Hera Isabella Claveria Kakaiba ang nararamdaman ko nang makita ko si Zeus. Magkahalong kaba dahil sa mukhang maghahamon ito ng away. Pero natitigilan ako. Ngayon na nakikita ko ang fiance’ ko ay ramdam ko ang pagka-miss sa kanya. Pero nabibwisit rin ako at the same time. Naguguluhan ako sa halo halong nararamdaman ko. Parang hinahalukay na rin ang bituka ko. Napahawak ako sa noo ko. Parang ngayon pa lang ay nahihilo na ako. “Who is he, Hera. Tito mo ba siya o kamag-anak?” Biglang narinig kong tanong tanong ni Marky. Napatingin naman ako kay Marky at umiling. “N-no… H-hindi ko siya kamag-anak.” Hinatak ko ang kamay kong mahigpit ang hawak ni Marky. “K-kapitbahay namin siya.” Kinakabahan na sabi ko. Sandali kong binaling sa bodyguard ko ang tingin. May pagbabanta sa mata kong ‘wag na

