanya?” Naramdaman ko na tila umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Nag-init ang pisngi ko. “’Wag kang mag-alala. Crush ng bayan talaga si Sir Zeus. Hindi mo kailangan na mahiya sa akin. May dalawa pang kaibigan ‘yon. Si Sir Jarred at Sir Nathaniel. Ang ga-gwapo din. Kaso bihira lang mapunta dito, eh.” Pagkasabi ni Ate Ellen ay tuluyan na siyang uminom ng tubig. Nag-iwas na lang ako ng tingin kay Ate para hindi na niya ako tuksohin. Hindi ko na lang tuloy tinanong uli kung may asawa na ba o girlfriend si Sir Zeus. Baka magtaka ito kung bakit ako interesado. Ilang sandali lang ay hindi ko naman alam kung lalabas na ako ng kusina o hindi na. Sa huli ay nagpasya akong magtrabaho ng normal kong ginagawa sa mansion sa maghapon. Laking pasalamat ko dahil lumipas ang araw na hindi nalaman ni Nanay ang tungkol sa nangyari. Si Nanay Choleng ay pinagsabihan na lang ako at pinag-ingat sa trabaho. *** “Oo, sige na. Magpapaalam ako bukas kay Nanay. Tutal naman ay magkukulong lang ako sa kwarto maghapon. Dadalawin ko na rin si Ninang Riza. Sobrang nami-miss ko na siya.” sambit ko sa kausap ko sa cellphone. “Siya, sige. Sinabi mo ‘yan, ha? See you tomorrow. Hanggang gabi tayo, ha?” “Bahala na, Anna… Baka hindi ako payagan ni Nanay na gabihin at may trabaho pa ako kinabukasan… Sige na… Baka mahuli pa niya ako na nakikipag-usap lang sa cellphone.” Nagpaalam na ako sa kaibigan ko at binaba ang tawag para makapunta na ako sa kusina dahil kagagaling ko lang sa guestroon at naglinis doon. Baka may lilinisan sa kusina kaya doon naman ako. Nilagay ko muli ang cellphone sa bulsa ko. Napangiti ako matapos dahil sa wakas ay tinawagan rin ako ni Anna. Simula nang napunta ako dito sa mansion ay nawalan na ako ng balita dito. Bestfriend ko si Anna, mula highschool ay kaibigan ko na ito. Kagaya ko ay medyo salat din ito sa buhay. Ang kaibahan nga lang namin ay mahal ito ng nanay nito. Kaya pala hindi siya nagparamdam ng matagal sa akin si Anna ay kagaya ko ay huminto na rin ito ng pag-aaral. Nalungkot ako sa kaibigan ko dahil pareho kami ng sitwasyon ngayon. Pareho namin na gustong makatapos ng pag-aaral pero ngayon ay tila pangarap na lang ‘yon. Ang masaklap dito kay Anna ay na-stroke pala ang nanay nito. Kinailangan nito ng pera at ngayon ay nagtatrabaho na raw ito sa beerhouse. Kaya pupuntahan ko siya bukas dahil day-off ko naman. Ngayon ay si Ate Ellen ang naka-day-off at umalis ito ngayon para gumala. Pagkatapos naman ng day-off ko bukas ay si Nanay naman ang may day-off at susunod naman si Nanay Choleng na magde-day-off. Hindi kami pwedeng magsabay sabay ng pahinga dahil apat lang naman kaming kasambahay dito. Hindi rin naman na kailangan pang magdagdag ng kasambahay dahil isang amo lang ang pinagsisilbihan namin at madalas pa nga na wala dito sa mansion nito. Ang problema ko lang ay kung papayag si Nanay na aalis ako bukas. Siguro naman ay oo. Tutal ayaw naman nitong madalas nakikita ang mukha ko. Ito nga no’ng nakaraan ay umalis dito ng mansion at hindi ko naman alam kung saan ito nagpunta. Isa pa ay hindi naman ako hihingi ng pera kay Nanay. May tira pa sa pera na binigay sa akin ni Ninang Riza nang nagpunta ako dito. Buti pa nga si Ninang ay binibigyan ako ng pera. Pero si Nanay ay ni kusing ay hindi ako binibigyan ng allowance. Kung meron man itong binigay ay sapat naman para makakain ako. In fairness naman din kay Nanay ay kahit paano ay hindi ako nito papatayin sa gutom. ‘Yun nga lang ay wala talaga siyang balak na pag-aralin ako kung hindi pa nag-offer si Ninang Riza sa akin nang bata pa ako. Gusto siguro ni Nanay na magaya ako sa kanya na hindi nakatapos ng pag-aaral. “Hera! Ikaw na ang magdala nito sa office ni sir Zeus.” Nagulat ako nang nakasalubong ko si Nanay Choleng nang papasok ako sa kusina habang ito naman ay palabas habang hawak ang isang tray na may dalawang tasa ng kapeng umuusok pa. Natigilan naman ako sa utos ni Nanay Choleng sa akin. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari na nahuli ako ni Sir Zeus sa kwarto nito. Simula no’n ay mas naging maingat ako sa pagtatrabaho dito sa mansion. Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi ko naman na-encounter pa si Sir Zeus. Pero ewan ko ba, habang nagtatrabaho ako ay feeling ko na naging malikot ang mata ko at laging nakamasid sa paligid at baka isang beses ay makasalubong ko si Sir Zeus. Hindi ko pa rin makalimutan ang itsura ng lalaki. Parang minsan na pumipikit ako ay nakikita ko pa siya na nagpa-flash sa utak ko. Kaya ngayon, bigla akong kinabahan na ako pa talaga ang inuutusan ng Mayordoma namin. Pero kilala ko naman si Nanay Choleng, hindi naman ako nito ipapahamak. Ipinagpapasalamat ko na lang na never ako sinumbong ng mayordoma namin kay Nanay. Hindi na nalaman pa ni Nanay ang nangyari. “’Wag kang mag-alala. Nakalimutan na naman siguro no’n ‘yung nangyari no’ng nakaraang araw. Mabuti nang napapansin ka ni Sir Zeus dito sa mansion. Magsipag ka para bumait sa’yo ‘yung tao.” Nakangiting sabi ni Nanay Choleng. Ngumiti na rin ako kay Nanay Choleng at hinawakan ang tray. “Sige po, Nanay Choleng.” “Siya, sige, anak… Bumalik ka dito at may sasabihin ako sa’yo tungkol kay Ellen.” Tumango ako at tumalikod na bitbit ang tray. Ayaw paawat ng kaba ko nang nagsimulang maglakad. Mabuti na lang at nang nasa tapat na ako ng opisina ni Sir Zeus ay nabawasan na ang kaba ko May nauliningan akong tawanan sa loob ng office ni Sir Zeus. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Narinig ko naman ang boses na nagpabilis pa ng t***k ng puso ko ‘come in’ daw. Hinawakan ko ang doorknob at marahan na pinihit ‘yon. Mas narinig ko ang malakas na tawanan. “Oh, come on, Z, h’wag kang magsalita ng tapos, you might end up eating your words.” Narinig kong sambit ng isang lalaki at alam kong hindi ‘yon si Sir Zeus. “I’m not like you and Jarred.” Biglang sambit ng pamilyar na boses. Alam kong si Sir Zeus ‘yon. Kahit isang beses ko pa lang na narinig ang boses nito kaya bigla akong natigilan na tuluyang buksan ang pinto nang maluwag. Boses pa lang ng amo ko ay may kakayahan ng ibahin ang tahip ng dibdib ko. “I’ll never f*ck a teen. Hindi ako papatol sa batang iyakin!” Mas lalo akong natigilan mula sa narinig sa bibig ng boss ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD