Slight SPG Hera Isabella Claveria Naningkit ang mata ko. Maraming lugar pwedeng mag-usap pero bakit dito pa? Masyadong halata ang Zeus na ‘to at akala niya yata ay hindi ko narinig ang sinabi niya na kulang ako sa dilig. Pero hindi ako umimik dahil binuksan na ni Zeus ang bintana ng sasakyan at kinausap ang hotel attendant na humarang sa kotse namin. “Welcome to Hotel Sogo, Sir.” Bati agad kay Zeus ng attendant na yumukod pa. Hindi ko na masyadong inintindi ang pag-uusap ng dalawa. Bigla akong napayakap sa sarili ko at kanina pa ako nilalamig dito sa kotse. Meron akong cardigan pero nasa kotse ko ‘yon. Kung bakit pa kasi hindi ko sinuot pa ‘yon nang nagbyahe na kami ng bodyguard ko. Nakaka-stress na hindi man lang ako makapagsumbong kay Lolo na kinuha ako ni Zeus ng sapilitan. Naii

